LUNA'S POV: "Ennghhhh" "Napaka-antukin mo namang dragon ka" Sundot ko dito kay Lunner. Naka-higa siya dito sa tabi ng lamesa sa kama ko. Ang sarap ng tulog niya daig pa ang amo. Napabuntong-hininga na lang ako. Nung isang linggo pa tapos ang Summoning Dragons and Pixies. Nilingon ko si Lunnie sa kama ko. Parehas silang tamad ni Lunner. Si Lunnie ang na-summon kong fairy. Si Lunner naman ang tamad kong dragon. Naging mabilis lang ang Summoning namin dahil hindi naman iyon ganong mahirap. At ang masasabi ko? Masaya naman ako nung una ko silang nakita. Pero ngayon? Hindi na ko natutuwa. Itong si Lunner, gigising lang pag-kakain. Eto namang bulinggit na to. Lagi akong sinusuway. Kebabata pa. Nagrerebelde na. Tinignan ko ulit ang natutulog na dragon. Maganda ang kulay ng balat niya. May

