bc

Cloud Angel

book_age18+
64
FOLLOW
1K
READ
murder
others
HE
tragedy
comedy
sweet
mystery
secrets
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Angel- Nilalang na nakatira sa langit na may kanya kanyang gawain para mapangalagaan ang mga tao.

Tao- Nilalang na makukulit. Minsan may sense pero mas madalas baliko mag-isip. (Tamaan wag magalit)

Sundo- Death god. Asarin mo siya kung gusto mo, pero syempre buhay mo ang kapalit! Ano dare ka pa?

Magkakaibang nilalang na ginawa ng 'He who is everywhere' or Diyos kung tawagin. Pero ano na lang ang mangyayari kung ang isa sa kakaiba ay maging tao? Makakaya kaya niyang mamuhay ng normal?

chap-preview
Free preview
#00 Wandering
Atlantis. Bermuda Triangle. Ghost Ships. Aliens. Multi universe or alternate realities. Angels... Demons. Ilan lamang ito sa mga bagay na hanggang ngayon ay hati pa rin ang paniniwala ng mga tao. May nagsasabing totoo ang mga ito at mayroon namang kailangan muna ng sandamakmak na ebidensiya bago maniwala. Minsan pa nga kahit nasa harap na nila, kukumbinsihin pa rin nila ang sarili na hindi totoo ang kanilang nakikita. Hindi naman masamang maniwala sa mga bagay na imposible. Minsan pa nga, ang mga inaakala mong imposible ay totoo palang nag-e-exist dito sa mundo at isinasara lang natin ang ating isipan dahil ang gusto lang nating paniwalaan ay iyong mga bagay na nakikita at alam lang natin. 'Fear of the unknown' ika nga. Kaya lang oras na paniwalaan mo ang mga bagay na mahirap ipaliwanag, dapat alam mo rin ang konsikwensiya kadikit ng mga ito. Halimbawa: Bigla na lang nagpakita sa harapan mo ang Atlantis habang nagbabakasyon ka at palutang-lutang sa dagat. Ngayon, ipinaalam mo ito sa mga kakilala mo pero hindi sila naniwala. Siyempre ipagpipilitan mo na totoo ang nakita mo—pero ang masaklap, nabansagan kang 'nababaliw'. Magkagayunman, alam mo sa sarili mo na totoo iyon at nakita mo nga ang Atlantis. Kaya lang sa paglipas ng panahon unti-unti ka ring magdududa sa paniniwala mo sa sarili mo. Baka isang araw nga isipin mo na isang panaginip lang ang lahat—na bunga lang iyon nang malikot mong imahinasyon. Pero... Wala namang masama kung maniniwala ka na totoo ang nakita mo hindi ba? Wala ring masama kung umasa kang makita uli ang nakita mo noon. At darating ang panahon na may maniniwala rin sa 'yo, at sasabihing totoo ang lahat ng sinasabi mo. Minsan iniisip ko, posible kayang makakita ako ng bagay na imposible? Kung makakita man ako, sino-sino ang mga taong maniniwala sa akin? Iyong bang hindi ako sasabihan ng 'nababaliw ka na, have a break, have a Tik-Tak' at makikinig sa mga sasabihin ko kahit ga'no pa hindi makatotohanang pakinggan. Pero naisip ko rin... paano kung ang imposibleng bagay na ito ay hindi maaaring ipagsabi kahit kanino at kailangang maging malaking sikreto? Kaya ko kayang itago ito—maling tanong—hanggang saan ang makakaya ko para itago sa iba ang sikretong ito? Pa'no nga kaya... ...kung ang imposibleng bagay na ito na inakala kong imposibleng mag exist... ay nakatakda nang manggulo sa tahimik kong mundo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.7K
bc

A Billionaire In Disguise

read
667.9K
bc

Womanizer LAWYER ( Tagalog )

read
378.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook