LUCY'S POV:
"Ready ka na ba ha?" Tanong ni Luna.
"Sus. To naman. Ako pa. I am born to be ready!!"
"Yan!! Puro ka ganyan tapos mamaya patanga-tanga ka na naman. Born to be ready-born to be ready ka pang nalalaman. Kapag talaga mamaya a-------"
"Ano ba Luna. Wag ka ngang O.A diyan. Magsusummon lang tayo ng Dragons hindi magdu-duel. Kaya chillax lang okay?"
Time Check; 8:20 AM
Lumabas na kami ng Dorm dalawa. Nauna na yung kambal kasi kakain na lang daw sila sa Cafeteria Hall. Ngayong araw ang pagsusummon ng Dragons. Hindi lang yun. Isasabay na din daw pati ang mga pixies.
Kung lahat dito ay nae-excite ibahin niyo ko. Nakokornihan ako sa mga pakulo ni tanda. May paganto pa kasing nalalaman eh. Napaka-arte. Ang pinaghahandaan ko ay ang Duel. Dahil nakapaghanda na ako.
"Kamusta naman iyang training mo? Hindi ka ba pinag-bubuntungan ni Firaston at Vemery?" Tanong ko.
"Tch. Huwag mo ng itanong" irita niyang sagot.
Napalingon naman siya sakin, "Bakit mo naman natanong?"
Pilit naman akong ngumiti sa kanya. "Wala naman. Hehe"
"Nga pal------"
Nahinto kami sa paglalakad ng may dalawang babae ang humarang sa dinadaanan namin. Eto na naman po tayo.
"Oh ano na naman? May bagong chika?" Tamad na tanong ni Luna.
Tinaasan naman ako ng kilay ng nasa pinaka-gitna at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Nothing. I just want to say good luck to the both of you" Sabi niya.
Maniniwala na sana ako kaso napaka-plastic ng mga ngiti nila. "Diretsuhin mo na nga kami. Wag kang plastic" prankang lintanya ulit niLuna.
Tumawa naman siya ng bahagya. At binigyan pa kami ng mas sobrang plastic ng ngiti. Grabe! Nakakakilabot. "Ano ka ba naman Luna. Ginu-good luck lang naman namin kayo eh. Ano bang masama? Right girls?" Nilingon naman niya yung dalawang abubot sa tabi niya.
"Yes Luna. Good Luck mamaya."
Dumaan sila sa gilid namin pero bago umalis hinawakan mo na muna ako nung isa sa balikat. "Sana magandang dragon ang makuha mo"
Nagtataka ko naman silang hinabol ng tingin. Anong problema ng mga yun? Akala ko pa man din naghahanap sila ng away.
Di bale na nga. Baka ginu-good luck lang talaga nila ako. "Tara na."
Hindi na kami pumunta sa Cafeteria Hall at dumerecho na sa Ashdrift. Dun daw kasi magaganap ang Summoning Dragons. Ang sabi ni Sir Gullen ay magiging sobrang bilis lang daw ng pagtatawag ng dragon dahil magsasabay -sabay ang lahat ng Division.
Kunware tinawag ang Eribourne. Ibig sabihin lahat ng Eribourne ay sabay na magsu-summong ng Dragons. Pag tinawag ang lahat ng Pavv. Edi lahat sila. Hanggang sa Zeffari.
Nang dumating kami sa Ashdrift ay kalahati pa lang ang nandoon. Siguro kumakain pa yung iba. Umupo na kami ni Lucy kasama ang ibang Eribourne. Nakita ko si Tamrin na mag-isang naka-bukod sa iba at nakayuko kaya pumunta kami sa direksyon niya.
"Uy! Tamrin. Musta? Hindi ka na namin masyadong nakikita ah" bungad ko sa kanya.
Napa-igtad pa siya sa bigla-ang pagsulpot namin kaya natawa naman kami ni Luna. "K-kayo pala. Upo kayo"
Mabilis naman kaming umupo sa tabi niya. "Kanina ka pa dito?" Tanong ko.
"A-ah hindi naman. Kararating ko lang din dito. Galing kasi akong Cafeteria Hall. Kumain muna ako doon" Mahinang isal niya.
Hanggang ngayon ba naman. Mahiyain pa rin siya? Hindi na ulit natuloy ang pag-uusap namin kasi dumating na ang ibang division.
Hindi din nagtagal dahil dumating na rin si Sir Gullen. Ang in-charge sa pagsu-summon ng Dragon. Malinis tignan si Sir Gullen kahit may balbas at bigote. Naka-soot ng maluwag na pantalon at itim na damit. Nakapatong naman dito ang vest na laging suot suot ng mga trainer.
Lahat ng trainer na nakita ko ay may kulay black na vest. Hindi nga lang masyadong halata kasi black din ang suot nitong si Sir Gullen. Ayy oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na hindi namin trainer si Sir. Sa Avaglade siya.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong niya. May hawak siyang microphone para marinig naming lahat.
"Wala pa po ang ibang Farrenedge Sir" sigaw nung isa malapit samin.
Tumango lang si Sir Gullen, "Is it okay kung hihintayin na muna natin yung iba?"
"YESSSSS SIR!!!" Sigaw naming lahat.
Mukha pa naman ding mabait ang Sir nato. Pagkatapos ng sampung minutong paghihintay ay kumpleto na rin ang lahat. Masydaong pa-espesyal kasi tong mga Farrenedge na to. Badtrip.
"So. Are we complete now?"
"Yesss Sir!"
Mabilis lang na sinabi ni Sir ang mechanics ng Summoning. Hindi daw pala buong Dragon ang makukuha namin kung hindi itlog pa lang. Magtatawag daw kami ng isu-summong namin sa Dragon Island.
Ang kinakailangan lang daw namin ay mag-concentrate at mag-focus. Papasok kami sa isang napakalaking bilog at doon magtatawag. Aabutin ang bawat isa ng sampung minuto.
"ARE YOU NOW READY FREEVALES?"
"WHOOOHH"
"Oh YESSSSS!"
"I'm excited"
"THEN LET'S START TO AVAGLADE"
Mabilis na nagsipuntahan ang mga Avaglade sa pinaka-gitna ng Ashdrift. May inilabas na parang bilog si Sir at itinapon na lang iyon sa mga estudyanteng nasao gitna. Nagkaroon ng malaking usok. Per hindi rin naman nagtagal iyon dahil biglang pumorma ito ng bilog.
Parang barrier.
"Avaglade! You can now start"
Kahit hindi medyo malinaw ang nakikita namin dahil sa barrier ay may nagsisimula ng mag-concentrate. May ibang umupo at pumikit. May iba namang nakatayo lang at nagfo-focus. Ano kayang mangyayari?
Hindi tulad sa Battle Ground Arena ay walang tv dito o screen kaya hindi talaga namin masyadong makita iyong ibang estudyante. Kalat-kalat sila eh. Lumipas na ang limang minuto at wala pa ring nangyayare. Mahirap bang mag-focus?
Nagulat kaming lahat ng dahan-dahang nagsisilitawan ang mga itlog sa harapan ng estudyante. Masyadong maliwanag ang mga itlog. Hindi lang yun dahil malaki rin ito.
Napa-irap tuloy ako. Malamang. Hindi naman kasi itlog ng pugo ang tatawagin namin kung hindi itlog ng Dragon. Ang tanga ko talaga.
May ibang kinuha na ang sinu-mmon na dragon at sinipat-sipat. Samantalang, yung iba naman ay nanatiling nag-co-concentrate. Malapit ng matapos ang sampung minuto na sinabi ni Sir Gullen. Pwede naman sigurong mag-extend diba?
Hindi nagtagal ay natapos din lahat ng Avaglade na mag-summon ng Dragons. Tinanggal ni Sir Gullen ang parang barrier kaya bumaba na rin ang mga estudyante dala-dala ang mga malalaking itlog.
Halos lahat sila ay masayang naka-tingin sa na-summon na Dragon. At kahit itlog pa lang ang mga hawak ay halata sa mga mukha nilang excited ng mapisa ang itlog para maging isang ganap na Dragon na.
Parang How to Train your Dragon pala dito eh.
"Next. Eribourne"
Ang bilis ah!
Bumaba na rin kaming mga Eribourne at pumunta sa gitna. Katulad ng ginawa ni Sir Gullen ay may inihagis na naman siyang parang bola sa gawi namin at biglang umusok at naging barrier.
Woahh! Ang astig. Parang pagewang-gewang ang paligid. Ganun din ang mga estudyante sa nga gilid namin. Ang galing. Parang barrier talaga.
"The Eribourne can start now" Hindi namin nakita kung sino ang nagsalita pero alam din naman naming si Sir Gullen yun.
Nagsimula na silang lahat. Kahit si Luna. Nakita kong pa-indian seat siyang umupo at pumikit. Ako naman ay nag-iisip pa ng gagawing strategy.
Teka! Summoning Dragon lang naman to ah. Bakit may strategy pa kong naiisip? Napa-hinga ako ng malalim at pumikit na rin.
'Inhale'
'Exhale'
'Inhale'
'Exhale'
'Inhale'
'Exhale'
'Dapat may ma-summon ka Lucy. Yung magandang itlog. Yung maipag mamayabang mo. Yung astigin. Yung kayang lumapa ng mga bwisit dito sa Phasellus.'
Concentrate Lucy. Focus lang.
'Mother Dragon. Magpadala naman po kayo dito ng malupet na itlog. Yung tingin pa lang pamatay na.'
Piping usal ko.
Natawa naman ako ng bahagya sa pinag-iisip ko. Para namang tutupadin ni Inang Dragona ang hiling ko. Pero malay mo naman diba? Basta kailangang concentrate lang ako. Don't mind the others. And mind my own business. Haha.
.........
Samantala, nagtaka ang lahat ng mga Division na mapadako ang tingin nila kay Lucy na ngayon ay pinapalibutan na ng itim na usok. Hindi sana nila ito papansinin pero parang nilalamon nito ang babae na walang kamalay-malay na naka-pikit at naka-ngiti pa.
Napatingin ang mga nasa tabi ni Lucy at biglang tumakbo palayo sa kaniya. Kahit ang kaibigan nitong si Lun na nag-co-concentrate din ay nanlaki ang mata sa nakita. Katulad ng iba ay lumayo din siya.
Na-alarma naman si Sir Gullen sa nakita. Mabilis niyang ini-release ang barrier para mawala. Patakbo siyang lumapit kay Lucy at yinugyog.
"Hey! Are you alright? Wake up please"
Bago magmulat ang dalaga ay parang bulang biglang nawala ang usok na nakapalibot dito. Taka tinignan ni Lucy ang trainer na hawak siya sa magkabilang braso.
"S-sir? Harassment yan ah?" Pabiro ngunit may halong takot na sabi ni Lucy. Paano'y nasa kalagitnaan na nga siya ng concentration ng biglang parang may yumuyogyog sa kanya.
"Are you alright? Did you feel something bad?" Nag-aalalang tanong nj Sir Gullen.
"Hehe. Wala po. Maganda nga ho ang pakiramdam ko kaso inistorbo ninyo ako, e" alanganing sabi ni Lucy.
Nagtataka talaga siya ng bigla siyang istorbohin ng Trainer. Mukha namang naka-hinga ng maluwag si Sir Gullen kaya humarap siya sa ibang Eribourne.
"I'm sorry for the intrusion. Pwede niyo na ulit ipagpatuloy ang pagsu-summon"
At ganoon nga ang ginawa ng iba pang Eribourne. Pero ang mga estudyanteng nanonood sa labas ng barrier ay nakatuon na lang ang atensyon kay Lucy na nagsisimula na ulit mag-concentrate.