Chapter 05

1131 Words
"CONGRATULATIONS, Miss Sta. Maria. You did very well." Naiiyak na tinanggap ko ang summary result ng grades ko. Parang last week lang ay katatapos lang namin mag-depend ng thesis nina Jordie, Daisy, Sharah at Whimper, ngayon naman ay heto. May maganda na naman akong balitang natanggap. Lalo nang makita ko ang aking general average na talagang simula pa no'ng una ay hindi ko na hinayaang bumaba. "Congratulations! You're our only nursing student na ga-graduate ng suma-cumlaude this year. All I can say is that, you deserve it. Sa lahat ng naging estudyante ko ngayong batch n'yo, ikaw lang talaga ang nakitaan ko ng pagpupursigeng makapagtapos. I salute all the hardwork and sacrifices na inilaaan mo para makapagtapos ng kursong ito. May mataas na grado pa, I'm sure na ipagmamalaki ka nang lubos ng iyong mga magulang." Alam kasi ni Ma'am Gilen na working student ako mula no'ng freshman hanggang maging senior ako sa college. Madalas kasi ay nagiging customer ko siya sa fast food kung saan ako nagpa-part time. Umiiyak na yumakap pa ako sa kaniya. Honestly, isa siya sa mga mababait na taong nakilala ko. Tumayo siyang pangalawang magulang hindi lang para sa akin kung hindi sa iba pang ka-batch mates ko. She was always there to motivate us about life at palaging pinaaalalahanan na magpursigeng makatapos ng pag-aaral nang sa gayo'y may marating kami sa buhay. Now that day was almost coming. Ilang araw na lang at magmamartsa na kami sa stage. Parang napakabilis ng panahon. Parang kahapon lang ay aligagang-aligaga pa ako sa pagre-review at pagko-complete ng mga requirements pero ngayon ay heto na't pagpa-praktis na lang para sa graduation ang inaatupag. Pinagre-ready na rin ako ni Ma'am Gilen ng aking magiging graduation speech. Siyempre, gusto kong ako mismo ang gagawa niyon dahil gusto kong ipabatid sa lahat kung gaano ako kasaya at ka-proud na nakapagtapos ako ng may mataas na grado sa kurso kong ito. Kinagabihan matapos kong matanggap ang magandang balita ay tinawagan ko na rin ang aking mga magulang para ipabatid ito sa kanila. "Talaga ba, anak? Eh 'di ang ibig sabihin ay magkakaroon na nga kami ng anak na nars?!" tuwang-tuwa pasigaw pang sabi ng tatay ko. "Opo. Pero siyempre kailangan ko po munang ipasa ang licensure exam para ganap na akong maging lisensyadong nurse. Nay, Tay, gusto ko po na sa araw ng graduation ko ay narito kayo. Gusto kong parehas kayong makasama pag-akyat ko sa entablado," madamdaming pahayag ko. "Eh, 'nak. Pasensya ka na. Nag-iisa na lang ang kalabaw natin dito. Hindi ko na maaaring ibenta 'to dahil ito na lang ang kasa-kasama namin sa pagsasaka ng nanay mo. Pasensya ka na, pero mukhang hindi kami makakapunta riyan ng nanay mo," mangiyak-ngiyak pang sabi ng tatay ko. "Huwag po kayong mag-alala. Magpapadala po ako ng ipampapamasahe ninyo. Isama n'yo rin po sina Owen at Jira. Gusto ko po kumpleto tayong pamilya sa araw ng pagtatapos ko." Kung nabubuhay nga lang ang mga lolo at lola ko ay gugustuhin ko ring narororoon sila. Pangarap ito ng mga magulang ko na makapagtapos ako at sa araw na iyon ay gusto kong marinig nila ang pasasalamat na isasama ko sa aking magiging graduation speech. "Naku! Mahal ang pamasahe. Saan ka naman kukuha ayaw naming -" "Marami po akong ipon, huwag po kayong mag-alala. P-Pinaghandaan ko po talaga ang araw na ito." Balak kong gamitin ang pera ni Liam para makarating ang mga magulang ko rito. Tutal kahit naman isauli ko ito ay tiyak na hindi naman nito tatanggapin. Nabawasan ko na nga. "Kung gayon, sige anak. Pasensya ka na talaga. Andami mo nang hirap diyan pero heto't pinaglaanan mo pa kami." "Wala po iyon. Ang mahalaga, makakarating kayo." Nang matapos ang tawag ay sinimulan ko na ang paggawa ko ng graduation speech. NAKATULALA ako sa isang tabi. Nasa cafeteria ako at kasalukuyang ngumungutngot ng french fries na aking binili. May hawak akong papel sa kanang kamay samantalang cellphone ang sa kaliwa. I was supposed to be memorizing my speech pero andaming bumabagabag sa aking isipan. I just checked my calendar. That day when Liam and I met, I marked it kung kailan ang eksaktong apat na buwan na palugit na ibinigay niya sa akin. And the days left.... three days. Saktong-sakto sa araw ng graduation ko. Holy cow! Bigla kong ibinaba ang aking mukha sa mesa. Sakto pa talaga kung kailan nandito ang magulang ko. Natigil ako sa 'pag-e-emote' ko nang may yumugyog sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Patrick ang nakita ko. "Hi, crush," ngiting-ngiting bati nito sa akin saka naupo sa katapat kong upuan. Agad napangiwi ang mga labi ko sabay ayos ng nagkagulo kong buhok. Nandito na naman ang lalaking ito. Ka-batchmate ko si Phateick na second year pa lang kami ay nagpapalipad-hangin na sa akin. Pero hindi ko siya type kaya halos araw-araw kong basted-in kapag lumalapit ito sa akin. Hindi sa nag-iinarte ako pero ang gusto ko talaga sa mga lalaki ay iyong mas matangkad at mas matanda sa akin. Isa pa, wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend dahil focus muna ako sa pag-aaral. Even now that we are almost graduating, wala pa rin iyon sa hinagap ko. Siyempre may takas ka pa ba? Sa bukas at makalawa, may marriage contract ka na! "Yes? What do you want?" mataray na saad ko. Ipinakita ko talagang wala akong kainte-interes sa kaniya. Ngumiti pa ito at kitang-kita ko ang mga braces nito sa ngipin. "I just want to congratulate you in advanced. Kaya crush na crush kita eh. Ang ganda na, ang talino mo pa. I just want you to know kung gaano ako ka-proud sa 'yo." Umigkas ang isang kilay ko. Ito pa ang ikinaiinis ko sa buwisit na 'to. Masyado ring kornik. "Thank you," labas sa ilong na sabi ko. "Sele, if you won't mind, gusto ko sanang -" "Can't you see, I'm busy?" mataray na sabi ko. Bumuntong-hininga ito. "Yayayain lang sana kitang kumain. Sana naman-" "I'm sorry, Patrick. But I'll say it all over again. You're not my type. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa 'kin dahil wala ka namang mapapala. We're already graduating at pag naipasa ko na ang licensure exam, uuwi na ako sa province namin para roon na magtrabaho and definitely we will never see each other again kaya ngayon pa lang, please? Tigilan mo na." Kitang-kita ko ang pagguhit ng lungkot sa kaniyang mga mata. I didn't want to say those words either pero maigi na iyon kaysa naman patuloy siyang umasa at patuloy niya akong guluhin. Kung alam niya lang ang magiging buhay ko after the graduation. Hindi na siya kumibo pa at mapait na lang na ngumiti. Ibinaling ko na lang muli ang mga mata ko sa papel na hawak ko nang tuluyan na siyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD