AN: From this chapter onwards, I decided to make the story in third person so that the readers can picture the whole situation
✴✴✴
Nang makita ni Maimin si Juna palabas ng school gate ay agad niya itong nilapitan at nakangiting sinalubong.
"Maimin!" Tuwang-tuwa itong yumakap sa kanya na ginantihan naman niya kaagad.
"Kamusta master Juna?"
Kumalas ito sandali, binuksan ang bag at nagmamadaling kinuha mula roon ang nakarolyong papel. Kumikinang ang mga matang binigay ni Juna kay Maimin ang haawak nitonh papel.
"Look! We learned to draw this time and teacher Karie gave me three stars."
Maimin: "...."
Paano sasagutin ang lengguwaheng hindi naiintindihan? Bakit kasi napakaraming lengguwaheng ginagamit ang mga tao?
Alam ni Maimin na maraming bansa sa mundo ng mga tao pero binibigyan lang sila ng limtadong kaalaman tungkol sa mga ito. Sa tuwing bababa sila sa mundo ng mga mortal ibinibigay lang nga mga superior ang kaalaman na kailangan nila depende sa bansa. Kaya naman naiintindihan niya ang salitang tagalog pero maliban doon hindi na.
Hindi rin kasi niya inakala na magiging isang tao siya. Kung alam niya lang e di sana hiningi niya na lahat ng kaalaman na pwede niyang matutunan para nagkakaintindihan sila ng mga tao rito.
Natatanga tuloy siya kung minsan.
Kinuha niya ang ibinigay na papel ni Juna at binuklat iyon. Nakaguhit rito ang isang bilog na may tatsulok sa baba, dalawang linya sa ibaba at dalawang bilog ang nakadikit dito. Sa magkabilang gilid...
Tila ito tinarakan ng kung anong matulis na bagay.
Ano 'to? Kahit saang anggulo tingnan ni Maimin ang nakaguhit sa papel ay hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin no'n.
May ganitong nilalang ba sa mundo ng mga tao? bakit parang wala atang nasabi sa kaniya ang superior.
"A-Ang ganda master Juna! Pero po... anong hayop po ito?"
Kumunot ang noo ni Juna at nanulis ang nguso. "It's an angel. Maimin is stupid!"
Angel...anghel 'yon di ba? Ano ba'ng dapat maging reaksyon niya ngayong nalaman niyang ganito pala ang tingin ng mga tao sa itsura nila? Iiyak ba siya o iiyak?
May pakpak siya pero hindi naman mukhang buto na itinusok sa magkabilang tagiliran. May buhok din sila at hindi mukhang niyog na napanot.
Pero... ano kayang masasabi ni Lolo Superior kapag nakita niya ang larawang ito?
Itinukod niya ang dalawang kamay sa tuhod at marahang nginitian si Juna. "At bakit naman po naisipan ni master Juna na gumuhit ng isang anghel?"
"It's Maimin. Maimin is an angel!"
Siya naman ngayon ang napakunot noo. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"I saw your wings and," Itinuro ni Juna ang ulo niya. "The crown on your head. lumulutang sa ulo ni Maimin!"
Nanlaki ang mga mata ni Maimin sa ibinunyag ni Juna.
IMPOSIBLE!
Hindi posibleng makita ng mga pangkaraniwang tao ang halo nila at pakpak.
Pangkaraniwan...
Ibig bang sabihin nito hindi isang pangkaraniwang tao si Master Juna?
Kung totoo nga ang hinala niya, ibig sabihin may tiyansa ring hindi pangkaraniwang tao si Kranz!
Hala! Anong mangyayari sa kanya kapag nalaman nito na isa siyang anghel? Mangyayari kaya ang kinatatakutan niya? Nagsimula nang kabahan si Maimin. Kapag nangyari 'yon, mapipilitan kaya siyang manakit ng tao nang labag sa loob niya. Isa siyang anghel at labag sa batas nila ang manakit ng mga tao pero importante rin para sa kanya ang kaligtasan niya. Kung sakali man na saktan siya ng mga ito wala siyang magagawa kundi ang lumaban para protektahan ang kanyang sarili.
"Master Juna, meron pa po bang nakakita ng pakpak at korona ko sa ulo?" kinakabahang tanong niya.
Ikiniling ni Juna ang ulo at sandaling nilimi ang sinabi ni Maimin. "Hindi ko alam! But I know Maimin is hiding her secret so, Juna will also hide Maimin's secret." Inilagay nito ang maliit na hintuturo sa labi at nag 'sshh'. "This is our secret!"
Suko na si Maimin!
Pero okay na sa kanya ang sinabi nitong 'Hindi ko alam'. Gayunpaman hindi pa rin niya inaalis sa isip niyang marami pang katulad ni master Juna na posibleng makita ang totoong anyo niya.
"Cherubim." Isang malamig na tinig ang biglang sumulpot sa likod niya. Muntik nang mapatalon si Maimin dahil sa gulat. Marahas na lumingon si Maimin sa pinagmulan ng tinig at nakita niya ang isang lalaking nakaitim. Katulad ito ni Sin na isang sundo ngunit kumpara kay Sin mas mukhang masungit ito.
Matikas ang tindig nito at kung susukatin sa tangkad ng mga tao nasa 5'11 ito. Tuwid kung tumayo at mapaghahalataang boring. Sobrang puti ng kulay ng balat at walang makikitang kahit anong ugat na nagpapatunay na hindi ito isang tao. Idagdag pang walang mababanaag na emosyon sa malamig na ekspresyon nito. Higit sa lahat, dala nito ang aura ng kamatayan na unique pagdating sa mga tagasundo.
"Sundo."
"Nakita na rin kita sa wakas. Hindi mo ba alam kung gaano kalaking problema ang idinulot mo sa 'kin?"
"A-Anong kailangan mo? Sa pagkakatanda ko ito ang unang beses na nagkita tayo."
"Sa pagkakaalam ko hindi maaaring makihalubilo ang mga anghel sa mga tao, misyon?" Umismid ito. "Imposible. Walang cherubim ang nagtatagal ng ganito katagal sa lupa. At isa pa, may kakaiba sa 'yo."
Wala yatang naririnig ang isang ito. Panay lang ang pagkausap nito sa sarili. May ikalawang katauhan yata sa loob ng katawan ng sundong ito. Hinawakan niya ang kamay ni Juna. Kung may balak itong saktan siya tatakbo agad siya kung saan walang tao na maaaring makakita sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyang walang nakakakita sa sundo gusto pa rin niyang makasiguro na hindi ito magdadala ng malaking problema sa pamilya ni Kranz.
"H'wag mong subukang tumakas cherubim. Kailangang maitama ang nagawang mali." Seryoso at malamig na turan nito.
"Anong ibig mong sabihin? Wala nga akong atraso sa 'yo! Baka ibang cherubim ang tinutukoy mo."
"Isang araw na ang nakakalipas. Sa tapat ng isang palaruan, iniligtas mo ang isang batang nakatada na dapat mamatay. Nag-antay ako sa ospital kung saan siya dapat babawian ng buhay, sa kasamaang palad... walang dumating na katawan. Saan ako nagkamali? May mali ba sa ulat mula sa taas? Imposible. Kaya naman tinungo ko ang lugar na dapat pinangyarihan ng aksidente ngunit walang kahit anong palatandaan na may naganap na aksidente. Bakit? Anong nangyari? Hanggang sa nakakita ako ng bakas ng isang nilalang na hindi rapat naroon ng mga panahong 'yon."
Nanlamig ang buong katawan ni Maimin, nawalan rin ng kulay ang mukha niya. Kasunod no'n ay ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Juna. Dahan-dahan niyang nilingon si Juna sa tabi niya, lumunok at muling itinuon ang tingin sa sundo.
"Kakaiba. Sa pagkakaalam ko walang kapangyarihan ang mga cherubim na pakialaman ang nakatakda para sa mga tao subalit nagawa mo ng walang kahirap-hirap. Bakit? Wala akong makuhang sagot." Nanlisik ang mga mata nito. "Kahit ano pa man, kailangan mong ibigay sa 'kin ang buhay ng batang 'yan cherubim!"
Mabilis na naglaho ito sa kinatatayuan at sa isang iglap lang ay nasa harapan na nila ito. Agad na dumipensa si Maimin, iwinasiwas niya ang kamay. Isang malakas na hangin ang kumawala rito dahilan para mapaatras ng ilang metro ang sundo.
Napahinto ang sundo at sinulyapan ang manggas na napunit. Mataman niyang tiningnan ang kaharap. "Hindi pangkaraniwan." Mahinang sambit niya. Hindi pangkaraniwang may ganito kalakas na kapangyarihan ang isang cherubim. Oo at malakas ang mga ito pero hindi sapat 'yon para mapaatras ng ganon kadali ang mga gaya niyang sundo. Kung susumahin, malakas ng kaunti ang mga ito sa kanila lalo na kung nasa celestial palace ang mga ito. Ngunit ang nakapagtataka... nasa lupa sila. Sa mundo ng mga tao.
Isa siyang sundo. At ang mga gaya niyang sundo ay galing sa kadiliman. Sa mundo kung saan magkasamang nabubuhay ang liwanag at dilim, kasamaan at kabutihan, malakas sila. Ilang beses na rin siyang nakakita ng mga cherubim sa mundong ito at hindi gaya ng isang ito na tila hindi nararamdaman ang malisyosong aura na humahalo sa sana'y na dapat purong aura, nanghihina ang mga ito kapag nagtagal sila sa mundo ng mga tao.
"Anong klaseng nilalang ka?"
✴✴✴
Celestial Palace.
Isang magandang palasyong gawa sa ivory ang nakalutang sa ulap. Nababalutan ito ng mga bulaklak at mga kakaibang uri ng ibon na dito lang makikita. Tila rin may bahaghari sa itaas nito at mga talon naman sa apat na bahagi na bumabagsak sa isang malaking lawa sa ibaba nito, isang tunay na maganda at nakakabighaning tanawin.
Sa isang tagong pavilyon.
Umihip ang malamyos na hangin, kasunod nito ay ang marahang pagsayaw ng mga halaman at bulaklak. Bigla ay kumalat ang gintong alikabok sa buong paligid ng pavilyon umikot ito sa isang lugar at matapos no'n ay lumabas ang isang matangkad na lalaking kulay ginto ang buhok. Kasunod niya ang isang pang lalaking kulay asul ang maikling buhok. Magkaiba man ang itsura ay hindi maipagkakailang parehong nakakaangat ang dalawa at masasabing gwapo. Ang isa'y may kulay asul na mata at ang isa nama'y kulay violet.
"Sa tingin mo, tama ba ang desisyon na ginawa ni Lareikan para sa kanya?" Turan ng lalaking may asul na buhok matapos maupo sa magandang upuan na nasa loob ng pavilyon.
Naupo na rin ang lalaking may mahabang puting buhok at kinuha ang isang tasa na naglalaman ng tsaa na nakahanda sa lamesa. Kung nandito si Maimin, makilala niya ang lalaking ito bilang si Lolo Superior. "Kung tama man o mali ang desisyon ni Lareikan, malalaman natin ang sagot oras na matapos ng pagsubok ni Maimin. Alam kong magiging mahirap para sa kanya ang maging isang tao matapos maging isang cherubim sa napakatagal na panahon."
"Napakatagal nga ba?"
"Ruli, alam kong paborito mo ang batang 'yon. Subalit sa katayuan niya, kailangan niyang harapin ang lahat ng bagay na ito para makaakyat siya sa mas mataas na antas."
Bumuntong hininga ang tinawag na Ruli. "Pero... ...tama ba ang ginawa nating pagkuha sa kanya mula sa lupa, dalhin rito sa celestial palace?"
"Ito lang ang paraan para makuha natin siya ng mas maaga at masanay siya. Pagkapanganak pa lang sa kanya nakatakda na siyang maging kakaiba. Alam 'yon ng mga magulang niya kaya naman kahit na nalulungkot sila, malugod nilang ibinigay ang kanyang kaluluwa sa atin. Sa pagsubok na ito, inaasahan na natin na malaki ang tiyansiyang masaktan siya, gayunpaman, kailangan niya ito para mapatibay ang kapangyarihan at loob niya."
Malungkot na tumango si Ruli. "Hindi biro maging isang celestial goddess. Anong mangyayari kapag nagawa niya nang maayos ang misyon niya? Anong sabi ni Lareikan?"
"Kapag nagawa niya nang maayos ang misyon niya, pagkakalooban siya ni Lareikan ng isang hiling."
Tumango-tango si Ruli. "Bihirang magbigay ng kahilingan si Lareikan, ibig bang sabihin nito na talagang kakailanganin ng batang anghel ang kahilingan na ito sa hinaharap?"
"Sa tingin ko ganun na nga, dahil hindi ibibigay ni Lareikan ito kung hindi nito iyon kakailanganin." Bumuntong hininga si Lolo Superior. "Ngayon pa lang hindi na ako mapalagay. Kaya nating makita ang hinaharap ngunit pinagbabawalan tayong silipin ang hinaharap ng mga celestials."
"Anong balak mong gawin ngayon?"
Ibinaba ni Lolo Superior ang tasa at lumikha 'yon ng 'klink' na tunog na may kalakasan sa tahimik na paligid. "Kung makakatulong man o hindi tadhana na ang magpapasya. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay bigyan siya ng isa pang pagpipilian."
"Magiging maayos ang lahat... ...sa tingin ko."