SMITTEN 42 Kanina pa ako pabiling biling sa higaan dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Triton sa akin kanina. He was trying so hard to suppressed his emotions kaya nang umalis s’ya at iniwanan akong tulala sa couch ay hindi ko na s’ya nagawang pigilan para kausapin pa. Hanggang sa kumakain na kami ng dinner ay tahimik s’ya at hindi man lang ako tinitingnan kahit na ilang beses akong nagtangkang hulihin ang tingin n’ya. Mariing napapikit ako at tuluyan ng napabangon nang parang sirang plakang pabalik balik sa utak ko ang mga sinabi n’ya at ang galit sa mga mata n’ya. “He’s definitely mad at me. Damn it!” inis na bulong ko at ginulo ang buhok. I can’t sleep! At paniguradong hindi ako makakatulog kung hindi ko s’ya makakausap ulit ngayon. Hindi na ako nag-isip a

