SELENDRINA UMAAPAW ang kabog sa dibdib ko habang palapit kay Liam. Nakapako pa rin ang mga mata niya sa akin. Sinasadya ko naman ang mapang-akit ding titig ko sa kaniya habang pilit iniipit ang aking mga dibdib para naman magmukhang malaki sa paningin niya. Kaya lang kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maitatagong flat chested ako. "Ahhh!" bigla ko na lang sigaw. Namali kasi ako ng tapak at sa isang malalim na bahagi napunta ang isa kong paa. Ngunit bago pa ako tuluyang lumubog ay may nag-angat na sa katawan ko. Seconds later on, I found myself in the arms my knight in shining armor. "Kung saan-saan kasi tumitingin," mapang-asar na sabi niya habang buhat-buhat ako. May pang-uuyam ang klase ng tingin niya sa akin. "Hindi kita pinagmamasdan dahil nagagandahan ako sa 'yo. Alam ko kasing

