Isang linggo na mula nung ipasok ko si, Daks sa rehabilitation nakakapanibago sa bahay dahil mag-isa na lang ulit ako kung kaya't hatinggabi na ulit ako umuuwi sa unit ko dahil wala na namang naghihintay doon sa akin. Natapos ko na rin ang lahat ng trabaho at utos sa akin ni Papa sa Vigor Inc, kaya sa Sabor De Vigor naman ngayon ako naka focus lalo na't may bago kaming kliyente. And here I am sitting on the swivel chair while checking some papers from the board and also checking the client's background. In the middle of my work the intercom beside me suddenly rings and the next thing that I hear is my secretary's voice.
"Ms. L, Mr. Vigor wants to talk to you." My eyes rolled immediately. Ano na naman ang kailangan ng magaling kong ama?
"Tell him to wait for a moment, co'z I'm still reading some papers in my table," seryosong saad ko, at narinig ko ang pagbuntong hininga ng ama ko sa kabilang linya.
"Laureen, this won't take long!" maawtoridad ding wika ng ama ko sa kabilang linya.
And with that, Antonio Vigor has already enter my office so, I have no choice but to entertain him for a moment.
"What is it, Pa?" tamad kong tanong sa kanya habang nakatutok sa mga papelis sa harapan ko.
"Spend your night with us on Friday," seryosong saad niya, at agad na itong tumalikod.
Natigilan naman ako sa aking ginagawa at napaisip kung anong meron sa darating ng biyernes at bago pa man siya tuluyang makalabas sa opisina ko ay nag angat na ako ng mukha at tumayo mula sa swivel chair ko.
"Why? Anong meron sa Friday?" magkakasunod kong tanong sa kanya, at huminto naman agad siya sa paglalakad.
He chuckle. "You're only 25, Laureen but it seems like you have a amnesia." Tsk! Why can't he answer my question formally.
"I'm a busy person like you, so you can't blame me if I forgot something sometimes," seryosong kong tugon sa kanya.
"Even my birthday?" Agad naman akong natahimik sa sinabi niya.
Oo nga pala, it's his birthday on Friday sobrang busy ko na nga siguro dahil kahit kaarawan ng mga magulang ko ay nakakalimutan ko na. Only child pa naman ako.
"Fine, I will be there just text me what time and where."
"Sa mansion lang natin around 6 in the evening," tugon niya.
"Sana naman sa birthday ko may maipapakilala ka na sa amin ng Mama mo," ngumingiti niyang saad. Napairap na lamang ako sa aking isipan dahil sa ka atatatan ng ama ko.
"I said I'm a busy person," mariin kong saad sa kanya, at natawa lang ito.
"See you on Friday, Laureen," pinal niyang saad saka tuluyang lumabas sa aking opisina.
Kung alam lang siguro niyang may maipapakilala na ako sa kanila ay baka sunduin niya na agad si, Daks sa rehabilitation nang wala sa oras. Dumaan pa ang isang oras at may tumawag sa cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha at unknown number ang tumatawag sa akin ngunit sinagot ko pa rin baka kasi importante.
[Hello good morning, May I speak to Ma'am Laureen Vigor?] tinig ng isang babae sa kabilang linya.
[Speaking] tugon ko naman agad.
[Hello po, Ma'am this is from Gonzales Private Rehabilitation inform ko lang po kayo, Ma'am na may nakuha na po kaming info's sa asawa ninyo] litanya nito sa kabilang linya.
Tila may kung anong nabuhay sa akin nang marinig ko iyon dahil sa wakas ay makikilala ko na ang taong papakasalan ko. Ngunit pinili kong ikubli ang kung anumang nararamdaman ko at inayos ko muna ang sarilli bago ako sumagot sa kabilang linya.
[Okay, I'll be there in five minutes]
'Excited ka, girl?' tinig ng isang maliit na boses sa aking isipan.
Lihim na lamang akong napapalatak at ngayon ay napagtanto ko na namana ko yata ang pagiging atat ko kay Antonio Vigor.
[Okay, Ma'am hihintayin na lang po namin kayo rito sa GPR] wika ng babae sa kabilang linya na nag pauntag sa akin.
[Okay]
Kaagad ko ng pinutol ang linya ko at tinabi ko agad ang mga papelis na binabasa ko babalikan ko na lang sila mamaya. Inayos ko lang sandali ang sarilli ko at saka kinuha ang cellphone at bag ko. Pero bago pa man ako makaalis sa table ko ay tumunog na naman ang intercom.
"Ms. L may two meetings pa po kayo ngayong hapon," wika ni Faye sa intercom.
"Cancel it," tugon ko agad.
"Pero, Ms. L nakailang cancel na po kayo ng meeting kay Mr. Eusebio," nababahalang saad naman niya.
"I'm the boss here, Faye kaya ako ang masusunod!"
"Cancel it now or, else ikaw mawawalan ng trabaho sa akin!"
Magkakasunod kong saad sa maawtoridad ko boses sa kanya. Kung hindi makakapaghintay ang Mr. Eusebio na iyan, he can simply leave and find some companies out there.
Abot kamay ko na sana ang seradura nang bigla na namang may tumawag sa phone ko kaya kinuha ko agad ito upang tignan kung sino ang tumatawag. 'Playgirl' ang pangalang rumehistro sa phone at walang iba ito kundi ang kaibigan kong si Marla at kahit nagmamadali na ako ay sinagot ko pa rin ang tawag niya.
[What now, Marla?] mataray kong bungad agad sa kanya sa kabilang linya.
[Wow, taray! Ganda ng intro natin a] mataray din niyang tugon sa akin.
[Marla Alonso, I'm in a hurry what do you want?] inis kong tanong sa kanya.
[Let's have some fun tonight!] excited niyang wika.
[Not now, Marla Marami pa akong kailangang tapusin] umiirap kong wika.
[Kayo-kayo na lang muna nina Cassy at Teria]
Hindi naman na kasi pwede si Airah dahil nagbagong buhay na siya dahil may asawa na siyang tao at buntis na rin.
[Si, Cassy hindi raw pwede si, Teria naman hindi ko ma kontak] malungkot niyang saad. Ang galing niyang tummiming!
[Isama mo na lang muna ang jowa mong hindi ko na mabilang kung pang ilan na para hindi ka na malungkot] natatawang tugon ko sa kanya.
[Grabe siya oh!]
[Tsk! Don't act like innocent, Marla you're not Teria] nang-uuyam kong tugon sa kanya at tinawanan ko pa ito.
[T*ngina, Marla! Aalis na ako inuubos mo ang oras ko text mo na lang ako kung ano oras tayo pupunta sa LiquidDoze]
Muntikan ko nang makalimutan ang oras dahil sa kaartehan niya pero pinagbigyan ko na lang din para tigilan na niya ako. Hindi ko na hinintay ang pagtugon niya sa kabilang linya dahil pinutol ko na ang linya ng telephono ko at saka tuluyang lumabas sa office ko.
Agad namang napatayo si Faye sa kinauupuan niya paglabas ko pero hindi ko na ito pinansin, pati sa ang pagbati sa akin ng mga empleyado mula sa Sabor De Vigor company at sa Vigor Inc ay hindi ko pinansin dahil malalaking hakbang ang ginawa ko upang marating agad ang kotse ko.
Atat nga 'di ba?
Ngayon lang nangyari ito sa akin at si Daks pa lang ang nakagawa nito. Ang lakas naman ng taong grasang iyon sa akin.