Room

2867 Words

SMITTEN 19   Pansamantalang nawala ang takot ko sa pinapanood dahil naging okupado ang isip ko ng ‘aksidenteng’ nangyari kaninang inaasar ko si Triton. Kinagat kagat ko ang dulo ng hinlalaki ng kaliwang kamay ko habang nakatutok ang mga mata sa screen kahit na hindi ko naman nasusundan ang mga lumalabas doon. Mukhang patapos na ang movie dahil mataas na ang emosyon ng tatlo sa harapan namin pero wala akong pakialam dahil wala naman ang buong atensyon ko doon.   Sa tuwing susubukan kong lingunin ang gawi ni Triton ay nakikita kong nakatutok ang buong atensyon n’ya sa pinapanood at hindi rin ako nililingon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa ko. Kahit naman wala pa akong actual experience sa gano’n ay hindi naman ako inosente pagdating sa bagay na ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD