NAALIMPUNGATAN si Cedrick nang may maramdaman siyang humahalik sa kaniyang labi. Sa pagbukas ng mata niya ay sumalubong sa kaniya ang mukha ng isang babae na may nakatakip na belong itim ang mukha. Malabo man na makita niya nang malinaw ang mukha nito ay kilala niya pa rin ito. “Roxanne...” anas niya nang huminto ito sa paghalik. Hindi na niya kailangang makita ang kabuuan ng mukha ng babae. Kilala niya ang halimuyak ng pabango nito—ang paboritong pabango ni Roxanne. “Ako nga, Cedrick. Na-miss mo ba ako?” Nang-aakit ang boses na tanong nito. Alam niya na panaginip na naman ito kagaya noong una dahil imposibleng nasa realidad siya. Patay na si Roxanne. Ganoon pa man, masaya siya kahit paano na nadadalaw at nagpapakita si Roxanne sa kaniya sa panaginip. Nang mamatay ito ay wala

