SELENDRINA
MEJO nahihilo pa ako nang sumakay ng jeep. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari at bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay. Baka dahil sa shock? Nang magising ako ay naroon ako sa isang magarang kuwarto. Bumangon ako agad at hinanap ang papuntang exit. Hingal na hingal pa ako nang sumakay ng elevator.
Pero ang mas nagpa-shocked sa akin ay nang i-check ko nga ang balance ko sa ATM. Tumataginting na five hundred thousand pesos nga ang laman niyon. Para akong tanga na inulit-ulit pa ang pagba-balance ko. Malay ko ba kung nagha-hallucinate lang ako. Pero sa tatlong subok ko ay iyon nga ang paulit-ulit na lumabas. May kalahating milyon na nga sa bank account ko.
So hindi nga isang panaginip ang nangyari sa akin ngayong kagabi? Nakadaupang-palad at nakausap ko nga ang Liam na 'yon? Nanggaling nga ako sa mala-tore ni Babel na building at talagang may kontrata? At.. t-totoong ikakasal na ako? After... four months!
Jusko! Patay ako nito sa mga magulang ko. Magsumbong kaya ako? Kaya lang hindi naman maniniwala ang mga 'yon. Sa totoo lang, literal na taga-bundok ang pamilya ko. Sa pinakatagong lugar sa may paanan ng bundok nakatayo ang bahay namin sa probinsya. Nagsasaka sina Nanay at Tatay. Tanging ako lang ang nakarating dito sa Manila dahil minsan akong isinama ng tiyahin ko rito. Naranasan kong magtinda sa palengke rito bago ako nakapag-aral sa kolehiyo. Then nag-working student na. Ibinenta ni tatay ang isang kalabaw niya para makatulong pang-downpayment ng matrikula. Humiwalay na ako sa tiyahin ko matapos kong makahanap ng trabaho dahil masyado silang marami sa bahay. Ngayon nagdo-dorm ako malapit sa school at nagpa-part time nga sa isang fast food.
Then this happened. Hays buwisit ka Wena. Magbabayad ka!
Ngunit ilang beses ko nang tinatawagan ang kaibigan kong 'yon pero hindi ako sinasagot. B-in-lock pa ako sa social media, my God! So really, she intentionally did this to me? Talagang f-in-rame up niya ako? Pero bakit? Why?
Siguro bayad 'yon ng Liam na 'yon. Buwisit!
Pagdating sa kanto ay bumaba na ako. Lakad takbo ang ginawa ko papuntang dorm. Tinakbo ko pataas ng hagdan. Sa sobrang sidhi ng damdamin ko, ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagod nang patakbo kong akyatin hanggang 5th floor.
"Hoy, Wena. Walanghiya ka. Demonyita ka talaga! What have you done to me? Halika rito, magtuos tayo!" sigaw ko kahit nasa labas pa lang ako ng pinto. Naka-lock iyon, malamang nagtatago ang walanghiya. Ngunit nang buksan ko ang pinto, wala akong nadatnang tao roon. Agad kong pinuntahan ang CR dahil baka nandoon lang ito. Ngunit wala ring tao roon at sa paglibot pa ng mga mata ko, saka ko lang napansin ang malinis niyang higaan. Wala na ang mga unan at kumot niya roon. I immediately checked the drawer at wala na rin ni isang damit doon.
"f**k!!" naisigaw ko. Nilayasan ako ng demonyita?!
Tarantang dinayal ko ulit ang number niya. So this was really planned by her? Sinet-up niya ako? For what? For money?
"Buwisit ka! Saan kita hahagilapin na demonyita ka!"
Ngunit wala ring nangyari kahit halos malobat na ang cellphone ko kakadayal sa kaniya. Nanlulumong naupo na lang ako sa kama. Naiiyak o natatawa hindi ko alam. Sising-sisi ako para sa three thousand pesos na inialok niya sa akin. Pucha kung alam ko lang, pumasok na lang sana ako sa trabaho.
Humiga ako sa kama at tumingin sa taas. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala. Alam ko kung magsusumbong nga ako sa mga pulis, walang maniniwala. Isa pa, nakakatakot ang banta ng lalaking 'yon. Mukhang hindi nga siya mangingiming gawin ang mga banta niya oras na hindi ako sumunod sa kontrata.
TUNOG ng alarm clock. Masakit ang ulo na kinapa ko habang nakapikit ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Umaga na pala? Ang bilis naman ng oras.
Ni hindi ko nga naramdamang nakatulog ako kagabi. Panay pilig ng ulo ko dahil sa dami kong iniisip. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa araw na 'to ay hindi ako babangon at papasok sa school. Kaya lang kailangan eh, last sem ko na ito sa college at talagang isang araw na absent ay maraming mawawala sa akin.
It's okay, Selendrina. Medyo malayo pa naman 'yon. May apat na buwan ka pa. Sinasabi ko pa sa isip habang naliligo ako.
Kape lang ang inalmusal ko ng umagang iyon dahil medyo male-late na ako. Bumili na lang ako ng makukutkot sa tindahan habang naglalakad patungong school. Malapit lang ang school sa dorm at mga sampung minutong lakaran lang ay naroon na ako.
"Sele!"
May tumawag sa akin. Napalingon ako sa grupo ng mga estudyanteng katulad ng uniform kong all white. Agad akong lumapit dahil mga kaklase at kaibigan ko rin ang mga iyon.
Habang palapit sa kanila ay naalala ko si Wena. Panay sipat ko sa paligid kung naroon na ba ang demonyita.
"Good morning, guys," kahit problemado ay nagawa ko pa ring ngumiti at bumati sa mga ito.
"So we guess, you know it too? Siyempre ikaw ang talagang unang makakaalam," sabi ni Whimper sa akin pagkaupo ko sa kaniyang tabi.
"Ng alin?" naguguluhan at nagtatakang tanong ko.
"Si Wena. Nag-message siya sa buong barkada. Hindi na raw niya matatapos ang sem na ito dahil uuwi na ang pamilya niya sa Cebu at doon na siya magpapatuloy ng pag-aaral niya," malungkot na sagot ni Jordie.
Nakuyom ko ang kamao na nasa loob ng bulsa ko. So she really did it? Matapos akong 'ibugaw' sa Liam na iyon ay talagang nilayasan ako. The nerve!
"A-Ah, oo. Alam ko nga. Kahapon siya umalis ng dorm. Nagpaalam siya sa akin," kunwari'y nalulungkot at naiiyak na sakay ko sa usapan. Wala akong balak ipaalam sa mga ito ang mga pangyayari kahit alam ko ang posibleng dahilan. Ayokong may ibang makakaalam ng mangyayari sa buhay ko. Baka kumalat pa at mapag-chismisan pa ako sa buong school.
"Nakakalungkot naman. Mami-miss ko si Wena," ani Daisy na ikina-ingos ko lang. Sa bagay, sa amin naman kasing magkakabarkarda, si Wena talaga ang pinaka-cheerful at maingay. Kung wala lang kaming isyu na dalawa, malamang masasabi ko ring mami-miss ko siya.
"O, saan ang punta mo?" tanong ni Sharah nang tumayo na ako.
"Papasok na ako sa room. Ayoko tumambay dito at magbabasa pa ako," palusot ko saka nagmamadaling naglakad palayo. Agang-aga ay ayokong pag-usapan ang babaeng iyon at baka maghapon akong mawala sa konsentrasyon.
Tahimik lang ako buong maghapon at talagang umiwas muna ako sa mga kaibigan namin. Topic pa rin kasi nila si Wena at naiinis ako dahil ako raw ang kasama sa bahay kaya tanong sila nang tanong sa akin. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko dahil sa menstruation period at nang mag-break time kami ay sa labas ako ng school kumain.
TWEIGN LIAM DELAFORD. Tanda ko ang pangalan ng lalaking iyon. Habang bakante ako at walang magawa ay naisip kong i-search sa net ang pangalan nito. Baka sakaling may lumabad. At nagulat pa ako nang makita nga ang pangalan at litrato niya roon. Ganoon na lang ang excitement at sidhi ng damdamin kong basahin ang ilang impormasyon tungkol dito na nakasulat doon.
Twenty-nine years old. Height, 6'1". The only heir of a multi-billionaire couple na nakatira na ngayon sa ibang bansa. Loves scuba diving and horseback riding. Ngunit bukod doon, wala na akong masyadong impormasyong nakita tungkol sa kaniya at sa pagkatao niya. Maliban na lang sa isa pang bagay na umagaw sa aking atensyon. Civil Status : Divorced.
Divorced? Ibig sabihin may naging asawa na siya dati? Sino? Malamang artista iyon o model o anak din ng isang mayamang tao iyon. I searched the name who pero ganoon na lang ang inis ko nang wala akong impormasyong nakita roon.
"Hay! Buwisit naman ang uploader ng info na 'to. Hindi man lang kinompleto." Pero naisip ko, baka sadyang hindi inilagay? Malamang, pinabura nito o ano para walang scandal tungkol dito ang ma-leak sa tao. Malamang na-divorce ito sa asawa dahil sa sama ng ugali nito. Hah! Tapos ikaw ang susunod, Selendrina. Good luck!
I gasped. Sisiguraduhin kong kapag ako ang naging asawa niya ay talagang pagsisisihan niya at magiging miserable ang buhay niya. That way, he would regret 'buying' me at baka hindi pa umabot ang kalahating taon ay siya na mismo ang kusang makipaghiwalay sa akin. Lahat gagawin ko para kamuhian niya ako. Let's see kung hanggang saan ang kaya niyang pagtiisan. Hah! What a brilliant idea.
Nang tumunog na ang alarm sa cellphone ko ay tumayo na ako. Nagse-set talaga ako ng alarm para alam ko kung dapat na ba akong bumalik para sa next subject ko. Last subject ko na iyon nang araw na iyon. At pagkatapos no'n, uuwi na ako ng bahay. At balak ko na hindi na rin pumasok sa fast food na pinapasukan ko. Bakit pa ako magtatrabaho kung may pera na naman ako?