bc

Unexpected Contract with the Billionaire

book_age18+
30.5K
FOLLOW
248.1K
READ
contract marriage
HE
age gap
forced
sweet
city
like
intro-logo
Blurb

Sa halagang tatlong libong piso, pumayag si Selendrina sa alok ng kaibigang si Wena na siyang makipagkita sa taong nakilala nito online. Paano ba naman din siya makakatanggi ay pangalan at picture niya rin pala ang ginamit nito? Ngunit ang hindi niya inaasahang lalaking makikilala niya ay isang guwapo, makisig at ubod ng yamang tao. First meeting ba naman nila ay pinadakip siya nito sa mga tauhan at dinala sa isang napakataas na building. What drove her more crazy ay nang ipakita nito ang kontrata na may lagda niya na tiyak niyang pinirmahan ni Wena nang wala siyang kaalam-alam. At ang nakalagay: she will be his wife. Paano ba naman siya makakatanggi kung sa titig pa lang nito ay natutunaw na siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
INIS na napapadyak ako sa sahig. Kanina pa akong nakaupo at naghihintay sa bench na 'yon sa loob ng mall pero wala namang lalaking lumalapit sa akin. Panay rin ang check ko sa oras at mag-a-ala-singko na ng hapon. Ang usapan ay alas-kuwatro pero hanggang ngayon ay naroon pa rin ako. Hindi ko alam kung sisiputin pa ba ako ng ka-eyeball ko o hindi. Inaaksaya lang yata ang oras ko. It's all your doing, Wena! Hay, nako! Humanda ka pag-uwi ko sa dorm mamaya! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ko papatusin itong pakiusap ng kaibigan ko - or should I say, alok. Ang malanding babae kasi, may nalalaman pang chatmate online. Tapos ngayong nag-aaya nang makipagkita 'yong ka-chat, uurong-urong. Natakot daw siya. Baka raw pangit dahil ayaw makipag-video call sa kaniya. At ako ang nakita. Binigyan ako ng 3k para maging 'proxy' niya. Ang ikinawindang ko pa, picture at pangalan ko pala ang ginamit niya. Sa halos tatlong buwan silang magkausap online ay pagmumukha ko pala ang ibinalandra niya. So I have no choice. No, meron pala. Puwede ko namang indiyanin na lang iyon at i-take itong 3k na pera niya. Kaya lang baka bawiin. Hays! Kung hindi ko lang talaga kailangan pandagdag sa tuition fee ko hindi talaga ako papayag. Isang sem na lang kasi at ga-graduate na ako sa kurso kong nursing. Although, nagwo-working student naman ako kaso kulang na kulang pa rin. Ayoko nang humingi nang humingi ng pangmatrikula kina nanay at tatay sa probinsya dahil alam kong hirap din sila. Bukod kasi sa pang-araw-araw na gastos sa pagkain, baon sa school, transpo, pang-computer/photocopy at tuition fee ay may binabayaran din akong dorm bukod pa ang ilaw at tubig. Pero buti na lang din at may ka-share naman ako sa maliit na kuwarto, si Wena nga, at nakakabawas-bawas naman. At kapag nagigipit ako ay sa kaniya talaga ako nangungutang dahil medyo may kaya ang pamilya nito. "Okay, another ten minutes!" wika ko pa at muling inayos ang posture ko. Kakaubos ko lang ng binili kong milktea. Sinilip kong muli ang oras sa cellphone ko. Five minutes na lang at 5pm na. "'Pag wala pa talaga, aalis na ako-" "Hi! Good afternoon!" Napalingon ako nang marinig ang malamyos na boses ng isang babae sa gilid ko. Pumihit pa ako sa likod ko para tingnan kung may iba pa ba akong kasama na binabati ng maganda at seksing babaeng iyon. Pero nag-iisa lang ang bench na 'yon at wala namang taong malapit sa akin. "H-Hello po. A-Ako po ba 'yong binabati n'yo?" maang ko kahit obvious naman. Tumango ang babae at ngumiti nang pagkatamis-tamis sa akin. "I guess you are Selendrina Lopez Sta. Maria, right?" May tila tiningnan pa ito sa phone. Napalunok ako. How did she know me? "O-Opo, ako nga. B-Bakit po? M-May atraso ba ako? S-Sino kayo? A-At... paano n'yo nalaman ang pangalan ko?" Inilahad niya ang kamay sa akin. "I am Nathalie Sanders, you can call me, Miss Nath or Miss Sanders. I am Mr. Tweign William Delaford's secretary. I was sent here to fetch you." Mulagat ako sa narinig. Bahagya ko pang kinurot ang sarili ko. Akala ko kasi namamalik-mata lang ako. "H-Hindi ko po k-kilala 'yong tinutukoy n'yo..." Ang bigay na pangalan kasi sa akin ni Wena ay Liam. Pero saglit akong natigilan at napaisip. Tweign Wil- "Liam. That's the name he used." Hindi pa ako nakakapayag sumama ay mahigpit na akong hinawakan sa braso ng babae. "T-Teka po. H-Hindi po ako sasama." Kinakabahan na kasi ako. Though, tugma naman but what if human traffickers pala ang mga ito? Saka kung matinong tao 'yong tinutukoy niya bakit hindi siya mismo ang makipagkita sa akin? Siguro tama nga si Wena. Na pangit 'yon. "Kailangan n'yong sumama sa akin, or else ako