Ang panandaliang katahimikan sa Arena ay biglang pinalitan ng mga taong nagkukumahog na sigawan. Hanggang hanga sa ipinakita ni Lucy. Hindi man nila nakitang may inilabas na powers o ability pero ang disididong mukha at damdamin nito na madampian lang ang Crystal ay sobrang laking bagay na.
Akala ng lahat ay malakas ang kapangyarihan ni Lucy. Na sa simpleng hawak lang ay may lumalabas na malakas na enerhiya.
Samantala, wala sa sariling bumalik sa upuan si Lucy. Nagtataka siya kung bakit nakaabot siya ng Level 90 na wala namang ginagawa. Hiniling niya na sana magkaroon lang kahit na Level 1 pero hindi niya naman inikala na 90 ang kalalabasan ng resulta. Wala siyang maalalang lumabas ang ability niya sa totoo lang.
Hindi siya naglabas ng pagkalaki-laking Air Eagle para makakuha ng 85. Hindi siya nakapagtatawag ng Water Dragon para makakuha ng 85. Wala siyang ginawang apoy para makakuha ng 85.
Pero bakit? Bakit ang taas ng nakuha niya. Dahil ba sa kagustuhan niyang wag mapahiya? Dahil ayaw niyang mabully? O baka dahil sa kaibigan niyang pinahiya ang sarili para lang lumakas ang loob niya?
"Ang galing mo Lucy. Akalain mo yun? Nataasan mo yung ibang Zeffari. Anong ability meron ka? Ang galing!! Katulad ka ba ni Kariney Bloom Realm na isip ang ginagamit bilang pang depensa at opensa? Ang galing talaga" Hindi niya pinansin ang isa sa kambal na pinupuri ang ginawa niya. Sa halip ay hinanap ang kaibigan pero nagtaka ng walang naka-upo sa pwesto ni Luna.
"W--where's Luna?" Kahit maraming gustong malaman ay mas pinili niyang itanong kung nasaan ang kinaroroonan ng kaibigan.
"Katatawag lang sa kanya. Ayun siya oh. Naglalakad pababa" itinuro ni August si Luna na nasa kalagitnaan ng paglalakad papuntang Battlefield. Nilingon niya naman ang tinuro at nakita nga niya niya n papunta ito sa gitna.
Ang kaninang pangamba ni Lucy ay biglang nawala ng makita ang nakangiting kaibigan. Wala naman dapat siyang ipag-alala eh. Kung ano-ano lang siguro ang naiisip niya.
Tama nga siguro si Ma'am Reenham na may ability talaga siya at lumalabas lang pag-kailangan at yun ang nangyari sa kaniya kani-kanina lang. Sa ngayon, ayaw niya munang mag-isip ng kung ano-ano. Mag-po-power Levelling na ang kaibigan at kailangan siya ng suporta nito gaya ng pag-suporta nito kanina.
LUNA'S POV:
Nang makarating ako sa gitna ay tinignan ko muna si Lucy na nasa itaas. Hindi ko alam kung masaya ba siya sa naging resulta o ano. Pero ako nalilito.
Level 90?
Hays.
Kung bakit naman kasi magkasunod ang pangalan namin. Edi sana na-congratulate ko muna si Lucy bago ako sumabak sa sariling Levelling.
Tumingin naman ako sa taas at nakita ko ang aking mukha sa malaking Monitoring Vision.
"Your timer starts now"
Nang marinig ko ang hudyat ay mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ng Crystal. Bahala na. Basta gagayahin ko na lang yung ginawa ng iba. Kung mababa. wala na kong magagawa.
Nang nasa harap ko na ang bola ay hindi ko mapigilang humanga. Ang ganda kasi ng bolang ito. Kakaiba sa lahat. Lumiliwanag ito at kumikinang sa iba't ibang direksyon.
Gusto ko pa sanang pagpantasyahan ang Crystal pero nakaka-isang minuto na ako kaya naman kinuha ko ang Enery Absorption Crystal at hinawakan.
Ibang klase ang pakiramdam ko ng madampian ang bola. Parang bang bigla akong nakasakay sa ulap.
Nawala sa isip ko ang plano. Gusto ko tuloy niyang batukan ang sarili dahil kanina ko pa hawak ang bola.
Inilagay ko ang Crystal sa parehang kamay at i-aaktong ihahampas sa sahig pero hindi ko natuloy dahil parang may nagsasabi sa akin na huwag gawin ang binabalak.
Nilingon ko ulit ang bola sa kamay. Ang balak ko sana ay ibato sa ito kung saan para may makuha man lang na level.
Pero bakit? Parang ayaw nitong ipatapon ang hawak hawak na Crystal? Posible bang mangusap ang bola kahit hindi nagsasalita? Dahil parang nararamdaman ko na ang bolang hawak ko ay nangungusap na wag siyang ihagis.
Ako lang ba o parang humihina ang liwanag ng Crystal.
Napatingin ako sa timer na nasa gilid ng malaking T.V. Tatlumpong segundo na lang pala. Parang ang bilis ng oras. Ang dami ko na palang na-aksayang oras dahil sa pagakusap sa sarili. Ibinalik ko ulit ang tingin sa hawak na bola.
'Moon'
Napahinto ako.
Sino yun?
'Close your eyes'
Ako lang ba o may naririnig akong boses sa aking utak.
'Close your eyes'
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang isang boses.
"S-sino yan?"
