CHAPTER 18

2105 Words
LUNA'S POV: "A-AAAHHHHHHHHHH" Malakas akong tumilapon sa pinaka-gilid ng Training Ground. Napadaing ako ng tumama ang balakang ko sa pader. Sapo-sapo ko naman ang noo ko dahil baka tumama na naman sa kung saan. Ang sakit!! Balak ba nila kaming patayin dito ha? Napatingin ako sa taong lumapit sakin. Ang isang kamay ko ay nasa ulo at hinimas-himas iyon. Natamaan yata. Nanlaki ang aking mata ng may espadang nakatutok sakin. Si Firaston. Itinutok niya sakin ang hawak-hawak at matalim akong tinignan. "What are you? A weakling?" Napa-lunok ako ng sabihin niya ang salitang iyon. Masama siyang nakatingin sakin at mas nilapit pa ang talim ng espada sakin. Konting galaw ko lang ay siguradong tatamaan na ko nito. "A-ah relax lang F-firaston. Nag-t-training l-lang tayo eh. W-wala namang personalan" Sabi ko sa kanya. Napalunok pa ko ng ilang beses dahil nakatingin lang siya sakin. Kung nakakamatay lang ang titig siguradong kanina pa ako nakahndusay s sahig. "Get up." Walang emosyong sabi niya at dahan-dahang kinuha ang espada. Ibinalik niya ang sandata sa lamesa na puno ng mga weapons at walang sali-salitang lumabas ng Training Ground. Napa-hinga naman ako ng sobrang lalim. "Salamat Lord at buhay pa ko" naiiyak na sabi ko habang nakatingin sa itaas. Ipinagdikit ko pa ang dalawang palad habang nagpapa-salamat sa diyos. Ano ba naman kasing nangyari samin. Para nila kaming ginagawang dummy dito. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas noong magsimula kami sa training na to. Bukod kami ni Lucy ng training ground para walang istorbo. Salit-salitan kami ng training. At yung ginagawa namin ni Firaston kanina? Pinag-samang Weapon Combat at Sparring Combat. Sa lahat ng trainer ko. Siya ang pinaka-ayaw kong tuturuan ako. Para niya kong paunti-unting pinapatay. Kung labanan ako parang hindi babae. At ang lokong yun sinabihan pa ko na hindi naman daw ako mukhang babae kaya ayos lang na pahirapan ako. Gago din. Tumayo na ko mula sa pagkakalupasak dito sa sahig. Pinagpag ang pantalon at damit. Badtrip talaga. Ang dami kong galos kahit saang parte ng katawan. Sa braso, sa mukha, sa hita, sa tiyan, kahit na sa paa. Ginagantihan yata ako ng mga iyon, e. Kung si Firaston ang pinaka-ayaw kong trainer sumunod naman si Vemery. Kinakawawa kami. Walang patawad. Pag tira. Kailangan iwasan. Dahil kapag hindi ako ang uuwing luha. Buti pa yung tatlo. Si Ptorik, Hezra at Kariney. Tinuturuan talaga nila ako. Mula basic hanggang sa . sa .. sa.... .... Basic pa lang pala. Hindi pa kami nakaka-alis dun, e. Pero basta atlis sila ang babait nila sakin. Hindi tulad nung dalawa parang gusto ko ng isumpa. "Oh! Luna. Anong nangyari sayo?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Si Ptorik. Kapapasok pa lang niya dito sa Training Ground. Napabuntong-hininga na lang ako. "Ptorik sa tingin mo may powers ba talaga ako?" Mahinang tanong ko sa kanya pagkalapit niya sakin. Nagtataka naman niya kong tinitigan. "Why do you ask? May ginawa ba sayo si Firaston kaya bigla mong naisip yan?" Nataranta naman agad ako. "H-hindi ah. W-wala siyang ginawa. Nag-training lang kami. Kaso iniisip ko lang kung may ability ba talaga