Parang may mga bubuyog sa paligid ni Shannon habang naglalakad siya papunta sa kaniyang cubicle. Siya parin ang topic ng mga katrabaho niya. Halatang hindi parin nakaka-move on ang mga ito sa mga regalong natanggap niya noong isang araw. It's not her fault kung nakabihag siya ng mayamang manliligaw. Ehem... Hindi na pala manliligaw dahil sinagot na niya ito kaya in a relationship na sila. "Sino kaya ang mayamang manliligaw ng bruhang ito?" "Baka naman MMMM? Matandang mayamang madaling mamatay. Hihihi." "DOM? My gosh." Pagkatapat niya sa tatlong bubuyog na katrabaho ay tinaasan niya ang mga ito ng kilay. Palibhasa mga single kaya ang bi-bitter. Tumahimik naman ang tatlo at nagsiayos ng upo sa kani-kaniyang mga pwesto kaya dumiretso na siya sa cubicle niya. Doon ay tumambad sa kaniya ang

