NAKAKADIRI ka talaga, Sergio! Nasa lupa ka pa lang ay sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo! Sigaw ng utak ni Angela habang titig na titig sa lalaking nasa harapan. Magpasalamat ito dahil nagagawa pa niyang pigilan ang sarili na gamitin rito ang mga martial arts na natutunan niya upang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Isang tuhod sa p*********i nito at sipa sa leeg ay maaari na nitong ikamatay. Ngunit gaya ng sinabi niya ay hindi niya hahayaan na madungisan ang mga kamay. Hahayaan niyang ang katotohanan ang magparusa rito. “K-kuya, h-huwag po...” Ipinakita ni Angela ang takot sa mukha. Kailangan ay mapanindigan niya ang pagiging mahina ni Luna. Alam niya na mas ginaganahan si Sergio kapag nakakakita ito ng takot. Pakiramdam siguro nito ay superior ito o mas mataas ito sa baba

