Mabilis na narating ni Kranz ang lugar kung saan dinukot si Maimin, sa sobrang pagmamadali ay nagawa n'yang gawing labing limang minuto ang tatlumpung minutong byahe. Nag park s'ya sa malapit kung saan naka park ang sinasakyan ni Juna, agad na bumaba, at nilapitan ang mga ito. Tense na tinanong n'ya ito nang makalapit. "Mang Andy, what happened?" "Hindi ko alam sir, nakita ko na lang may lalaking nakaakbay kay miss Maimin, isinakay s'ya sa isang sasakyan. Binalak ko silang habulin pero hindi ako nakaalis agad dahil may humarang sa pinag parking-an namin," nanginginig na paliwanag nito. Tumango si Kranz. "You did good." Tinapik n'ya ito sa balikat. Buti na lang at hindi sumunod si mang Andy, dahil hindi n'ya alam ang gagawin oras na sabay na malagay sa panganib si Maimin at Juna. M

