PUMAILANLANG ang malakas na tawa ni Liya habang magkatabi silang nakaupo ng kaniyang asawa ni Joshua sa sofa. Tuwang-tuwa kasi siya sa pinapanood nila sa telebisyon. Tanghali ng oras na iyon at kakatapos lang nila na kumain ng tanghalian. Matapos kumain ay dumiretso na sila sa salas ni Joshua para manood at magpababa na rin ng kinain. Abala si Joshua sa cellphone nito. “Joshua, parang gusto ko ng ice cream. Meron sa ref, e. Nakita ko. Ikuha mo naman ako, please...” Naglalambing na sabi ni Liya kay Joshua. “Sige. Sandali lang.” Tumayo ito upang ikuha siya ng ice cream sa kusina. Humiga siya sa sofa para mas kumportable. Muling itinutok ni Liya ang mata sa telebisyon. Nakarinig siya ng umubo. Napatingin siya sa may hagdan at naroon pala si Lorena na mukhang kanina pa sila pinapa

