CHAPTER 11

1683 Words
LUNA'S POV: Tulad ng inaasahan wala nga kaming ginawa buong maghapon. Puro pakilala lang sa mga trainer namin dito. Ang sabi naman ni Tamrin required daw talaga ang ganun para kahit papaano ay alam daw ng magiging teacher namin ang kakayahan ng bawat isa. Natutuwa nga din talaga ako kasi biglang hindi na nauutal si Tamrin hindi tulad nung first period. Buti naman dahil wala talaga akong mainitindihan sa pinagsasabi niya kapag nagkakanda-utal siya. Tapos na ang lahat ng subject sa araw na to. Hindi ko nga lang talaga masasabing subject to dahil hindi naman pangkaraniwang school ang Phasellus. May subject kami na Spell Casting. May trainig kami ng Healing. May pag-aaralang History. At ang tatlong subject na natitira ay para daw sa Combat Training. Iba-iba nga lang. Yung una ay Hand-to-hand Combat. Sunod ay ang Weapon Combat. At ang huli at nakakatakot na Sparring Combat. Ibang-iba talaga dito. Kaya pala wala akong nakitang notebook sa pinadala ni Headmaster. Inayos na namin at kinuha ang malalaking bag sa gilid ng classroom. Ito yung mga bag na naglalaman ng lahat ng gamit namin. Tulad nga ng sabi ko tapos na ang klase. Kaya ang gagawin na lang namin ngayon ay hahanapin ang dorm na inilaan para samin. Ang sabi sa papel na hawak ko ay 3009854. Yan ang room number ko. At ang swerte dahil ganun din ang number ni Lucy kaso ibang room ang kay Tamrin. Sayang gusto ko pa man ding magkakasama kami sa iisang room. "Oh pano ba yan. Nandito na ko sa building na hinahanap ko. Sayang lang at hindi tayo magkakasama" Derecho at hindi na utal-utal na usal ni Tamrin. Nakss. Kumaway lang kami sa kanya ni Lucy. Siya naman ay nagsimula ng maglakad sa kabilang pasilyo dahil nandoon ang dorm niya. "Ano kayang klase ang room natin no Lucy?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ko kinibo at nagkibit-balikat lang. Sabagay wala rin naman siyang ka-ide-ideya sa magiging kwarto namin. Ang sabi kanina ng isa sa mga trainer namin ay sa isang dorm daw ay apat ang mag-ookupa nun. Sino kaya yung dalawa pang makakasama namin? Sana lang mabait sila gaya ko. Patuloy lang naming hinahanap ang room namin ni Lucy. "Sa tingin ko yun na ata ang dorm natin Luna" turo ni Lucy sa pinaka-huling kwaro na nasa floor nato. "Tar" mabilis kaming naglakad sa tinuro niyang pintuan. 3009854 Yan ang nakalagay na number sa itaas ng pintuan. Tinignan ko ulit ang papel na hawak ko. 3009854 rin. Ibig sabihin ay dito na nga yun? "Oy Lucy! Kumatok ka na" kulbit ko sa kanya. . "Bakit ako? Ikaw na" "Ayoko nga. Nakakahiya. Ikaw na lang kasi" "Sige ako kakatok. Ikaw kakausap ha?" "Oo na" Inihanda na ni Lucy ang kamay sa baleng pagkakatok ng -------- Eeennnngggkkk Tunog ng bumukas na pintuan yan. Wag kang ano. Nagkatinginan kami ni Lucy dahil wala namang nagbukas nito. "PASOKKKK!!!" Sigaw ng isang babae na nakupo sa isang sofa. Tinignan namin siya at nakitang nakaturo ang hinliliit sa amin. Hindi... sa pintuan pala. Nakangiting lumapit siya samin at naglahad pa ng kamay. "Hi. Kayo siguro ang bago naming dormmates. By the way I'm Margareth Luzell. Telekinetic or telekinesis ang ability ko. Kayo?" Sobrang lambing ng pagkaka-usap niya samin. "A-ah ako nga pala si Lucy Lasinley. Nice meeting you hehe" Nag-shake hands silang dalawa. "Ako naman si Luna Nargorthon. It's my pleasure to meet you" tapos kay ako naman ang nakipag-kamay. "I'm sorry sa nadatnan niyo ah. Kakarating pa lang rin kasi namin ni August kaya inaayos na muna namin ang lahat ng gamit na dala" Patukoy niya sa mga nagkalat na damit. Ngayon ko lang napansin ang buong kwarto na parang bahay na. May sala. May kusina at sa gilid ng malaking sala ay may apat na pintuang magkakatabi. Maganda naman pala ang dorm namin eh. May dalawang paso na nakalagay malapit sa pintuan. May malaking divider sa harapan ng sala na naglalaman ng mga libro. Sinilip ko ang kusina at nakitang may isa pang babae na nagluluto sa harapan ng kawali. Naka-uniform pa rin siya hanggang ngayon hindi tulad nitong isa na nakapang-bahay na. "That's August. My twin sister" "Owe?? Hindi kayo magkamukha" si Lucy na nagulat din. "Hahaha. Marami ngang nagsasabi. August, pumunta ka muna dito at narito na ang mga dormmates natin" "Wait lang aba! Hindi pa ko tapos dine eh" hindi niya pa rin kami nililingon hanggang ngayon at nakatutok lang sa niluluto. "Sensya na kayo sa kanya ah. Obsess yan sa pagluluto" kinindatan pa kami ni Margareth at bumalik ulit sa sala. Kami naman ay sumunod din sa kanya at umupo sa katapat na sofa. Wala namang masyadong kapansin-pansin dito maliban lang sa pagiging maganda at malinis. Mukhang komportable din dito at maaliwalas. Ngayon ko lang nakita ang malaking bintana na natatakpan ng mahabang kurtina. Kung hindi pa nilipad ng hangin. Hindi pa namin napapansin. "May I ask kung saang angkan kayo galing?" Tanong ni Margareth habang nagsisimula ng magtiklop ng damit na nasa sahig. "Ako.. galing ako sa angkan ng Nargorthon. Si Lucy naman ay sa pamilya ng Lasinley" Yun na lang ang sinabi ko tutal half-true naman siya eh. Napatigil sa pagtiklop si Margareth at nagtatakang nilingon kami. "I didn't heard that before" Sabi niya at waring hinawakan pa ang baba na parang nag-iisip. "A-ah kasi hindi naman masyadong kilala ang pamilya namin kaya s-siguro di mo kilala. Hehe" Mukha namang nakumbinsi siya sa sinabi ni Lucy dahil tumango-tango siya at nagpatuloy na ulit sa ginagawa. Sabagay surname lang naman ang basehan para malaman kung saang pamilya ka galing. Inilabas na namin nj i Lucy gamit sa Bag at nagsimula na ring mag-ayos gaya niya. "THE FOOD IS READY" napahinto kami ng marinig ang sigaw ng kambal na si August. "Tara sa kusina at kumain" yaya samin ni August. Hindi ko alam kung maasiwa o mandidiri o masusuka sa pagkaing nakalatag sa harapan namin. Sunog na hotdog. Sunog na itlog at sunog na manok. Nilingon ko si August na mukhang masayang naghahanda sa mga plato namin. "Oh siya upo na kayo diyan at kumain. Wag kayong mahiya ah" nakangiting sambit niya pa rin sakin. Unang umupo sa upuan si Margareth at dahil pabilog ang set-up ng table ay katabi ko sa magkabilang gilid si Lucy at Margareth. Nasa harapan ko naman si August. Nagsimula ng kumain yung kambal na mukhang sarap na sarap sa niluto. Ako naman at si Lucy ay mukhang nagdadalawang isip pa kung kakainin batong niluto ni August. Parang mapanganib eh. "Sige na kain na kayo. Masarap yan promise" si August na nagtaas pa ng kamay para kunwareng nanunumpa. "A-ah eh mukha ngang masarap to pero hindi ba mas maganda kung sa Dinner Hall tayo kakain?" Buti naman at may magandang suggestion ang kaibigan ko. "O-oo nga t-tama si Lucy. S-sa Dinner Hall na lang tayo k-kumain" (^_^メ) "Kung sa Dinner Hall tayo kakain medyo mahaba-habang lakarin ang mangayayari kaya etong 'Masarap' na pagkain na ginawa na lang ng kambal ko ang kainin natin" ngayon ko lang napansin ang maasim niyang mukha at parang gusto ng masuka. Diniinan pa nito ang salitang Masarap at sinasadyang iparinig sa kambal. Ibig sabihin nagpapanggap lang siyang nasasarapan sa luto ng kapatid? Sabagay, siguro ayaw lang niyang masaktan ang damdamin nito. Wala na kong nagawa at nagsandok na lang din ng ulam at pikit-matang kinain ang pagkain masasabi kong sa buong buhay ko ay ganitong klase ng pagkain ang hindi ko na gugustuhin tikman pa ulet. (ꏿ﹏ꏿ;) Nakangiting nilingon ako ni August kaya ngumiti din ako pabalik at hindi hinahayaang ipakita ang sumasagwa ko ng mukha. Siguradong magpupu-rurot ako nito mamaya. Jusme naman. .......... Malawak ang kwarto. Malinis. Komportable. At ang kulay ng dingding at kisame ay makulay. Kung hindi ako nagkakamali parang burgundy ata ito. Para akong nasa isang Five star Hotel. Napaka-laki ng kwarto ko. At ang kama. Mukhang mapapa-subo ako ah. Siguradong mahihirapan lalo si Lucy sa paggising sakin. Nilibot ko pa ulet ang kabuuan ng magiging kwarto ko. Ayy hindi pala. Dahil kwarto ko na to. Tamang-tama ang theme sa gusto ko. Kulay blue ang dominante na makikita mo. May lamp shade din sa side table ng malaking kama. Ini-stalk yata nila kami dahil alam nila ang mga ideal na room na gusto namin. Imbis na dumakdak na lang ng dumakdak sa isip ay sinimulan ko ng isalansan ang mga gamit ko gaya ng lotion, deodorant, at damit. Yun lang naman kasi ang ilang importante na gamit eh. May wall clock din sa kaliwang dingding ng kwarto ko. Time check; 8:45 PM. Ganun katagal pala kaming nag-kwe tuhan sa labas? Matapos ayusin ang lahat ng dapat ayusin ay pabagsak akong humiga sa kama. Hayyyy!! Ngayon ko lang napagtanto na napagod pala ako kahit walang masydong ginawa ngayong araw. Sabagay First Day pa lang naman din at siguradong bukas magsisimula ang tunay na bakbakan sa Phasellus. Lalo na iyong Combat combat na yan. Mukhang mapapasabak ako eh. Nabalik sa isip ko ang nangyari kaninang tanghali. Iba ang ipinupukal ng tingin samin lalo na kay Lucy ng mga estudyante kanina lalo na nung kakain kami sa Cafeteria Hall. Ang sasama ng tingin tapos yung iba tinataasan pa kami ng kilay na kala mo may ginawa kaming sobrang laki ng krimen. Oo nga pala Bakit nga naman hindi eh may ginawa nga pala yung isa na kagagaguhan nung time ng Break namin ng umaga. Wala naman talaga akong pake kung tignan nila kami- ako ng ganun eh. Hanggang tingin lang ang mga yan Nun ngang nag-aaral pa kami ni Lucy sa St. Paul University mas malala ang nararanasan ko dun. Hindi naman kasi nabu-bully si Lucy dahil maimpluweniya naman ang mga magulang niya. Atlis dito puro tingin tingin lang. Ewan ko lang kapag katapos ng Power Levelling na yan. Oo nga pala yung Power Levelling. Sounds interesting pero panigurdong delikado. Sana lang walang mangyaring masama sa amin habang nandito kami. Dahil ang dami ko pa ring tanong na walang kasagutan. Kung bakit napunta ako dito gayong alam kong wala talagang espesyal sa akin. Kung ano mang dahilan iyon. Susubukan kong hanapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD