CHAPTER 17

2238 Words
LUCY'S POV: "I'll give you 40 minutes to write all heroes that you know and also their position, after that I will call names randomly. Understood?" "Yes, Ma'am Rhinoa" "Start" Mabilis kaming lahat napaharap sa papel na nasa desk namin. Mabilis lang ako humarap pero walang maisagot. Pinapasulat kami ngayon ng heroes daw na kilala namin. Ano bang kinalaman ng paglilista ng mga yun sa tinuturo niyang Spell Casting? Ang layo naman. Pasikreto akong luminga-linga sa paligid ko kasi baka mahuli ako ng Witch na to. Nakita kong magana nagsusulat ang mga kaklase ko at halatang alam na alam na may isasagot. Dahan-dahan akong lumingon sa may bandang likuran kung nasaan si Luna. Seryoso siyang nagsusulat at mukhang may alam din siya. Nakakainis bakit kasi may seating arrangement pang nalalaman. Sa time lang naman ni Ma'am Rhinoa ganito pero nakaka-inis pa rin. Ang strikto niya talaga. Pero kapag hindi na siya ang nagtuturo eh kung saan saan na lang kami umuupo. Napabalik ang tingin ko sa papel kong wala pang kalaman-laman. Ano bang isusulat kong hero? Si Iron Man? Si Captain America? Si Spider Man? Sila lang naman kasi ang kilala kong hero, e. Nagulat ako sa bigla-ang pagsulpot ni Ma'am Rhinoa sa gilid ko. Tinignan niya ang papel ko at galit akong sinigawan. "Ms. Lasinley, Aba! Patapos na iyang mga kaklase mo tapos ikaw wala pang kalaman-laman. Nasan na ba yang utak mo? Lumilipad ba ha?" Nagmadali akong yumuko sa desk ko at umaktong nagsusulat. Nahuli ako dun, a. Napa-nguso naman ako sa inis. Wala akong kilalang ibang hero bukod sa Avengers. Ahh!! Pwede kaya yung Fantastic 4?? Hero din sila diba? Eh yung mga mutants gaya ni Wolverine? Malaki ang pagkakahawig ng mga powers nila eh. Pero wala naman silang position. "10 minutes" Ang bilis naman ng oras. Nagmamadali ba itong si Ma'am Rhinoa? Tch. Hayaan na nga. Kung ano na lang nasa isip ko yun na lang. Tutal kahit anong pagpipiga ang gawin ko sa utak ko . Waley talaga. Walang magagawa. "Okay! Time's up" Napatunghay kaming lahat ng marinig naming sabihin iyon ni Ma'am Rhinoa. Tahimik lang kami habang nililibot niya ang paningin sa buong Classroom. At ng mapadako ang tingin sakin ay saka siya ngumisi. "How about you Ms. Lasinley. Ikaw na ang mauna na magsabi ng isinulat mo dahil parang magugustuhan naming lahat ang isasagot mo" Nakangiting wika niya. Ako naman ay palihim na inikot ang mata. Bwisit tong trainer na to. Alam na ngang wala akong sinulat ako pa talaga ang tinawag. Tumayo na ko at kinuha ang papel. Dahan-dahan lang akong naglakad papuntang harapan. "Can you please make it faster Lasinley? Marami pa kong tatawagin" mariin ngunit nakangiting sabi niya. Plastic. Sa halip na sundin ay lalo ko pang binagalan. Nang makapunta sa unahan ay nakatingin silang lahat sakin. "A-ahemmm" "This is the list of my heroes. A-ahemm. Number 1: Lesley. Marksman. Number 2:Tigreal. Tank. Number 3: Odette: Mage. Number 4: Estes: Su------- " "Wait Ms. Lasinley What are you saying?" Nanlalaking matang tanong ni Ma'am Rhinoa sakin. Natawa naman ako ng bahagya. "Hero ma'am" Inosenteng sagot ko sa kanya. Nakita ko kung paanong nagpigil ng ngiti ang lahat ng kaklase ko pero walang gustong tumawa ng malakas. Nasa harapan kasi si Ma'am Rhinoa at hindi makapaniwalang tinitigan ako. "W-WHAT KIND OF BRAIN YOU HAVE? I-I CANT BELIEVE THIS" Malakas na sigaw niya "GET OUT!!! MS. LASINLEY. GET OUT" Napapikit naman ako dahil sa sobrang tinis ng boses niya. Ako naman ay napa-nguso lang at hindi alam kung susundin ang sinabi niya. "MS. LASINLEY. I CANT BEL--------" Natigil sa pagsigaw si Ma'am ng may biglang kumatok sa pintuan namin. 