#15 We are under attack? Are there demons?

2020 Words
Hapon na nang makauwi si Maimin at Kranz, gising na si Juna at sinalubong sila nito at tuwang-tuwang yumakap kay Maimin. Agad naman itong binuhat ng cherubim at itinaas. "Magandang hapon master Juna." Naglakad siya papunta sa upuan at kinalong si Juna. Sumunod naman si Kranz. Binuksan nito ang tv at pahinamad na sumandal sa upuan. Lord of the rings ang palabas. Kahit na hindi tagalog ang palabas ay napukaw pa rin nito ang atensiyon ni Maimin. Nasa kalagitnaan na ng laban sa pagitan ng mga orcs at mga tao sa Helm's deep. "Kranz! Kranz! Kasalukuyan bang nangyayari ang digmaang 'yang ngayon?" bulalas niya sabay tayo sa harapan ng binata. Dahil sa sobrang laki ng TV at mukhang totoo ang palabas, natakot si Maimin. Inisip tuloy ng cherubim na may nagaganap talagang digmaan. "May ganyan bang nilalang? Galing ba sila sa impyerno at sinasakop ang mundo ng mga tao? Nasa panganib ba tayo? Charles may mga demonyo!" Natulala si Kranz, Juna pati na rin si Charles na kapapasok lang sa sala. Anong nangyayari rito? Saan may digmaan? Sinong sinasakop ng mga taga impyerno? "Sinong demonyo?" gulat na tanong ni Charles. "Kalma Maimin," ani Kranz na sinamahan pa ng pagkumpas ng kamay. "Palabas lang 'yan, walang demonyo.... pffft--HAHAHAHAHA!!!" Hindi na nito napigilang tumawa ng malakas lalo na nang makita niya ang itsura ni Charles. Nakanganga ito at nalilitong nakatingin kay Maimin. Kahit sino kasi magugulat kapag sinabing sinasakop na sila ng mga demonyo. "Palabas?" natauhan na si Maimin. Pero hindi pa rin niya naiintindihan. Hindi pa rin maka move on si Kranz at tawa pa rin ng tawa habang si Juna naman ay sinasabihan ng 'ugly bad guy' si Uruk-hai. Si Charles na ang nagpaliwanag nang makitang wala pa ring awat sa pag-tawa si master Kranz. "Hindi totoo ito miss Maimin, gumagawa sila ng mga pelikula at lahat ng mga kasali sa palabas na 'yan ay mga normal na tao." "Pero, pero bakit ganyan ang itsura nila? Kahit saang anggulo ko tingnan walang normal diyan." "Binibihisan sila ng ganyan para pagmukhaing ibang nilalang, iyan ang trabaho nila. Aarte sila para gawin ang isang senaryo. Panonoorin ito ng mga tao at magkakapera sila." Dahan-dahan at hindi pa rin makapaniwalang umupo si Maimin. "Kung ganoon walang nasasaktan kahit isa sa kanila? Kahit iyong mukhang mga namamatay hindi talaga sila patay?" "Ganoon na nga." "Haay! Buti naman, akala ko talaga sinusugod na tayo ng mga demonyo." Pagkatapos no'n ay tinawanan niya ang sarili. Nagmukha tuloy siyang tanga. "Ang galing! Nagagawa nilang totoo ang hindi totoo." Pilyong ngumiti si Kranz. Mukhang may bago siyang pagkakatuwaan. One of this days aayain niyang manood ng horror film si Maimin, he will record all of her reactions on his phone and show it to his friends. It would be really interesting. "Master Kranz," bati ni Charles. "Katatawag lang ng school ni Master Juna. Magkakaroon daw sila ng field trip this coming saturday. Last year master Juna missed the trip because there's no one to accompany him, but now miss Maimin is here... ...I was wondering if we could let him participate this time?" Kranz turned back to his usual lazy cold attitude na parang hindi ito iyong tumawa nang malakas kanina. "Arrange it. Make preparations and double Juna's guard." He can allow Juna to have fun but he will never allow him to have an accident. Maraming tao at mga bata ang sasama sa field trip at isa rin itong opportunity para sa mga nagtatangka sa buhay ng pamilya niya. "Tell me Maimin, gaano ka kalakas?" baling niya kay Maimin na engrossed na sa panonood. Tila ito nakakita ng panibagong mundo sa tv. "Gaano ako kalakas? Bakit may ipabubuhat ka ba?" tanong nito na hindi pa rin iniaalis ang mata sa pinapanood. "Sasama si Juna sa field trip sa sabado, sinabi mo sa 'kin na malakas ka. Gaano ka kalakas? Kaya mo bang pabagsakin ang maraming kalaban?" Finally Maimin turned her eyes to Kranz. "Kaya ko silang saktan pero hindi ko sila maaaring patayin. Labag ang pagpatay sa amin." "Labag sa batas ang pagpatay," sabi ni Kranz. "Hindi ko sinasabing pumatay ka. Ang gusto ko lang ay masiguro mong ligtas si Juna. Ayokong masaktan siya sa trip na ito, naiintindihan mo ba?" "Naiintindihan ko! Gagawin ko ang lahat para hindi masaktan si master Juna!" Wednesday Kalalabas lang ni Kranz sa classroom nang makasalubong niya si Valentina. He tried to avoid her but she blocked his way. "What do you want?" He looked at her coldy. "Can we talk?" "There's nothing to talk about." He doesn't want to have any entanglement with her anymore. Once is enough at hindi na 'yon mauulit. They both played with each other and they never have any official relationship pero kung makaasta nito daig pa nito ang girlfriend na bigla na lang iniwan ng boyfriend. She wants fame, he don't. "Can you at least give a chance to apologize? I know I was wrong but isn't it cruel to use a girl just to get back at me?" Kranz eyes narrowed in annoyance. What is this? How much confidence does she have in herself? Using other girl just to get back at her? When did he ever do that? Why didn't he know? "I didn't know," Kranz put one of his hands inside his pocket. "You have such a broad imagination. I'm using a girl to get back at you? Do you think I am idle enough to do that kind of thing? And who do you think you are para pag-asksayahan ko ng oras? Last time I check we we're never in a relationship." "Didn't you like me? Isn't that why you pursued me?" "I pursued you because of a bet," he answered. "I thought that somehow being with you for a while would make it worthwhile that's why I accepted the punishment of the bet. Until I heard you talking behind my back, saying that I'm crazy. I don't care whatever you say about me but what I am concerned about is you being a two face hypocritical woman." "Then if I am hypocrite, what is that woman? Hindi mo ba naisip na baka niloloko ka lang din niya? O hindi kaya habol niya lang ang pera ng pamilya niyo," giit ni Valentina. Hindi siya makapaniwalang nakahanap agad ito ng iba. "My family is rich, I am smart and know throughout our city. Aren't I more suitable with you than that lowly woman?" "Don't look down on Maimin, she's nothing like you!" Maimin is simple and she's ignorant of the world. At first he thought that it was all pretense but as he observed her, he proved that she is oblivious to everything around her. He wants to convince himself she's from a far away poor province but then deny it. Because Maimin don't even know the things that normal humans use in their every day life. For example, shampoo, soap. Even canned foods and other things that accessible to any one looks so new to her. Aside from that, whenever she says the word 'Tao' sounds like pertaining to race not individual. Like she's not concidering herself one. And that insane strength. That's why he concluded... ...Maimin is not from this world. "Stop wasting your time on me Valentina. I will never respond to your feelings." Masama na kung masama. Pero mas maigi na 'to kaysa naman isipin pa nitong mayroon pang tiyansang maging silang dalawa. Ayaw niya ng gulo at lalong ayaw niyang may humahabol sa kanya. "I am still not giving up on you! I will make you mine!" "Make me yours?" He looks at her with disdain in his eyes. "Unless I am willing, I can never belong to anyone. Don't make me hate you Valentina." After that he continued on his way. Sinundan ni Valentina ng tingin ang papalayong si Kranz. She's been in love with him for so long she's already forgot when it started She clenched her hands. Wala siyang gusto na hindi niya nakukuha. Even if she do something bad wala siyang pakialam. "Maimin was it? I'll see how long you can stay by his side." She took out her phone and dialed a number, the other line rang and after a while someone answered. "Hello, it's me... ...I want you to do something for me." ✴✴✴ Kasalukuyang nakaupo si Maimin sa isang bench ng isang parke malapit sa pinapasukan ni Juna. Hawak ang bagong biling milk tea at isang pirasong donut, tuwang-tuwa siyang pinapanood ang mga naglalaro ng soccer. Mabini ang ihip ng hangin ngayon at kakaunti lang ang ulap sa langit. Maganda ang panahon subalit hindi panatag ang loob ni Maimin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya tinatawagan ng mga taga celestial palace. Hindi niya alam kung kailan siya makakauwi. Pero narinig yata ng langit ang tanong ni Maimin at nang mula sa kung saan ay may lumipad na kulay asul na paro-paro. Kumikinang ang mga pakpak nito at bawat kampay niyon ay may nahuhulog na kumikinang na alikabok. Huminto ito sa harapan niya at ang mga alikabok na galing sa pakpak nito ay naging letra. "Galng ka sa Celestial palace?" "Magandang umaga cherubim," basa ni Maimin sa alikabok na naging sulat. "Natanggap na ng mga nakatataas ang problema mo kaya naman ginawan kaagad nila ito ng aksiyon. Subalit dahil hindi malinaw kung saan nagmula ang problema ay hindi ka kaagad makakabalik sa Celestial Palace kaya naman mananatili ka pa rito sa loob ng isang taon katumbas ng sampung taon sa kalangitan. Habang nasa mundo ka ng mga tao ay inatasan ka ng mga nakatataas na gumawa ng kabutihan sa mga tao maliit man o malaki nang sa gayon ay hindi tuluyang mawala ang iyong kapangyarihan. Oras na makagawa ka ng matinding kasalanan gaya ng pagpatay ay imposible na para sa 'yo ang makabalik sa Celestial Palace. Ikaw rin ay pinag-iingat at umiwas sa mga taong kayang nakawin ang iyong kapangyarihan. Hangad namin ang iyong kaligtasan. Sakaling magkaroon ng problema na hindi kaya ng gaya mong cherubim solusyunan ay magpapadala kami ng agarang tulong. Iyon lang at maligayang paglalakbay sa mundo ng mga mortal." Isang rumaragasang bola at lumipad papunta kay Maimin, tumama ito sa paro-paro na parang naging abo at mabilis na naglaho. Nakalutang na huminto sa harap niya ang bola at ilang sandali pa ay nahulog iyon sa harapan niya. Kumurap si Maimin at tiningnan ang bola. Kung hindi niya 'yon pinahinto gamit ang kapangyarihan niya siguradong sapul siya sa mukha. Nananadya ba ang tumira nito? Ibinaling niya sa harapan ang tingin at nakita niya ang isang tumatakbong binata papalapit sa kanya. Nakangiti ito at mukhang mabait. "Pasensiya na miss, hindi sinasadya ng kasama ko. Medyo napalakas kasi 'yong sipa niya," napakamot sa batok na turan nito. Ang totoo niyan kanina pa tinitingnan ng grupo nila si Maimin. Maganda kasi ito at agaw-pansin ang itsura. Kanina pa sila nagtutulakan ng mga kaibigan niya kung sino ang makikipagkilala rito. Sinipa ng kaibigan niya ang bola at siya na ang pinapunta ng mga ito. Siya lang kasi ang medyo may ka-gwapuhan sa grupo. "Pasensiya na," bahagyang yumukod ang binata at ipinakita ang tingin niya'y magandang ngiti. "Kung gusto mo libre na lang kita ng pagkain bilang sorry or you can say anything you want. Promise gagawin ko!" Sasagot na sana si Maimin nang mula sa likuran ay dalawang malaking braso ng yumakap sa kanya. "She's not available," malamig at may hint ng babala sa boses na turan ng lalaki sa likod. Agad na tumingala si Maimin at nagulat siya nang makita si Kranz. "Anong ginagawa mo rito? Hinihintay na tayo ni Juna," nawala na ang talim sa tingin ni Kranz at napalitan ng karaniwang tingin nito. Oo nga pala! Muntik nang makalimutan ni Maimin si master Juna! Nagmamadaling tumayo siya at lumapit kay Kranz. Nagtaka pa siya ng bigla siyang akbayan nito sa balikat. Pero dahil wala siyang alam pagdating sa relasyon at damdamin ng mga tao, walang malisya para sa kanya ang ginawang pag-akbay ni Kranz. Naglakad na sila paalis. Ngunit lingid sa kaalaman ni Maimin... ...pinanlisikan ni Kranz ng tingin ang lalaking kausap niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD