CHAPTER 15

2492 Words
"What happened Fintis?" Mahinahong tanong ng isang matandang babae kay Headmaster Hagalbar. Nandito sila ngayon sa Trudid Circle kasama ang natitira pang labin-dalawang Council. Ang trudid circle ay lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga taon nasa may mataas na katungkulan. Katulad ng palagi nilang suot-suot ay may malaking pa ring itim na balabal sa kanilang katawan. May hood sa ulo kaya't hindi makita-kita ang mukha ng bawat isa. Nakaupo silang lahat pabilog sa malaking lamesa. Madilim ang atmosepera at mabigat ang pressure sa loob ng nasabing lugar. "A little misfunction Council Xavia. We didn't notice that the Energy Absorption Crystal will explode. We didn't check the Crystal before the Power Levelling. I'm really sorry Council Xavia. This won't happen again" Katulad ng matanda ay mahinahon ding nakipag-usap ang Headmaster sa kanila. Mapagkumbaba itong humarap sa lahat ng nakatataas at humingi ng dispensa. "Misfunction? How come?" Tanong ng lalaking katabi ni Council Xavia. Ma-awtoridad ang boses nito hindi gaya ng ibang Council. Hindi man makita ng Headmaster ang itsura ng lalaking nagsalita ay alam niyang nagkakaroon ito ng interes sa pinag-uusapan. Pagkatapos ng pagsabog sa Battle Ground Arena ay dumerecho silang lahat dito sa Trudid Circle. Malayo ito sa Phasellus Academy at labas ng Brickelwhyte. Kinailangan nilang pag-usapan ang pagsabog dahil baka maka-apekto ito sa mga estudyanteng nag-aaral sa Phasellus. Kaya namang solusyunan ni Headmaster Fintis ang nangyari. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit kailangan pang makisali ng labin-tatlong malalakas na Council sa g**o. Ang ganitong klase ng pangyayari ay maliit nga lang kumpara sa iba pang problema na kinahaharap ngayon ng Pyreacre. "I said earlier that we didn't check the Crystal before we proceed in Power Levelling. Hindi namin napansin na naipon ang lahat ng energy sa bola simula pa lang nung last Levelling. And then, this happen. Because of the pressure and the energy that pile in the ball. It explode. Hindi kinaya ang sobrang kapangyarihan. We are all know that this Crystal is only absorbing energy. We forgot to release the energy kaya talagang sasabog ito. And the fact na may umabot ng Level 92Dun pa lang maiisip niyo na there's a possibility that this ball can't hold that kind of ability" Mahabang paliwang ng Headmaster. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang tanungin siya ng tanungin ng mga ito. Nai-stress siya. Isa pa hindi niya gusto ang aura na pumapalibot sa kaniya ngayon. Ramdam na ramdam niya ang presyon. Bakit ba naman kasi hindi? Eh ang nagiin-terrogate sa kanya ay ang pinaka-pinuno ng Pyreacre. Bakit ba nandon sa eskwelahan ng ama niya ang 13 Council? Hindi naman pwedeng na-bored lang sila dahil sa sobrang daming problema ngayon sa Pyreacre ay wala silang dahilan para magpahinga. Lalo namang hindi pwedeng trip lang ng mga ito. Lahat sila nandoon. At hindi pwedeng nagkataon lang ang bagay na ito. Kung may pumuntang isa o dalawa maiisip pa niyang gusto lang manood ng ilang Council. Pero ang lahat ng miyembro nito? Parang may ibang motibo pa ang mga pinuno ah. "Hmm. Is that so?" Tanong ulit ni Council Riorza. Ang katabi ni Council Xavia. Pinagsiklop nito ang kamay sa lamesa at ipinatong ang baba doon. Hindi pa rin nakikita ang mukha at sinadyang baba lang ang ipakita. Hindi naman hinahangad ni Headmaster Fintis na makita ang mga mukha ng Council. Dahil wala pa namang napagmamasdaan doon. Iyon ang isa sa mga rules ng Council. They shouldn't face their comrades nor enemies. Dapat panatilihing sikreto ang lahat ng meron sila. Ganun sila ka-misteryoso. "By the way Hagalbar, who is the girl touched the Crystal? The girl who used nothing?" Tanong ni Council Farnedde. Halata sa bibig nito ang pagkakaroon ng interes sa tanong. Naka-ngiti ito at mapag-larong nilalaro ang labi. Sabi na nga ba at may ibang motibo ang mga ito. Hindi siya kakausapin ng masinsinan kung walang kailangan. Kaya naman pala. Ngayon alam niya na pumunta ang mga ito sa Phasellus hindi para tignan o kamustahin ang estudyante kung hindi para sa isang tao lang. Ngayon niya naalala ang sinabi ni Council Laisia sa kanya. "We just want to see one thing" Napa-ayos siya ng upo sa kinauupuan. Niluwagan ang necktie at umubo ng bahagya. Parang hindi siya makahinga sa sitwayon. "Ah!! Are you talking about Ms. Luna Nargorthon, Councilor Farnedde?" Hindi niya pinahalata ang kinakabahang boses. Anong kailangan ng mga ito sa dalagang yun? Mas lalong lumawak ang ngiti nito. Ngayon ay kitang kita na ang dalawang matatalas na pangil sa bibig. Dinilaan ang ilang parte ng labi at nakangising kina-usap siya "Luna huh?" tuloy pa rin ito sa paglikha ng nakakatakot na ngisi. Mukhang tuwang tuwa sa nalaman. Kahit ang ibang Council na nasa loob ng Trudid Circle ay mahihinuha mong nagkakaroon ng interes sa kanilang pinag-uusapan. Si Headmaster Fintis naman ay nagsisimula ng magtaka, "Why? Is there something wrong with my student?" Tanong niya. Pero hindi niya hinayaang makitaan siya ng mga ito ng pagka-kaba "Wrong? There's nothing wrong about her. We just found our selves having an interest with the student of yours Fintis. A very interesting one." .............. Nakaharap lang si Headmaster Hagalbar sa Hesria Tree sa kaniyang opisina. Gusto niyang makapag-isip isip. Matapos siyang kausapin ng mga Council ay minabuti niyang dumerecho dito. Napaka-hirap talagang basahin ng isip ng mga pinunong iyon. Napa-buntong hininga siya kapag kua'y umupo. Ngunit kahit papano ay nagpapa-salamat pa rin siya dahil hindi siya inusisa ng Head Council na si Council Grueder. Tahimik lang ito buong magdamag. Mukhang ang miyembro lang talaga ang interesado sa dalaga. Ngunit ang pinagtataka niya talaga ay kung anong sumanib sa mga utak ng Council para alamin ang lahat sa estudyante niya? May hindi ba siya alam? Natigil ang pag-iisipan niya ng may kumatok sa pintuan niya. "Come in" Sabi niya. Pumasok sa office niya ang limang estudyante na kabilang sa Zeffari. Si Ptorik, Firaston, Vemery, Hezra at Kariney. Sinenyasan niya ang mga ito na umupo sa katapat na upuan. "Kamusta naman ang mga estudyanteng nadamay sa pagsabog?" Malumanay na tanong niya. "They're all fine Headmaster. Nabagok lang ng konti ang ulo nila pero hindi pa naman sila matitigok" pabirong saad ni Ptorik. Gusto sanang sumabay ng Headmaster sa kapilyuhan ng binata pero hindi niya magawa. Ang dami kasing tumtakbo sa isip niya ngayon. Pero para hindi mapahiya si Ptorik ay tumawa na lang rin siya ng bahagya. "That's good." "Anything you need Headmaster? Gusto niyo po bang kausapin ko ang mga estudyante sa Phasellus para humingi ng apology because of what happened" nag-aalalang sambit ni Hezra. "No need Hezra. It's not your fault anyway. Don't worry ako ang kakausap sa mga Freevales bukas. And one more thing, hindi ko kayo pinatawag dito just to discuss this issue. I want all of you to do me a favor" seryosong lintanya ng matanda. Ang pagkakaroon ng interes ng mga Council sa estudyante niyang si Luna ay may dahilan. At yun ang aalamin niya. Mayroong iba kay Lucy kaya ganoon na lang ang pagkagustong malaman ng mga nasa itaas ang tungkol sa dalaga. "I think favor is not the appropriate word for this. Call it as your B-Rank Mission." ......... Ethermoore Forest. Mabagal na naglalakad si Sir Vadim sa gitna ng gubat. Kahapon pa niya hinahanap ang mailap na kaibigan. Kapag nga naman talaga na-tripan nitong magliwaliw ay wala na talagang pake sa ibang bagay. Nilingon niya si Fycos na nasa leeg niya. Ang isa pa niyang kaibigan. Kaibigang ahas nga lang. Mabuti pa ang ahas nato kasama niya sa lahat ng oras at panahon. Hindi tulad ng iba diyan na parang walang pake sa kanya. "Find him" utos niya sa ahas. Mabilis naman itong umalis sa pagkaka-pulupot sa leeg niya at gumapang papunta sa kung saan. Tiwala siya sa kakayahan ni Fycos. Ang pandama nito ay isang daang beses na mas mahusay kaysa sa aso. Kahapon pa pinapatawag ng Headmaster ang lahat ng trainer sa Phasellus para sa isang meeting. Lahat ng trainer ay pumunta sa sinabing meeting ng Headmaster. Maliban lang sa isa. Maliban lang talaga sa isa. Nabalitaan niyang may nangyaring pagsabog sa Battle Ground Arena pero hindi niya alam kung anong dahilan. Eh pano ba naman kasi inutusan na siya ng Headmaster na hanapin ang kaibigan kaya't hindi na niya natapos pa ang pagpupulong. Napabuntong-hininga na lang si Sir Vadim. Umakyat siya ng puno at umupo sa isang matibay na sanga. Kapag gusto lang talaga ng kaibigan niya na lumabas. Doon lang siya lalabas. Pag naman ayaw. Kahit halughugin mo ang buong Pyreacre ay hindi talaga ito magpakita. Naaawa na nga siya sa ibang mga kasamahang trainer dahil wala ang pinaka-Captain nila. Umupo lang siya sa sanga at pumikit. Bahala na si Fycos ang maghanap sa parang krimenal na kaibigan. Pasalamat na lang talaga siya dahil araw ngayon ng Sabado atlis hindi niya kailangan lumiban sa tuturuan niya. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik si Fycos sa pagkaka-pulupot sa kanya at parang may ibinubulong pa sa tenga niya. Padausdos siyang bumaba sa mataas na puno at parang kidlat na tumakbo ng sobrang bilis. Nasa Anfauglith ang lalaki. Ang lakas talaga ng loob nitong pumunta sa kung ano-anong bayan ng walang pahintulot ng Headmaster. Napaka-layo ng Anfauglith sa Brickelwhyte. Dadaanan mo pa ang dalawang malalaking bayan mapunta lang ang lugar na yun. Talagang pinapahirapan siya nito. Kung isasagad niya ang bilis sa pinaka-maximum capacity ng kakayahan niya. Makakarating siya sa pupuntahan sa loob lang ng isang oras. Kaya nga lang ayaw din ni Sir Vadim na mag-aksaya ng lakas. Mapapagod lang siya. Bigla siyang tumigil at may naisip na mas magandang paraan. Iniligay niya ang apat na daliri sa loob ng bibig at ubod ng lakas na sumipol. Isang sipol lang ang kailangan niya. Hindi nagtagal ang paghihintay niya dahil dumating agad si Shria. Ang dambuhalang agila. Wala na siyang inaksaya na panahon at sumakay na sa malaking ibon dahil kung hindi niya bibilisan aalis na naman sa kinaroroonan ang kaibigan at pahihirapan na naman siya nitong paghanapin. Umabot na ng halos 50 minutes ang paglipad ni Sir Vadim. Malapit na siya sa kuta ng lalaki at sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ito sa mahirap na pagahahanap sa kaniya. Binulungan siya ni Fycos sa tenga at parang may sinasabi. Napatingin siya sa gawing kaliwa ng gubat. Inuutusan siya ng ahas na doon pumunta. Siya naman ay kinausap din si Shria na doon iliko. Sinunod ito ng agila at ng makarating nga sa lokasyon. Doon niya nakita ang isang maliit na bahay. Pinababa niya ang agila malapit doon at ganun din ang ginawa niya. Humarap siya kay Shria, "Thanks Shria. I owe you this one" Pagkatapos marinig ang sinabi niya ay lumipad na ulit ito sa itaas at parang hanging biglang naglaho sa paningin niya. Siguradong babalik na ito sa Wintergale. Ngayon, silang dalawa na lang ni Fycos ang magkasama sa harapan ng bahay. Isang daang porsyento, nandiyan ang kaibigan niya. Simple lang ang logic dun, walang normal na tao ang magtatayo ng bahay sa kalagitnaan ng gubat. Isa pa hindi naman kasi talaga normal ang lalaki. Wala na siyang inaksaya pang panahon. Mabilis siyang naglakad papalapit sa bahay. At ng makalapit ay patabog na binuksan ang pintuan. At doon, nakita niya ang kaibigan na sobrang himbing na natutulog sa isang maliit na kama. Nakatalikod ito sa kanya pero alam niyang kaibigan niya ang natutulog. Napapikit siya sa sobrang pagpipigil ng inis. Habang ang halat ay nagkakaroon ng importanteng meeting. Heto ang kaibigan niya. Natutulog at parang walang pake sa nangyayari sa eskwelahang pinagta-trabahuhan nila. Hindi niya talaga maiwasang hindi maubos ang pasensya. Napaka-ginhawa ng tulog nito na sa tipong sobrang ginhawa parang gusto niyang mainggit. Gusto niyang sapakin ang lalaki sa totoo lang. Lumapit siya sa natutulog na kaibigan at walang pakundangang hinablot ang kama. Oo kama. Hindi kumot. Dahil wala namang kumot ang binata. Nang makitang bumagsak ang lalaki. Ay ngi-ngiti ngiti naman si Sir Vadim. Atlis kahit papa-ano ay naka-ganti rin sa p**********p sa kaniya. Samantala, dahil sa malakas na pagbagsak ay naalimpungtan ang natutulog na si Colwell. Napahawak pa ito sa batok at tamad na humarap sa taong may gawa sa kanya noon. Doon niya lang napansin ang ngingiti-ngiting si Vadim. Napabuntong-hininga na lang siya. Sumandal siya sa mahunang pader at bumalik sa pagpikit. Hindi niya akalaing mahahanap siya ng kaibigan. Sabagay, hindi na nakapagtataka iyon sa lakas ng radar ng lalaki ay mahahanap at mahahanap siya nito lalo pa't tulog siya. Si Vadim naman ay nakatingin lang sa nakapikit na kaibigan. Napansin niya ang suot nitong plain black shirt at kupas na pantalon. Napadako ang tingin niya sa kulay itim nitong buhok at napangiwi sa nakita. Gulo g**o ito at parang walang balak na ayusin. Napansin din niya na hindi pa rin nito inaalis ang telang maskara sa mukha. Kahit natutulog ay suot-suot ito. Kelan ba nito tinanggal ang maskara? Kahit yata naliligo ay kailangang suot pa rin ang balabal sa mukha. Parang ritwal na nito ang pagsuot non at hindi talaga tinatanggal. Ilang taon na nga ba ng huling makita niya ang mukha ng kaibigan? Ahh naalala niya. Wala pa pala. Sa tinagal-tagal nilang magkakilala ay kahit isang beses ay hindi pa nito nakikita ang kabuuang itsura ng kaharap. Ewan lang niya kung may nakakakita na sa mukha ng lalaki. Dahil ipupusta niya ang lahat ng ari-arian kapag may nakagawa non. "What do you need?" Nabalik sa sarili si Sir Vadim ng marinig magsalita ng tamad si Colwell. Nakapikit pa rin ito at naka-upo sa sahig na pinagbagsakan. "Tss. You're asking me that. Bakit ikaw kaya ang tanungin ko. What are you doing here in Anfauglith? It's really far from Brickelwhyte. Don't ever answer me that you just came here to sleep?" "Exactly" walang kagana-ganang sagot niya at nanatiling naka-pikit. Kaya nga siya pumunta dito para walang maingay tapos susunod naman ang kaibigan para pagalitan siya. Mabigat na huminga si Sir Vadim at mas mariing pumikit. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa kausap. Kung maiinis ba o dapat humanga. Napaka-sarkastiko ng sagot nito at parang walang pake kung nasa harapan ba siya o wala. "Pinapasundo ka sakin ni Headmaster Fintis kaya bumalik ka na sa Phasellus dahil ikaw na lang ang nahuhuli sa balita don" madiing sambit ni Sir Vadim. Sa wakas ay nagmulat na rin ang binata. Walang salitang lumabas sa bibig niya habang tumatayo. Kinuha niya ang vest sa maliit niyang lamesa at wala pa ring kagana-ganang sinoot iyon. Sa isip isip naman ni Sir Vadim ay nagpapa-salamat siya dahil hindi na siya mahihirapan pang pabalikin sa Phasellus si Colwell. Naunang lumabas ng bahay si Colwell kasunod si Sir Vadim. "Is there a problem in Phasellus?" Tanong ni Colwell habang inaayos ang bumababang maskara. Napatingin si Vadim kay Colwell. "I really don't know what exactly the problem. I didn't finish the meeting coz' the Headmaster wanted me to fetch the hell out of you" Hindi naman mukhang galit si Vadim ng sabihin iyon kaya nagkibit-balikat na lang ang isa at hindi na ulit nagsalita. Mahaba-habang lakarin na naman ang mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD