Pagdating ko sa GPR, ay agad naman akong inasikaso ng isang nurse at giniya niya agad ako sa clinic ni Dr. Gonzales. May kausap na isang lalaki ang doktor at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero nang makita nila kami ay nahinto naman agad sila.
"Good thing you're here, Mrs," saad ni Dr. Gonzales sa akin sabay tayo mula sa swivel chair niya.
"By the way, this is Private Investigator Salas," pagpapakilala niya sa akin sa lalaking kausap niya.
Agad ko naman itong tinignan dahil tumayo rin ito mula sa kanyang kinauupuan.
"Laureen Vigor," pagpapakilala ko sa sarilli ko sa PI, sabay lapit sa kanya at nilahad ko ang kamay ko.
"Nice to meet you, Madam," tugon niya at nakipag kamayan ito sa akin.
Pagkatapos naming mag kamayan ay naupo na rin kami at may nilabas namang folder si Dr. Gonzales.
"Nasa loob ng folder na iyan ang nakuhang impormasyon ni PI Salas tungkol sa asawa mo, Mrs," saad ni Dr. Gonzales sabay abot sa akin ng brown folder.
Kaagad ko naman itong binuksan at maraming papel ang nakastaple. And it only means marami ring nakuhang impormasyon ang PI.
"As you can see sa unang papel ay nakalagay diyan ang buong pangalan, edad at lugar ng asawa mo," saad naman ng PI, kaya binasa ko naman agad ang nakasulat sa papel.
Name: Caspian Austria
Age: 27 years old
BirthPlace: Ilo-ilo Concepcion
Ang layo naman ng natungo ni Caspian from Visayas to Luzon?
"Napag-alaman ko rin po, Ma'am Laureen na marami pong kamag-anak ang asawa ninyo sa Ilo-ilo ang kaso ay napakalayo po nila at nasa isla po ang lugar nila," wika pa ng imbestigador.
"Kung gusto mo, Mrs maaari kang pumunta roon upang makausap sila tungkol sa nangyari sa asawa ninyo," sabat naman ng doktor.
Well, may punto siya pero ayokong pumunta ng Ilo-ilo lalo pa't hindi ko kabisado ang lugar na iyon at isa pa ay busy pa ako ngayon sa mga trabaho ko.
"Aside from that wala na bang ibang impormasyon?" tanong ko sa kanilang dalawa habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Yung about sa Floyd na tinutukoy ng asawa mo. We found out that Floyd is a drug lord," wika ng PI,
"Druglord?" pag-uulit ko.
Gosh! I can't imagine that, Daks is possibly related to drugs.
"Oo, hanggang doon pa lang nakalap kong balita, Mrs, hindi pa kasi talaga malinaw ang lahat tungkol sa asawa ninyo," tugon niya.
"Dr. Gonzales have you checked, Daks condition right? Have you test him too?" magkakasunod na tanong ko naman kay Dr. Gonzales.
"Yes and it turns out that your husband is traumatic that's why he's afraid of people. Dahil ang nasa isip niya ay ibibigay siya ng mga tao sa Floyd na binabanggit niya, actually until now he's murmuring that name and fear can be seen in his eyes," paliwanag niya sa akin.
"How about the test? Have you tried test him?" pag-uulit kong tanong tungkol sa test.
"Not yet, dahil hindi pa maayos ang asawa ninyo nagwawala siya palagi kaya lagi namin siyang tinuturukan ng pampatulog," tugon niya.
I feel worried about, Daks and to his situation. Naalagaan ba talaga siya rito? Parang gusto ko na lang siyang iuwi ulit sa bahay at least doon hindi siya magwawala at makikita ko pa siya sa araw-araw.
"Don't worry, Mrs he is safe with us."
"And by the time na maayos na siya ay gagawin agad namin ang test."
Magkakasunod niyang saad na nagpauntag sa akin.
Nakita siguro niya ang pag-aalala sa mukha ko kaya sinabi niya iyon. Well, somehow I'm convince but still I'm worried.
"Nasanay kasi siyang Ikaw ang palagi niyang nakikita at nakakasama, that's why nagwawala siya but, believe me sooner or later he will be fine," saad pa ulit niya na may kapanatagan.
I hope so.
"You can visit him if you want," suhestiyon pa niya pero agad akong umiling.
I think it should be better if he won't see me, baka kasi sumama siya sa akin at hindi ko na ulit maibalik dito. Hindi na talaga siya gagaling kapag ganun.
"No need basta safe siya rito at naalagaan nang maayos ay okay na sa akin," saad ko.
"He is, don't worry uunti-untiin namin siya sa gamot para masanay siya at pati na rin ang katawan niya," saad naman niya.
"And maybe after a month or two you can visit him again to see his progress," dagdag pa niya.
"How long does he's medication will take?" I curiously asked.
"Well, it depends on the patient's condition sometimes it only took 3 or 6 months, sometimes it took a year or more," pagpapaliwanag niya.
Sana naman hindi umabot ng taon si, Daks dito sana gumaling na siya agad.
"You can visit him from time to time if you want," saad ulit niya.
Kapag hindi ako busy dadalawin ko talaga siya at para na rin ma check ko ang lagay niya rito sa loob ng rehab.
"Okay," tugon ko naman agad sa kanya
"Magtiwala po kayo kay Dr. Gonzales, Ma'am Laureen subok na po iyan ng karamihan kaya makakaasa ho kayong mapapagaling niya ang asawa mo," sabat naman ng PI, na ikanatawa naman ng mahina ng doktor.
"I won't put my husband to his rehabilitation facility if I'm not convince on his profile and background. It is just I'm really worried about, Daks condition," litanya ko.
"Thanks for trusting then, Mrs, huwag kang mag-alala hindi ka bibiguin ng buong GPR," wika naman ni Dr. Gonzales, habang nakangiti.
"Dapat lang, dahil ayoko sa lahat ay nabibigo ako at kapag nangyari iyon ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na ipasara ang mga rehabilitations mo, at mawawalan ka rin ng lisensiya sa pagiging psychiatrist mo," pambabanta ko sa kanya. Gusto ko lang kasing makasigurado.
"Grabe naman kayo, Ma'am," natatawang sabat ng PI,
"I'm not joking PI Salas madadawit ka rito kapag nagkataon," seryosong saad ko na ikinatahimik naman niya.
"Hindi na tayo aabot sa ganyan, Mrs. I'm confident that your husband will be treated."
"But If ever I failed, ako mismo ang maglalagay sa sarilli ko sa kulungan."
Magkakasunod niyang saad ngunit nasa boses niya ang katiyakan. Kaya dapat lang talaga na wala akong ikabahala dahil tunay siyang magaling na doktor. Sa kanya nakasalalay ang ikabubuti ni Daks kaya dapat ko siyang pagkatiwalaan.