#3 The right way? Left or right?

2487 Words
Maimin's POV Tumingala ako sa langit sabay bumuntong hininga. Ga'no kaya katagal ang hihintayin bago ako makabalik sa Celestial Palace? Ngayong napatunayan ko na mahirap nga talagang mamuhay sa mundo ng mga tao gustong gusto ko nang bumalik sa 'min. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta kaya nagpalipas na lang ako ng oras sa isang lugar na maraming batang naglalaro. Nasa loob ako ng isang bilog na semento at pinagmamasdan sila. Buti pa sila walang problema. Bigla ko tuloy na miss si Lolo Superior at Koverene. "Ate anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang batang babae na biglang lumapit sa 'kin. "Ah... nagpapahinga lang." "Wala ka bang bahay?" Natumbok mo bata! Wala nga akong matutuluyan kaya ako nandito. Pwede ko bang sabihin 'yon? Siyempre hindi! Baka mag-alala pa 'tong batang 'to. "Kawawa ka naman ate. Mahirap ka lang no? Sabi ni mama 'yong mga mahihirap daw na tao walang bahay at natutulog lang kahit saan." "Ahaha salamat sa impormasyon." Isa pala akong mahirap na tao. "Pero bata, anong ginagawa ng mga mahihirap na tao para mabuhay?" "Hindi mo alam? Kailangan nilang mag trabaho." "Trabaho? Anong klaseng trabaho?" Umiling ang bata. "Ewan." Tumakbo na ang bata paalis. Gano'n pala. Kailangan kong maghanap ng trabaho para may matuluyan at makakuha ng pagkain dahil isa akong mahirap na tao.Pero paano ko naman gagawin 'yon? Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Inikot ko ang paningin ko sa paligid kaya napansin ko agad 'yong batang tumatakbo papunta sa kalsada. Hala! May paparating na sasakyan, masasagasaan ito! Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako. Muntik pa akong madapa pero buti na lang naabutan ko pa 'yong bata bago ito tuluyang mahagip ng sasakyan. Niyakap ko siya ng mahigpit at inilayo sa gitna ng daan. Muntikan na 'yon ah! Delikado pala ang lugar na 'to para sa mga bata. Bakit ba walang nagbabantay sa kanila? "Ayos ka lang?" Tiningnan lang ako ng bata pagtapos ay tumango ito. Grabe! Kinabahan ako do'n! At ito ang unang beses na nakaramdam ako ng matinding kaba dulot ng pagkataranta. Hindi pala masarap sa pakiramdam, akala ko sasabog na ang dibdib ko! "Young master Juna!" Nag-aalalang lumapit sa 'min ang isang lalaking nakaitim. Kinuha niya sa 'kin ang bata at sinigurong hindi ito nasaktan 'tapos ay nilingon ako. "Maraming salamat! Kundi dahil sa 'yo malamang na may nangyari nang masama kay young master pero... ayos ka lang ba?" "Ako?" Nginitian ko siya. "Oo naman!" Kumunot ang noo nito at nagulat ako ng bigla na lang niyang hawakan ang braso ko. "May sugat ka." Ay oo nga no? Hindi ko agad napansin. "Ayos lang po talaga ako. Mabuti na lang at walang nangyari sa bata." Lumungkot ang mukha nito. "Kasalanan ko miss. May kausap kasi ako sa cellphone kaya hindi ko napansin na tumakbo pala si young master Juna. Maraming salamat talaga sa pagliligtas mo sa kanya. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat lang kaya kung may hiling ka sabihin mo lang." Hiling? Oh! Tulong ba ito? "Gusto kong makabalik sa Celestial Palace!" "Ha?" Nalilitong nagtaas ito ng kilay. Oo nga pala tao lang siya, hindi niya ako kayang ibalik. Pero ano ba ang dapat kong hilingin? Wala naman akong kailangan maliban sa trabaho. Aha alam ko na! "Nagbibiro lang ako. May alam po ba kayong trabaho na maaari kong pasukan? Kailangan ko kasi ng matutuluyan at pagkain. Mahirap lang kasi akong tao." "Talaga? Then how would you like to work for young master Juna's family? Kailangan ko kasi ng mag-aalaga kay young master pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakikita." Hindi ko naintindihan lahat ng sinabi niya pero sa tingin ko naghahanap siya ng tagapag alaga ng batang si Juna. "Tagapag alaga ng batang 'yan?" Tumango ang lalaki. "Wala sa bansa ang mga magulang niya at matagal na akong naghahanap pero hindi ko alam kung bakit walang gustong pumasok." "Tatanggapin ko po! Gagawin ko po lahat ng gusto niyong ipagawa sa 'kin." "Mabuti naman kung gano'n." Sinilip nito ang dalang orasan. "Oras na para umuwi. Sumama ka na sa 'min. Ako nga pala si Charles Mayhem, isang mayordomo." "Maimin po ang pangalan ko." .... "So what are you doing here again? 'Di ba pinaalis na kita? " Lihim akong napangiwi nang makita ang asar na mukha ni Kranz. Malay ko ba na kapatid niya si Juna, hindi ko rin inaasahan na babalik ako rito. Pero ano pang magagawa ko? Nasabi ko na kay Charles na magiging tagapag alaga ako ni Juna at kapag umatras ako bibigyan ko lang siya ng problema. "Young master Kranz, let me beg for your forgiveness first. Because of my carelessness I almost put master Juna's life in danger and this girl here saved his life. Kundi dahil sa kanya malamang na napahamak na si young master and as to compensate for her good deed napagpasyahan kong i-hire siya bilang yaya ni young master Juna." Yumukod si Charles kay Kranz. "So please master Kranz, pagbigyan niyo po sana ako." "I know that you're only doing your job Charles but are you really that desperate to find a nanny for Juna that you have to settle for this weird girl here? I'm amazed! Balak mo bang ilagay sa kapahamakan ang buhay ng kapatid ko?" "My apologies Master Kranz but up until now master Juna is always left alone. I am not desperate to find him a nanny but I want someone to accompany him while we're not here." Nakita kong natigilan si Kranz. Nag-aaway ba sila ng dahil sa 'kin? Nakagat ko ang labi ko. Siguro dapat hindi na lang ako bumalik, ako pa tuloy ang naging dahilan ng pag-aaway nila. "Ah... siguro po aalis na lang ako." "Please stay miss Maimin." Nakikiusap ba si Charles? "Kailangan ni master Juna ng makakasama." Sandaling natahimik si Kranz pero mayamaya ay pumayag na rin ito kahit halatang napipilitan lang. "But I'm warning you, one mistake and you're fired. Naiintindihan mo ba?" Hindi e, pa'no ba yan? Anong isasagot ko sa 'yo kung hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi mo? Hindi ko tuloy alam kung tatango ako o iiling. Ang nangyari tuloy nakatingin lang ako sa kanya. "Don't worry. Tuturuan naman kita, ituturo ko sa 'yo lahat ng kailangan mong malaman tungkol kay master Juna. Hindi naman siya mahirap alagaan, kailangan lang talaga niya ng makakasama." "Maraming salamat po." "Ang lastly, stay out of my business." Dagdag pa ni Kranz. Dapat siguro unahin ko munang mag-aral ng ginagamit nilang lengwahe. Sumasakit ulo ko kakahula kung anong sinasabi nila e. Hay ang hirap maging tao! Kranz's POV "Mamin! Mamin!" I turned around when I heard Juna's voice. I saw him running toward that girl at nang makalapit ay yumakap ito ng mahigpit. "I found Mamin!" Juna said with a big smile on his face. I frown as I sat on the sofa. Now that was odd. Hindi naman gano'n kadaling gumaan ang loob ng kapatid ko sa mga hindi nito kilala kaya nagtataka ako kung pa'no nagawa ng babaeng 'yon na mapalapit agad kay Juna. Kahit nga sa 'kin ilag ang kapatid kong 'yan. "Juna! Isa ka ring magandang tao, tatandaan mo yan ha? At hindi kita iiwan kaya ngumiti ka lang palagi!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. This girl is really odd in many ways at kahit saang anggulo ko tingnan kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha ko na. Nalukot ang ilong ko. Pa'nong hindi kakaiba? Binigyan siya ng maid namin ng tsinelas baliktad naman ang pagkakasuot, pati t-shirt baliktad din! At halata rin na wala siyang suot na bra! Anak ng tokwa talaga, palagay ko pinaparusahan ako ni Charles e! I sighed when I remember what Charles has said. Three years old pa lang si Juna pero madalas na itong naiiwang mag-isa sa bahay. Well, it's my fault that no one wants to apply for the job. Nag set kasi ako ng mataas na standard and I'm also the one who interviews the applicants. If ever the applicant got distracted by my looks automatic 'we will call you' ang sagot ko. I hate the kinds of girls that always settle for looks and status. Kapag na distract sila malamang na makalimutan nila ang trabaho nila at buhay ni Juna ang pinag-uusapan dito. Tama rin naman si Charles na kailangan talaga ni Juna ng makakasama. Lagi akong wala sa bahay at ganun din ang mayordomo dahil marami siyang inaasikaso sa labas. That's why I agreed to hire that girl, for now. Oras na makakita na si Charles ng fitted para maging totoong yaya ni Juna siya na mismo ang magpapaalis sa babaeng 'yan. Dapat siguro ako na ang maghanap para mapabilis ang pag-alis niya. "Kranz!" Tawag ni Maimin. "Paano magtimpla ng gatas? Ang bilin sa 'kin ni Charles timplahan ng gatas si Juna kapag inaantok na ito." I glared at her. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ang daming maid diyan sa kanila ka magpaturo!" Nginitian niya lang ako. "Marami silang ginagawa, ikaw na lang ang magturo sa'kin tutal nakaupo ka lang naman diyan e." Aba't talagang! "Hoy! Inuutusan mo ba 'ko? Baka nakakalimutan mong ako ang master mo!" Lumapit si Maimin at tumalungko sa harap ko. "Ano 'yong master?" "Ano 'yong master?" Gaya ni Juna. Tumayo ako at naiinis na tiningnan siya. "Are you kidding me? You don't know what the word 'master' means? Saang lupalop ba ng mundo nanggaling 'yang utak mo? May laman ba 'yan?" Napakamot ito sa ulo and instead of fright I saw confusion in her eyes. What the hell? Why is this girl not afraid of me? "Hindi ko maintindihan 'yong unang dalawang tanong mo pero 'yong sumunod sa palagay ko masasagot ko. Ang utak ko nandito na simula ng maging tao ako kaya nga lang hindi ko alam kung may laman. Ano ba dapat ang ilagay para magkaroon ng laman?" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Matutuyuan ako ng dugo sa isang ito! Kaunti na lang makikita mo na kung paano ako mag beast mode! Yamot na nag-walkout ako tapos ay dumiretso sa kusina. Nakasimangot na kinuha ko 'yong lata ng gatas at padabog na binuksan ito. Ang luka-lukang babae nakatingin lang at ngiting ngiti! Sarap ibuhos nitong gatas sa kanya. I grabbed the empty bottle na may laman ng tubig and started putting some powdered milk. Dinagdagan ko na rin ng asukal kasi parang wala namang lasa 'yong gatas. Kinuha ni Maimin 'yong gatas at binasa kung anong nakasulat sa likod no'n. "Ang sabi dito tatlong kutsara daw ng gatas para sa tatlong gulang pataas." Marunong naman palang magbasa nagpaturo pa! Inaasar talaga ako nito e! "Pero bakit pito ang inilagay mo? Alam mo ba ang ginagawa mo?" Tanong niya. "Hah! Ako pa ang tinanong mo! Siyempre alam ko." Pero bakit nga ba pito? It only shows na wala talaga akong alam sa pagtitimpla ng gatas ng kapatid ko. But it's her fault dahil sa'kin pa siya nagpaturo. "The more the merrier." Sagot ko na lang para 'di mapahiya. Ibinigay ko kay Juna 'yong dede. He immediately sucked it and finished the whole bottle within a few minutes. Whoa bro, you're a very big glutton! Nagulat ako ng bigla na lang lumapit sa'kin si Juna. He pulled my shirt and smiled at me. "Kuya let's play!" Huminga ako ng malalim, smiled back at ginulo ang buhok nito. It's been a while since he asked me to play with him. Akala ko nga nagtatampo na 'to sa'kin and seeing him like that, wala na akong dahilan para tumanggi. "Habulan tayo si Kranz ang taya!" Masayang sabi ni Maimin sabay hatak kay Juna palabas ng kitchen. "Hoy! Sinong may sabi sa'yo na pwede kang sumali?! Bumalik ka dito tsk!" After 45 minutes... Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa then I glanced at Maimin. Plakda na rin ito sa sahig at hindi na makatayo dahil sa matinding pagod pero mayamaya lang nagpakita na naman ang tiyanak kong kapatid. Tumakbo ito at nagpaikot-ikot sa buong sala habang panay ang tili. Hindi ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sa kapatid kong 'yan. Basta minutes after he finished drinking his bottle nagsimula na itong magtatakbo at maglaro nang maglaro. Ang sabi ni Maimin inaantok na ito kaya tinimplahan ko ng gatas, anak ng tupa! 'Yan ba ang inaantok? Dinaig pa ng kapatid ko 'yong taong nakainom ng Cobra. "Bro may ADHD ka ba? Taena kanina ka pa paikot-ikot 'di ka ba napapagod?" Binato ko ng tsinelas si Maimin pero hindi man lang ito gumalaw. "Huy! Patay ka na ba?" Hindi ito sumagot. I slightly cringe when I felt the pain on the left side of my lower body. Hindi pa nga pala lubusang magaling ang ilang sugat ko. Damn those thugs! May araw din ang mga gunggong na 'yon sa'kin! Pagkakasyahin ko silang apat sa loob ng drum at pangugulungin sa kahabaan ng EDSA! I closed my eyes and let Juna play by himself. Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nakakatulog. Charles POV Minsan may nakakagulat na bagay na bigla bigla na lang nangyayari, kapag nakita mo ito mawiwindang ka at mapapanganga ka na lang saka magtatanong ng; "What happened here?" Magkatabing natutulog sa sofa si Master Kranz at Master Juna, nasa baba naman si Miss Maimin na humihilik pa at yakap yakap ang isang throw pillow. Parang dinaanan ng bagyo ang buong sala, nagkalat din ang mga toys. "Naglaro po sila maghapon sir Charles." "Master Juna didn't take a nap?" Tanong ko sa maid na nasa tabi ko. "Hindi po e. Tinimplahan naman siya ni Master Kranz ng gatas pero hindi pa rin natulog." "TINIMPLAHAN NI MASTER KRANZ NG GATAS SI MASTER JUNA!?" gulat na sabi ko. "Y-Yes sir!" Nagulat din 'yong maid sa'kin. What the... umalis lang ako sandali 'tapos pagbalik ko the whole worl is full of cupcakes and rainbows—este may himala nang nangyari. This is really surprising. Master Kranz never meddle with anything when it comes to house matters including master Juna's needs na ang madalas na gumagawa ay ang mga maids. Ito rin ang klase ng tao na mahirap mapasunod kaya nakapagtatakang nautusan ito ni Miss Maimin na magtimpla ng gatas. Can I call this incidence a start of some progress? Hindi man ako ang magulang nila, but I always give what's best for them and I really wanted Master Kranz to open up to other people aside from his friends. "Go get some blankets and lower the level of the air conditioner. Place a tray of water on the center table, make sure no one will come in here while they're sleeping and order the chef to make some soup and some light meals. Keep the curtains down, don't make a noise. If they are still sleeping when the clock strikes nine, carry them to bed." "Masusunod po sir." Maybe having Miss Maimin in this house wasn't so bad. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD