Sa maaliwalas at malapad na silid ay na komportable ako at mula rito sa malaking bintana ay natatanaw ko napakagandang babae na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Ngayon ko lang nasilayan ang napakaganda niyang mukha ngunit walang kahirap-hirap niyang binuhay ang puso kong matagal ng nananahimik.
Ngunit natigil ako sa pagtitig sa isang dilag ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at agad akong napalingon sa taong nagbukas ng pintuan.
"Kamusta, Caspian?" nakangiting tanong niya sa akin, siya si Tuti ang nurse ko.
"Ito malapit na malapit ng gumaling dahil magaling ang kaibigan kong nurse," nakangiting tugon ko naman agad sa kanya, at tinapik ko pa ang kanyang balikat.
"Mabuti naman kung ganun, oh inumin mo na itong gamot at vitamins mo para tuluyan ka na talagang gumaling," wika niya sabay abot ng dalawang kapsula sa akin at sa kabilang kamay naman niya ay basong may lamang tubig.
Agad ko naman iyong kinuha at ininom. Sa tatlong buwan ko rito sa GPR, ay muli akong bumalik sa dating ako. Alam kong minsan akong naging palaboy-laboy sa daan at naging taong grasa ngunit dahil sa isang tao ay muli kong nakilala ulit ang sarilli ko at gumaling ako. At pangako sa aking paglabas dito sa rehab ay siya ang unang-una kong pupuntahan at pasasalamatan dahil tinulungan niya ako.
"Ano, Tuti umalis na ba siya?" tanong ko kay Tuti, dahil nandito pa rin siya sa aking silid.
"Siguro," Hindi siguradong tugon ni Tuti sa akin.
"Caspian, bakit ba kasi ayaw mong lumabas? Okay ka naman na ah, tsaka pwede mo na rin siyang makausap nang maayos," saad pa ulit ni Tuti.
"Saka na kapag tuluyan na talaga akong gumaling isa pa ay hindi pa ako handang harapin siya," tugon ko naman sa kanya.
Sa loob ng tatlong buwang pananatili ko rito sa rehab ay laging dumadalaw sa akin ang babaeng iyon at nagbabakasakali siyang makausap niya ako. Ngunit 'lagi ko itong tinantanggihan kahit na ang totoo ay gustong-gusto ka na rin siyang makilala at makausap. Pero pinang-uunahan ako ng hiya at kaba sa aking puso kaya mas mainam sigurong sa aking paglabas na lang dito sa rehab kami magkita.
"Ikaw ang bahala," saad ni Tuti, at nagpaalam na rin ito sa akin saka tuluyang lumabas sa aking silid.
Nang mapag-isa ay muling bumalik sa aking isipan ang imahe ng napakagandang dilag. Mula sa kulay asul nitong mga mata, matangos nitong ilong at sa mala rosas nitong mga labi na kay sarap hagkan. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan may kurba at may ipagmamalaki. Siya rin ang pumukaw sa natutulog kong diwa sa tuwing nakikita ko siya ngunit pilit ko itong kinukubli dahil hindi tama ang aking nararamdaman. Ang tulad niya ay hindi dapat pinagnanasaan at binabastos sa isipan ng isang lalaki. Dahil ang tulad niya ay dapat nirerespeto at minamahal ng lubos sana makatagpo siya ng ganung lalaki.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan sa buong buhay ko. Isinalba niya ako mula sa aking mapait at masakit na nakaraan.
Naging palaboy ako at napadpad sa Manila dahil may tinakasan akong tao at iyon ay si Floyd. Isang druglord si Floyd sa lugar namin sa Ilo-ilo at sa kanya ako humingi ng tulong noon dahil may sakit ang Lolo ko. Walang-wala ako nu'n dahil ako na lang ang tanging pamilya ni Lolo kaya kumapit na ako sa patalim. Nag aagaw buhay na noon ang Lolo ko sa hospital dahil sa sakit niya kaya humiram na ako ng malaking halaga pinahiram nga niya ako ngunit huli na rin ang lahat dahil binawian na ng buhay ang Lolo ko. Kaya ang perang inutang ko ay binayad ko na lang sa hospital at ginastos ko sa paglilibing kay Lolo. Ngunit ang hindi ko alam ay may kapalit pala ang paghiram ko hindi niya ako pababayarin ng hiniram ko sa kanya basta ihatid ko ang ilang gramo ng droga sa isang costumer niya. Kahit kabado ako noon ay ginawa ko dahil wala na akong ibang choice.
"Umayos ka, Caspian kapag hindi mo ito naihatid nang maayos kay Mr. Yugo ay isusunod kita sa Lolo mo," pambabanta niya sa akin noon at nilabas pa niya ang baril niya.
Ngunit nung araw na ihahatid ko na ang droga ay nagkahulihan at dahil sa labis na takot ay tumakbo ako at tinapon ang droga sa kung saan. Hindi ko na alam noon kung nasaan na ako sobrang natakot na ako noon kaya kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko hindi na ako makapag-isip nang maayos at hindi na rin makakain nang maayos. Dahil ang tanging nasa isip ko noon ay babalikan ako ni Floyd at papatayin. Na trauma ako kung kaya't naging palaboy-laboy ako dahil gusto kong makalayo kay Floyd.
Alam kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ligtas sa kanya at hinahanap pa rin niya ako, at hindi siya titigil hangga't hindi niya ako napapatay. Ngunit sisiguradohin kung makakabayad na ako sa kanya magtatrabaho agad ako paglabas ko rito para may ipambabayad ako sa kanya at pati na rin sa babaeng tumulong sa akin. Siya ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon at hinding-hindi ko na ito sasayangin. Hulog siya ng langit sa akin kaya aayusin ko na ang buhay ko at kung papalarin ay liligawan ko ang taong nagligtas sa akin kung maaari. Ngunit hindi na dahil sa utang na loob kundi dahil may nararamdaman na rin ako para sa kanya at sana may pag-asa ako sa isang tulad niya. Ang sabi kasi sa akin ni Tuti ay kilala siyang tao at napakayaman billionarya raw siya. Hindi ko man matatapatan ang yamang meron siya ngunit sisiguradohin kong hindi rin matatapatan ng yaman niya ang pag-ibig na maibibigay ko sa kanya. Mangangarap ulit ako at magsusumikap para naman matanggap niya ako sa buhay niya.
Ako si Caspian Austria ang minsang naging taong grasa ngunit dahil sa isang dilag ay nagkaroon ulit ng pagkakataong mabuhay at mangarap. At sisiguradohin kong hindi ko na ulit sasayangin ang buhay ko lalo na't binigyan ako ng Diyos ng panibagong rason para mabuhay at isa na rin sa rason ay ang makilala ang taong nagligtas sa akin at kung papalarin ay makasama ko na rin sa buong buhay ko.