CHAPTER 15

1454 Words
Kasalukuyan akong nag-ayos ng aking sarilli ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad ito sa ibabaw ng dressing table upang tignan kung sino ang tumawag. It's from the GPR kaya sinagot ko ito agad. [Hello Good morning, Ma'am Laureen] magalang na bungad sa akin ng babaeng nurse sa kabilang linya. [Good morning, yes?] ganting bati ko rin at tinanong ko agad ito. [Regarding po kay Sir Caspian, Ma'am] [What about him?] [Maari na po siyang makalabas, Ma'am kaya pwedeng-pwede niyo pa siyang sunduin kahit ngayon na po mismo] Hindi agad ako nakasagot sa kabilang linya dahil mas nauna pang nag react ang puso ko kesa sa bibig ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso naghalo ang kaba at saya. Totoo ba ang sinasabi ng nurse? Makakalabas na si Daks? Ibig sabihin magkikita na ulit kami. Makikita ko na ulit siya pagkatapos ng apat na buwan niyang pananatili sa rehab. [Ma'am Laureen?] untag sa akin ng nurse sa kabilang linya. [Yes, tell him I'm gonna fetch him] tugon ko. [Ngayon na po ba, Ma'am?] tanong niya. [Y-yes] D*mn! Bakit ba ako nauutal? Gosh! [Sige po, Ma'am sabihan ko lang po si, Sir Caspian] [Okay] I dropped the call after I say that word. Parang mawawalan na kasi ako ng hangin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Why is this happening to me? Susunduin ko lang naman siya? Anong nakakakaba dun? Gosh! Ilang buntong hininga pa muna ang ginawa ko bago ako kumilos ulit. Ano bang meron si Daks bakit ba niya ako pinapakaba ng ganito? E, tao lang din naman siya tulad ko. Bago ako tuluyang lumabas sa aking kwarto ay tinawagan ko muna si, Kai. [Hello, Kai cancel all my meetings for today] utos ko agad sa kanya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit pina cancel ko lahat ng meetings ko e, pwede naman akong pumasok pagkatapos kong sunduin si, Daks. Ahh! Ano ba talaga itong nararamdaman ko? [But, Ms L you have a very important with our investors from Ireland today] [I said cancel it all] maawtoridad kong utos sa kanya, at kaagad ko ng pinatay ang phone ko. Ang lakas din tummiming nitong ni, Kai, e. Wala akong pakialam kung importante man ang meeting ko with our investors. Panatag akong hindi sila aalis sa kompanya namin lalo na't muli itong namayagpag nung pumunta ako ng Spain para buksan ang branch doon ng Sabor De Vigor. Sa tuwing magbubukas kasi ako ng bagong branch ay nakalakip na roon ang kompanyang Vigor Inc. Dahil business partners kami at siyempre pinapabango ko ang apelyidong Vigor sa buong mundo. And it's easy for me to do that. At kung sakali mang aalis ang investors na makakameeting ko dapat mamaya ay hindi naman siya kawalan dahil bagong investors lang siya. Kung tutuusin ay nagpapabuhat pa ito ng pangalan ng kompanya niya sa akin. Muli kong inayos ang sarilli ko saka tuluyang lumabas ng condo bumalik na ulit ako rito dahil medyo maraming trabaho ang tinapos nung nakaraan. Paglabas ko ay binati pa ako ng guard ngunit tanging tango lang ang tinugon ko rito dahil malalaking hakbang ang ginawa ko patungo sa kotse ko. Nang marating ko ang kotse ay agad na akong sumakay at binuhay ko na ang makina nito at pinaharurot papuntang GPR. *** Daks Isang katok mula sa pintuan ng aking silid ang nagpatigil sa aking ginawa upang buksan ang pintuan pagbukas ko ay si nurse Lanie ang bumungad sa akin. "Good morning, Sir Caspian," magiting niyang bati sa akin. "Magandang umaga rin ho, nurse Lanie," ganting bati ko naman sa kanya. "Kamusta ka? Nainom mo na ba ang vitamins mo?" magkakasunod niyang tanong sa akin. "Kanina pa ho, pagkatapos kung mag almusal," tugon ko. "Pumasok po muna kayo," aya ko at niluwagan ko ang pinutan upang makapasok siya rito sa aking silid. "Salamat," pasalamat naman agad niya sabay pasok sa aking silid, pagpasok niya ay agad ko namang sinara ang pintuan ko. "Sir Caspian, mag-impaki na ho kayo dahil susunduin na kayo ni Ma'am Laureen," saad niya. Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "P-po?" utal kong tanong sa kanya. "Mag impaki ka na ho dahil papunta na rito ang sundo ninyo," pag-uulit naman niya. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa aking narinig. Susunduin ako ng taong tumulong sa akin at nang taong gusto kong makasama sa buong buhay ko. "Oh, paano maiwan na muna kita ha? Para makapg impaki ka na bilis-bilisan mo na rin at baka malapit na iyon," untag sa akin ni nurse Lanie, at tinapik niya pa muna ako sa aking balikat bago lumabas sa aking silid. Paglabas ni nurse Lanie ay nag impaki na nga ako, habang nag-iimpaki ay hindi mawala-wala sa aking mga labi ang ngiti. Sabik akong makita ulit ang labas, sabik akong magpa araw ulit, sabik akong makalanghap ng preskong hangin at higit sa lahat ay sabik akong makita ulit ang napakagandang dilag sa balat ng lupa. Isang buwan na kasi siyang hindi dumalaw sa akin siguro ay napagod dahil sa tuwing dadalaw siya ay hindi ko naman siya kinakausap. 'Di bale hihingi na lang ako ng tawad sa kanya mamaya kapag nagkita na kami at magpasalamat din ako sa kanya dahil simula umpisa ay hindi talaga niya ako pinabayaan. Hindi ko man alam kung ano ang rason niya bakit niya ako tinulungan pero isa lang ang sigurado ako iyon ay ang may mabuti siyang puso. Patapos na ako sa pag-iimpaki ng biglang may kumatok sa pintuan agad ko naman itong pinahintulutang pumasok at bumukas naman agad iyon at si Tuti ang iniluwa roon. "Ano, Caspian ready ka na?" nakangiting tanong niya. "Ready na, Tuti ito magsisimula na ulit ako," tugon ko naman agad. "Masaya ako para sa'yo, Caspian mag-iingat ka sa labas ha?" Sa halip na sagutin siya ay niyakap ko na lang ito napakabuting kaibigan ni Tuti dahil araw-araw niya akong tinutulungan. Mas nagkasundo pa kami nung tinulungan ko siya sa pagluto ng sisig negosyo niya kasi ito ngunit hindi niya gaano kuha ang timpla kaya nag boluntaryo akong tulungan siya. Marunong naman kasi akong magluto at marami rin akong alam lutuin at dahil nga sa pagtulong ko kay Tuti ay pumatok ang sisig niya at binibigyan pa niya ako ng pera para raw sa paglabas ko ay may pambili rin ako ng gusto ko na ipinagpasalamat ko naman. "Maraming salamat sa lahat-lahat mong tulong sa akin, Tuti ha? Hinding-hindi kita makakalimutan hanggang sa aking pagtanda," madamdamin kong saad sa kanya, nang kumalas na ako sa pagkakayakap. "Ako rin, Caspian hindi rin kita makakalimutan akalain mo 'yun pasyente lang kita nung una pero kalaunan ay naging magkaibigan pa tayo," saad niya sa natatawa niyang boses. "Oo nga," tugon ko naman. Ang galing lang kasi ang nurse ko ay naging kaibigan ko pa. Maya-maya pa ay may kumatok na naman sa pintuan ko at si Tuti na ang nagbukas nun. "Sir Caspian, ready na ho ba kayo? Hinihintay na po kasi kayo ni Ma'am Laureen sa parking area," saad ni nurse Lanie dahil siya ang kumatok. "Sige po susunod na po ako," tugon ko at kinuha ko na ang duffel bag sa kama. "Paano, Tuti aalis na ako mag-iingat ka rito," paalam ko kay Tuti. "Mag-iingat ka rin, Caspian," tugon naman niya sa akin, at tuluyan na akong lumabas sa aking silid. Sa aking silid na nagsilbing tahanan ko sa loob ng apat na buwan nakakalungkot man ngunit kailangan ko ng lumabas at humarap sa totoong buhay. Mamimiss ko ang malapad na silid na iyon at pati na ang mga taong gumabay at nag-alaga sa akin dito. Bago ako tuluyang lumabas ng rehab ay maayos akong nagpaalam sa lahat ng mga nurse at nagpasalamat mga mababait sila kaya sana pagpalain pa sila lalo. Humigit muna ako ng hangin bago tuluyang lumabas ng rehab at mula rito sa aking kinatatayuan ay natatanaw ko na si Laureen. Nakatayo ito sa gilid ng kotse niya nakapusod ang buhok niya at maganda ang kasuotan niya. Hinakbang ko na ang paa ko patungo sa kanya pero hindi niya ako napansin dahil sa ibang direksyon ito nakatingin, habang palapit ako nang papalapit sa kanya ay hindi maikakailang napakaganda niya. "Excuse me, Ms." tawag ko sa kanya nang makalapit na ako sa kinatatayuan niya, at agad naman niya akong nilingon. "Hi, I'm Caspian Austria," pormal kong pagpapakilala sa dalaga sabay lahad ng kaliwang kamay ko. Kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang pagkagulat nang makita niya ako kaya lihim na lamang akong natawa sa aking isipan ngunit agad din siyang nakabawi. "Laureen Vigor," pakilala din niya sa kanyang sarilli at kinamayan ako. At sabay na sumilay sa aming mga labi ang napakatamis na mga ngiti habang hindi naghihiwalay ang aming mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD