CHAPTER 12

1437 Words
Tutok na tutok ako sa mga papelis na nasa harapan ko medyo masakit pa nga ang ulo ko pero pinilit ko pa ring pumasok ngayong araw. Ala una na kasi ako ng madaling araw nakauwi kanina dahil naparami ang inom namin ni Marla kagabi sa LiquidDoze bar. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng office na agad ko namang pinahintulutang pumasok. Pagbukas ng pinto ay si Kai ang iniluwa roon dala-dala ang pinabili ko sa kanyang matcha tea ito ang lagi kong iniinom sa tuwing may hang over ako o, di kaya ay masakit ang ulo ko hindi ko naman kasi ugaling uminom ng gamot agad. "Good morning, Ms. L ito na po ang matcha tea ninyo," bati niya sabay lapag ng tea sa mesa ko. "By the way, Ms. L remind ko lang po kayo about sa truck ni Mrs. Santos," saad niya, at saka ko lang din naalala na hindi pa pala ako naka order ng truck para sa package na kinuha ni Mrs Santos. Si Mrs. Santos ang client ko from Spain na kumuha ng franchise ng 'Sabor De Vigor' at ang pinili niyang package ay Restaurant and Caters set. So, it needs a truck for catering services, at ako mismo ang magdadala roon sa Spain at doon ko na rin ibibigay sa kanya ang kontrata at sa linggo na ang alis ko papuntang Spain. "Mag order ka sa Triple C's at ipa deliver mo agad dito, just tell Cassy para maasikaso niya agad," utos ko kay, Kai habang abala pa rin ako sa pagbasa ng mga papelis. "Noted, Ms. L," tugon niya at nagpaalam na rin agad ito sa akin saka lumabas ng office ko. At sunod namang pumasok sa office ko ay si Faye. "Ms. L your private plane is ready for sunday as well as the pilot," saad niya. "Okay," tugon ko naman agad sa kanya at magalang itong yumuko bago lumabas sa aking office. Paglabas niya ay tumunog naman agad ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha upang makita kung sino ang tumatawag. It's Kai. Kaya agad ko itong sinagot. [Ms. L, ipapadeliver na po riyan ang truck within fifteen minutes binigyan ka rin po ng discount ni Ms. Cassandra Concepcion] litanya niya sa kabilang linya. [Okay, just send me the amount para ma send ko na sa bank account ng Triple C's ang bayad] tugon ko naman agad. Nang marinig ko ang kumpirmasyon niya ay agad ko na ring binaba ang phone. I like how Kai and Faye doing their jobs dahil insigida sila kung kumilos at hindi ko na kailangan pang maghintay ng ilang oras. A very big thanks also to my friend Cassy for giving me a discount even if it is not necessary. Mabait lang talaga si Cassy well, kahit naman si Airah ay binibigyan ako ng discount sa tuwing oorder ako sa kanya ng mga damit pati kay Teria ay ganun din maliban lang kay Marla dahil sa labas ng bansa ang negosyo nito. Pagkatapos kong e send ang payment ko sa Triple C's bank account ay tinext ko si Cassandra ng pasasalamat. Dumaan pa ang ilang oras at sa wakas ay natapos ko na rin ang trabaho ko at nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Napatingin naman agad ako sa aking relos. It's five in the afternoon already. Kaya agad ko nang niligpit ang mga gamit sa desk ko dahil aalis na ako dadaan pa kasi ako sa Wine shop para iregalo sa aking ama dahil ngayong araw ang birthday niya. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit sa desk ko ay inayos ko muna ang sarilli ko at pinusod ko ulit ang buhok ko dahil medyo nagulo ito. Nang maayos ko na ang sarilli ko ay agad na akong lumabas ng opisina at deri-deritsong lumabas ng building. Sumaglit muna ako sa isang wine shop upang bilhin ang paboritong wine ni Papa and this would be my present to his birthday pagkatapos ko sa wine shop ay dumeritso na agad ako sa aming mansion. Pagdating ko sa aming mansion ay pinark ko lang sandali ang kotse ko sa garahe at saka tinungo ang pool area dala-dala ang regalo ko kay Papa. Nadatnan ko ang mga magulang kong nagtatawanan kasama ang dalawang pinsan ko na sina Roxi at Cleff, inimbitahan pala sila ng mga magulang ko. "Hi, Lu!" bati sa akin ni Roxi, nang makita niya na ako at pati sina Mama, Papa at Roxi ay napatingin na rin sa gawi ko. "Hi, sweetie," malambing na bati naman agad sa akin ni Mama, at sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan niya rin ang noo ko. "I miss you, sweetie," She sweetly said and caress my face. "Ehem!" Agad naman kaming napatingin kay Papa dahil nasa likuran na siya ni Mama. "Kj," anas ko ngunit tinawanan lamang niya ako. "Anyways before I forget," saad ko at saka lumapit sa aking ama. "Happy birthday, Papa!" I greeted him with a smile on my face. Inabot ko rin agad sa kanya ang regalo kong whiskey at natuwa naman agad ito nang kinuha niya. I know it's his favorite whiskey of all time well even me I like the taste of it too. See? We're not close but we have so much in common. Mag-ama nga kami. "Thank you for this, hija," pasalamat niya habang may ngiti sa kanyang mga labi, kaya natuwa na lang din ako. "Come on, let's eat," aya niya na at sabay kaming umupo sa hapag kainan. Napuno ng tawanan at kwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay ang hapag kainan hanggang sa matapos kami. "Laureen," tawag sa akin ni Papa at may nais iparating ang mga tingin nito sa akin, at alam ko na agad kung ano iyon. It's about marriage. "Papa!" umiingos kong tawag sa kanya. "Anak, mahirap ba talaga ang hinihiling ko sa'yo?" tanong niya. Well, noon oo pero ngayon hindi na dahil meron na pero hindi ko muna sasabihin gusto ko kapag nakilala nila si Daks ay maayos na ito at matino na itong kausap. Isa pa ay nangangamba pa ako sa nakalap na impormasyon ng Private Investigator tungkol sa kanya. I sigh before I say a word. "Papa, just give me more time," I said. "Oo nga naman, Antonio your daughter is such a busy person." Buti pa si Mama. "But, Lisa ayoko lang naman na magpaglipasan ng panahon ang anak natin, at ayokong tumanda siyang mag-isa. Isa pa para mawala na rin iyang pagkamaldita niya," litanya niya, at sinamahan pa niya ng pagtawa ang huli niyang sinabi. Napairap na lamang ako. "Well, kanino pa ba ako nito mag mamana e, 'di sa maldito ko ring ama," may katarayan kong sabi, na kinatawa naman nina Mama at mga mga pinsan ko. "Ay grabe si, Ate Laureen sa'yo, Tito Antonio," natatawang saad ni Cleff kay Papa, kaya pati ako ay natawa na rin. At muling napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag kainan kahit na tapos na rin naman kaming kumain. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin sina Roxi at Cleff dahil lumalim na rin ang gabi at maaga pa sila bukas pati ako ay nagpaalam na rin dahil uuwi ako sa aking mansion dahil sa linggo ay lilipad na ako papuntang Spain. "Laureen," tawag sa akin ni Papa, nang nasa garahe na ako. "Yes, pa?" tugon ko naman agad. "Thank you dahil dumating ka sa birthday ko." "I know you're such a busy person pero pumunta ka pa rin." Magkakasunod niyang saad sa malambing niyang boses hindi ako sanay na ganito siya magsalita sa harapan ko. Ngunit natutuwa ako kahit papaano, it reminds me of my childhood and how sweet my father to me before. "Tinupad ko lang ang sinabi ko," simpleng saad ko, hindi na kasi ako sanay maging malambing sa Papa ko ewan ko kung bakit siguro dahil nahihiya na ako. "Laureen, gusto kong tuparin mo pa ang isang kahilingan ko sa'yo at iyon ay ang maikasal ka sa lalaking hindi mayaman. Hija hindi sa pinipilit kita o, pinipwersa gusto ko lang kasing may makasama sa pagtanda mo tulad sa amin ng Mama mo." "And because you need a man to love you so much and a man who'll keep reminding how beautiful and how important you are everyday." Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi sa akin ni Papa ngunit nagustuhan ko ang mga sinabi niya dahil sa kabila ng pamimilit niyang makapag-asawa ako ng maaga ay maganda pala ang rason niya. Sana lahat ng katangiang hinanap ni Papa sa lalaking para sa akin ay matagpuan ko kay Daks. Sana sa pagbalik mo galing Spain ay maayos na siya at makausap ko na siya nang maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD