#2 Who and who!? It’s confusing!

2929 Words
Kranz's POV Nang lumabas ako ng campus agad akong hinarang ng apat na lalaki at sinabihang sumunod sa kanila. Mahilig akong makipag-away at dahil nga medyo badtrip ako I followed them until we reach a dark isolated place that looks like an abandoned junkshop. "Kranz Querubin." Mayabang na tumayo sa harap ko ang leader ng grupo. "The very reason why my girlfriend broke up with me. You know, I don't accept humiliation so maybe, it would be great if I wreck that face of yours right now." "Maybe. But I'm not the reason you are ugly." He punched me in the face and instantly the taste of blood spread inside my mouth. Dumura ako at tinawanan siya. "I'm sure you can do better than that." The leader smirked at sinenyasan ang mga kasama nito na bugbugin ako. I can take a few hits from these thugs so I let them punch me as they please. After all it would be bad if I'm the one who will start the fight. It will only put me on a disadvantage situation kapag nahuli kami ng pulis. Nakita ko pa naman na may CCTV di kalayuan. If ever they file a complaint to the police, I have evidence at wala silang kawala. Kaya lang hindi ko inaasahan nang bigla akong sugurin ng dalawa sa kanila. Napaatras ako at tumama ang likod ko sa isang plywood. The plywood wobbled at nag galawan ang mga bato sa ibabaw no'n. Naloko na! Tiyak na mapupuruhan ako kapag bumagsak sa 'kin lahat ng 'yon! I was about to stand up when a sudden flash of light and strong force exploded in front of me. Tumilapon ako at gumulong ng ilang beses before my back hit something hard. I groaned with pain and started coughing. Sinubukan kong gumalaw kaya lang masyadong masakit ang katawan ko at mukhang hindi ako agad makakatayo. What the hell was that!? Hindi nga ako nabagsakan ng mga bato but that strong explosion nearly put an end to my life! This is ridiculous! "Kranz!" Humangos ang kaibigan kong si Caiser na kadarating lang sa tabi ko at tinulungan akong makaupo. Kasama niya ang apat pa naming kaibigan. Si Jaden, Mori, Amber, at... nasaan si Migo? "What the hell happened here?" nagtatakang tanong ni Jaden. "Looks like Kranz beat the hell out of those guys. They're all unconscious!" sabi naman ni Mori. "Ibang klase ka talaga man!" "Don't say that, I didn't do anything. Something strange happen." "What do you mean?" confused na tanong ni Amber. "Hindi ko rin alam. I was about to get buried under a bunch of rocks nang bigla na lang may sumabog na ilaw sa harap ko. Then nakita kong wala ng malay iyan mga lalaking 'yan." "What? You developed super powers now? O baka naman guardian angel mo?" pagbibiro ni Caiser. "Stop making fun of the situation kung ayaw mong gamitin ko sa 'yo ang powers ko. Get me outta here!" "Masusunod pinuno!" "Guys, you have to see this!" Tawag ni Migo sa 'min. Nando'n pala ang kumag, nakatayo di kalayuan at may kung anong tinitingnan. Tinulungan ako ni Caiser at Amber na makalakad papalapit kay Migo at sabay sabay kaming nagtaka. Nagkatinginan pa kaming anim. Isang walang malay na babae ang nakahiga sa semento, may sugat ito sa noo na para bang nauntog ito sa kung saan. Hindi pangkaraniwan ang puting damit na suot nito. I don't know what kind of fabric used to make it pero sa unang tingin aakalain mong hinabi ito gamit ang perlas. At idagdag pang kumikinang ang kulay silver na buhok nito. Cosplayer? "I-Is she d-dea—" "Sshh!! Humihinga pa siya," putol ni Jaden sa sasabihin sana ni Mori. "What should we do with this?" tanong ni Migo. "Obvious ba? E 'di dalhin sa ospital! Alangan namang iwan natin dito 'yan." sabi ni Amber na sinuntok pa ang tagiliran ko. "Sa ayaw mo at sa gusto sasama ka!" "Why do I have to? I'm fine!" "Fine your face! Tingnan mo nga para kang new born calf na hindi makatayo. Kapag umangal ka pa ng isang beses ipapapaslang na kita kay Jaden at Mori." "Oo na, oo na. Para kang si mama kung makapag react dyan e, lalaki ka ba talaga?" Nalukot ang mukha ni Amber. "Jaden! Mori! Simulan nyo na ang pagtorture sa isang 'to! Siguruhin nyong mata lang ang walang latay!" Anak ng tokwa... babalik na naman ako sa ospital. There's no way I'm going back to that place! Maimin's POV Unti-unti akong nagmulat ng mata pero napapikit uli ako dahil sa matinding liwanag na bumungad sa 'kin. Masakit sa mata! Ugh! Ano ba'ng nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko? Parang pinukpok ng kung ano. Ang sakit din ng buong katawan ko. Pero... bakit ako nakakaramdam ng sakit? Bilang isang Cloud Angel, kung hindi kami tatamaan ng celestial powers hindi kami makakaramdam ng sakit. "Guys she's awake!" Sa isang iglap napalitan ng mukha ng mga tao ang puting kisame. Anim sila at lahat ay nakatingin sa 'kin na para bang isa akong kakaibang nilalang na napadpad sa mundo nila. Ay Anghel nga pala ako at nandito ako ngayon sa ... t-teka sandali. Tao? Mga tao? Tao! "T-T-Tao!" "I know I'm human, do I look like a dog to you?" tanong ng isa sa isa pa. "Malayo Jaden. No'ng una kasi kitang nakita akala ko nuno ka." "Nuno??" Nuno? Ano 'yon? Sandali may mas importante pang bagay kaysa sa pugo na 'yan. Anong nangyari sa 'kin bakit parang nakikita nila ako? Mula sa pagkakahiga ay napatayo ako at mabilis na nagtago sa likod ng isang upuan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali rito at kahit kailan hindi pa nagkamali ang mga hinuha ko. Anong nangyari sa 'kin no'ng nawalan ako ng malay? Dapat ngayong mga oras na 'to nakabalik na ako sa Celestial palace. Napunta na naman ba ako sa ibang lugar? Patay ka na talaga Maimin! "Miss h'wag kang matakot sa 'min. We're not going to hurt you, I'm sure I won't pero hindi ako sigurado sa mga kasama ko." "Whoa! Nagsalita ang pinaka harmful! Nakakita ka lang ng babae nagpaka gentleman ka na. Dapat nga siyang matakot sa 'yo Mori dahil sa ating lahat ikaw ang pinaka matinik pagdating sa babae." "Wala kang alam sa 'kin Caiser!" "Alam ko lahat tungkol sa 'yo pati birthmark mo sa puwet at kung ilan ang nunal mo sa kilikili!" "Dude you're starting to gross me out!" "Don't tell me bading si Caiser at pinagnanasaan niya tayo?" Lolo superior... Wala po akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga taong 'to. Anong ibig sabihin ng bading? At...at may makamundong pagnanasang nagaganap! "Ah... ako ba ang kinakausap nyo?" tanong ko mula sa likod ng upuan. "Miss ikaw lang ang nag-iisang babae rito sa kwarto." Tumayo ako at hinarap sila. "Na..." Hindi ako sigurado kung dapat ko bang itanong 'to. Nakakatakot ang sagot! "Nakikita nyo ako?" Natigilan ang mga ito pero mayamaya lang ay nagtawanan. "Ano ba 'yan Kranz! Magdadala ka na lang ng babae sa bahay mo may saltik pa ata." "Tigilan mo 'ko Migo. Sino ba'ng nakakita sa kanya in the first place? And why did you bring her in my house? You should have ditched her in the hospital." Nalaglag ang mga balikat ko. "Siguro hindi nila ako nakikita." "Miss, we can see you. You're clear as day and you're not invisible." Napataas ang kilay ko. Ano daw? Anong sabi niya? Hindi ko naintindihan! "Nakita ka namin na walang malay sa isang junkshop. Napagpasyahan namin na dito ka na lang dalhin para hindi na kami palipat-lipat ng lugar. Ayaw rin naming magpabalik-balik sa ospital para lang siguruhin na ayos ka." "Nakikita nyo talaga ako?" tanong ko ulit. Nagkatinginan ang mga ito at sabay-sabay na tumango. Lolo Superioooooooorrr!!! Anong nangyari sa 'kin??? Bakit nila ako nakikta at ang masaklap pa nandito pa rin ako sa mundo ng mga tao! "I think she's still in shock," sabi no'ng isa. "Yeah... maybe we should let her rest first. Kranz bantayan mo muna siya. Uuwi muna kami para makapagpahinga kayo ng maayos." "Wait Amber! You will leave me with this weird stranger?" Nagkatinginan ang lima at sabay-sabay ulit na tumango. Anong meron sa mga 'to? Para silang sumasayaw na ulo lang ang gumagalaw. "I can't believe you guys! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" "Hoy! Kung makapagsalita ka akala mo naman re-rape-in ka ng babaeng 'yan." Nilingon ako ng tinawag na Amber. "Miss anong tingin mo sa lalaking ito?" Tiningnan ko ang lalaki na Kranz ata ang pangalan. Matangkad ito at kung itatabi ako sa kanya hanggang balikat lang ako. Maputi siya at bagsak ang buhok. Bilugan ang mga mata nito at matangos ang ilong. Hindi rin ito gaanong payat at maayos ang tindig. Sa lahat-lahat masasabi kong... "Isa siyang magandang tao." Natahimik ang lahat. May nasabi ba akong mali? Ay oo nga pala may tawag sa kanila. "Mali, isa pala siyang magandang binata!" "Dude... good luck ha?" sabi ng tinatawag na Mori. "Kaya mo 'yan." Ikinuyom pa ni Caiser ang kamao nito. "Magsilayas nga kayo sa bahay ko! Mga walang kwentang kaibigan!" Naglakad na palabas ang anim at naiwan akong nag-iisa sa kwarto. Napabuntong hininga ako at naupo sa kama. "Wala bang makakapagsabi sa 'kin kung ano talaga ang nangyari?" "'Wag kang mag-alala wala kang kasalanan sa nangyari." Napalingon ako sa nagsalita at napaalis ako sa kama ng makita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa na nakatayo sa gilid ng bintana. "Si-si-sino ka?" Ngumiti ito at kumaway. "Ako si Zin isang tagasundo at ako rin ang magpapaliwanag sa 'yo ng mga nangyayari. Bago ang lahat meron akong masama at magandang balita. Uunahin ko muna ang magandang balita. Naipagbigay alam ko na sa Celestial Palace ang nangyari sa 'yo kaya ang kailangan mo na lang gawin ay maghintay." "Talaga?" Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman kung gano'n." "Hindi ko rin maipaliwanag kung anong nangyari. Papunta na ako sa kaluluwang susunduin ko nang makita ko ang lalaking mababagsakan ng mga bato at ayon sa libro ng kamatayan, hindi niya pa oras kaya naman sinubukan kong iligtas siya subalit sa kasamaang palad naroon ka rin at tinangka mo siyang iligtas tama ba?" Tumango ako. "Kaya ang nangyari bumangga tayo sa isa't-isa at sa kasamaang palad uli, nagkaroon 'yon ng resulta at..." "At? H'wag mo na akong bitinin, sabihin mo sa 'kin kung ano talaga ang nangyari sa 'kin? Bakit ako nakakaramdam ng sakit at bakit ako nakikita ng mga taong 'yon?" Napakamot si Zin sa ulo niya. "E, naging tao ka." Mahabang katahimikan... "T-Tao?" "Iyon nga ang naging resulta. Ang masamang balita pa wala ni isa sa mga nakatataas sa Celestial Palace ang may alam kung ano ang gagawin dahil ito ang unang beses na may nangyaring ganito. Kaya mananatili ka sa daigdig ng mga tao hanggang sa mahanap nila ang solusyon sa problemang ito." "Imposible! Nagbibiro ka lang 'di ba?" Umiling si Zin. "Sana nga isang malaking biro lang ang lahat. Para sa isang anghel na gaya mo mahirap ang manirahan sa mundo ng mga tao. Hayaan mo tutulong ako sa paghahanap ng paraan para makabalik ka kaagad." Nanlumo ako sa narinig ko. Oo gusto kong makapunta sa mundo ng mga tao pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang manirahan dito. "Sa ngayon kailangan mong gawin ang lahat para mabuhay ng normal dito. Bukod do'n, hindi mo pwedeng basta na lang sabihin na isa kang anghel." "Bakit naman?" "Una walang maniniwala sa 'yo. Pangalawa kung may maniwala man aabusuhin ka nila at dadalhin ka sa peryahan para pagkakitaan. Ikatlo delikado para sa isang tulad mo lalo na't wala kang gaanong alam tungkol sa mga tao." Huminga ako ng malalim. "Tatandaan ko yan." "O siya! Magpahinga ka na, kailangan ko na ring umalis may susunduin pa ako. Galingan mo ha? At nga pala magagamit mo pa rin ang kapangyarihan mo pero h'wag na h'wag mong ipapaalam sa kanila naiintindihan mo ba? Dadalhin ka nila sa isang laboratoryo para pag-eksperimento-han kapag nalaman nilang kakaiba ka!" Kumaway muna si Zin bago tuluyang nawala. Naiwan na naman akong mag-isa sa loob ng silid. "Hay! Saan ako magsisimula? At paano ba mamuhay ng normal?" Nakarinig ako ng mahinang tunog mula sa tiyan ko. Kinakabahang hinawakan ko ang tiyan ko at nag-aalalang pinakinggan ang pagtunog no'n. "Lolo Superioooor! Nakalunok pa po ata ako ng isa pang nilalang!" Amber's POV Sinundo ni Jaden 'yong babae sa guess room para kumain. Kailangan din namin siyang tanungin ng mga bagay tungkol sa kanya dahil hindi siya pwedeng mag stay sa bahay ni Kranz. Panigurado magwawala 'yon. Napangiti ako nang maalala ang sinabi ng babae kanina 'Isang magandang tao'. Yes Kranz is indeed a beautiful person inside and out that's why we always hang around him. Most people misunderstand him because of his cold attitude and rude way of speaking but for us na matagal na niyang kasama masasabi namin na isa siyang tapat na kaibigan. Meron nga lang siyang mood swings. And he doesn't like anyone in particular. Ilag din ito sa mga girls kaya isang napakalaking hamon para rito na ligawan ang campus queen. We just wanted to have a little fun yet Kranz find everything disgusting and I understand that. Valentina Roxas is one nasty girl in angel's clothing at napatunayan 'yon ni Kranz. Unfortunately for him, Valentina fell in love with him and I'm certain that from now on it won't be the same for him anymore. Tiningnan ko ang babaeng naglalakad kasunod ni Jaden. Hawak nito ang tiyan at hindi maipinta ang mukha. I can say that she's cute. She's simple yet there's something about her that made her very mysterious. "Guys we have a serious problem here." Jaden said. Kumunot ang noo ni Caiser at Mori. I just nodded at Jaden telling him to go on. "This chick is crazy. I bet she hits her head really hard and I'm telling you dude I don't want to deal with this kind of girl!" "What the hell are you saying?" tanong ni Migo. "Kanina pa niya sinasabi sa 'kin na may nalunok siyang 'nilalang' kaya tumutunog ang tiyan niya. It's crazy man, she's just hungry!" "Miss, nagugutom ka ba? You should eat something and after that tell us about yourself." Hindi ito sumagot at naupo lang ng tahimik. She just stared at the food, confused. Naupo na rin si Jaden at nagsimulang kumain. The girl stared at Jaden while eating at kitang kita ang amusement sa mukha nito habang pinapanood kumain si Jaden. Ilang sandali pa ay dinampot nito ang kutsara at ginaya kung pa'no kumain si Jaden. Una niyang kinain ang sunny side up egg but then she suddenly paused. "Ang sarap nito! Anong tawag sa pagkain na 'to?" Tuwang tuwang tanong ng babae. "Sunny side up egg." Sagot ni Mori. "Sani sayd ap eg! Ngayon ko lang naranasan kumain ng pagkain ng mga tao. Ang sarap pala ng mga kinakain nyo!" Napanganga kaming lahat sa sinabi niya. Nagkandaubo pa nga si Caiser. I immediately grabbed the glass beside me at inisang lagok ang juice. "I told you she's crazy!" Jaden said. "Miss anong pangalan mo, saan ka nakatira at paano namin mako-contact ang mga kamag-anak mo?" Di na napigilang itanong ni Migo. “Do you have any ID or something that can identify you?” Sumubo muna ito ng tortang talong bago sumagot. "Maimin ang pangalan ko at tulad nyo isa rin akong normal na tao. Hindi ako taga rito sa mundo nyo kaya naman wala akong kamag-anak." "Saan ka nakatira?" Si Caiser. "Celes—" The girl stopped. Maybe she realized something and that something must remain a secret. "Sa malayo." "I think we have already done enough for you, so you may leave now." Napatingin kaming lahat kay Kranz na walang pakialam sa babae at Magana pa ring kumakain. "Pero wala akong matutuluyan." sabi ni Maimin. "Do I look like I care kung may matutuluyan ka man o wala? Hindi bahay ampunan ang bahay ko at hindi ako nagpapatuloy dito ng mga estrangherong kagaya mo." "Kung gano'n tulungan mo na lang akong maghanap ng matutuluyan." "Ano 'ko hilo? Why would I bother to help someone like you." "Kranz, baka naman pwede mo muna siyang patuluyin dito kahit sandali lang. Kawawa naman siya." sabi ni Mori. "Kasalanan ko ba kung nagpunta siya rito at walang matuluyan? Malay mo baka magnanakaw pa ang isang 'yan. And I won't permit a strange girl here in my house." Maimin didn't say anything. She just looked at Kranz but who knows what she's thinking. Her silence made me frightened and something's telling me that it's not good. Ngumiti ito na para bang wala lang dito ang sinabi ni Kranz. "Sige aalis ako pero pwede bang kumain muna?" Kranz was also surprised. I'm sure he didn't expect Maimin's reaction towards his cold attitude. This is actually the first time. Tumayo na si Kranz at dirediretsong lumabas ng dining room. "Kung gusto mo doon ka muna sa bahay ko," offer ni Jaden. Nagsimula na ring mag-offer sina Mori at Migo but the girl only refused with a smile. "Ayos lang ako. May mapupuntahan pa naman siguro ako rito. Isa pa, ayokong maging abala sa inyo." "No, you're not! Ayos lang naman na may kasama ako sa bahay e." "Pasensiya na pero kailangan kong tumanggi." Lumabas na rin ito pero ilang sandali lang ang nakalipas ay bumalik uli. "Saan ang daan palabas?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD