“HAY! Super refreshing!!!” Nakapikit na pakli ni Lorena nang sumispsip siya mula sa straw ng isang baso ng avocado shake na ginawa ni Angela para rito. Halos maduling na ito sa sobrang sarap ng iniinom. Nakaupo sa deck chair si Lorena sa labas ng bahay. “O, bakit hindi ka gumawa ng sa iyo, Luna?” tanong nito sa kaniya. “Hindi na po. Makita ko lang po kayong nasasarapan sa ginawa kong shake ay okay na po ako, ate.” Akala mo ay isang anghel na nagmula sa langit sa sobrang kabaitan ng boses ni Angela. Pero sa loob niya ay pinapatay na niya si Lorena. “Hay! Ang bait mo talaga, Luna, kaya hindi ako nagsisisi na ikaw ang kinuha kong kasambahay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong pagtulong sa akin noon.” “Huwag niyo na pong banggitin ang bagay na iyon. Ub