'Saved by the knock! Whooohh!' piping usal ko. Sinamaan muna ako ni Ma'am Rhinoa bago pumunta at buksan ang pinto. Ako naman ay napakamot na lang ng batok. Tatawag-tawagin mo ko diyan e. Pagkabukas ng pintuan ay tumambad samin ang mukha ni Mr. Tyvrik. Bakit naman kaya nandito to? "The Headmaster wanted to excuse Lucy Lasinley and Luna Nargorthon" narinig kong sabi niya. Nagpa-alam muna saglit si Ma'am Rhinoa at hinanap ng tingin ang kaibigan ko. "Ms. Nargorthon. Stand up. Go to the Headmaster's Office." Nagtatakang tumayo si Luna at pumunta sa pintuan. Nakita kong papaalis na si Mr. Tyvrik at si Luna kaya mabilis akong lumapit kay Ma'am Rhinoa. "Ma'am. E ako? Diba pinapatawag din ako ni tan---- ni H-headmaster. Bakit si Luna lang ang pupunta don?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ako naman ay nagpuppy eyes pa. Syempre baka pagalitan pa ko nito, e. Napabuntong-hininga naman siya, "Oh siya sige na. Sumunod ka na dun" Napasigaw ako sa isip ko ng yes at mabilis na kumaripas ng takbo papalabas. Ligtas ako sa hero-hero ek ek na yan. ......... Sabay binuksan ni Lucy at Luna ang malaking pintuan ng Headmaster. Nakita nila ang matanda na naka-upong nakaharap sa kanila at parang hinihintay talaga ang kanilang pagdating. "Take a seat" iminuwestra pa nito ang katapat na upuan. Naupo naman silang dalawa at nalilitong tinignan ang isa't isa. Humarap si Luna sa Headmaster ng may pagtatakang tingin, "Ano pong meron?" Tanong niya. "I'll tell you later. But for now, let us wait the others" kiming sambit ng matanda. Napakibit na lang ng balikat si Luna at sumandal na lang sa couch na inuupuan. Kinuha niya ang parang magazine na nasa harap at kunwareng nagbasa. Hindi naman naging matagal ang paghihintay nila dahil agad pumasok sa Headmaster's Office ang limang estudyante. Nanlaki ang mata ni Luna ng makilala ang tatlo sa lima. Itinakip niya sa mukha ang Magazine para hindi siya makita ng mga ito. "Now, we are complete already. I just need to discuss something on you guys." Narinig niyang sabi ng Headmaster. Napalunok na lang siya sa sariling laway ng makita ang mga bagong dating na umupo sa katapat nilang upuan. Kitang kita niya ang mga sapatos ng mga bagong pasok. "I called you and Luna t-----" Natigil sa pagsasalita ang matanda ng makitang takip na takip si Luna sa mukha. "Luna. What are you doing? Gusto mo bang basahin iyang libro ko?" Nagtatakang tanong ng matanda. "A-ah eh. Opo. M-mukha kasing maganda" Iniba pa nito ang boses at ginawang panlalaki. Napalingon tuloy pati ang kaibigan niya sa kanya at kinunutan ng noo. "If you want to read that book, make sure to flip it in a right position" Napa-alis bigla ni Luna ang libro pala sa mukha at nakitang nakabaliktad nga ito. Nahihiya siyang tumingin sa lahat at alanganing ngumiti. "Hehe" Sambit niya lang. Samantala, gulat namang napalingon si Ptorik, Vemery, Hezra, Kariney at maging ang Headmaster sa pwesto ni Firaston. Pero parang wala lang na umubo ng kunware ang lalaki at tinitigan ang Headmaster. "A-ah so sabi ko nga pinupunta ko kayong lahat dito kasi may gusto akong sabihin" Napunta ang lahat ng atensyon sa kaniya. "Starting tomorrow, ang schedule niyong dalawa na panghapon ay mababago. Instead na magsanay ng Hand-to-hand Combat, Weapon Combat and Sparring Combat ay iibahin ko. I make a special activities just for the both of you" Pagpapatukoy nito kay Lucy at Luna. "T-teka? Bakit bigla-bigla naman po ata ?" Si Luna. "Haisst. Do you really wanna know? Eh ikaw lang naman ang bukod tanging nakakuha ng pinakamababang level sa Power Levelling. Jusko naman. Level 1???? You gotta be kidding me" parang namo-mroblemang saad ng mataba. "P-po? Level 1?" "*sigh* Hindi mo ata narinig ang sinabi ko. Oo ikaw ang nakakuha ng level 1. Though hindi yan nasabi ng nag-aanounce dahil sa biglang pagsabog. Pina-alam na lang niya sakin." Nabaling nman ang tingin ng headmaster kay Lucy "At si Lucy naman ang nakakuha ng pangalawa sa pinakamataas na Level" "Ahh. Ganun pala" Nagpatuloy sa pagpapaliwang ang Headmaster, "Kaya naman nandito ang limang yan ay dahil sila ang magiging personal trainer niyo" Napakunot naman ng noo si Luna sa sinabi ng matanda. Nilingon ang lima at ng makitang tinaasan ng kilay ni Vemery ay agad ding humarap sa Headmaster. "B-bakit naman sila tanda? Para namang papatayin kami ng mga yan eh. Iba na lang kaya" si Lucy na biglang sumbat. "Excuse me!?. Do you really think that I can easily forget what happened in the Cafeteria Hall? At pwede ba wag mo ngang tawagin ng tanda si Headmaster Hagalbar. Learn how to respect. Hindi porque mataas ng nakuha mong level e, ganyan na ang iaasta mo." Mataray na sabi ni Vemery. Palihim namang umirap si Lucy sa narinig. Ibig sabihin pala hindi siya nito nakalimutan. Hinarap niya ang mataray na babae at tinaasan din ng kilay. Aba! Hindi siya papatalo. "Wala kang pake okay? Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang sasabat." Mataray ding sagot niya. "Haahhhh! You really have the guts para sagut-sagutin ako. Do you even know me ha?" Madiing sambit ni Vemery at pinipigilang wag tuluyang magalit sa kaharap. Nahihiya pa rin siya sa Headmaster na nasa harapan lang nila. Si Lucy naman ay kunwareng nag-iisip isip at humawak pa sa baba. "Oo. Kilala kita. Prinsesa ka pa nga diba? Oh eh ano ngayon sakin? Kailangan na ba kong matakot ha?" Tanong ni Lucy. "Guys! Stop it!! Stop it! Nandito tayo para mag-usap hindi mag-away" Napapahiyang umupo si Vemery sa upuan at sinamaan ng tingin si Lucy. Dumila naman ang isa at mukhang inaasar pa ang dalaga. "Lucy. Please be serious. It's for your own good. Akala ko ba gusto mong lumabas ang ability mo?" Mahinahong kausap ng Headmaster kay Lucy at mukha namang nakumbinsi niya ito kaya umupo na ulit ang isa para makinig. "I want the five of you to train this ladies. Si Luna ang mas kailangan ng training dahil bukod sa mababa ang nakuha niyang level ay hindi rin talaga nito alam kung anong meron siya. Palabasin niyo na agad ang kapangyarihan niya hangga't maaga pa dahil kapag dumating ang Dueling Combat ay siguradong kawawa talaga ang isang to. Kay Lucy Lasinley naman ay walang masyadong magiging problema dahil nalaman naming lumalabas ang kakayahan niya kapag talagang kinakailangan" Nakikinig ang lahat maliban lang kay Lucy. Ang sinasabi ng matanda ay pumapasok sa isang tenga niya at lumalabas din sa kaliwa. Basta alam niya ay may special training silang mag-kaibigan kaya yun na yun. "Did all of you understand?" "Yes Headmaster" "How about you Lucy? Did you understand?" Napunta ang atensyon niya sa matanda. "Sus. Ako pa. Yakang-yaka" nag-thumb ups pa ito at kumindat. "Sige na bumalik na kayo sa kanya-kanya niyong classroom. Maghanda na kayo dahil bukas ang simula okay? Lalo na kayo. Lucy,Luna" "Don't worry Headmaster. We will" si Luna. .......... Nang makalabas ang pito ay saka lamang siya napa-buntong hininga ng malakas. Pasalpak siyang umupo sa swivel chair at sumandal dito. Pumikit ng ilang saglit para ipahinga ang utak. Ang totoo niyan ay may isa pa siyang hinihintay na bisita. Gusto niya itong makausap pero mukhang wala talaga itong balak magpakita. Napamulat siya ng may maramdamang pamilyar na presensiya sa opisina. Akala niya ay hindi na ito dadating. "Bakit ngayon ka lang ha?" Dahan-dahan pumasok ang naka-maskara na namang si Colwell. Tulad ng laging ayos ay suot nito ang kupas na pantalon pero naka-jacket na kulay itim. Naka-soot din ito ng vest na palatandaan na ikaw ay isa sa mga trainer ng Phasellus. g**o-g**o ang buhok at naka-pamulsang nakatingin sa kanya. He sighed once again. Tamad na nakatingin ang kulay abo nitong mata sa matanda. Halata na gusto pa nitong matulog pero mas piniling daanan ang opisina ng Headmaster para makapag-usap ng masinsinan. "Sir Vadim told me that you went to Anfauglith. Is that true?" Hindi na muna niya sinagot si Headmaster Fintis sa halip ay umupo ito sa couch na katapat ng matanda. "Hm." simpleng sagot lang niya. Hindi na lang pinansin ni Headmaster ang simpleng sagot ng kapitan at biglang sumeryeso. "I didn't called you here to discuss some matters. I called you because of the Councils" Mukhang hindi naman natinag sa kinauupuan ang binata. Nakatingin lang ito sa lamesa at hinihintay ang susunod na sasabihin ng kausap. "Alam kong katatapos lang ng misyon mo pero gusto ko sanang alamin mo ang lahat ng umaandar sa utak ng mga Council. I have this feeling that they are hiding something" seryosong wika ng Headmaster. Napalingon si Colwell sa kaharap. "I'm tired" sagot lang niya. Kahit mata lang ang nakikita ng matanda sa binata ay alam niyang nakangisi ito. Hindi ito pagod. Tinatamad lang. "Hmm. Is that so? How about a vacation in a month? Still no?" Matapang na usal ni Headmaster Fintis. Wala siyang pagpipigilian kung hindi ipantapat ang alas niya sa kausap. Walang sali-salitang tumayo si Colwell. Tumalikod at nagsimula ng lumabas. Habang ang Headmaster ay kampanteng naka-upo at nakakatitig sa naglalakad na binata. Nang nasa tapat na ng pintuan si Colwell ay itinaas lang niya ang kanang kamay at bahagyang ipinorma ang dalawang daliri. "Make it two" at tuluyan ng lumabas. Napa-iiling na lang ang matanda. Ito lang naman ang hinihintay ng binata. Ang magkaroon ng mahabang bakasyon ng walang istorbo. Ibinaling niya ang atensyon sa katabing puno. Hindi niya gusto ang naaamoy sa mga Council. May pakay ang mga ito kaya kinailangan pa niyang ipatawag si Colwell kahit ito'y nagpapahinga. Bakit nga ba si Colwell ang tinawag niya kahit may ibang trainer sa Phasellus na kapwa malalakas? Bakit si Colwell kung pwede namang utusan ang magagaling na kakilala. Napangisi ang matanda. Bakit nga ba? Isa lang naman ang dahilan. Dahil si Dark Colwell Dragmire ang kaisa-isang taong kinatatakutan ng mga Council.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD