LUCY'S POV:
"Araaaayyyyyyy" isang sobrang lakas na batok ang natanggap ko paglabas namin ng Hall.
"ANO KA BA NAMAN LUCY TANGA KA BA HA? GAGA? ENGOT? ANO?" Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ang sunod-sunod na sigaw ni Luna. Hindi pa ko tapos makipag-usap sa mga yun ng bigla niya kong hinila palabas. Mas maganda atang sabihin ay kinaladkad.
"ANO? SUMAGOT KANG BABAE KA. NALINGAT LANG AKO SANDALI TAPOS KUNG ANO ANO NG PINAG-GAGA-GAWA MO. MY GOD! HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG KAYANG GAWIN NUNG MGA YUN HA? THEY CAN KILL YOU RIGHT NOW NAKITA MO NAMAN KUNG ANONG KLASE ANG KAPANGYARIHANG MERON SILA TAPOS!!! ARGGGGHHHH"
Tinanggal ko ang pagkaka-takip ng daliri sa tenga ko. Hooohh!! Buti naman tapos na siya!
"ANO!!! SAGOT!!!!" Napapikit ako ng bongga dahil tumriple ang lakas ng boses niya.
"Gusto ko lang naman makipag-usap eh"
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
"USAP??? EKSENA YUNG GINAWA MONG BABAE KA!"
Nye Nye Nye Nye Nye.
( ˘ ³˘)
Napa-nguso na lang ako habang nakikinig sa sermon niya. Bahala ka ngang mapagod diyan. Ikaw yata ang magiging dahilan kung bakit mababasag ang eardrums ko eh.
"HOY BABAE. NAKIKINIG KA BA SA SINASABI KO HA?" nakapamewang na sigaw niya.
"Oo at sa sa sobrang lakas nga ng boses mo kahit ilang rooms na nandito maririnig ka. Pwede bang wag kang sumi-----"
"SISIGAW AKO KUNG KAILAN KO GUSTO KAYA MANAHIMIK KANG YAWA KA"
(~_~メ)
Galit talaga siya.
"A-ah L-lucy ayos k-ka lang b-ba?" Sabay kaming napalingon ni Luna sa sa nagsalita.
Si Tamrin.
ᕙ༼◕ ᴥ ◕༽ᕗ
Mukhang mapapakinabang kita karibal ah
Hehe.
Mabilis akong kumapit sa braso niya at nagtago sa likod. "Buti na lang dumating ka Tam-chan. Alam mo kasi nasa kamay ako ngayon ng mapanganib na nilalang. Buti at niligta------"
Plookkkk
Napahawak ako sa batok kong binatukan na naman ni Luna. "TIGILAN MO KO SA KAKAGANYAN MONG BABAE KA. BAKA DI KO MATANTYA AT-----"
"Oh siya relax na. Relax. Eto naman di na mabiro. Tsaka ang sakit na ng batok mo ah. It hurts you knowww" at nag-awa pa sa harapan niya.
Hindi niya ko pinansin at nilingon si Tamrin.
"Bakit ka sumunod samin Tamrin?" Mukha namang kumalma na siya.
"Nag-alala k-kasi ako s-sa inyo dahil b-bigla kayong n-nawala sa u-upuan"
Nilingon ko si Luna at nakitang napakasama ng tinging ipinupukal sakin.
(╥﹏╥)
"Tignan mo ang ginawa mo Lucy. May pinag-alala ka pang tao. Gaga ka talaga" inis na sabi nya.
"Hehe. Sornaman. Sorna" sabay peace sign.
Narinig kong napa-buntong hininga ng malakas si Luna. "Wag na tayong bumalik sa Hall. Mag-stay na lang tayo sa Duskendale"
"Huh?? Bat naman? Di pa ubos yung pagkain ko----"
"GAGA! HINDI MO BA NAKITA KUNG PAANO KA TIGNAN NG MASAMA NG MGA ESTUDYANTE DUN? SIGURADONG INIISIP NILA KUNG PAANONG MAY NAKAPASOK NA BALIW DITO SA PHASELLUS."
"Oo na Luna. Hindi mo naman kailangang sumigaw eh"
(ᗒᗩᗕ)
"Tara sa room"
At yun nga ang ginawa namin. Parang may gusto lang malaman eh. Masama ba yun? Badtrip lang talaga yung maarte sarap supalpalin. Hindi naman maganda. Pshhhh.
Pagkakita sa room ng Duskendale ay agad kaming pumasok na tatlo at tulad ng inaasahan walang tao kung hindi kami kang. Mukhang mamaya pa sila matatapos. Ang sasarap naman kasi ng pagkain doon eh. Lalo na yung parang fried chicken. Dapat pala nagdala ako ng lalagyan para dito ko na makain. Next time. Next time.
"A-ayos ka l-lang ba L-lucy?" Utal-utal na tanong niya. Buti pa siya nag-alala tapos yung isa diyan. Hmmpp.
"Ayos lang ako Tam-tam. Don't worry about me. Ako pa" tapos ay nag-thumbs up pa. Si Luna naman ay inirapan lang ako.
Umupo na kami sa upuan namin at saka muling pinagpatuloy ang kwentuhan. Iniharap pa ni Tamrin ang upuan niya sa amin para mas maayos na maka-usap kami.
"H-hindi mo d-dapat binastos si Vemery ng g-ganun Luna" nagtaka ako sa tinuran niya. Ramdam ko rin ang pagkalito ni Luna sa tabi ko.
"Anong ibig mong sabihin Tamrin?" Si Luna.
"Ayyy wait wait. Bago mo sabihin samin dapat straight ang pagsasalita mo ah. Wag kang mautal Tam-tam. Sobrang mahiyain mo naman kasi eh. Relakssss" Sabi ko.
Hangga't mainit pang dugo ni Luna. Kailangan kong magbait-baitan sa harapan nila. Para maging kapani paniwala na nagsisisi na ako kahit hindi naman.
Paplastikin kola ng ng kaunti yung Kari bal ko sa pagiging beat friend ni Luna. hmmp.
"A-ah eh sige sige. T-try ko" usal ni Tamrin at bumuntong hininga pa.
"Si Vemery kasi ay kabilang sa Zeffari"
"Huh?? Ano naman kung kabilang siya don?" Ako
"W-wait. I-ibig sabihin hindi nyo pa a-alam?" Nanlalaking matang tanong niya.
Anong alam?
"W-wala pa kaming masyadong alam dito eh. Sa katunayan nga ay wala pa rin kaming isang buwan sa lugar na to." Sagot ni Luna.
"I see. Kaya naman pala"
Woahhh.
Di siya nautal.
"Pwede mo bang sabihin ang lahat ng nalalaman mo sa lugar na to ha Tamrin? Curious din kasi ako". Naksss. Nagkaka-intindihan sila.
"S-sige. Pero kukulanagin a-ang isang buong Break dahil m-medyo marami-rami d-din ito"
"Ayos lang"
Humugot muna si Tamrin ng malalim na hininga bago nagsimula.
'Lalim nun ah'
"M-magsimula tayo sa basic i-info ng Phasellus Academy. It divides in to two division which is t-the Main and the Sub-division. Kabilang sa sub-division ang Freevales Pavv, Axmar at Fallenedge. Sa M-main division naman ay tayong Eribourne, Avaglade at Zeffari." Tumigil muna siya ng ilang saglit.
"Kung hindi niyo napapansin ang mga Division na to ay may kanya-kanyang specialist. Kagaya sa Pavv. Karamihan dito ay mga Shifter. Sa Axmar ay purong mga Sub-elements. Kailangan naman nating magingat sa Fallenedge dahil puro mga Spell Casting ang ginagamit nila. Mga Witch o Wizard sila kumbaga. Kabilang din dun ang mga kagaya kong Healer. Sa Avaglade naman ay mas focus nila ang Short Range na labanan. Halos lahat ng trainer nila doon ay purong Combat training ang pinaggagawa sa kanila. Nagkaron nga ng usapan last year na kaya daw pantayan ng Freevales Avaglade ang Freevales Zeffari. Pero duda ako doon"
"Bakit naman? Mukha namang malalakas talaga ang mga Avaglade na yan ah" Sabi ko.
"Malakas sila. Oo. Pero hindi mo maiiba kung ano ang SKILLS sa TALENT. Ang Avaglade ay tine-train. Ibig sabihin skills ang meron sila. Pero ibahin mo ang mga Zeffari. They are born to be powerful. To be Perfect. To be one of the Gods.
At Hindi niyo ba alam na 5 Years ago. May estudyanteng napabilang sa Zeffari dahil anak siya ng Diyos ng Kidlat?"
Woahh! Anak yata ni Zeus.
"At ngayon naman ay mapapansin niyong puro anak ng Hari at Reyna ang kabilang sa Zeffari"
(●__●)
"Seryoso??"
'Uso pa rin pala yun dito? Ang kilala ko lang na Reyna ay si Queen Elizabeth eh.'
"Oo. Yung apat na binangga mo kanina Lucy ay hindi basta basta. Anak sila ng mga malalakas na tao. Anak sila ng Hari at Reyna"
Ako--- ʘ‿ʘ
Ang gaga ko pala talaga.
ʘ‿ʘ
Kinulbit ako ni Lun. "Ano? Tanga ka talaga no?" Napa-ismid naman ako sa tinuran niya.
"Hehe. Sige Tam-tam. Tuloy mo na yung kwento mo" dahil baka bungangangaan ako ng best friend ko.
"Ahm. G-gusto niyo bang malaman kung sino-sino ang kabilang sa Zeffari? Kung hindi ako nagkakamali ay sampu lang sila"
(°o°)
"Sampu lang????"
"Oo. Pero sasabihin ko lang yung nakita niyong apat kanina. Si Ptorik, si Vemery, si Hezra at si Firaston. Si Ptorik Mistlelough also known as the Frightening God of Land. He is the son of King and Queen Mistlelough from EastWood or Earth Kingdom."
Huh? Ano daw? Di ko gets. Prince?
"Vemery Lome Eraglith we sometimes called her Deadly Air. And like Ptorik, she's also the Princess in Easthaven or in Air Kingdom"
Ang maarteng yun prinsesa? Di halata sa kanya. Ang asal kasi eh. Asal-kalye.
"The third one is Hezra Embertown. The Water Princess in East-Frostenvale. At halata naman sa kanya na prisesa siya diba? Sa alyas pa lang eh. The last one is Firaston Nuxvar. The King of East-Firecrow. I mean soon to be King pa lang pala ng kingdom nila. His father died last year kaya in-assume na ng marami na siya ang papalit sa pwesto ng ama kapag nag-18. At masasabi kong sobrang lakas niya"
'Seryoso ba siya? King? Ang corny naman pala talaga nila eh. Tsk tsk tsk.'
"Teka mabalik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Nakalimutan kong sabihin na matatawag ka lang na Eribourne kapag bagong pasok mo pa lang dito sa Phasellus. Nawawala lang ito sa kalagitnaan ng taon"
"Huh?? Bakit mawawala?" Tanong ko.
"Sa Eribourne kasi. Halo-halo ang mga may ability hindi alam kung sino ang kabilang sa Witchcraft o Spell Casting, sa Shifter, sa Healer, sa Magic user o sa tinatawag nating Alchemist, sa Elemental Users, sa Chaos magic, sa Necromancy,o kahit sa Mysticsm. Halo-halo talaga siya. Kaya naman every month or every week may nagaganap na stage."
"Stage??" Sabay naming sabi ni Luna.
Tumango naman siya, "Oo stage. Ang balita ko nga ay ngayong Biyernes dadausin ang Power Levelling."
"Ano naman yan?"
"Ang Power Levelling ay umaalam sa antas ng kakayahan mo o kung anong level ba ang kapangyarihan mo. At tulad lang din sa lahat ng capacity. 100 lang ang pinaka-mataas na makukuha mo. Ang nakakatawa lang wala pang umabot sa ganoong klase ng Level. Ang pinaka-mataas sa ngayon ay ang mga level ng nasa Council. Pero sa estudyante,, ay hawak ngayon ni Firaston Nuxvar ang Level 82 sa Power Levelling. Ang Level 82 na yun ang siyang pinaka-mataas sa Phasellus."
"Mataas na yun?? Sus.. Weak. Weak"
(づ ̄ ³ ̄)づ
Nagulat ako ng batukan naman ako ni Luna.
"Yabang mo talaga" Hindi ko na lang siya pinansin at hinimas na lang ang batok ko.
'Namumuro ka na sakin ah'
"Mataas na nga ang 82 eh. Dahil sobrang hirap makakuha ng mataas na Level. Wag lang sanang 0 ang makuha mo"
"Owssss? May nakakakuha nun?"
(☉。☉)!
"Wala pa naman ang pinaka mababa pa lang na nakukuha ay Level 6. Kaya talagang kapag nakuha mo ang Level na 0-8 . Asahan mong mamalasin ka na sa buong taon mo dito sa Phasellus"
"B-bakit naman?"
"Level 0-8. That's the level of a weak person. No potential. No ability. No power. As in wala talaga. Ang malas mo pa dahil mabu-bully ka kapag mag-kaganun"
(๑•̀ㅂ•́)و✧
Nagkatinginan kami ni Luna. Mukhang nababasa namin ang isip ng isa't isa ha.
"U-uso pa rin pala ang b-bully dito?" Tanong ko kay Tamrin.
"SOBRA!! Ang pinsan ko nga any nakaranas ng bullying dito eh. Kahit ang Level na nakuha niya sa Power Levelling ay 32. Tsaka sa unang araw talaga wala ka pang makikitang bully dito dahil hindi alam ng ibang Division kung anong kakayahang meron ka. Katulad na lang ng kaklase natin na si Kagran Hendas. Yun yung mga klase ng tao na hindi mo agad mabu-bully dahil halata mong may mataas na antas bilang isang Shifter."
'Eh pano ako? May mataas na antas bilang isang manti-trip? Sarap tuloy manghingi ng tulong kay Mang Kepweng eh'
"Anong Level ba ang siguradong hindi ka mabu-bully?" Tanong ni Luna.
"Level 45 and above. Pero siguradong sobrang hirap makuha ang ganoong klase ng Level"
Tskk.
Badtrip naman pala oh.
Paano ako makakakuha ng ganoong klase ng Level gayong nagsisimula pa lang ako.. Di bale na sabi nga ni Reenham lalabas at lalabas naman yun. Kung meron man.
Pero kung wala, babalik na lang ako sa amin at manonood ng sandamak na anime. Ako nga di kopa sure kunh may kapangyarihan talaga ako o baka na-mistaken lang nila na mayroon.
Hays. Meron o wala basta nakakakain ako dito okay na yun.