LUNA'S POV:
"HEZRA EMBERTOWN"
Nabalik ang atensyon ko sa loob ng Battlefield sa gitna ng pagsi-sintemyento ko. Sa pagkakatanda ko isa siya sa mga kasamahan ni Vemery hindi ba?
Mahinahon lang siyang naglakad papuntang gitna.
"Your timer starts now"
Una siyang naglabas ng Water Spikes sa kamay at pinatamaan ang bola. Sunod ay malakas na hinampas ang Crystal gamit ang Water whip.
Nakita ko na may ilang natatalsikan ng tubig dahil sa ginagawa niya pero parang wala lang sa kanya to at nag-focus sa pag-atake sa bola. Sa natitirang tatlumpong segundo ay may unti-unting lumalabas sa likod niya.
Lahat kami ay napa-hanga ng makitang dahan-dahang lumilitaw ang hugis dragon sa likod niya. Parang Water Dragon. Nakita namin kung paano nito palibutan si Hezra na parang pinoprotektahan at pagkatapos ay biglang umatake sa crystal.
"Time's up"
"Hezra Embertown,. Level 84"
Masaya siyang bumalik sa upuan at mukhang satisfied naman sa naging resulta ng ginawa niya. Buti pa siya. Nakaka-inggit talaga. Kung may ganoon lang akong kapangyarihan.
"Lyra Figh Huiles, Level 76"
"Michaeles Gasingh, Level 75"
"Tarrik Claus Vandrick, Level 77"
"Resha Gon Lausia, Level 80"
"Bulitte Lire Sischt, Level 73"
Karamihan ng Zeffari ay nakakakuha ng 70 and above at wala man lang naka-60. Nakakahanga na name-maintain nila yun. Nakaka-inggit talaga.
"PTORIK MISTLELOUGH"
Mula sa kabilang upuan nakita ko iyong lalaki na pababang naglakad sa Arena. Naalala ko siya. (◉⌓◉). Siya yung nakita namin ni Lucy sa gubat diba? Siya yung pumigil kay Vemery na bale ay sasaktan ako?
Naalala niya kaya kami?
"Your timer starts now"
Walang ano-ano ay kinuha niya ang bola at inihagis ng malakas sa ere. At habang bumubulusok ito pababa ay mabilis na nagsilabas ang mga baging sa kamay ni Ptorik at pinalibutan crystal.
Hindi pa tuluyang nababalot ng malalaking baging ni Ptorik ang bola at lumabas naman sa kabilang kamay niya ang isang parang hayop.
Kung hindi ako nagkakamali ay hugis fox ang pinalabas niya. Ibig sabihin ay Earth Fox ang pinalabas niya. Sinunggaban nito ang nakabalot na bola at nagpalabas naman ng ilang mga bato si Ptorik gamit ang lupa sa Arena.
"Time's up."
"Ptorik Mistlelough. Level 88"
Pagkarinig ng Level ay binawi na nito ang baging na nakapulupot pa rin sa bola at naglakad na pabalik sa upuan.
"FIRASTON NUXVAR"
Isang nakabibinging hiyawan, sigawan, tilian ang narinig sa buong Battle Arena ng marinig ang pangalan kanina pa nila hinihintay.
Ang tinaguriang pinaka-malakas na estudyante ngayon sa Phasellus ay walang ganang tumayo at tamad na naglakad papuntang gitna. Kilala ko na siya dahil.. Dahil.. Dahil..
Bakit nga ba? Ah! Siya lang kasi yung natitira na hindi namin nakita nung hinanap kami nung apat. Siya lang kasi yung wala.
"Your timer starts now"
Hanggang ngayon ay wala pa ring gana iyong lalaki. Tamad siyang naka-tingin sa bola at nakatayo lang sa harap nito. Walang ginagawang aksiyon.
Pero ng makitang isang minuto na ay bumunot lang ito ng dagger na nakalagay sa hita at ginawang apoy. Ano namang gagawin niya diyan?
