PAGBUKAS ng isang pinto ay agad akong pinapasok ni Ms. Nath. Ang sabi ko samahan niya ako pero bigla na lang niyang ikinabig ang pinto matapos niya akong itulak papasok. I tried to open the door pero pigil-pigil niya ito.
"M-Ms. Nath, huwag naman ganito. I thought you're coming with me!" naiiyak sa takot na sabi ko.
"I'm sorry, Ma'am, but I'm not allowed to come inside. And utos ni Sir ay ikaw lang ang papapasukin. Pagagalitan ako kapag nakita niya ako riyan. I'm really sorry, Ma'am, I'm just following orders."
"Pero-"
Ngunit natigilan ako at agad napalingon sa likod nang marinig ko ang tunog ng tubig. Saka ko lang napansin ang swimming pool na nasa harapan ko. And... there was a guy coming out of the water. Dahil sa dim lights ay hindi ko maaninag ang mukha nito.
"There you are," anang malaking boses. Napalunok ako. At pagkisap pa ng mga mata ko'y kitang-kita ko ang anino ng lalaki na umaahon na mula sa pool. He was topless. At base sa aninong nakikita ko, masasabi kong maganda ang hubog ng kaniyang katawan. Kasama pa ang height nitong napakataas din.
Kinuha nito ang towel na nakasabit sa isang upuan at pinunasan muna ang buhok. Then next na kinuha naman nito ang bathrobe na nakasabit din doon at ibinalot sa hubad na katawan.
"N-Naligaw lang po ako. H-Hindi talaga dapat ako naririto!" nangangatog ang tuhod na sabi ko.
"I know you, kaya huwag ka nang magpalusot pa. Come."
Pumasok ang lalaki sa kalapit na pinto.
Ngunit imbes na sumunod ay parang naestatwa ako mula sa kinatatayuan ko. So siya na ba 'yong Liam na dapat ka-eyeball ni Wena? Siya ang boss ni Ms. Nath? Malamang siya 'yon. Dahil dito ako dinala ng sekretarya niya at siya lang ang taong naroroon.
"N-No!" natatakot at kinakabahan kong sambit. Baka kung anong gawin ng lalaking iyon sa akin kapag sumunod ako sa kaniya. Lalo pa't wala siyang ibang suot maliban doon sa boxer niya. Hitsura pa lang no'n halata nang sanay na sanay na sa mga babae. Walanghiya ka Wena, hindi naman ako pokpok pero ibinugaw mo ako.
"Ano? Tatayo ka lang ba d'yan o hihintayin mo akong buhatin pa kita papasok dito?" singhal sa akin ng lalaki nang hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.
Bahagyang nakasilip ang ulo nito sa pinto at masama ang tingin sa akin. I almost fell on my knees. Galit na galit agad? Naalala ko tuloy ang sinabi ni Ms. Nath. Na pinakaayaw nito sa lahat ay iyong hindi agad sumusunod sa pinag-uutos nito.
"E-Eh.. t-teka. Teka lang po k-kasi... Ano po kasi... ang totoo niyan.. N-Nagkakamali po kayo. H-Hindi talaga dapat ako ang naririto. 'Yong kaibigan ko po talaga dapat ang makaka-meet up n'yo- si Wena. Rowena Rodriguez. Kaya lang po, kasi kailangan ko ng pera kaya pumayag akong makipag-meet up sa inyo. So meaning, proxy niya lang ako. A-At saka 'yong picture po, p-picture ko lang po ang ginamit niya. Pero hindi po talaga ako 'yong nakaka-usap n'yo. K-Kayo naman kasi eh, ayaw n'yo raw makipag-video call kay Wena, ayun, inakala niya tuloy na pangit kayo. P-Pasensya na po talaga, tatawagan ko na lang po siya para-" I stopped. Hindi dahil sa naubusan na ako ng idudugtong sa sasabihin ko. Kundi dahil sa nakangising mukha ng lalaki habang nakatingin sa akin. At mas naaaninag ko pang lalo ang mukha nito. My God! Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-guwapong nilalang. Kahit sarkastiko ang kaniyang pagngiti, makalaglag panty pa rin.
Sshh! Focus!
"Hindi ka yata na-inform ng sekretarya ko na ayaw ko sa makukulit. Pumasok ka na o idederetso kita sa kama ko."
