LIAM
SAKTONG paglabas ng babae ay may tumawag sa cellphone ko. Gigil na sinagot ko ang tawag nang makita kung sino iyon.
"Liam-"
"Why calling me again? 'Di ba ang sabi ko, kung may gusto kang sabihin sa akin, idaan mo na lang sa sekratarya ko?" inis na bungad ko sa babae.
"But, babe -"
"Babe? We're divorced Aliana. At sa pagkakaalam ko, na-settle ko na lahat ng demands mo so I'm not expecting you roaming around my world anymore." Gigil na i-t-in-ake down ko na ang tawag. Pabalagbag kong ibinaba ang phone sa table. Inis pa akong napamura.
Yeah, I was already married before. Six months ago to be exact. But it was only an arranged marriage na ipinilit sa akin ng mga magulang ko. Aliana's the only daughter of my parents' old friend. Subukan daw naming dalawa at baka magka-develop-an kami but obviously it did not work as expected.
Laking America si Aliana and I don't want to be with liberated women. Lahat ng gusto nito ay palagi nitong nakukuha, be with men she wanted to be with. Get all the things she wished sa isang kumpas lang ng kamay. Ni walang ibang alam kung hindi gumimik, magpaka-happy go lucky kaya naman wala pang isang taon ay inayawan ko agad. Sa America kami nagpakasal, kaya mabilis na na-settle ang divorce namin.
She's not the ideal type of woman na gusto kong makasama -- nang at least mga isang taon. I want someone na madali kong makokontrol, may laman ang utak at... willing akong bigyan ng anak. Yeah. Anak lang ang habol ko sa kung sino mang mapapangasawa ko ngayon because I'm not really interested in committing myself with a woman. Kung kaya ko nga lang mag-anak ng sarili ko ay gagawin ko. Women are exaggerated persons, maiingay, maluluho higit sa lahat, mapang-ubos sa oras. I'm such a busy man na kahit makipag-date man lang sa babae ay hindi maisingit sa aking schedule. Kapag kailangan-kailangan ko lang talaga, nagpapa-appoint ako kay Nathalie ng babaeng makakasama ko ng ilang oras sa gabi para magpalabas ng init ng katawan. But other than that, wala na.
I'm already 29, turning 30 this year. So I guess it's time na magsimula na akong bumuo ng anak na magmamana ng lahat ng pinaghihirapan ko ngayon. At may napili na ako. Obviously, that's the woman who just came out of the room.
I think sa lahat ng babaeng pinagpilian ko, she's the most qualified. I like her personality. Iyong tipong hindi pera ang hangad at halatang - mejo halata namang - may laman ang utak. Hindi katulad ng ex wife ko na walang ginawa sa akin noon kundi mag-aya makipag-s*x pero ayaw namang magpabuntis sa akin. Jeez! Trouble with rich and liberated women na ayaw magpasira ng figure.
"Sir?"
Agad natigil ang pagmumuni ko at napaangat ang tingin nang biglang bumukas ang pinto ng office at sumilip ang ulo ng secretary ko.
"Yes?"
Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba na pinagtakhan ko.
"Sir, si Miss Sta. Maria po-"
Napakislot ang mga mata ko. "Yes, so what's wrong with her?"
"Sir, nag-collapse po. Wala po akong ibang makatulong. Can you help me take her to the hospital, Sir?"
....
"SO, how is she?" hindi mapakaling tanong ko. Seryoso ang baling ko sa resident doctor na pinatawag ko para tingnan ang babae na noo'y wala pa ring malay na nakahiga sa ibabaw ng kama. Hindi na namin ito dinala sa ospital at doon na lang sa hotel pinatingnan.
Bumuntong-hininga ang doktor at bumaling sa akin.
"She's fine. Maybe because of fatigue or stress kaya siya nag-collapse. Wala naman akong mahanap na mali sa vitals niya. It's all doing fine," anito na biglang ikinagaan ng loob ko.
Napasulyap ako sa babae. "Buti naman. So if she ever wakes up, she'll be fine, right?"
Tumango ito. "Yes. Pero ite-test ko pa siya dahil baka may iba na pala siyang nararamdaman na hindi natin alam. So kung kailangang madala na siya sa ospital ay madadala natin. For now, let her rest at hintayin na lamang siyang magising."
Umalis na muna saglit ang doktor. Nanatili akong nakatayo at sinisipat ang lagay ng babae. Mukha naman itong okay. Mukha nga lang natutulog. Marahil na-shocked lang ito sa mga napag-usapan namin kanina.
"Jeez!" Bigla akong natawa. Napatingin sa akin si Nath na kasama ko sa silid na 'yon na nakabantay rin sa babae. Biglang nagseryoso ang mukha ko. "You may go home now, Miss Sanders," I told her in my professional mode. "Ako na ang bahala sa babaeng 'to. I can look after her."
Tumikhim ito. "Sigurado kayo, Sir? Kayo na po ang mag-a-accompany sa kaniya pababa?" maang nito.
Naipilig ko ang ulo ko. "Why? Is she a PWD? Kailangan pa talaga ng assistance para lang makababa ng building?"
Biglang bumaba ang tingin nito at umiling-iling. "No, Sir. Kaya lang, napansin ko kasi kay Ma'am, ninenerbiyos kanina pag-akyat namin. Maybe.. maybe she's just nervous na maka-meet kayo kanina."
Tumaas ang isang kilay ko. "Just go home now, Miss Nath," ulit ko.
"Okay po. Sige po, Sir Liam. Thank you." Tumalima ito at agad ngang lumabas ng kuwarto.
Napatingin ako sa orasang pambisig ko. It was past 7. Mga ganitong oras bakante na ako. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang babae. Mukhang hindi pa magigising 'to. Isang pasada pa ng tingin sa kabuuan nito't napagpasyahan ko nang lumabas muna ng kuwarto. Nagderetso ako sa dining. Kanina pa nakahanda ang dinner ko. I ate alone.
I usually do it. Living alone and staying here in the penthouse.
May bahay naman akong sarili ko but I choose to vacant it. Kapag magwi-weekend, saka lang ako umuuwi roon. Ayoko ng hassle sa umaga kapag pumapasok sa opisina dahil sa traffic. Masyadong mahalaga bawat segundo para sa akin.
Nasa states ang parents ko so definitely I'm living a solo life. I'm an only child too kaya lahat ng responsibilidad sa mga kompanya namin dito sa bansa at sa iba't ibang parte pa ng mundo ay kargo ko.
"Hmmm..." I hummed as I thought of the picture of the girl. She just came out of my brain suddenly. Hindi naman kagandahan ang babae. Pero puwede na rin.
Pagkatapos kumain ay humithit muna ako saglit ng sigarilyo sa labas ng veranda. I sniffed the cold breeze and emptied my occupied mind for a while. Nang maubos ko ang isang stick ng Sobranie ay napagpasyahan ko nang pumasok na sa loob. I couldn't let the girl stay the night here. She's lying on my bed. Baka kung ano lang ang magawa ko.
I opened the door using the fingerprint sensor. Marahan pa nang itulak ko ang pinto. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang makitang wala na roon ang babae. I immediately checked her in the bathroom dahil baka naroon lang ito. But there was no sign that someone had used or either entered that room at least. I took a sigh at mabilis na kinuha ang tablet sa office ko. I checked her on the CCTVs around the corner. Then I immediately turned it off. She's gone.