HINDI maintindihan ni Liya kung bakit nakikita niya si Angela sa kasambahay nina Lorena na si Luna. Pagdating sa pagkilos at pananalita nito ay parang ito talaga si Angela na nasa katawan ng ibang tao. Lalo na kapag kausap niya ito at tinitingnan niya ito nang diretso sa mata ay si Angela talaga ang nakikita niya. Kagaya na lang ng umaga na iyon. Nang matapos silang mag-almusal ay bigla itong nag-umpisa sa paggawa ng cupcake kasama sina Kakay at Lala. Nasa may bungad siya ng pinto papunta sa kusina at pinapanood ang tatlo habang kumakain ng mansanas. Bumalik sa alaala niya noong buhay pa si Angela ay gumagawa ito ng brownies at cupcakes para ibenta sa online. Parang masyado naman yatang pagkakaparehas sina Angela at Luna. Siguro kung isa o dalawa ay hindi siya magtataka pero mad

