CHAPTER 14-Laureen

1023 Words
MATULING, lumipas ang mga araw ngayon ay tatlong buwan na mula noong pinasok ko si, Daks sa rehab at dalawang buwan na rin akong nakauwi. Isang buwan kasi ang tinagal ko sa Spain inabot kasi ng tatlong araw pag-ayos ng 'Sabor De Vigor' doon at ang mga natirang araw ko naman ay ginamit ko para mamasyal at namili na rin ako ng mga damit. Sinulit ko na tutal nandoon na rin naman ako at pag-uwi ko nga rito ay dumeritso ako ng rehab para bisitahin si, Daks, pero hindi man lang siya lumabas sa kanyang kwarto para kausapin ako. Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa rehab pero hindi talaga siya lumalabas sa kwarto niya. Nakakainis man ay inintindi ko na lamang kasi nagpapagaling pa siya. Kasalukuyan akong nagpeperma ng mga papelis ngayon dito sa office ko sa Vigor Inc. Natambakan na kasi mag trabaho ko rito dahil naging busy din ako sa restaurant ng Sabor De Vigor bumalik na kasi ako roon sa pagluluto at ngayon na lang ulit ako bumalik sa Vigor Inc. Dumaan pa ang dalawang oras ay na tapos na rin ako sa pagperma dama ko agad ang pagod dahil buong araw lang akong pumiperma, kaya naman sinandal ko muna ang ulo ko sa swivel chair at pinikit ang aking mga mata. Magpapahinga muna ako sandali bago umuwi. Kakapikit pa lang pero tumunog na naman ang cellphone ko. Tsk! 'Innocent' ang pangalang nakarehistro sa phone ko it's my friend Teria kaya sinagot ko ang tawag niya. [Hello, Teria] sagot ko sa kanya sa kabilang linya. [Hi, Laureen how are you?] tanong niya sa akin sa kabilang linya. [I'm a bit tired, bakit sana?] tugon ko naman. [Yayain sana kitang uminom ngayon] saad niya. I'm not in a mood mas gusto ko na lang magpahinga ngayon kesa uminom. Pagod na pagod kasi talaga ako sa buong araw. [Hindi kita masasamahan ngayon, Teria pagod kasi ako isa pa wala ako mood uminom] pagtatapat ko sa kanya. [Oh okay, Laureen no worries] saad niya. ito ang gusto ko kay Teria dahil madali lang siyang kausap hindi tulad ni Cassy na sapilitan talaga si Marla ay ganun din. [Maybe next time, Teria] wika ko. [Sure, Laureen] tugon naman agad niya. Pagkatapos naming mag b-bye sa isa't-isa ay pinatay na rin namin ang linya ng mga telepono namin. Nawala na ang antok ko dahil sa tawag ni Teria kaya nagpasya na lamang akong umalis na, kaagad ko nang nilinis ang mesa ko at saka tumayo mula sa swivel chair. Inayos ko lang saglit ang sarilli ko at saka tuluyang lumabas sa aking opisina at deri-deritso ko ng tinungo ang daan palabas ng building pagdating ko sa parking area ay may nakita akong taong grasa sa kalayuan. Naalala ko tuloy si, Daks kaya dadaanan ko siya bago ako umuwi baka sakaling lumabas na siya this time at ready na siyang makausap ako. Kaya kaagad na akong sumakay sa kotse at binuhay ko na ang makina nito saka pinaharurot papuntang GPR. Pagdating ko sa GPR, ay agad naman akong inasikaso ng isang babaeng nurse at iginiya niya ako sa visitor's area para hintayin doon si Daks. "Ipapatawag ko lang po siya, Ma'am Laureen," nakangiting saad niya sa akin nang mahatid niya na ako sa visitor's area, at nakaupo na rin ako sa isang bench. "Sige salamat," tugon ko naman sa kanya, at agad na ako nitong umalis. Maya-maya lang ay bumalik na rin ang nurse pero hindi niya kasama si Daks. "Ma'am Laureen, sorry po pero ayaw pa rin pong lumabas ni Caspian sa kwarto niya," saad niya. Napabuntong hininga na lamang ako kailan ba niya ako balak kausapin? Nakakainis na talaga! "Pero maayos lang naman siya 'di ba?" tanong ko na lang sa nurse, kahit na ang totoo ay inis na inis na talaga ako. "Yes po, Ma'am he's getting better and better everyday," tugon niya. Maayos naman na pala siya pero bakit ayaw niya akong kausapin? Ano bang problema ng taong grasang yun sa akin? Kung kailan tumino saka ayaw magpakita samantalang nung wala pa siya sa katinuan niya ayaw bumitaw sa akin. Gigil niya na ako! "Is he still taking he meds?" tanong ko ulit sa nurse. "Yes, Ma'am pinapa take din po namin siya ng vitamins," tugon niya. "Good," tipid kong tugon at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Tutal wala naman siyang balak na kausapin ako aalis na lang ako. "Nag effort ka pa, Laureen!" inis kong anas sa aking isipan. "Pakisabi nga pala sa kanya na humanda siya sa akin paglabas niya!" nambabanta kong saad sa nurse bago ako tuluyang lumabas sa visitor's area. Talagang humanda siya sa akin! Mukhang natakot ko pa yata ang nurse dahil tanging paglunok lang nagawa nito kaya umalis na lamang ako. Humanda talaga sa akin ang taong grasang iyan paglabas niya sa rehab! *** Another month have passed and Daks is still in the rehabilitation I never visited him again, dahil hindi rin naman siya lalabas para makita at makausap ako. Kaya tumatawag na lamang ako roon para alamin ang lagay niya at kagabi lang ay tumawag ako ulit sa GPR. Natuwa ako nang malaman kong tuluyan na siyang gumaling ngunit kailangan pa siyang obserbahan sa mga susunod na linggo para ma sigurado talaga ang lagay niya. Ngunit malakas na raw ito at maayos nang kausap nakikihalobilo na nga raw ito sa ibang mga nurses doon. Nakapagpa test na rin siya sa drug test at negative ang result ni Daks kaya natuwa ako nang malaman ko iyon. Pwedeng-pwede ko na siyang ipakilala sa mga magulang ko bilang mapapangasawa ko matatapos na rin ang pangungulit sa akin ni Antonio Vigor. Konting-konti na lang at makakalabas na rin si, Daks. I'm wondering now what does he look like? Also I'm wondering how he speak and how he talk with someone. Napailing na lamang ako dahil sa aking mga naiisip. D*mn! I've never been excited like this in my whole life it seems that, Daks is a gift that I wished for a long time and now it will came true. There is something really strange about me. Kaya humanda talaga 'yang, Daks na iyan paglabas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD