Tiningnan ko ang dahan-dahang pagbaba ni Aryl sa lupa. Namangha ako nang lumapag siya sa ibabaw ng puno at namalagi roon ng ilang Segundo bago tuluyang lumipad palayo at nawala.
"Nakita nyo ba? Ang galing 'di ba? Kailan kaya tayo mabibigyan ng misyon at makakababa rin sa lupa?" sunud-sunod na tanong ko kay Koverene ng may tuwa sa mukha.
Lumipad ang sinasakyang ulap ni Koverene palapit sa 'kin. "Sigurado ka Maimin? Gusto mo talagang bumaba sa lupa?" manghang tanong nito.
"Oo naman! Gusto kong makita kung anong ginagawa ng mga tao!"
"Ang sabi ng mga nanggaling na roon mahihirapan daw mamuhay ang mga gaya nating Cloud Angel sa lupa. Hindi gaya rito sa Celestial Palace na nakukuha natin ang lahat ng gusto natin, sa lupa kailangan mong paghirapan ang lahat."
"Pero bakit naman? Marami bang halimaw doon?"
Umiling si Koverene. "Hindi ko rin alam."
"Ah basta! Kahit anong mangyari gusto ko pa ring bumaba roon!"
"Bahala ka na nga."
Tinawanan ko na lang siya at huminga nang malalim.
Ang mga Cloud Angels ay isang uri ng anghel na nagbabantay sa mga sagradong bagay na may kinalaman sa mga tao. Isa na rito ang pagtatago sa aklat ng buhay at record ng mga tao.
Kumpara sa mga Seraphim na makapangyarihan at superior, mababa lang ang antas namin. Pero h'wag nyong maliitin ang mga Cherubim marami kaming kayang gawin!
Kami ang kadalasang humahawak ng mga bagay na may kinalaman sa mga tao. Halimbawa na ang kanilang mga mahahalagang alaala, kami rin ang taga report kung may mga nangyayaring kakaiba sa mga ito.
Mayroon lang kaming isang pagkakataon para makalapag sa lupa at nangyayari lang ito kapag binigyan na kami ng misyon na kailangan naming kumpletuhin. Isang malaking sikreto ang misyon na ibinibigay sa bawat isa sa amin at dapat walang makaalam nito dahil kung hindi, siguradong bigo na ang misyon.
"Haay... Gusto ko mang bumaba hindi pwede." Tinanaw ko ang malawak na lupain sa ibaba. "Sigurado pagagalitan ako ni Lolo Superior."
May mga taong nakakakita sa 'min at sila 'yong tinatawag na espesyal. At mahigpit na ipinagbabawal ni Lolo Superior na makipag lapit kami sa mga taong 'yon dahil delikado. May mga tao kasing marunong gumamit ng mahika at maaari nila kaming hulihin kung gugustuhin nila. Ang sabi pa ni Lolo kapag nakakita raw ako ng isa, ang dapat ko lang gawin ay takasan ang mga ito.
Humiga ako ng patihaya sa ulap ko sabay hinga nang malalim. "Nakakainip naman. Ano kayang magandang gawin ngayong araw? Hmmmm... Ah alam ko na!"
Tinungo ko ang Cerius. Isang mataas na templo kung saan namin inilalagay ang mga nakolektang alaala ng mga tao. Para itong isang malaking silid aklatan, nga lang hindi aklat ang nakalagay sa mga estante kundi mga bolang Kristal. Nakasilid ang mga alaala sa bolang Kristal at oras na mabasag ang mga ito ay tuluyan na iyong maglalaho at maaapektuhan din ang taong konektado sa alaalang iyon. Pwedeng tuluyan nang maalis ang alaala ng namatay sa alaala ng taong nabubuhay pa.
Lilipad na sana ako paitaas nang mapansin kong umiilaw ang isang bola hindi kalayuan sa estanteng tinitingnan ko.
"Whoa! Anong meron?" Kinuha ko ang Kristal sa lagayan nito at tiningnan 'yon. Umiilaw ito at nagkakagulo ang mga alaala sa loob. Tila ba gustong kumawala. "Anong nangyayari sa 'yo?"
"Maimin."
Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at agad akong yumukod nang makita ko si Lolo Superior na papalapit sa puwesto ko. Mahaba ang puting buhok nito at maganda ang tindig. Hindi ko alam kung bakit tinatawag siyang Lolo, e hindi naman siya matanda.
