"Oooonnee oooff theee caaaat raaan aaafteeer theee moousee!" Sabay-sabay na basa ng mga bata sa sentence na itinuturo ng teacher gamit ang isang silver pointing stick. Sa tuwing matatapos ang pagbabasa ng mga bata ay susundan nito 'yon ng masayang palakpak, at susunod din ang mga bata. Isang malaking achievement para sa mga pre-schooler ang makapagbasa ng isang buong sentence, kaya naman, bibigyan ni teacher ng reward ang mga ito. Lumabas ang mahiwagang pantatak. Nagmamadaling inihanda ng mga bata ang kamay. Lahat excited na makatanggap ng star galing kay teacher. Inilabas ni Maimin ang kamay n'ya, kumikinang ang mga mata n'ya habang hinihintay ang paglapit sa kan'ya ni teacher Sally. Nakangiting lumapit ito sa kanya, kinuha ang kamay n'ya, at tinatakan ang likod no'n. "Woow!" Iti