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit may naririnig akong isang boses. Ibig bang sabihin baliw na ako.
'You want high level right?'
Hindi pa ko nakakasagot ng matapos na ang oras at narinig ko na ang hudyat na time's up.
Luminga ako sa kaliwa't kanan para makita kung may nagsasalita nga ba pero ang nakita ko lang ay ang mga estudyante na nagmamasid sa akin at naghihintay kung anong level mayroon ako.
Napabuntong hininga ako at saka binitawan ang crystal. I knew it sigurdong level 0 ang makukuha ko dito dahil wala man lang nangyari sa dalawang minutong paglalagi ko sa stage na ito.
Nakakahiya lang.
Hindi ko na hinintay na marinig pa ang level ko at nahihiyang tumakbo pabalik sa upuan ko. This is the most embarrassing moment that happened in my life. Nakakainis.
Pero hindi pa ako nakakalayo si gitna ng Battlefield ng may narinig akong mag-c***k. Ang lupa ba? May lindol? Hindi ko na sana papansinin ito at magpatuloy na lang sa paglalakad
... Kaso..
"LOOK AT THE ENERGY ABSORPTION CRYSTAL" Sigaw ng isang babaeng may mata sa noo.
Dahil sobrang tahimik ng Battlefield ay nagulat kaming lahat sa sinigaw ng isang babae. Wait. Siya yung may kakayahan na makakita ng bagay kahit gaano man ito kalayo.
Na punta sa crystal ang atensyon naming lahat pero sa nakikita ko wala namang pinagkaiba. Nakalutang pa rin yung crystal at lumiliwana---
BBOOOOOOOOOMMMMMMM
Hindi ko agad napaghandaan ang sobrang lakas na pagsabog kaya tumilapon ako sa pinaka-gilid na pader ng Arena. Naramdaman ko na tumama ang ulo ko sa poste at napada-usdos pa sa ilang upuan.
Sa sobrang lakas ng tama ay hindi agad ako nakapag-react. Hindi ko maaninag ang paligid dahil nagsisimula ng umikot ang paningin ko. Naramdaman ko ang mainit na likido na bumabagsak mula sa noo ko hanggang sa mata.
D-dugo..
*****
Samantala, nabigla din ang mga estudyante sa lakas ng pagsabog sa Arena. Ang mga malapit sa Battlefield ay hindi rin napaghandaan ang bigla-ang pagsabog kaya may iilan ding tumilapon sa mga kalapit na upuan. Naglikha ito ng sobrang kapal na usok kaya wala rin masyadong makita ang mga estudyante.
"ALL FREEVALES!! LEAVE THE BATTLE GROUND ARENA IMMEDIATELY. I REPEAT. LEAVE THE BATTLE GROUND ARENA IMMEDIATELY"
Mabilis na umalis ang mga estudyante pagkarinig ng boses ng Headmaster. Gamit ang mind link ay kinausap naman ni Headmaster Hagalbar ang piling mag-aaral gaya ni Hezra, Ptorik, Firaston, Vemery at Kariney.
'Hanapin niyo ang mga sugatang estudyante'
'Yes Headmaster'
Sabay sabay sagot ng apat habang nagsimula na lang maghanap si Firaston. Masyadong makapal ang usok na nilikha ng pagsabaog kaya medyo nahirapan silang apat. Si Ptorik, Hezra, Vemery at Kariney ay sinimulan ng buhatin ang mga nakitang estudyante. Hindi nila masydong magamit ang kapangyarihan dahil hindi basta-basta ang usok na nakakalat sa buong Arena.
Tinawagan din ng Headmaster ang lahat ng trainer na nasa Phasellus at pinapunta sa Battle field. Mabilis na nahanap ni Vemery ang ilang tumilapong estudyante kaya gamit ang ilang enerhiya ay pinalutang niya ang mga ito at inilabas sa Arena.
Ganun din ang ginawa ni Ptorik at Hezra. Pero si Firaston ay may isang taong hinahanap. Hindi niya pinansin ang ilang estudyanteng nakita pero nilagyan niya naman ito ng palatandaan para makita at mahanap ng mga kasama niya.
Mas pinatalas ni Firaston ang pandama. Naglabas ng apoy sa kanang kamay para kahit papaano ay makita ng malinaw ang dinadaanan. Hanggang ngayon ay binabalutan pa rin ng makapal na usok ang buong Arena.
Napatigil siya sa paglalakad ng may matapakan sa paa. Pagyuko niya ay nakita na niya ang kanina pang hinahanap. Mabilis niyang tinanggal ang paa sa naapakan nitong kamay at pinatay ang apoy. Sinuri niya ang babae at ng makitang wala namang masyadong nasugatan bukod sa noo kaya naman ay dahan-dahan niya itong binuhat.
Marahan siyang tumayo ng makitang maayos na sa pagkakapwesto ang dalaga sa bisig niya. Alam ni Firaston na nakuha na ni Ptorik ang mga estudyanteng nakita nito kanina kaya kinakailangan na rin niyang umalis. Masyadong makapal ang usok na nakabalot sa Arena kumpara sa ordinaryong usok.
Pero bago tuluyang maka-alis sa Battlefield ay bahagya siyang napatigil. Tinitigan niya ang maamong mukha na buhat-buhat at kahit siya ay hindi namalayan ang pagkurba ng labi dahil sa nakikita.
"Tss. Chubby"
........
j a s h e i n i e