Kung ihahambing ang edad ni Lolo Superior sa edad ng mga taga lupa, mukha lang siyang nasa tatlumpung taong gulang pero alam kong higit sa limang daang taon na ang tanda niya.
"Lolo Superior!"
"Mukhang may problema hija."
"Lolo, nakita kong nagliliwanag 'tong bolang Kristal na 'to. Hindi ko po alam kung anong nangyayari pero sa palagay ko may hindi magandang nangyari sa taong konektado sa mga alaalang nakapaloob dito."
Natigilan si Lolo, pagkuwa'y kinuha niya sa 'kin ang kristal. Kunot ang noong pinagmasdan niya ito at base sa itsura niya mukhang may problema nga.
Ngumiti si Lolo. "Tama ka hija. Naaksidente ang taong konektado sa alaalang ito. Nakakalungkot sabihin na nawala ang ilang alaala ng taong iyon dahil sa nangyari."
"Masama po ba 'yon?" tanong ko.
"Ang alaala ay isang napaka importanteng bagay para sa mga tao, Maimin. Ito ang bumubuo ng buong pagkatao nila. Mabura lang kahit isang maliit na detalye ng hindi sinasadya magiging malaki ang magiging pagbabago no'n sa buhay nila."
"E, paano po kapag gusto na nilang kalimutan talaga ang alaala?"
Tinapik ni lolo ang balikat ko. "Hindi kailanman nakakalimutan ang alaala hija. Minsan akala ng isang tao na nalimutan niya na ito pero sa isang lugar sa kanyang isip naroroon pa rin 'yon. Kaya may mga bagay man na gusto na nilang kalimutan, hindi nila magawa."
Tumango-tango ako. "Gano'n po pala."
"Kaya naman dahil dito Maimin, bibigyan kita ng isang sikretong misyon."
Pakiramdam ko lumaki ang tenga ko sa narinig kong sinabi ni Lolo Superior. Misyon? "Tama po ba ang pagkakarinig ko? Bibigyan niyo ako ng sikretong misyon?"
Nakangiting tumango si Lolo. "Bata ka pa. Hindi pa mahina ang pandinig mo."
"Ibig sabihin makakababa ako sa lupa?"
"Ikaw talagang bata ka. Imbes na itanong mo sa 'kin kung anong misyon ang gagawin mo, mas inuna mo pang siguruhin na makakababa ka sa lupa."
"Hehe! Excited lang po kasi ako. Pero ano nga po pala 'yong misyon?"
✴✴✴
Tatlong babae ang narinig kong nag-uusap sa tagong bahagi ng gymnasium. Mukhang importante ang pinag uusapan nila kaya nagtago ako sa gilid katabi ng mga gym equipments na hindi pa nailalagay sa storage room.
Wala naman talaga akong pakialam kung makita man nila ako o hindi, kaya lang isa sa tatlong 'yon ay ang babaeng nililigawan ko.
"Are you really sure Val? Wala kang balak sagutin si Kranz?" tanong ng babaeng naka ponytail sa babaeng pinakamaganda.
"Are you seriously asking me that? You're the one who started this game and now you are pushing me to say 'yes' to that crazy guy?"
Crazy?
Crazy huh? So in Valentina Roxas's eyes, I am nothing but a crazy guy? Tsk! Ito ang isa sa dahilan kung bakit ako may trust issues.
"But he is still the most popular guy here in our school, he's also occupying the top place in overall grade rankings," sabi pa noong isa.
"Kahit sa labas ng school sikat siya. Hindi ka ba natutuwa na nanliligaw siya sa 'yo?"
"N-No I'm not!"
Sino rin ba ang may sabi na gusto kong maging boyfriend ng pretentious b***h na 'yan? I only courted her because my friends and I decided on a bet. And malas! Mukhang kailangan kong magbayad ng malaki dahil matatalo ako. Sino ba'ng mag-aakala na naglalaro lang din ang babaeng ito?
I don't care though. Seeing that two faced b***h every day is enough to give me goose bumps. Dinaig pa nito ang step mother ni Snow white kung makapanalamin at makapanlait ng kapwa. Siya ang tinaguriang campus Queen dahil sa mala anghel niyang itsura pero sinong mag-aakala na mas masama pa ang ugali niya kaysa kay Ursula?
Hindi naman halatang mahilig ako sa Disney no?
I smirked and decided to show myself out. Halatang nagulat si Val at ang mga kasama nito sa biglaang pagsulpot ko. Kitang kita ko kung paano namutla si Val. Umiwas ito ng tingin at kinakabahang inayos ang buhok.
"K-Kranz! Ka...Kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Val.
"No, just got here." Lalong lumapad ang ngiti ko. "So, anong ginagawa nyo rito?"
"We were just having a girl talk."
"Ah, girl talk. I see," tumatangong sabi ko. "Oh Val, I have something important to tell you. Can I talk to you for a moment?"
Tumango si Val at lumapit sa 'kin. "Sure! Do you wanna go somewhere quiet?"
"It's fine here." Inakbayan ko siya at nginitian ng pagkatamistamis how I wish na sana gapangan siya ng antik at magkaroon ng diabetes! "Kailan mo ba talaga ako sasagutin?"
She froze. "I, I-uh..."
Tinitigan ko siya. Siguro nga baliw ako dahil bigla ko na lang siyang kinabig at hinalikan. Nanlaki ang mata ng dalawang kasama niya. The kiss lasted for about a minute and we were both panting when we stop. "That's the compensation for wasting my time."
"W-What, what...what are you talking about?" confused na tanong nito.
"Unfortunately Val, I got tired of waiting and decided to stop courting you. Since you're not interested in me and being with you makes me feel ugly, I decided to stop."
"Kranz!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Don't call my name, I feel disgusted. But thanks to this I found out that the campus queen is nothing but a pretentious lousy kisser, sly b***h. Pity, this was supposed to be an entertainment but unfortunately ... you're not entertaining." Tinalikuran ko na sila at walang lingon lingon na naglakad palayo.
I guess I need to do something to vent out my stress.
Somewhere Hospital
Bumukas ang lagusan at napadpad ako sa lugar kung saan maraming taong nakaputi. May mga dumadaan na nakasakay sa mga kamang may gulong na itinutulak ng mga taong nakaputi at meron ding mga kaluluwa na naglalakad-lakad lang.
Ang sabi ni Lolo ito ang tinatawag na pagamutan at dito ko matatagpuan ang taong hinahanap ko. Simple lang naman ang ibinigay na misyon ni Lolo Superior. Kailangan ko lang idikit ang Kristal sa taong pakay ko at makakabalik na ako.
Hindi ako pwedeng magtagal sa lupa dahil mababa pa ang resistensiya ko pagdating sa mga negatibong bagay sa mundong ito pero hindi ko maiwasan na mag usisa. Ano kayang meron sa ibang lugar? Siguro pwede naman akong sumilip kahit kaunti lang.
Binatukan ko ang sarili ko. Hindi pwede! Kailangan kong makabalik agad! Huminga ako nang malalim at sinimulan ko nang hanapin ang ipinunta ko rito.
Nagpalakad-lakad ako sa loob ng pagamutan hanggang sa mapunta ako sa isang silid.
Bahagyang nakabukas ang pintuan nito kaya naman hindi ko napigilang sumilip.
'Di gaya ng ibang silid na napuntahan ko, nag-iisa lang ang taong umuokupa ng silid na ito. Bukod doon, maganda, maayos at maaliwalas dito. Bahagyang nililipad ang kulay light blue na kurtina mula sa nakabukas na bintana. Mukha ring mag-isa lang siya at walang bantay dahil wala akong nakikitang ibang tao. Walang nakaupo sa sofa pero may naiwang binalatang orange sa maliit na lamesa.
Napansin kong umilaw ang kristal, mukhang nakita ko na ang hinahanap ko!
Nagpasya akong pumasok at maingat na lumapit sa nilalang na nakahiga sa kama.
"Whoa, isang tao!" Ito ang unang pagkakataon na nakalapit ako sa isang tao ng ganito kalapit. Sa totoo lang hindi naman nagkakalayo ang itsura ng mga tao at mga anghel. Ang pinagkaiba lang, may pakpak kami at may bilog sa ulo na kung tawagin ay halo, sila wala.
Tiningnan ko ang tao. May benda ito sa ulo at maraming nakatusok sa kamay nito. Bata pa ang kawawang tao. Ano nga uli ang tawag nila rito? Ah! Binata! Madalas kong naririnig iyon sa mga Cloud Angels na nakapunta na rito. Marami raw magagandang binata rito sa mundo at masasabi kong isa ang taong 'to sa magandang binata na tinutukoy nila.
Maputi ito, matangos ang ilong at may pagka-pink ang mga labi. Siguradong kulay pula ang mga ito kung wala itong sakit.
Makapal ang pilikmata at may palagay ako na maganda ang mga mata ng taong ito oras na imulat nito ang mga iyon. Sayang lang dahil mahimbing ang tulog nito.
"Tama na ang pagliligalig Maimin! Gawin mo na ang misyon mo at nang makabalik ka na." Pumitik ako sa ere at agad na lumabas ang bolang Kristal. Kinuha ko 'yon at idinikit sa tao. Umungol ito ng ilang beses bago muling nanahimik. "Whoa, ang galing!"
Bumalik na sa normal ang laman ng bolang Kristal at isa lang ang ibig sabihin no'n! Tagumpay ang misyon ko! Oras na para bumalik at panigurado matutuwa sa 'kin si Lolo Superior nito.
Tiningnan ko ang lalaking tao at ngumiti.
"Magpagaling ka ha? Sigurado akong nag-aalala na sa 'yo sa kabilang buhay ang may-ari ng bolang Kristal na 'to."
Umungol ito at dumilat ng kaunti. Kahit hindi niya ako nakikita kinawayan ko pa rin siya.
"Kamusta? Ay mali! Dapat pala 'Paalam'."
Kumunot ang noo ko nang nakita ko siyang ngumiti. Hindi naman ako nakikita ng taong 'to 'di ba? Imposible 'yon!
Ginamit ko ang kapangyarihan kong maglaho pero hindi ako nakabalik kung saan ako nanggaling. Imbes na sa lugar kung nasaan ang lagusan napunta ako sa madilim na lugar kung saan maraming nakatambak na iba't-ibang bagay. Patay kang Maimin ka, naliligaw ka na!
"Ha-la! Nasaan ako?"
Madumi ang lugar, parang kahit saan ako tumingin ay may mga nakatambak na kung anu-ano. Teka 'di kaya napadpad ako sa ibang mundo?
"Lagot na! Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ang daan pabalik!" Sinubukan ko uling gamitin ang kapangyarihan kong maglaho pero sa kamalasan ayaw gumana.
"Anong nangyayari? Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?"
Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga!
Nagparoot parito ako at nagpaikot-ikot habang nag-iisip. Wala akong maaring mapagtanungan dito. At sinabi rin ni Lolo na hindi ko maaaring ipagsabi kahit kanino ang misyon na ito. Sikreto nga e, kaya hindi rin ako pwedeng tumawag ng iba pang anghel na nandito sa lupa. Paano ako babalik ngayon?
"Anong gagawin ko?" Naiiyak na talaga ako. Kapag hindi ako nakabalik ibig sabihin lang no'n palpak ang misyon ko! "Ah! Alam ko na!"
Lilipad ako!
Palipad na sana ako para hanapin ang pagamutan na pinanggalingan ko kanina nang may marinig akong ingay di kalayuan. Nagpasya akong hanapin kung saan ito nagmumula. Lumiko ako sa isang eskinita at agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Isang lalaki ang pinagtutulungan ng apat pang lalaki! Hala! Hindi patas 'yan! Wala bang nagturo sa inyo ng salitang balance?? Naku naman!
Nasapak ang lalaki sa kaliwang panga kaya nauntog ito sa isang malapad na kahoy. Gumalaw ang mga bato sa ibabaw no'n at kapag hindi siya nakaalis agad malamang na mabagsakan ito ng naglalakihang bato!
"Haaa anong gagawin? Anong gagawin? Ha! Bahala na nga!"
Mabilis akong lumipad papalapit sa lalaki para iligtas ito at sa sobrang pagmamadali hindi ko nakita ang isa pang nakaitim na nilalang na mabilis ring lumilipad papalapit sa lalaki.
Isang sundo!
Nagkabanggaan kaming dalawa at lumikha iyon ng isang malakas na pwersa na nagpatilapon sa apat na lalaki. Bumagsak ako sa malamig na semento kasabay no'n ay ang pagkabasag ng bolang Kristal na dala ko at unti-unti ay nawalan ako ng malay.