Mula sa pagiging pula ay biglang naging asul ang kulay ng apoy. Naglakad palakad iyung lalaki hanggang sa makalapit sa bola. Walang buhay na tinusok ang kulay asul na dagger sa crystal at hinintay na matapos ang oras.
"2. 1. Time's up"
"Firaston Nuxvar. Level 92"
ᘳ'⚆ ᴥ ⚆'ᘰ
WHHAAATTTT???
Nagtusok lang siya ng patalim dun sa bola may instant 89 na siya? Seryoso ba siya.
Hindi lang ako ang napahanga sa lalaking ngayon ay nakapa-mulsang naglalakad pabalik ng upuan kung hindi kaming lahat.
"NEXT. THE DIVISION OF ERIBOURNE"
Nagulat ako sa narinig. Eribourne na. Ibig sabihin kami na. Seryoso ba to? Anong gagawin ko para makakuha ng mataas na level.
Oo nga't may plano na ko kapag sobrang baba ng Level ko pero nakakahiya naman ata kung kahit Level 9 hindi ko makuha.
Hays. Huminahon ka nga Luna.
"Luna, You okay?" Napalingon ako kay Lucy na biglang hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti ako ng malapad sa kanya at hindi pinakitang kinakabahan ako to the highest level, "O-oo naman. Bakit?"
Hinigpitan niya ang pagkaka-hawak sa kamay ko. "Nanginginig ka kasi eh. Kinakabahan ka ba?" Tanong niya ng may pag-aalalang tingin.
"H-hindi ah. Wala sa bokabularyo ko ang kaba." umirap pa ko kunware para lang ipakita sa kanya na ayos lang ako.
Ayokong mag-alala siya sakin dahil alam kong kinakabahan din siya. Hindi niya rin alam kung anong kakayahan meron siya kaya namomroblema din talaga ang isang to.
Ibinalik ko na lang ulit ang paningin sa gitna ng Arena at nagbabaka sakaling maalis nito ang kabang nararamdaman ko. Ayokong mapahiya mamaya kaya sana sumanib lahat ng kaluluwa ng santo sa katawan ko.
.........
Nagpatuloy lang ang Power Levelling hanggang dumating ang hapon. Walang nag-tanghalian at nanatiling nanood sa bawat estudyante na naglalabas ng abilidad makakuha lang ng mataas na antas. Hanggang umabot na sa pinaka-huling mag-lelevelling ngayon...
Ang Duskendale.
Sila ang nasa pinaka-huling lisatahan na magpapalabas ng kanilang kakayahan. At hanggang ngayon din ay wala pa ring nakakapansin sa labintatlong Council na naka-tayo sa loob ng Arena.
Naka-soot sila ng makapal at mahabang balabal sa katawan. May takip na kulay itim na hood sa ulo at naging dahilan upang ang babang parte lang ng mukha ang maari mong makita. Hindi nagkakalayo ang agwat ng bawat isa.
Nakatitig lamang sila sa gitna ng Battlefield at waring may hinihintay na bumaba. Ngunit kataka-taka na kahit ang pinaka-malakas na estudyante sa Phasellus ay hindi naramdaman ang pagdating nila.
"I didn't know that all of you came to our school" Hindi pinahalata ng Headmaster ang pagkagulat ng malamang nasa eskwelahan nga ang mga Council.
Hindi nila lahat nilingon ang lalaking nagsalita sa likuran na kadarating lang at bagkus ay itinuon ang atensyon sa gitna ng Arena. Isang lalaki ngayon ay nagpalit anyo bilang isang malaking tigre at inatake ang bola.
"We just want to see one thing" saad ng isang ginang na nasa pinaka-gilid ng pwesto nila. Hindi naman mukhang galit ang tono ng pananalita nito ngunit hindi rin naman maganda ang taas ng boses ng matanda.
"Is that so? Ayaw niyo bang umupo sa komportableng upuan?" mahinahong tanong ni Headmaster Hagalbar. Ngunit umiling lamang ang kalhati ng Council.
Muli itinuon ng labin-tatlong matatanda ang atensyon sa gitna ng Battlefield. May gusto lang silang makita at malaman kaya pumunta sila dito sa eskwelahan ng Phasellus.
"LUCY LASINLEY"
Napatingin ang 13 Council sa babaeng kabadong bumababa papuntang Battle Arena. Mahahalata ang panginginig nito dahil sa labing kanina pa nito kagat-kagat hanggang makarating sa pinaka-gitna.
"Your timer starts now"
Samantala, hindi mapakali si Lucy sa gitna ng Arena. Narinig na niya ang signal na dapat marinig pero parang tinupos siya sa kinatatayuan at nanginginig na humarap sa bola. Hindi niya alam ang gagawin.
Kinakabahan siya ng sobra dagdag pa ang libu-libong mata na nakatingin sa kanya ngayon. Ang bilis ng pintig ng puso niya ay lalong dumagdag sa pressure na nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung paano patatamaan ang Crystal. Hindi niya alam kung paano aatakihin ang nasa harap niya. Napatingin siya sa napakalaking T.V at doon ay nakita niya mismo ang sariling mukha na kabadong-kabado.
'Ano ng gagawin ko?'
'Ano ng gagawin ko?'
Paulit-ulit na usal ng dalaga sa kanyang utak. Hanggang sa umabot na ng isang minuto na wala pa rin siyang ginagawa. Nagsisimula na siyang mahiya. Matako-----------
"LUCY!! KAYA MO YAN. WAG KANG MATAKOT."
Nagulat siya sa biglang sigaw ng kaibigan. Kahit ang libong estudyante sa Phasellus ay napalingon sa itaas ng upuan kung saan nakatayo ang isang babae at hawak ang tiyan dahil siguro kinapos sa hangin.
Maging ang labin-tatlong Council ay napalingon sa dalagang sumigaw. Nakatuon na ngayon ang camera sa kaibigan niya kaya kitang kita nito si Luna na naka-ngiting nakatingin sa kaniya.
"KUNG WALA KANG MAILALABAS. WAG KANG MAG-ALALA WALA DIN AKO" Tatawa tawa nitong saad.
Napangiti ng palihim si Lucy. Ang kaibigan talaga niyang to kahit na kailan ay walang pake kung mapapahiya o hindi sa harap mismo ng maraming tao.
Nang dahil sa ginawa nito ay nawala ang kabang kanina niyang nararamdaman. Ang panginginig ng tuhod ay biglang naging malakas.
Sampung segundo na lang ang natitira. Wala na siyang nakikitang paraan para mapuruhan ang Crystal. Nilingon niyang muli ang medyo may kalayuan na bola sa kanya kung gusto niyang atakihin ito ng walang gamit na armas ay kinailangan niya pang tumakbo para lang makuha ito at malapitan.
Mabilis niyang inutusan ang paa na tumakbo. Takbo. Takbo. Takbo.
Limang segundo.
'Kahit dampi lang.'
Apat na segundo.
'Paki-usap kahit mahawakan ko lang"
Tatlong segundo.
'Tumakbo ka ng mabilis Lucy. Takbo. Abutin mo ang bola. Kahit dampian mo lang'
Dalawang segundo.
'TUMAKBO KA!!!'
"Time's up"
Mariin siyang napapikit. Ayaw niyang imulat ang mga mata. 'Nahawakan ko ba? Nadampian ko ba? Kahit Level 1 lang please. .' mariin at nakapikit na usal niya habang hindi pa rin minumulat ang mata.
"Lucy Lasinley......."
Kahit ang estudyante ng Phasellus ay pigil hiningang hinintay ang sasabihin ng Announcer. Napa-lunok pa ang iba at kinakabahan sa maririnig. Nilapit pa ng nasa bandang likuran na estudyante ang mukha ng maigi sa Monitoring Vision para makita ng maayos ang magiging Level ni Lucy.
Ang lahat ay tahimik. Naghihintay. Kinakabahan. At gustong malaman kung anong level ng dalaga.
"........ Level 90"
........
j a s h e i n i e