ako. H-hanggang ngayon kasi wala pa ring lumalabas. Simula unang araw natin hanggang ngayon. Wala talaga." Pahina ng pahina ang boses ko ng sinabi ko yun. Ang totoo niyan ay isa-isa ng lumalabas ang ability ni Lucy kaya mas kinailangan kong pagbutihan ang pag-eensayo. Pero pano ko gagawin yun kung wala talaga akong natutunan sa mga tinuturo nila. Pasa lang ang nakukuha ko sa bawat training na dumadaan. Naiinggit nga ko kay Lucy dahil kahit maloko at makulit iyon ay si-ne-seryoso niya talaga ang ginagawa. Nalaman naming lahat na ang ability ni Lucy ay may kahawig ng kay Ptorik. Pero hindi lang iyon. May similarity din siya ng kay Vemery. Samantalang ako. Wala. Nauubusan na nga ng pasensya sakin si Firaston at Vemery kaya tignan niyo naman. Talagang bugbog ako sa kanilang dalawa. Nakakaya na ring magpalutang ni Lucy ng mga bagay-bagay. Samantalang ako. Paulit-ulit kong sasabihing wala. Hindi pati ako makasabay sa mga trainer na nagtuturo sakin. Tanging yung tatlo lang talaga ang nagti-yaga. Mas focus namin ang Hand-to-hand Combat dahil wala daw kaming mahihita kung susubukan pa naming ilabas ang meron ako gayung wala naman daw talaga akong potensyal. Si Vemery ang nagsabi nan ah. Nabalik ako sa wisyo ng lumapit sakin si Ptorik at bigla akong inakbayan. "What are you talking about? May ability ka kaya. Hindi pa lang talaga lumalabas. Don't stress yourself too much. Kaya nga rin kami nandito para tulungan kayong magka-kaibigan kaya chin up. Hindi bagay sayo ang mag-drama" ginulo pa nito ang buhok pero hindi ko na lang pinansin. "S-sa tingin mo talaga meron akong powers?" Tanong ko sa kanya at bahagya pang kumapit sa braso niya at medyo niyugyog. "Hahaha. Of course. I can feel it. Trust me" napatalon naman ako sa tuwa at biglang napa-yakap sa kanya. "Yaayyyy! Sabi ko na nga ba't may powers din ako eh. Diba? Ptorik" Ngumiti siya sakin at ginulo ulit ang buhok ko. "Yeah" Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang sinabi niya. Napa-yakap ulit ako sa katawan niya dahil sa sobrang saya. Siya naman ay tawa ng tawa sa naging reaksyon ko. Natigil lang ang pagtatawanan namin ng makarinig kami ng sobrang lakas na kalabog sa labas ng Training Ground. "Huh? Ano yun?" Napatingin pa ako sa labas ng pintuan pero wala namang tao. Nabalik ang atensyon ko kay Ptorik na nakangisi sa ibang direksyon habang naka-pamulsa. "I smell something jelly ace" "Huh??" Tanong ko. Napalingon siya sakin at matamis na ngumiti. "May jelly ace kako mamayang Dinner sa Cafeteria Hall." Nagkibit balikat na lang ako. Buti na lang at naging close kami ni Ptorik kahit papaano. Nakalimutan ko.. Bukas na pala magaganap ang Summoning Dragon ng lahat ng estudyante sa Phasellus. Tapos sa susunod na Linggo ay Summoning Pixies. At next month naman ang Dueling Combat. Ang isa rin sa dahilan kung bakit ako nagt-training dito ngayon. Dueling Combat huh???. Tignan natin. .......... "ANO BA!! WAG MO NGANG MASYADONG LAKASAN ANG PAGSUNTOK. ANG SAKIT KAYA" "WOW!! NAPAKA-DEMANDING MO NAMAN TALAGA. IKAW TONG LALAMPA-LAMPA. TAPOS KAMI ITONG SISISIHIN MO" "KAYA NGA DIBA? LAMPA NA. KAYA DAPAT HINAAN MO NG KONTI. ALAM MO NAMANG HINDI KO PA KAYANG SALUHIN YANG MGA SUNTOK MO. BATO KA NG BATO" "FINALLY! YOU ADMIT THAT YOU'RE CLUMSY--------" "Guys! Guys! Please stop. Ang lapit lapit niyo lang sa isa't isa. Hindi niyo kailangang magsigawan" Sabay napalingon si Luna at Vemery kay Kariney na nasa gilid lang nila. Kanina pa sila nag-sisigawan kaya siguro pumagitna na rin si Kariney. Napairap si Vemery at sinamaan ng tingin si Luna, "It's your fault. Clumsy-girl" Gumanti naman ng irap si Luna. "Fault mo mukha mo" Kariney just sighed. Araw-araw na lang ganito ang eksena. Tuturuan nila si Luna at magsasalitan sila ni Vemery. Mag-aaway ang dalawa at siya naman ang aawat. Nasa kabilang training ground ang apat. Si Lucy, Firaston, Ptorik at Hezra. "Come on guys. Wag na naman kayong mag-away. The both of you are not kid anymore. So please stop acting like one" Nagtitimping saad ni Kariney. Again, Vemery rolled her eyes. "Fine" Ganun din si Luna. "Sige na. Ang arte ba naman kasi nung isa diyan eh" pahabol pa ni Luna. Nagtataka siya sa sariling ugali dahil hindi naman siya ganito. Sa mundo nila, mahinahon lang siya at minsan lang magtaas ng boses ngunit simula ng makarating sila ni Lucy sa Phasellus mabilis na siyang maubusan ng pasensya. "Hay naku! Kayo talagang dalawa. Sige na mag-ayos na kayo at dederecho na tayo sa Dinner Hall" Mabilis lang nilang natapos ang pag-aayos ulit ng Training Ground. Sabay-sabay silang lumabas at pumunta na sa Cafeteria Hall. At habang naglalakad nagsimula namang mag-usap si Vemery at Kariney. "Ay nga pala Vemery I heard from Sir Vadim that Sir Colwell just came here a week ago. Did you seen him?" Tanong ni Kariney. Napahinto naman saglit si Vemery pero agad ding sumabay sa dalawa. "No." Mahinang sagot ni Vemery. "I see. Akala ko alam niyo, e" "Asa pa. Alam mo naman yang si Sir Colwell. Hindi yan nagsasabi" "Oo nga eh but you know Vemery? Your lucky" "How do you say so?" Kariney just laughed, "Of course, kasama niyo ang Captain ng mga trainer eh. How I wish makasama ko rin si Sir Colwell" Pinag-dikit pa nito ang mga palad na parang nagi-imagine. "Vemery, did you already see his face?" Excited na tanong ulit ni Kariney. And this time, si Vemery naman ang tumawa. "His face? Haha. Magpa-party ako sa buong bayan kapag nangyari yun." Naririnig ni Luna ang pagku-kwentuhan ng dalawa sa gilid niya pero hindi na siya naki-usyoso pa. Hindi naman kasi niya kilala iyon. Mas mabuting manahimik na lang at magtengang kawali. "Ang swerte niyo talagang apat no? Ikaw, si Hezra, si Firaston at si Ptorik. Atlis kayo nakikita niyo si Sir Colwell at nalalapitan pa samantalang kaming ibang Zeffari at lahat ng estudyante dito sa Phasellus ay kahit isang beses hindi pa siya nakikita. Nakaka-curious tuloy. Hanggang rinig lang kami, e " Nanghihinayang saad ni Kariney. Sa wakas, nakarating na rin silang tatlo sa Dinner Hall. Kumpleto na ang lahat ng Freevales. Nandoon na din Sina Firaston at Ptorik sa table ng Zeffari. Si Lucy naman ay nasa table na rin ng Eribourne. Nang makita ni Luna ang kaibigan ay mabilis siyang nagpa-alam sa dalawa para makapunta na sa sariling table. Tumango lang si Vemery at Kariney at dumerecho na rin sa kanilang table. Si Luna naman ay patakbong pumunta sa kaibigan pero hindi pa siya nakakalati ay may poncio pilato namang tumapid sa kanya. Umugong ang malakas na tawanan ng makita ang nangyari kay Luna. Nakadapa siya sa sahig at nagtitimping humarap sa lalaking nakangisi ngayon sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin bago tumayo. Pinagpag nito ang palda at magsisimula na sanang ulit tumakbo ng hawakan siya sa braso ng lalaking pumatid sa kanya. "Ano na namang pakulo to ha?" Inis na sabi niya. Tinignan naman niya si Lucy na noo'y patayo na para saklolohan siya pero umiling lang siya at parang sinasabi na kaya niyang i-handle ito. "Balita ko may special training ka daw ha. At ang nakakagulat limang Zeffari pa ang tumutulong sayo. Napaka-swerte mo naman bilang isang hamak na Level 1 lang " Eto na naman ang g**o. Halos araw-araw na ah. Nung isang araw, apat na babae. Kahapon dalawang bakla. Tapos ngayon naman ay isang lalaki. Wala namang ginagawa sa kanya ang mga ito kung hindi ang pagsalitaan ng kung ano-anong bagay. At bilang isang dakilang Level 1 nga naman. Aba! Hindi siya papatalo. Sinasabayan niya ang mga nagpapapansin sa kanya. Tinigil na kadi ng mga ito ang pambu-bully kay Lucy dahil malakas naman ito pero ng malaman na siya ng nakakuha ng level 1 ay siya naman ang pinuntirya ng estudyante s Phasellus. Pero mabalik tayo, tulad ng palaging nangyayari. Tahimik na naman ang Cafeteria Hall at hinihintay na magsagutan ang dalawa. Pero ang mas hinihintay talaga ng lahat ay kung anong isasagot ni Luna. Kilala na siya sa buong Phasellus. Hindi bilang isang mahusay at magaling na estudyante kung hindi isang mahusay managot ng mga taong nambu-bully. Tinaasan ni Luna ng kilay ang kaharap, "Huli ka na sa balita. Nung nakaraang dalawang linggo pa yan, e. Wala ka bang ibang reserba diyan?" "Woooooooohhhhhhh" "Idol ka talaga namin Luna." Natawa si Luna sa narinig. Akalain mo nga naman talagang may taga-hanga siya. Mukha namang hindi natinag ang lalaking kausap. Pabalya nitong binitawan ang braso niya at naka-ngising tignan siya. Lalo tuloy tumaas ang bagong ahit niyang kilay. "Ang yabang mo talagang babae ka no? Palibhasa alam mong bawal gumamit ng ability pag walang permiso ng trainer kaya ang lakas lakas ng loob mong sagutin kaming mga nakakaharap mo" "Oh tapos? Ano namang pake ko? Pwede ba umalis ka nga sa harapan ko dahil panira ka ng araw. Palibhasa din kasi.. alam mong sikat ako kaya lumalapit ka sakin. Napag-hahalataang KSP." "Sige magyabang ka lang hanggang gusto mo dahil pag talaga nakaharap kita sa Combat Dueling ay papakainin kita ng alikabok." Natawa ang lahat ng pinalo ni Luna ang pwetan ng lalaki. "Hihintayin ko ang panahon na yan pero lagyan mo ng sauce iyang alikabok na sinasabi mo ha? Para naman may malasahan ako kapag pinakain mo na ko ng specialty mong yan." Natatawang dumerecho na si Luna sa pwesto ng kaibigan. May umapir at nakipag-fist bump sa kanya na ginantihan din naman niya. Ika nga. Sabayan ang kaplastikan. Habang makikita sa itsura ng lalaki ang sobrang pagka-inis. Kung pwede lang talagang gumamit ng ability para matiris niya ang nakaka-bwisit na babae ay ginawa na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD