"Zach, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka ganiyan?" "Tinatanong mo ako kung anong nangyayari sa akin? Kung bakit ako ganito? Tinatanong mo talaga?" hindi ko siya maintindihan. Kanina ayos pa naman siya kausap tapos bigla siyang nagkakaganito. Dinaig niya pa ako magpalit ng mood. Para siyang mayroong buwanan. "Gusto mo bang bumaba? Sige puntahan mo na si Leventon. Mukhang gusto mo ang lalaki na iyon." "Bakit ako ang sinisigawan mo? Bakit sa akin ka nagagalit? Saka sasama ba ako sa iyo dito kung gusto ko sa baba? Okay ka lang?" Napahilamos siya at napaupo sa kaniyang kama. "Bakit kasi tinatanggap mo ang binibigay niya sa plato mo?" "Alangang tanggihan ko e bisita mo iyon." "Oo dapat tinanggihan mo! Sa harap ko pa talaga kayo nag landian?" "Naglandian? Hindi ako nakipaglandian, Zach."