"H-Huwag po, M-Mister!" bigla ko na lang naisigaw. "Diyos ko! Twenty-one pa lang po ako, kahit nasa right age na ako, ayaw ko pang mapariwara ang buhay ko."
Lalong naiinis na napa-tss ang lalaki. "Dami mong sinasabi. Bilis na!"
Tarantang sumunod na nga lang ako. Takot ako na baka totohanin niya ang sinabi niya. Nang makapasok sa loob ng sliding door ay namangha ang mga mata ko sa nakita. Malawak sa loob niyon. Parang nasa isang bahay lang. May sala set at may malaking flatscreen tv. May chandelier din sa gitna na nagsisilbing liwanag namin.
"Follow me!" agad utos sa akin ng lalaki na noo'y may suot nang jeans. Kasalukuyan na siyang nagsusuot ng polo habang naglalakad kami patungo sa parte na pupuntahan namin. Iwinaksi ko na lang ang kaba at nagderetso na lang ng lakad. He looked so proper now, at kung may balak talaga siya, then he should have done it pagpasok na pagpasok ko pa lang ng pinto.
May dining set akong nakita at medyo dim ang lights. Ang chandelier na nasa gitnang taas ang nagsisilbing liwanag ng mesa. May candles din sa gitna. I thought we're about to dine sa mesang iyon ngunit nilampasan lang namin iyon. Isa pang pinto ang binuksan niya. Lumingon muna siya sa akin bago tuluyang pumasok doon. Sumunod naman ako kahit nandoon na naman ang kaba.
Pagpasok ko, isa pala iyong opisina at nang madatnan ko ang lalaki ay may hawak-hawak na itong puting folder. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay iniabot na niya iyon sa akin agad.
"A-Ano po ito?" kabadong tanong ko.
"Buksan mo."
Binuksan ko nga iyon at agad pinaspasan ng basa ang mga nakasulat sa ilang piraso ng papel. At base sa pagkakaintindi ko, kontrata iyon. Kontrata kung saan...
"T-Teka po. B-Bakit nandito ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ko.
"Sa tingin mo?" seryosong balik tanong ng lalaki. Nakaupo na siya noon sa swivel chair at matamang nakamasid sa akin.
Binitiwan ko ang hawak na folder at inilapag sa harap niya. "K-Kung ano man pong kalokohan ito, hindi ko po trip. Bakit nakasulat diyan ang pangalan ko? Ginawa n'yo 'yan ng walang consent mula sa akin!"
At ang hindi ko lubos na mapaniwalaan, bakit may pirma rin ako roon? As in signature ko at may photocopy pa ng school ID ko. Wala akong natatandaan na may pinirmahan akong papel o kontrata na ganito.
Ngumisi ang lalaki. "Pina-mailbox ko 'yan para pirmahan mo dahil ang sabi mo ayaw mo na through electronic mail ipadadala ang kontrata. I received it back three days ago. Pirmado mo at ngayong gabi pumayag ka na makipagkita sa akin. So stop playing around Miss Sta. Maria. I bet you have read the contract, alam mo na ang susunod na mangyayari, 'di ba? Bukas na bukas din, mangyayari ang kasal at-"
"N-No! Wait! Kasal? W-What do you mean by kasal? Sino ang ikakasal? Wala po akong paki kung sino ang ikakasal-"
Malulutong na tawa ng lalaki ang sunod kong narinig. "Akala ko, may utak ka, wala pala. Pipirma ka ng kontrata nang hindi binabasa ang content? That's stupidity."
Gusto kong dukutin ang mga mata niya. Sino siya sa akala niya para sabihan ako na walang utak? Hindi niya ba alam hindi bumababa ng 1.5 ang grade ko sa classcard? And I'm running as suma-cumlaude. Isampal ko kaya grades ko sa kaniya nang malaman niya?
"H-Hoy, Mister. Ang kulit mo. Ang sabi ko, hindi nga ako dapat 'yong makaka-eyeball mo. Iyong kaibigan ko nga 'yon, ka-dorm mate. Rowena Rodriguez ang pangalan. Picture ko lang ang ginamit pati pangalan ko no'ng kausap kayo sa phone kasi natatakot daw siya na makipagkita sa inyo dahil nangangamba siya na baka pangit daw kayo dahil ayaw n'yo raw makipag-video call sa kaniya. Tapos binayaran niya ako ng three thousand pesos para makipag-eyeball sa inyo, tinanggap ko 'yong pera kasi kailangang-kailangan ko pandagdag ng matrikula. At wala akong alam sa plano ninyong ganito. Now kung hindi kayo naniniwala ro'n, bahala kayo sa buhay n'yo. Uuwi na ako. At hindi ko alam ang kontrata na 'yan. Baka si Wena lang ang pumirma niyan. So whatever written on that contract, wala talaga akong ideya dahil hindi talaga 'yan dumaan sa mga kamay ko."
Tatalikuran ko na sana ang lalaki nang matigilan ako. Kay sama kasi ng tingin niya sa akin na parang kahit ano mang oras ay handa akong sakmalin.
Pero nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bahala na siya kung hindi niya matanggap 'yon. Dalawang beses na akong nag-explain sa kaniya bakit mukhang hindi niya pa rin gets?
"Five hundred thousand.... that's the initial payment that I sent to your account. Account name : Selendrina Anne Ruay Sta. Maria. Account number : 11-"
"T-Teka? A-Ano po?" gulo at gimbal na bulalas ko. "Ano'ng pinagsasabi n'yo? Bakit-"
"I'm not going to repeat it anymore. Basta nagkasundo tayo sa usapan. You want me to pay you two million pesos in cash para sa kontratang iyan. Pumayag ako at bilang initial payment, naglagak na ang sekretarya ko ng kalahating milyon sa bank account mo. Makukuha mo ang 1.5 kapag natuloy na ang kasal natin which is... gonna happen tomorrow."
Lalong nanlaki ang mga mata ko. Halos mabingi ako sa narinig. Totoo ba iyon? May pera siyang inilagay sa bank account ko? I mean sa ATM card ko? Paano niya nalamang may ATM card ako? Yes meron dahil doon inilalagay ang sahod ko sa pinagpa-part time-an kong fast food.
"T-Teka po.. Mister... Ilang beses ko po bang kailangan ipaliwanag na..." Wala sa hinagap na kinuha ko ang kontratang nasa folder. Binasa ko na nang masinsinan ang laman niyon. At ganoon na lang ang panlulumong naramdaman ko. Hindi nga nagsisinungaling ang lalaki. Nakapaloob doon na babayaran niya nga ako ng 2 million pesos kapalit ng... pagpapakasal sa kaniya?
Tumawa ako. Tawa na parang baliw. "Jusko! Ano ba naman kayong mayayaman kayo? Wala na ba kayong magawa sa pera n'yo? Pati paghahanap ng mapapangasawa kailangan may kontrata at bayad-bayad na rin? Daig n'yo pa ang Afam. Pakakasalan n'yo ako, eh hindi n'yo naman ako kakilala? Heller? Anak lang po ako ng magsasaka sa probinsya. Malaki ang halaga na 'yan, pero hindi 'yan sapat, Mister, para mabili mo ako at maging asawa mo. 'Di bale na hong mahirap lang ang mapangasawa ko, at least 'yong taong mahal ko. Eh kung kayo? Jusko! Siguro kaya ganito na kayo kadesperado dahil wala nang babaeng makapagtiyaga sa inyo, ano? Malamang dahil sa sobrang sama ng ugali n'yo?"
I don't judge the book by its cover. Hindi porke't maganda sa panlabas ay maganda na ang nilalaman. Parang ang lalaking ito. Halata naman na masama ang ugali.
The guy just smirked. Napaawang ang labi ko. Sa mga sinabi ko ay parang hindi man lang siya tinablan. Napalunok ako.
"Under the terms and conditions, nakalagay riyan na kapag hindi sumunod ang bride o hindi nagpakasal ang bride sa groom, magpapabayad siya ng danyos na nagkakahalaga ng 4 million pesos. And since nakapirma ka na, at pirmado ko na rin 'yan, applied na ang consequences na 'yon. Now kung may pambayad ka, okay, then let's end the contract. Hahanap na lang ako ng iba -"
"Baliw! Baliw kang lalaki ka. Ano ako? Siraulong magbibigay ng ganoong kalaking halaga sa 'yo?" Ni ang pinakamalaking perang nahawakan ko nga ay 10k lang. Pang-downpayment ko pa sa school. Four million pa kaya? Saan ako kukuha no'n?
"Exactly. So wala kang ibang choice-"
"Baliw talaga kayo. Baliw!"
Ngunit tila hindi niya alintana ang pinagsasabi ko. Dere-deretso lang ito sa pagsasalita. "Dahil mabait ako ngayon, Ms. Sta. Maria, I will let you decide. Nakalagay diyan ay kinabukasang petsa ang magiging kasal natin. Pero hahayaan kitang mabago iyon. Hahayaan kitang magdesisyon kung kailan mo gustong makasal sa akin. Kung ano'ng petsa."
Kung hindi ako nakakapit sa dulong bahagi ng mesa ay tiyak na matutumba ako. So seryoso talaga siya? Aasawahin niya ako? Bibigyan niya ako ng ganoong kalaking halaga? At dodoblehin ko iyon kapag sinira ko ang kontrata? Ha! Baliw na lalaki nga! But his face.... his face says it all na seryoso talaga siya.
"M-Mister, marami namang ibang babae riyan, bakit ako pa? Sa guwapo at yaman n'yo, bakit hindi na lang model o arstista ang asawahin ninyo? Tiyak na walang tatanggi sa inyo."
Ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Just tell me the exact date, Ms. Sta. Maria, after no'n, you'll never hear anything from me. Until that day, of course."
"P-Pero Mister-"
"Don't make me repeat it again. O ako na mismo ang gagawa ng desisyon. Kapag ako ang nagdesisyon, hindi na mababali iyon. Now don't waste this chance na binibigay ko sa 'yo. Huwag mong hintaying magbago ang isip ko."
Napalunok ako. Lord, sana nanaginip lang ako. Dahil ayokong maniwala na totoong nangyayari nga ito. Sana po, gisingin n'yo na ako. Para makawala na ako sa demonyitong naririto ngayon sa harap ko.
"Okay. Then let's get-"
"After four months, Mister!" Napapikit ako at napaantanda pa. Confirmed. Hindi ito isang panaginip lang. Dahil nang kurutin ko ang sarili ay naramdaman ko ang sakit. Sa takot ko na mapabilis ang 'sentensya' ay iyon ang biglang lumabas sa aking bibig. At least medyo mahaba pang panahon iyon. Sakto no'n ay ga-graduate na rin ako. May pagkakataon pa makapag-isip at plano para makatakas mula sa kaniya. Kung makakatakas ba..?
"Okay," mabilis na sang-ayon ng lalaki sabay inayos ang nagkalat na laman ng folder. "After 4 months, exactly ngayong araw, mangyayari ang kasal. See you on that day, Ms. Sta. Maria. You may go."
Parang puppet naman akong tumalikod nga mula sa kaniya. Hindi ko na nakuhang sumagot pa dahil bigla na lang nablangko ang isip ko. Ganoon lang at nakapagdesisyon na siya agad. Agad-agad?
Isa pa, what's the use? Pagod na ang mga panga ko kakatanggi at paliwanag sa lalaki, pero ni isa sa mga sinabi ko ay parang wala namang pumasok sa kukote niya. Mahabang panahon pa naman ang four months. Malay mo, makahanap pa siya ng iba?
"Uh-Uh. Just to remind you nga pala, Ms. Sta. Maria..."
Natigilan ako nang akma ko nang bubuksan ang pinto. Lumingon ako sa kaniya.
"Subukan mong tumakas, matutunton din kita. That will be breach of contract kaya puwede akong kumuha ng legal team para maipakulong ka rin. Hindi mo naman siguro nanaising habang buhay na makulong."
"P-Pero, Mister-"
"Gusto mong magsumbong sa mga awtoridad? Sure. Fine. But if I were you, do not waste your time and energy. Sa lawak ng impluwensya at dami ng pera ko, kaya ko silang bayaran lahat. And mind you, may kontrata ito at legal ang kasunduang ito. So there's no use of trying, hmmm? Now if you have other question, saka mo na lang itanong sa akin, after four months, okay? Now, go. You're consuming a lot of my time. Napakahirap mong kausap."
PAGLABAS ko ng pinto ay tagaktakan ang pawis ko. Nanlulumo ako, na parang anytime ay magko-collapse ako. Ano'ng kapalaran ito, Diyos ko? Sa halagang tatlong libong piso ay impiyerno agad ang binagsakan ko?
"Hi, Ma'am! Tapos na ang meeting n'yo with, Sir? Ihahatid ko na ba kayo sa baba?"
Nandoon pa rin pala si Ms. Nath na tila naghihintay sa akin. Napasandal ako sa dingding. Bigla kasing sumakit ang dibdib ko. Parang nagdidilim ang paligid ko.
"M-Ma'am? Okay lang ba kayo?"