"Ayan tapos na. Meron pa ba?" kunot noong tanong ni Shannon. Muli siyang tumingin sa wall clock na nasa itaas ng TV. Halos dalawang oras na silang nag-aayos ng relationship rules na iyon pero ang dami pang ipinadagdag doon ni Caydhen na parang wala ng katapusan sa kakapasok ng idea sa isip nito ang kung sinong hindi niya nakikita. "Wala na. Sige pirmahan mo na iyan," utos na nito. Agad niya naman iyong sinunod. Masyado ng gabi kaya gusto na niyang magpahinga. Pagka-pirma sa papel ay iniabot na niya iyon sa binata. "Ayan na po boss." Nang mahawakan nito ang papel ngingisi-ngisi nitong pinirmahan din iyon at tsaka isinilid sa bulsa ng pantalon. "Wala ka na bang sasabihin? Gusto ko na kasing magpahinga." Humihikab niyang tanong. Pakiramdam nita ay naubos ang lakas niya ng araw na iyon. A