ang mananagot sa boss ko. Napag-utusan lang ako kaya kailangan ko kayong madala sa kaniya." Pero nagpumiglas ako. "Tigilan n'yo ako! Akala n'yo madadala n'yo ako diyan sa modus n'yo. Mga human traffickers kayo!" Natigilan ang babae dahil nagiging sentro na kami ng atraksyon doon. Buti na lang talaga sa mall naisipan makipag-eyeball ni Wena. Medyo safe sa mga ganitong sitwasyon. Kinuha ng babae ang cellphone at may tinawagan. Rinig na rinig ko pa ang sinabi niya sa kausap. "Sir, she's not coming with me. She resists..." Sandali itong natigilan at nakinig. "Okay po. Alright... Yes. Sige po, Sir." Saka siya muling bumaling sa akin. "He wants to talk to you." Napalunok ako at tigagal. Hindi ko agad nadampot ang phone na iniaabot niya sa akin. Sinimulan na akong pawisan nang malapot. Ano ba naman itong si Wena? Ibinenta yata ako sa sindikato. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago dinampot ang cellphone at idinikit sa tainga ko. "H-Hello?" Parang maiihi pa ako sa sobrang kaba. "Hi. Is this Selendrina?" Boses pa lang nangangatog na ang mga tuhod ko. Ang laki ng boses ng lalaki, buong-buo, nakakatakot, parang malaking mama. "O-Opo." I bit my lower lip. Bakit ganito ang kabog sa dibdib ko? "You promised to meet up with me, remember? At hindi mo na maaaring bawiin 'yon. Sumama ka sa secretary ko and don't cause any commotion. Or else you'll meet my consequences." Matapos no'n ay ini-hung up na niya ang phone. Tulala pa ako nang ibalik iyon kay Ms. Nath. Sandaling nablanko ang isip ko. "Ma'am, you're going or not?" untag pa niya sa akin. I was curious about the consequences. Sa himig ng tono ng lalaki, nakakatakot na. Wala sa sariling napatango ako. She grabbed my hand at iginaya na ako pa-exit ng mall. Lord, kayo na pong bahala sa akin. Dahil hindi ko alam kung ano'ng klaseng sitwasyon ba itong sinuong ko. Para akong timang na sumang-ayo't sumama pa nga. Sa labas ay may nakaabang na palang itim na kotse sa amin. Sandali akong natigilan nang buksan na ni Ms. Nath ang pinto para sa akin. What if I just run away? Hindi naman siguro ako mahahanap ng lalaking 'yon. For sure nanakot lang 'yon. Saglit akong napatingin sa guard ng mall. I could scream for help. "Ma'am, let's go!" aya niya sa akin. "Ma'am?" untag niya nang hindi pa rin ako kumikilos. "If he warned you about the consequences, you better be careful, Ma'am. My boss is sometimes ruthless." Hindi ko alam kung pananakot lang ba 'yon o ano. But looking at her eyes, I know she's not lying. HUMINTO ang sasakyan namin sa parking area ng isang napakataas na building. Ms. Nath grabbed my hand again at inalalayan pa akong makababa. Then hinila niya ako palapit sa elevator. Sumakay kami roon. She was still holding me hanggang sa tuluyan na nga kaming umakyat pataas. "Thank you for coming, Ms. Sta. Maria. Akala ko talaga mananagot na ako sa boss ko," aniya na parang nahugutan ng tinik sa lalamunan. Pero kung siya ay magaan na ang pakiramdam ako naman ay hindi. "T-Talaga bang nakakatakot ang boss mo?" Kulang na lang ay manginig ako sa takot. Umiling ang babae. "Hindi naman. Basta huwag lang gagalitin. Talagang nagiging dragon 'yon." Bigla na lang akong napakapit sa braso nito. "Please, whatever happens, don't leave me," pagsusumamo ko. Tumango lang ito. "C-Can you tell me more about your boss?" kinakabahan at natatakot kong tanong ulit. Tumikhim ito. "About what? His personality? His properties? His personal life?" "K-Kahit ano." Nagkibit-balikat ito. "Well, he is the only heir of Mr. Amon Delaford. One of the multi-billionaires in the country. And this building is just one of their properties. Marami silang pag-aaring hotels, resorts at commercial buildings in and out of the country. Mabait naman ang boss ko, but only sa mga taong totoong nakakakilala na sa kaniya. Ang pinaka-ayaw niya ay iyong maaarte at hindi sumusunod agad sa pinag-uutos. You know, being born in a rich family, sanay siyang lahat ng naisin ay nakukuha niya. That's why I'm so grateful na pumayag kang sumama. Ligtas ako." Lalo tuloy hindi mapugto-pugto ang kaba ko. Humanda ka talaga sa akin, Wena, pag-uwi ko. But only if makakauwi pa ba ako. Magtatanong pa bali ako kay Ms. Nath kundi lang bumukas na ang elevator. Tumambad sa akin ang isang living area. Napasinghap pa ako nang maamoy ang mabangong house perfume. Medyo nanlamig din dahil sa lakas ng aircon na tumama sa aking balat. Muli kong tiningnan si Ms. Nath. May dinadayal ito sa phone. "Sir, we're here. Where shall I take her?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook