CHAPTER 12

2533 Words
LUNA'S POV: FRIDAY. Friday ngayon. At isa lang ang ibig sabihin ng araw na to. Ibig sabihin Power Levelling na. Ang sabi buong maghapon gaganapin ito. Samin kasi pag may program kalahating araw lang nangyayari. Dito maghapon. Kakaiba talaga. Nung Wednesday ay in-announce ni Headmaster na sa Biyernes daw gaganapin ang Power Levelling. At tama nga si Tamrin ngayon nga yun. Time check; 8:25 AM Tapos na kong magbihis ng uniform. Nakaupo lang talaga ako ngayon sa kama habang hinihintay ang katok ni Lucy. Tinignan ko ang kamay kong may ilang pasa at galos hanggang sa kalahati ng braso. Nakuha ko to kahapon at nung Miyerkules ng nag Cast kami ng Witchcraft. Namali ang basa ko sa isang spell kaya nagkanda-galos galos ngayon ang kamay ko. Nagtataka ako kung bakit parang ako lang ang hirap na hirap sa pinagagawa ng trainer namin. Ako lang ang bukod tanging hindi makasunod pagdating sa Spell Casting. Iniisip ko na lang na hindi ang Witchcraft ang specialist ko. Kaya di hindi naman ako masydong iniisip iyon. Pero bakit nga kaya? Pagdating naman sa Combat ako pa rin ang nangungulelat. Wala pa kaming masydaong ginagawa sa Combat at purong Warm Up pa lang o Exercise. Pero jusko naman. Warm up ba namang matatawag kung pag-push up-in kami ng isang daang beses. 200 na curls up. Iikutin ng dalawang beses ang pagkalaki-laking Ashdrift. Sobrang dali ng warm up nila ah. Sobrang dali. Ang galing. Ang saya na parang gusto ko ng maiyak. Hanggang ngayon ang sakit pa rin ng kalamnan ko dahil sapush-up na yan. Ang sabi pa nung trainer namin ay kailangan daw talagang biglain ang katawan namin para mas mapabilis ang paglabas ng ability na meron kami. Hays. Para ngang gusto niyo kaming patayin eh. Ang sabi ni Sir Vadim Second Week talaga magsisimula ang totoong pag-aaral dito sa Phasellus. Ang unang linggo ay para maihanda pa lang ang katawan. Grabe. sobrang handa na nga ng katawan namin eh. Handang-handa. Handang-handa sa katakot takot na giyera dito sa school na to. Baka nga hindi na ko makaabot hanggang sa gitna ng taon at matege na ko dito eh. Sana lang hindi ako pabayaan ni Lord. Hays Natigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang sigaw Lucy, "LUNA. LABAS NA DIYAN AT BAKA MA-LATE PA TAYO" Yun lang talaga ang hinihinatay ko kanina pa para makalabas na. Ewan ko ba nasanay na lang ako na si Lucy ang parating nag-aasikaso saming dalawa. Hindi naman sa dependent ako. Lumabas ako ng walang dalang gamit. Okay lang naman yun kasi Power Levelling lang naman Lang? Ah basta. Nakita ko si Lucy, August at Margareth na nakatayo malapit sa pintuan. Katulad ko ay wala rin silang dalang gamit. "Bilisan mo na nga diyan? Kailangan pa kasi laging tatawagin eh. Mag-kusa ka nga minsan. Aba! Anong tingin mo sa boses ko hindi napapagod? Tuwing umaga na lang Luna ako ang palaging pumuputak ng pumuputak sa pintuan mo. Ano ka ba naman hindi ka na bata. Magdidisi- otso ka na't lahat lahat pero yung kilos mo parang tanga. Edad lang ata ang tumatanda sayo pero hindi iyang ugali mo. Aba! Pano na lang pag nawala ako? Sinong nag-aasikaso sayo? Baka mawala lang ako ng dalawa o tatlong araw mabalitaan ko na lang na patay ka na pala." Hindi ko siya pinansin at nakangiting nakipag-usap sa kambal. "Good Morning Marga, Good Morning Aug" nakangiting bati ko sa kanila. "Good Morning din." Sabay at masigla nilang ganti sakin. Buti pa tong dalawang to ang saya kausap hindi tulad ng isa diyan na putak ng putak. "H-hoy Luna Nakikinig ka ba sakin ha? Lagi mo na lang binabalewala itong mga pangaral ko eh para rin naman sayo to" Naglakad na kami ng sabay sabay ng kambal habang si Lucy naman ay patuloy pa rin sa pagbubunganga. Hinarap ko siya at kunwareng nakikinig sa mga sinasabi niyang di ko naman naririnig talaga. Kapag talaga umaga ang tenga ko nagiging tengang kawali. "Oo na po Ma'am Lucy. Simula bukas magbabago na ko. Ano ayos na ba yun ha?" "Wag mo kong ini-echos sinabi mo na rin yan sakin nung Martes, nung Miyerkules, at kahapon. Ano ko tanga? Ibahin mo nga yang palusot mo" "Magbabago na nga ko simula bukas. Oh sige wag na lang" Tumalikod na ko sa kanya at kunware pang umirap. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na parang lumamlam ang mata niya. Nilingon ko ang kambal tatawa tawa lang sila sa nakikitang pag-aaway namin kunware ni Lucy. "Oh siya sorry na ikaw kasi eh. Lagi mo na lang pinapaiinit ang ulo ko" mabilis akong humarap sa kanya at ngumiti ng sobrang laki. "APOLOGY ACCEPTED" Bago dumerecho sa Ashdrift kung saan gaganapin ang Power Levelling ay pumunta muna kami sa Breakfast Hall para kumain. Konti lang ang nadatnan naming tao kaya mabilis rin kaming nakakain. Siguradong nasa Ashdrift na yung iba. Ang Levelling kasi ay magsisimula ngayong 9:00. Ang mauuna daw ay Fallenedge sunod ang Pavv. Then Axmar, Avaglade, Zeffari at ang huli ay ang mga Eribourne. Bat pa ba naman kasi huli kami. Pagdating namin sa Ashdrift walang katao-tao. Tapos na ba ang Power Levelling? Pero diba maghapon naman daw gaganapin yun? Nasan na sila? "Ayyyyy. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na pinalitan ang location ng Power Levelling" napalingon kami kay Marga na bigla na lamang nagsalita. "Sa Battle Ground Arena tayo dali" nagmadali siyang tumakbo palabas kaya sinundan din namin siya. Hindi ko pa naririnig ang lugar na yun. Battle Ground Arena? Ibig sabihin parang Battlefield? Huminto kami sa isang napaka-lawak na patag. Maraming karwahe ang nakakalat. "Tara sa Battle Ground. Nasa itaas na parte ng Phasellus ang pupuntahan natin. Nakabukod ang Arena s Phasellus kaya wag na kayong magtaka. Sumakay na kayo sa sasakyan at baka ma-late pa tayo" Mabilis kaming sumakay na apat sa magkaibang karwahe. At pagka-sakay ay mabilis na lumipad ang sinasakyan namin papunta sa itaas na tinatawag nilang Battle Ground Arena. Sumilip ako sa baba. Ngayon ko lalong na-appreciate ang ganda ng Phasellus. Sobrang laki talaga. Buti na lang at sanay na kami sa nakikitang hiwaga dito sa lugar na to. Buti na lang talaga. Hindi naman din nagtagal dahil nakarating na kami sa sinasabi ni Margareth. Punong puno ang tao sa buong Battlefield. Pabilog ang set-up katulad ng pangkaraniwang Arena. Sa gitna ay may malaking pabilog na parang stage. At nakapalibot naman ang napaka-daming upuan na kadaisang baitang ay tumataas kaya kung sino man ang pu-pwesto sa pinaka-stage ay makikita ng lahat. "LARTON SMILS" Teka? Nagsisimula na ba? Anong division na ba yan ha? Napatingin ako sa itaas ng stage kung saan makikita ang pagkalaki-laking pa-square na tv. Nakaharap sa Harap, likod, at magkabilang gilid. Mabilis kaming umupong apat sa kalapit na upuan. Nakatingin lang kami sa pagkalaki-laking tv. "Alam kong malaki ang Monitoring Vision. Pero hindi ko alam na ganito yun kahigante" narinig kong bulong ni August. Mula sa nakikita naming T.V ay naglakad ang isang lalaki papaunta sa gitna ng Arena. Ngayon ko lang napansin na may isang lumulutang na bilog. Ano naman yun??... Nagulat ako walang pasabing naglabas ng kulay berdeng likido ang lalaking nasa gitna at binabato ito sa bilog. Ang nakapagtataka ay parang hindi ito nababasag gayong kung titignan mo ng mabuti ay manipis lamang ito at parang gawa sa crystal. Ina-absorb lang nito ang binabato ng lalaki. Anong klaseng Crystal yan? Napatingin ako sa katabi ng T.V.. may oras na nakalagay dun. Ibig sabihin tina-timer-an nila ang gagawin namin? Wala pa ring tigil sa pagbato ang lalaking naglalakad ng berdeng likido. Hindi ko alam pero parang lason yata yun eh. "4,. 3,. 2,. 1... Time's up" Matapos ang dalawang minuto ay hiihingal hingal na napaluhod ang lalaki sa Arena. Nakakapagod ba iyong ginawa niya? "Larton Smils. Level 16" "Awwww" "Ang baba naman" Matapos marinig ang Level ay nakayuko at parang dismayadong umalis ang lalaki sa stage. Kinulbit ko si Margareth, "Ano yung pinapatamaan nung lalaki kanina?" "Yun ang Energy Absorption Crystal. Ang patakaran sa Power Levelling ay kailangang patamaan mo ang bolang yan sa loob ng dalawang minuto. Lahat ng kapangyarihang meron ka ay ilalabas mo kung gusto mong makakuha ng mataas na level. Titirahin mo ng titirahin ang bola sa kahit na anong paraan." "Pano pag nabasag yun?" -siya. "Hahahahaha! Imposible yun. Kung titignan mo ngang mabuti parang mahina ang bolang yan pero wala pa maski isang nakagawa niyan. Kung gusto mong pasabugin ang Crystal ay kailangan mong maabot ang Capacity na level 100. Yun lang ang tanging paraan." "Shaiyh Lars Himns. Level 24" Napalingon kami sa babaeng naglalakad na paalis ng Arena. Hinang hina ito at mukhang tutumba na. Nagpatuloy lang ang Levelling hanggang sa napunta na sa Freevales Avaglade. "Hooohh. Galingan niyo Avaglade." "Talunin niyo ang Zeffari" "I-level 90 niyo ah" Sunod sunod na sigaw ng mga estudyante pagkatapos i-announce ang Main Division na Avaglade. "Prikel Stangh" Biglang lumitaw galing sa itaas ang isang napakalaking tao. Malakas na bumagsak sa harapan ng Crystal Absorption. May tatlong sungay ito at may mahabang buntot. Estudyante ba yan o halimaw? Nakakatakot ang form niya. "Your timer starts now" Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang bola at malakas na inihagis sa sahig. Kinuha ulit ang bolat at itinapon sa itaas ng ere sabay bato ulit sa sahig. Ganun lang ang ginagawa niya sa loob ng dalawang minuto. "2. 1. Time's Up" "Prikel Stangh. Level 52" "Wowwwww" "Sabi na nga ba at mataas ang makukuha niya eh" "Not bad para sa isang Avaglade." Teka? Yun na yun? Hinampas lang niya yung Crystal tapos may Level 52 na siya? Bat parang ang daya? Kinulbit ko ulit si Margareth, "Bat ang taas na nakuha niya? Eh sinuntok lang naman niya ang bolang yun" takang tanong ko. "Hindi na nakapagtataka yun sa isang Avaglade. Hindi man kapansin-pansin pero may lumalabas na kapangyarihan sa bawat suntok niya sa bola pero hindi mo ito mahahalata dahil parang pangkaraniwang suntok lang yun pero nade-detect yun ng Crystal. Ang antas ng kapangyarihan ni Prickel Stangh ay nababagay sa Level na nakuha niya." .................... Nagpatuloy lang ang Power Levelling ng mga estudyante ng Phasellus at dahil medyo may karamihan ang Avaglade ay nagtagal ng kaunting bahagya ang nasabing pagkilatis sa antas. Hindi kapansin-pansin ang labing-tatlong tao na naka-pwesto sa isang sulok ng Arena na medyo may kalayuan sa mga estudyante. Nakatayo lang sila doon at waring nagmamasid. "LICSH DIMESTONE" Pagkarinig ng pangalan ay siyang biglang litaw sa gitna ng Arena. Hinintay lang ng batang babae ang hudyat para siya'y makapagsimula na at ng marinig ang hinihintay ay walang-ano ano'y biglang dumilim ang kalangitan. Ang kaninang maaraw at maaliwalas na atmospera ay napalitan ng mabigat at madilim pakiramdam. Ang kulay itim nitong mata ay biglang naging abo. Nagsisimula ng kumulog at manaka-nakang pagkidlat. Kitang kita ng lahat ng nakapanood kung paano ito mag-usal ng parang isang ritwal dahil mahalata mo lang ang pagbuka nito ng bibig ngunit walang lumalabas na boses. At ganoon na lamang ang gulat ng lahat ng isang sobrang lakas na kidlat ang tumama sa mismong bola. "3.. 2.. 1.. Time's Up" "Lisch Dimestone. Level 79" "She's amazing" "Pwede na siyang mapabilang sa Zeffari" "Ang galing niya naman. As far as I remember, she's only 15" "Nataasan niya pa si Hezra noong nakaraang taon. Ang galing" "Iba talaga ang angkan ng mg Dimestone" "Siguradong mahihirapan ang Zeffari ngayong Duel" Hindi mapigilan ng maraming estudyante ang mapahanga sa galing at husay na ipinakita ni Lisch Dimestone. Samantala, parang walang pake naman na bumalik sa upuan ang batang babae. Hindi ito masaya. Hindi rin ito malungkot. Ang mukha nito ay walang emosyong at kaswal lang. "AND NOW!! THE DIVISION OF FREEVALES ZEFFARI" Umugong ang malakas na sigawan at hiyawan sa Battlefield ng marinig ang division na pinaka-malakas sa Phasellus. Ang Zeffari. "Kariney Bloom Realm" Maarteng naglakad ang sopistikadang babae sa gitna ng Arena. Mataray ang mata at nakataas ang isang kilay. Kekembot-kembot pa itong maglakad. Pero kahit na ganoon ay mararamdaman mo ang nakakatakot na aura na lumalabas sa kanyang katawan. Nang maka-pwesto sa gitna ay mataray itong nag-cross arms. "Your timer starts now" Mula sa kinatatayuan ay ganun pa rin ang pwesto ng babae. Hindi man lang ito kumilos at nakatitig lang sa bola. Ang mga estudyante naman ay tahimik na nakatingin sa malaking Monitoring Vision sa itaas ng Arena. Doon at kitang kita nila kung paano seryosong nag-co-concentrate ang babae. Tatlumpong segundo pa lang ang nakakalipas ng magsimula ng dumugo ang ilong ni Kariney pero hindi nito pinanasin ang patuloy na pagduloy ng dugo ng ilong at mas lalo pang nag-concentrate. "Last 10 second" "9" "8" "7" "6" "5" "4" "3" "2" "1" Napahawak sa ulo ang babae ng matapos ang oras niya. Mukhang hinang-hina at hindi pa gaanong maimulat ang mga mata. "Kariney Bloom Realm. Level 81" Hindi na nagulat ang iba sa ipinakitang Level ng dalaga dahil noong nakaraang Power Levelling ay 80 ang nakuha nito. Bumalik ng tahimik si Kariney sa sariling upuan at mabilis na uminom ng napakaraming tubig. Halos lahat ng enerhiya niya na ginamit kanina ay naubos. "Vemery Lome Eraglith" Nagulat ang lahat ng makaramdam ng sobrang lakas na hangin sa isang parte ng Arena. Doon ay parang unti-unting nilulutang si Vemery ng isang hindi kalakihang ipu-ipo pero ang lakas ng hangin na nilalabas ay hindi pambira. Pinapalibutan ngayon ang babae ng malakas na hangin at nawala lang ng makarating sa gitna ng Battlefield. "Your timer starts now" Pagkarinig ng hudyat ay walang pakundangan naglabas si Vemery ng isang maliit na Air ball at pinatamaan sa Crystal Absorption. Ngunit ng tumama ito sa pinuntirya ay lumikha ito ng sobrang lakas na pagsabog. Na sa sa sobrang lakas ay naglikha ng napaka-kapal na usok sa buong Arena. Hindi man makita ni Vemery ang gustong patamaan ay nararamdaman naman niya ito. Naghintay muna siya ng Isa pang sandali at nag-ipon ng enerhiya sa dalawang palad. Doon ay unti-unting lumalabas ang isang dambuhalang Air Eagle. Dahil sa nilikhang makapal na usok ng dalaga ay hindi tuloy makita ng ibang manonood ang nangyayari ngayon sa loob ng Battlefield. Usok lang ang tanging bumabalot sa Arena kaya hindi talaga matiyak ng mga estudyante kung ano ng ginagawa ni Vemery. Nagulat na lang ang lahat ng makarinig ng isang malakas na tunog galing sa loob ng Battlefield. Hindi lang ito basta-bastang tunog. Isa itong ungol ng hayop na gustong makawala. Hindi nagtagal ay lumipad ng mataas ang Agilang ginawa ni Vemery kaya napagmasdan ng malinaw ng mga naroroon kung ano ang inilabas ng dalaga. Ang Air Eagle na siyang pinaka-malakas na sandata ni Vemery. Biglang pumadausdos pababa ang agila na para bang aatakihin ang Crystal na nasa harapan ng kaniyang amo. At sa isang iglap ay nagkaroon na naman ng malaking pagsabog sa buong Arena. "3. 2. 1. Time's up" "Vemery Lome Eraglith. Level 85" "Woaahhhhh" "She's really powerful" Paulit-ulit na bulungan ng mga tao sa buong Battle Ground Arena. Bumalik sa upuan si Vemery bagama't hindi ipinakitang nasaktan sa ginawa. Ramdam niya ang panginginig ng kamay at tuhod pero hindi pinahalata sa mga taong nakatingin sa kanya. Alam niya sa sariling hindi pa niya gaanong gamay ang kapangyarihan kaya nahihirapan pa siyang kontrolin ito. Sana lang ay walang makapansin ng panginginig ng kanyang buong katawan. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD