CHAPTER 16

2212 Words
LUNA'S POV: Monday. Time check; 4:49 AM "Are you really ok? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? May gusto kang kainin? Gusto mong tawagin ko si Healer Rhian? Ano ba Luna sumagot ka naman" "Paano ako sasagot e, tinatadtad mo na ko dyan" Singhal ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya. "I'm just worried. Dalawang araw ka ng tulog. Akala ko nga di na na magigising eh" "Masamang d**o ata to" Hindi ko na tinanong kung anong nangyari sakin dahil alam ko naman kung bakit nandito ako sa hospital. Naaalala ko pa naman ang nangyari at sariwa pa sakin ang pagkakabagok ng ulo ko. Marahan akong pumikit at pinakiramdaman ang sarili. Doon ko lang napansin na may benda ako sa ulo. Ito yata yung natamaan eh. Ang sabi ni Lucy dalawang araw na kong tulog ibig sabihin kung Friday naganap yung Power Levelling. Monday na ngayon. Tama ba? Minulat ko ulit ang mata ko at tinignan si Lucy na nasa gilid ng kama at hinihintay lang na may gawin ako. "Bakit nandito ka? Diba dapat nasa dorm ka ngayon?" Tanong ko sa kanya at pinilit na maupo. Nang makita niya ang gagawin ko ay inalalayan niya ang likod ko para makaupo ng maayos. "Pinayagan naman ako ng mga Healer para na rin may magbantay sayo." Paliwanag niya. Tinignan ko ang oras na nakalay sa pader. 4:54. Madaling araw pa lang pala. Ang haba naman yata ng tulog ko? Napansin ko ang kwarto na ino-okupa ko. Parang yung ordinaryong hospital lang sa lugar namin ni Lucy. Maputi. Malinis. Pero hindi naman amoy mahabo tulad ng ibang hospital. Ang pinagkaiba nga lang ay syempre mas sosyal dito. Napansin ko din na wala akong nakakabit na dextrose na kalimitang nilalagay sa mga pasyente. Sabagay, hindi na dapat ako magtaka kasi ibang klase rin siguro ang mga nurse at doktor dito. Sinubukan kong bumaba dito sa kama. "T-teka anong gagawin mo? Magc-cr ka ba?' tanong ni Lucy. "Hindi ah. Pupunta na ko sa dorm natin dahil may pasok ngayon. Baka ma-late pa tayo" nang marinig ang sagot ko ay dali-dali niya kong pinigilan at pinabalik sa kama ko. "Ano ka ba naman kagigising mo lang tapos ayan agad ang naiisip mo. Baliw ka ba ha?" Madali niya lang akong napabalik sa kama dahil medyo nanghihinan pa ko. Ano ba yan. Hindi pa naman ako lumpo e, gusto ko sanang sabihin yan pero tumahimik na lang ako. Medyo dry na kasi ang lalamunan ko. "Ikaw talaga ang hilig mong pangunahan ang sarili mo. Wala pa ngang sinasabi ang Healer mo na pwede ka ng lumbas tapos sasabihin mo sakin na gusto mo ng dumerecho sa dorm. Ang yabang yabang mo talaga kahit na kailan" nagsisimula na naman siyang pumutak. Napa-irap na lang ako s mga sinabi niya. Hindi niya ba alam na mas lalong sasakit ang ulo ng isang pasyente kapag binungangaan niya ng binungangaan yun.. "Oh! Ayan prutas. Yan ang kainin mo ng lumakas lakas ka naman. Ang lamya ng itsura mo." Inabot niya sakin ang isang balat na mansanas. Tinitigan ko lang yun. Ayaw ko ng prutas. Gusto kong may kanin ang kakainin ko "Ayaw ko niyan Lucy. Hindi naman ako mabubusog diyan eh" Mukha namang naintindihan niya ang point ko kaya ibinaba niya na ulit ang apple na hawak. Nakita kong tumingin siya sa kisame at kunwareng nag-iisip. "Sige. Try kong pumunta sa Cafeteria Hall. Baka may pagkain na doon." .......... "AYOS KA LANG BA LUNA?" Napatakip ako ng tenga dahil sa malakas na sigaw ng kambal. Ano ba yan. Parang masisira ang eardrums ko dito a. "Guys! Guys! Papasukin niyo na muna kami at ng makapagpalit na kami ng Uniform" Si Lucy. Kaninang mga 5:00 ay naabutan kami nung isang Nurse na kumakain sa kwarto ko. Hindi naman kami pinagalitan. Chi-neck lang yung ilang vitals ko at ng makitang ayos naman ang lagay ko pumayag na siyang i-discharge ko. Yung palang hospital na yun ay naka-locate lang dito sa mismong loob ng Phasellus Academy. Nasa likod na parte ang ospital kaya nakarating agad kami dito sa dorm namin. Sabi pa nung tinatawag ni Lucy na Healer Rhian ay pwede na rin daw akong pumasok. Siguro yun yung tawag sa mga Nurse at Doctor dito. Healer. Naka-soot na ng uniform ang kambal. Paalis na ata sila eh "Aalis na ba kayo agad ha Marga? Aug?" Tanong ko sa dalawa habang papunta sa sariling kwarto ko. Buti nga at medyo nabawi ko na ang lakas ko. "Hmm. Pupunta kaming Cafeteria Hall. Tinatamad kasi akong magluto." Si August na sinabayan ako sa pagpasok sa kwarto ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Wala bang ibang masakit sayo?" "Ayos na ko. Kaya no worries. Tsaka parang nahampas lang ang ulo ko eh. Hindi naman gaanong masakit. Siguro kaunting pahinga pa." Hindi nako naligo kasi baka ma-late pa kami. Sinuoot ko na lang ang sariling uniform at mabilis na nagsapatos. Humarap ako sa salamin at tinali ang buhok ko in a tie bun. "Tara na Luna. Baka tapos na rin si Lucy" Paalis na sana si Aug ng tawagin ko siya. "Bakit?" Tanong niya ng nasa harapan na ng pintuan ko "Sinong naghatid sakin sa ospital? Wala kasi akong natatandaan sa part na yun eh" Nagtaka naman niya kong nilingon, "Hindi rin namin alam. Nung Saturday kasi binisita ka namin pero tulog ka pa kaya tinanong na lang namin sa mga Healer kung sino ang nagdala sayo don. Kaso hindi rin talaga nila alam. Basta nakita ka na lang daw nila na nakahiga sa isang hospital bed at sugatan. Edi syempre, ginamot ka nila agad. Ang kaso nga lang ang pinagtataka ng mga Healer ay nakita ka nila sa isang exclusive na kwarto na para lamang sa mga Zeffari. Imbis na kasama ng mga iba pang estudyante na nadamay din sa pagsabog" "Huh?? Exclusive? Ang ibig mong sabihin bukod bukod ng mga rooms doon?" "Teka. Wala ka ba talagang natatandaan na may kumuha sayo nung tumilapon ka sa Arena?" Nag-isip naman ako. Palakad na ko nun pabalik sa upuan namin pero biglang sumabog ang paligid. Hindi ko kaagad napaghndaan kaya tumilapon ako at tumam ang ilang bahagi ng katawan ko king saan saan. Malapit din ako sa pagsabog kaya malakas ang naging impact sa akin. Kaso nga lang pagkatapos noon wala na kong matandaan dahil nawalan na ako ng malay kaya hindi ko na alam kung anong nangyari. Humarap ako kay August at umiling, "Wala talaga e" "Hayaan mo na lang yun Luna. Baka nahanap ka lang nung isa sa mga trainers at dinala ka sa hospital" "Pero sayang naman. Hindi ko siya mapapasalamatan kung sino man ang taong yun" Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na rin kami sa kwarto ko. Nadatnan naming nasa tapat na ng pintuan si Marga at Lucy at hinihintay na lang talaga kami. "Let's go" Nasa labas na kami ng dorm at papuntang Cafeteria Hall pero kataka-taka ang ipinupukal samin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Nakatingin lang sila pero walang komento na nilalabas. Anong drama na naman ba kasi to? Tahimik lang kaming apat habang nagalalakad. Nagpapakiramdaman. Hindi namin gustong panisinin ang ibang estudyante. Pagpasok namin sa Cafeteria Hall ay mas lalong naging awkward ang sitwasyon. Lahat ng division ay kompleto na nandito. Nakatingin ang lahat ng mga mata nila samin. Napatigil pa sa pagkain yung iba at nilingon kami. Ano bang meron? May na-miss ba kami? Tahimik lang silang nakatingin samin. Pero may isa atang hindi na nakatiis. "PWEDE BANG ILAYO-LAYO NIYO YANG MGA MATA NIYO SAMIN? NAKAKAINIS NA HA?" Singhal ni Lucy. Hinawakan siya sa magkabilang braso ng kambal para patigilin. Kahit din siguro ako. Nakakainis na kasi yung mga ganyang klae ng tingin Sila kaya itong tignan namin ng ganyan. Napa-iwas naman ng tingin yung iba. Samanatalang yung iba naman ay yumuko para ilihis ang mata samin. Dumerecho na kami sa table ng Eribourne. At ng makalapit ay bigla na lang lumayo iyong kapwa namin ka-divison. Kanina pa ko nakakahalata a. May problema ba samin? May ginawa ba kaming di namin alam? Bakit ganyan nila kami tignan? Wala na kaming nagawa kung hindi ang umupo na lang sa sobrang laking space ng table namin. Hindi ko man makita pero nararamdaman ko ang panaka-nakang lingon samin ng lahat. Tahimik lang ang lahat ng kumain kami ng biglang... "Oh! Look who's here" Napatigil ako sa nginunguya ng marinig magsalita ang isang babae. Napa-lingon ako sa likod at doon nakita kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Kahit si Lucy at ang kambal at napatingin sa kanya. Hindi lang pala kaming apat kung hindi ang lahat ng nandito sa Hall. Nakatingin siya kay Lucy kaya siguro siya ang kinakausap niya. "Oh? Sino ka naman?" Inis na sabi sa kanya ni Lucy. "You don't need to know." Maarteng sambit nito at nag-flip pa ng buhok. Anong pauso yan ha? Nilingon ko ang tatlong babae sa likuran nito. Maarte amg mukha. Nakataas ang isang kilay. At putok sa make-up. "Kung wala kang kailangan. Pwede ka ng umalis" Sabi ni Lucy at bumalik na lang ulit sa pagkain. Hindi na lang sn namin ito ulit papansinin pero makulit ng mga ito at sinasagabal ang pagkain namin. "Wooohh. Someone is trying to be brave kahit hindi naman. Teka??" Huminto ito saglit, " Ikaw ba yung nakakuha ng Level 90?? Is that you?" Napatigil kami sa pagkain ng marinig ang sinabi niya. Bully? Inis na humarap sa kanya si Lucy . "Oh tapos? Ano ngayon sayo? Nagpapapansin ka? Gusto mo ng autograph?" Biglang ngising namang tanong. "Hah!! How rude! Ang lakas ng loob ng isang baguhan na gaya mo. So tell me, paano mo dinaya ang energy absorption crystal para makakuha ng ganoong kataas na level. Nagdadaya ka ba?" Pangdadaya!? Nakita kong nakikinig lang ang lahat sa komusyong nangyayari dito samin. Bago pa man lumalala ang sagutan nga dalawa e hinawakan ko na sa braso si Lucy kaya naman napalingon siya. "Wag mo ng patulan" mahinang sabi ko at siniguradong kami lang ang makakarinig. Napa-irap naman siya sa inis at inalis ng pagkakahawk ko sa kanya. What the-- "Yes!! So anong gusto mong iparating? Na sikat na ako dito at trying hard kang b***h ka para mapansin ko.?' "Oww!! Sikat ba kamo? Of course, you're famous. Sinong hindi makakakilala sa tao na nakakuha ng mataas na level kahit baguhan pa lang. Alam mo bang iniisip ng lahat ng estudyante dito na mandaraya ka?" "Ah ganun? Kung ganoon dapat pala akong magpasalamat dahil nag-abala ka pa talagang pumunta dito sa table ng Eribourne. Kino-congratulate mo lang din naman ako hindi ka pa nagdala ng cake dito. Walang kwenta." Nagsimula ng magbungisngisan ang mga nakakarinig sa debate nung. Mukhang tuwang tuwa pa na may live-away dito sa Cafeteria eh. Ako naman ay nakikinig na lang din. Hindi magpapa-awat yung isang yan kahit na pigilan ko pa. Kaya nonsense din. Tatahimik na lang ako dito at kakain mabuti pa. "Hahahaha! If you want a cake. Then buy it for yourself. I'm not stupid para ibili ang gaya mo ng ganoong pagkain. So cheap" may pang-aasar na sabi niya. Tinignan naman ng lahat si Lucy na parang hinihintay ang magiging sagot niya. Tamo tong mga to kahit lalaki nakiki-usyoso. "Ang sabihin mo poor ka lang. At isa pa umalis alis ka nga dito sa table nmin. Nakakawlang gana n mkita iyang clown mong mukha. Nawawala ang taste buds ko. Kung gusto mong magpapansin mamaya n lang pagkatpos kong kumain. Kawawa ka naman kasi e, walang pumapasin sayo." Tuluyan na ngang umalingawngaw ang halaklak sa buong Cafeteria Hall. May pahampas hampas pa sa table yung iba. Samantalang nakipag-apiran naman ang iba sa katabi. Sige. Saktan niyo ang mga sarili niyo. Mga sira. Nabalik naman ang atensyon ko sa babaeng may nanggagalaiting mukha. Nakita ko kung paanong magkiskisan ang mga ngipin nito at kung paano itinikom ng mahigpit ang kamay na para bang pinipigilang suntukin ang mukha ng kaibigan ko. Hays. Sinimulan nyo yan eh. "H-HOW DARE YOU" Mariin subalit malakas na sabi niya. "How dare me.. you dare me... dare me too." Kinanta pa ni Lucy ang linya na yun naging dahilan para mas lalo siyang magalit. Mas lalo namang natawa ang mga estudyante sa sinabi niya. Nangunguna na ang mga Pavv na sobrang lakas ng halakhak. "YOU BIT----------" Natigil kaming lahat ng marinig namin ang signal na dapat nasa room na kami. Mabilis nagsi-alisan ang iba para maka-alis sa Cafeteria. Eto namang kaharap namin ay kekembot kembot na tinalikuran kami at sinabihan pa na hindi pa daw sila tapos ni Lucy. May nakita pa nga kong nagrereklamo dahil hindi daw natuloy iyong debate ni Lucy at ni... Ni... Sino nga ba? "Tara na" Napalingon si Lucy sa akin ng bigla akong tumayo at tatawa-tawang naglakad papuntang pintuan ng Cafeteria Hall. Alam kasi niyang hindi ko makikisali sa away niya dahil gusto kong marinig ang pakikipag-batuhan niya ng salita sa kung sino man. May pasabi-sabi pa naman ako kanina na wag na niyang patulan iyon tapos eto naman ko ma siyang siyang natutuwa sa nakikita. Haha. Sira. Sumabay na ko sa kanilang tatlo sa paglalakad para makapunta na sa room namin. Ganito pala ang bullying dito. Sa tingin ko naman masu-survive namin ang pananatili dito. Dahil king pag-uusapan ang mga ganyang bagay. Walang wala iyan sa mga naranasan namin sa St. Paul University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD