"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh..." Kahit naramdaman ni Caydhen na may umupo sa tabi niya ay hindi man lang siya nag-angat ng tingin para tingnan ito. Itinuloy niya lang ang pagpapaikot ng kamay niya sa bibig ng basong nasa harap niya. Kanina pa niya iyon ginagawa habang nag-iisip tungkol sa nangyari. "What's with the face huh? May nangyari ba sa Black Empire?" Zygfryd asked habang nakakunot ang noo. Doon na siya nag-angat ng tingin. Tinitigan niya ang kapatid. Wala siyang maapuhap na isasagot dito. He didn't know what exactly is happening to him. Basta nang malaman niya na may ka date si Shannon ay nagkaganoon na siya. Shannon chooses someone over him. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip niya na parang sirang plaka. Pagkatapos umorder ng inumin ni Zygfryd sa bartender na nasa

