Chapter 1 - First date
8am ng umaga June 9 , 2019 nasa loob ako ng isang burger restaurant , sinuot ko ang pinakamaganda kong damit na puting bestida at maong na jacket na May rose sa likuran , nilugay ko ang mahaba na curly kong itim na buhok na hanggang baywang , nilagyan ako ng pulang hairban ng aking bestfriend na si JADE, nilagyan nya ng pulang lipstick ang aking labi at maskara ang aking pilikmata na nagpaganda raw sa aking kulay green na mata , masaya at kinakabahan ako dahil ito ang pinakamahalagang araw para sakin ,
Ang araw ng aking kapanganakan gayundin sa unang pagkakataon May makikipagdate na sakin sa edad kong 25 anyos na OSWALD ang pangalan na nakachat daw ni jade sa f*******: isang website sa internet na pinagbabawal na ipagamit ng aking pamilya
"
excuse me , water po - ito ang menu tawagin mo Lang ako kung May oorderin ka na ?" Sabi ng waitress na blonde ang buhok na nakasuot ng kulay puting polo shirt at jamper na stripe na short na kulay brown na uniform nila
" Amm salamat po ma- maya nalang po May hinihintay pa ako ," Pilit kong ngiti na inaalis ang pagkakakaba
" okay - " sabi ng waitress sabay alis nya sa gilid ko
Napatingin ako sa gilid ng salamin ng restaurants na makikita ang labas ng maaliwalas na umaga ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa matapos kong uminom ,nasa crossing ang kinatatayuan ng restaurant na makikita ang pagtawid ng mga tao at sasakyan sa traffic lights katapat ng restaurants ang Kabubukas Lang na bilihan ng pastries na may magagandang display na cakes na inaayos ng matandang lalaking bantay nito na naka chef uniform na May mahabang sombrero sa ulo umiwas ako ng tingin ng makita kong tumingin sya sakin
Pinaling ko ang tingin sa loob ng restaurant dahil sa umaga ang mga taong nandoon ay almusal ang pakay May mga in order silang pancake at coffee at burger din
May isang pamilya na May lalaki anak na nasa edad 13 at babaeng naman ay tila mas bata na 7
May magasawa na May tigisang cellphone na hindi naguusap pero magkasamang kumakain
May matatandang magasawa na nagkukulitan at nagtatawanan na parehas puting puti na ang buhok at kulubot ang mga balat
May isang lalaking nakataas ang paa sa lamesa na ilang beses sinasaway ng waitress pero Inuulit parin ang pag taas sa paa nya habang kumakain ng burger na May madungis na damit at butas na pantalon
Katapat nya ang lalaki na umiwas sa kanya dahil sa ingay na nagagawa nito dahil sa nakikipagusap sa cellphone habang busy itong gumagamit ng laptop na tila isang businessman na nakaamericana at eyeglass na nakasimangot
First time kong kumain sa lugar na to madalas kasing sa school ako kumakain o di kaya sa bahay lamang namin at pinagbabawalan kaming pumunta sa maraming tao
Masaya palang kumain sa ganitong restaurant mukhang masasarap din ang mga Inoofer nila dito , Ano kayang oorderin ko ?pinatong ko sa lamesa ang atm card na bigay ng mga kumupkop sakin , Habang nililibang ko ang aking sarili sa paghihintay sa lalaking kadate ko narinig kong tumunog ang bell na nasa entrance dalawang lamesa ang layo sakin
Natigilan ako ng makita ang isang lalaking nakaitim na sumbrero , nakaitim syang jacket at gayundin ang pantalon nya habang nakarubber shoes , May itim syang buhok na nakatago sa subrero nya matangkad sya at May Maputi syang balat bakas ang magandang build ng kanyang katawan kahit na nakajacket sya na halos ka edad ko lamang
Tila May hinahanap sya na agad lumapit sa counter ng cashier kinabahan ako na agad uminom ng tubig sinasabi sa aking sarili na " relax ka Lang , Hindi ka pwedeng maging clumsy ngayon ang sabi sakin ni jade wag akong pa pa halatang first time kong makipagdate , sya kaya si Oswald ?"
Pinigilan ko ang panginginig ng isa kong kamay gamit ang isa at itinago ko sa ilalim ng lamesa at inayos ang pagupo
" excuse me ? Ikaw ba si jewel ?? Hi nice to meet you ako nga pala si Oswald ? Sabi ng lalaking nakaitim na subrero sakin agad akong napatingin sa mukha nya habang inaabot nya ang kamay nya sakin
"Hi nice to meet you din , Oo a-ako si jewel , " tumayo ako sa pagkabigla at agad na hinawakan ang malamig nyang kamay habang napatingin ako sa kulay light brown nyang mata , nakita kong agad syang ngumiti ng hawakan ko ang kamay nya Ng bumitaw agad ako
" Amm kanina ka pa ba ?? Dumaan pa kasi akong sementaryo kaya nalate ko sorry kong naghintay ka ?sabi ni Oswald na tila mahinahon at maaliwalas ang mukha nya na agad umupo sa tapat ko Pero hindi nya inaalis ang subrero nya
" okay Lang ? Bakit May dinalaw ka ba sa sementaryo ? Kung importante ang pinuntahan mo pwede naman nating ilipat ng date ang meet up natin "sabi ko
" hindi - bumili ako ng lupa " biglang sumeryoso ang mukha nya at muling ngumiti " sinabi kasi sakin ni jade na birthday mo daw ngayon kaya ngayon ko na naisip na makipagkita , ito regalo ko sayo "sabi nya sakin ng May inabot syang isang kahoy na kulay pula
Natuwa ako sa unang pagkakataon May nagregalo sakin sa Birthday ko at hindi ko pa kilala dahil pinagbabawal saming pamilya na ipagdiwang ang anumang okasyon na ginagawa ng mga tao
"Pa-para sakin ? Maraming salamat ,, " agad kong kinuha ang box at binuksan , White gold na hugis rose na May diamond na kwentas " ang ganda " mga salitang nasabi ko na hindi ko namalayan na syang nagpatulo ng luha ko
Agad kong pinunansan ang luha ko at ngumiti na tumingin sa kanya " salamat ang ganda , ngayon mo pa Lang ako nakita peroniregaluhan mo na ko , maraming salamat "
" nakita ko yan sa daanan kanina binibenta sa kalsada , naisip kong iregalo sayo , Akin na isusuot ko sayo " sabi nya na nagpakaba sakin
Ha ?? Hindi ako nalang - " pero hindi ko sya napigilan umikot sya sa likod ko at inilagay sa leeg ko ang kwentas na bigay nya ,
" sabi ko na bagay talaga sayo , bagay sa kulay ng mata mo ang diamond jewel " sabi nya ng muling umupo sa tapat
Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi ko at hiya sa sinabi nya , tiningnan ko ang pendant ng kwentas ang ganda talaga nito muli akong nagpasalamat sa kanya at tumawa sya
" ilang beses ka ng nagpasalamat hmmm halika kumain na tayo " sabi nya ng inangat nya ang kamay at tinawag ang waitress na agad lumapit sa smin
Anong order mo jewel ? Tanong nya sakin
" Amm melon juice , cheese burger at linguine pasta " sabi ko sa kanya
Binalik nya ang menu sa babae " ganun nalang din sakin miss , thank you " sabi nya na nagpagulat sakin
" pwedeng akin nalang ? Sabi nya ng tinuro ang tubig na agad
Kinuha nya sa harap ko at agad syang uminom na wala syang pakialam kung nainuman ko na ito sa mismong straw ko pa nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko at tila Nahiya akong napatingin sa mabilis nyang labi habang iniinom nya ang tubig ko
"Sorry naubos ko ang tubig mo , nauhaw kasi ako sa pagmamadaling makapunta dito sandali lang "sabi nya ng Sandali syang nagpaalam Na Tumango lamang ako pumunta sya sa comfort room habang hinihintay ang pagdating ng pagkain
May mga nakita akong kakilala ko na dumaan sa restaurant mula sa gilid ng kinauupuan ko kumaway sila sakin na tila mabagal na May binuka ang bibig nila , salitang kami Lang ang nagkakaintindihan
"MORTEM- na ang ibig sabihin ay death pagkasabi ng mga babaeng kakilala ko sa aming lugar nangamba ako at natakot Pilit kong tinatagan ang aking sarili at ng muli kong pagtingin sa kanila nawala na ang grupo
Dumating na ang mga Inorder namin habang si Oswald ay umupo narin
" bakit May problema ba ? Nang mapansin nyang naging balisa ako
"Ahh wala naman , kain na tayo " sabi ko para alisin sa isip ko ang sinabi ng kakilala ko sa akin
Napansin kong sa kilos nya ay mahinahon sya sa paghihiwa ng burger gamit ang fork at knife habang ako ay ginamit ko ang aking kamay sa pagkain , masasabi kong gwapo talaga sya at mukhang may pinagaralan
" Amm ilang taon ka na Oswald ? Tanong ko sa kanya agad na tumingin sya sa mata ko ,
" I'm old enough to settle down " Seryosong sabi nya na nagpabigla sakin ibig nya ba ng sabihin gusto nya ng ka salin at magkapamilya o ang tumigil sa trabaho
Malakas syang tumawa ng mapansin nyang naguluhqn ako sa sinabi nya
Ang sabi nila I'm 29 years old , jade told me that your 25 right ?" Sabi ni Oswald sakin
Ahh Oo , totoo bang kalilipat mo Lang dito sa AMELIE VILLE ? San ka galing ? Anong trabaho mo ? "Mga Tanong ko sa kanya
Ngumiti sya na tumitig sa mata ko " di ko alam na ganon ka pala ka interesado sakin , galing ako sa Brazil , trabaho ? Nangungulekta ako ng mga basura - at dinadala sa kailaliman ng lupa , simula ng pinanganak ako dito sa mundo , " tila natural na sabihin sa kanya ang trabaho nya , Ikaw naman anong ginagawa mo ? Jewel ?
Ha nagungulekta sya ng Basura ? Anong klaseng basura pero bakit wala naman sa itsura nya " sa isip ko na nagpabahala sakin
" ako ? ?nagtratrabaho ko Sa isang library bilang book keeper ,college student din ako sa SPALLISTER UNIVERSITY " sagot ko sa kanya na sana hindi na sya magtanong tungkol sa pamilya ko
" hmm not bad , sayang mahilig pa naman akong magbasa ng libro , " sabi nya na pinagtaka ko dahil bakit nanghihinayang sya
" yun Lang kasi ang kaya kong maging trabaho , bakit naman sayang pwede kang pumunta sa Johnson library anumang oras mong gustohin bibigyan kita ng discount " sabi ko sa kanya
Tumawa lang sya At naging Seryoso ang mukha na binaba ang hawak na fork at knife
nakakapagod din pala ang magpanggap ng ganito , nakakangalay din pala sa panga " sabi nya ng tila nagbago ang Awra nya gayundin naging matalim ang tingin nya sakin , inubos nyang inumin ang juice na inorder nya
" anong ibig mong sabihin Oswald ? Tanong ko na tila naging ibang tao ang katapat ko na bigla nyang ibinaba ang kamay nya sa lamesa ng tila May itim na usok na lumabas dito
" Tigilan mo na ngang magpanggap jewel alam mo naman kung Sino talaga ako !!! " matapang nyang sabi na tila tumigil ang pagkilos ng tao sa paligid hanggang sa naging black and white ang paligid at kaming dalawa Lang ang gumagalaw habang nakaupo
" Ikaw !!! Isa kang —" pagkagulat ko ng alisin nya ang subrero at matalim na tumingin sakin inalis nya ang jacket na suot nya May doble syang long sleeve na black at hugis toro na kwintas na itim at May tatoo sa leeg nya na kulay itim hugis V na pabaligtad , tatayo sana ako ng muli syang nagsalita
" Oo isa nga akong SHADOWS jewel , alam mo ba kung bakit ako nandito ? Para boom !!! Pasabugin ang buong restaurant na to at patayin lahat ng mga taong nandito !!"sabi nya ngbaliwala lamang sa kanya ang pumatay
" pano ? Di ko maintindihan? Ba- bakit mo to ginagawa ? " naguguluhan akong tumayo ng hinawi ni Oswald ang lamesa na kinakainan namin
"Mukhang hindi mo alam ang pinapasok mo jewel ? Pinain ka nila sakin - dahil Ikaw talaga ang pakay ko , gusto mo bang malaman kung bakit ?? itanong mo sa kaibigan mong si jade at mga kasama mo !! " sabi ng lalaking naglalabas ng apoy sa kanyang kamay ng patamaan nya ang sulok ng restaurant management doon pala nagmamasid At nagtatago si jade
" tumigil ka na !!! Sumuko ka na para hindi ka na masaktan pa Oswald !!!sigaw na matapang ni jade ng nilabas nya ang maikling patpat na umiikot sa palad nya na biglang humaba at nagliwanag habang nasa likod ko sya at naguguluhan parin ako sa nangyayari na hindi nakikita ni jade ang mukha nito
" hindi Ikaw ang makakapahinto sakin kundi si jewel !! Jewel patayin mo ko kung hindi mo gagawin !!! Papatayin ko lahat ng taong naririto !! Sabi ni Oswald na tila nanigas ang katawan ko sa narinig ko na kaya nyang Patayin ang mga taong inosente na tila wala syang konsesya at hindi sya tao naglaho sya sa harap ko at agad na sinuntok sa sikmura si jade na syang nagpatalsik sa kanya palabas ng restaurants na nabasag sa katawan nya ang mga salamin at tumama sya sa kabilang building sa lakas ng ginawa ni Oswald pagkatapos ay biglang naglaho sya at nakatayo sa harap ko
Napaatras ako ng makita ang ginawa nya kay jade at hindi ko magawang ipikit ang mata dahil sa pagkabigla sa ginawa nya
" hindi mo ba talaga ako nakikilala jewel , kung ganon magpapakilala ako sayo ako si OSWALD RIVKA , kilala ako sa tawag na ( BLAST ), ka boom" matapang na sabi nya sa harap ko sa pag pitik nya sa kanyang daliri nabalot ng malakas na pagsabog ang buong restaurant na nakita ng aking mga mata nasunog ang lahat ng tao sa loob nito at walang nakaligtas kundi ako lamang na nakatayo sa gitna nito at si Oswald unti unting di ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko na kasabay ng malakas na impak na himangin sa buong katawan ko napunit ang suot kong bestida gayundin ang aking jacket at nasugatan ng salamin ang pisngi ko binalot ko ang aking sarili ng aking kapangyarihan na kulay puti na syang pinansalag sa aking katawan pero wala akong nailigtas na tao
Oswald aka Blast
Eldest shadows living in the world
Controlling fire , can create a bomb like blast
Hindi sya tumatanda dahil sa milyon ng taong nakuhaan nya ng itim na kaluluwa
Dark side , rude , strong , light masculine , prangka , cold hearted , alone
Serious and short tempered
Iniiwasan makalaban ng Kendra clan Dahil sa lakas nito
Sya ang leader ng 1st class clan ng mga shadows na ilang libong taon ng naninirahan sa mundo isa sa mga makapangyarihan , malakas at walang pusong shadows na ilang milyong tao na ang nakuhaan ng itim na kaluluwa at marami narin syang napatay na kabilang sa Kendra clan na walang Sino mang nakakatalo sa kanya
Bakit !!! Bakit mo to ginawa ?? !!! Ikaw !!! Galit na Galit kong Sigaw na tila sumabog ang kapangyarihan na nasa loob ng katawan ko na syang nagpasilaw sa kanya
Pagmulat ng mata ni Oswald wala na ako sa harap nya umaapoy at sira sira ang paligid agad na pumasok ako sa stock room sa loob ng restaurant nanginginig ang buo kong katawan napakasakit na makita ang mga tao na wala akong nagawa para iligtas sila , umupo ako at yinakap ang aking tuhod habang nakayuko
Kahit Saan ka magtago mahahanap kita jewel !!! Labanan mo ako kung gusto mong mabuhay !!! " Sigaw ni Oswald sa aking mula sa kabila ng pinto ng makita ko ang itim na usok na pumapasok sa ilalim ng pintuan
Tumigil ka na Pakiusap !!! Sigaw ko ng makita na bigla syang lumitaw sa harap ko at agad na sinakal nya ako nabalot kaming dalawa ng itim na usok at tila lumusot kami sa mga pader at napunta sa parking lot ng isang building , nahihirapqn akong humingia Pagsakal na ginagawa nya sakin
" ilabas mo ang kapangyarihan mo !!! Ipakita mo sakin kung gaano ka kalakas !!gigil nyang nakatingin sakin habang nangitim ang kulay I light brown nyang mata at May mga itim na ugat na gumapang sa mukha nya
"itigil mo na to pa-kiusap wa-g mong dag-da-gan pa ang ka-sa-la-nan mo sa mga Tao !!!!! Tutulungan kita i-ti-Gil mo na-to " Hirap kong pagsasalita na hindi na ako makahinga
Inihagis nya ako at sumadsad sa lupa ang aking katawan na nahihirapang kumilos
Inilagay nya sa harapan ang kanyang isang kamay at itinapat sa mataas na building ng lumalabas sa kamay nya ang apoy na humuhugis bilog
" siguro naman ngayon lalabanan mo n ko kung pasasabugin ko ang building nato !!! Kung mahalaga sayo ang mga Tao !!! Protektahan mo sila at kalabanin ako !!! " Sigaw ni Oswald sa aking ng pinipilit akong tumayo at imulat ang mata na gumasgas sa lupa puno ng gasgas at sugat ang aking katawan
Wag !!! Pakiusap itigil mo nang manakit ng tao !!!!ako na Lang ang kalabanin mo wag ka ng Mandamay pa !!'n, sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at sa halip lalong lumaki ang bilog na apoy na syang nagpaliwanag sa madilim na parking lot na akma nya ito titan sa building
Tumigil ka na !!! Sigaw ko ng mabilis ko syang Nilapitan at hinawakan ang braso nyang nakaangat habang nagliwanag ng kulay puti ang buo kong katawan na May lumalabas na malakas na kuryente sa buong katawan ko humawak ako sa dibdib nya
" gawin mo na !!! Patayin mo ko !!!Sigaw nya sakin ng tila bumalik sa normal ang mata
Inilabas ko ang kapangyarihan ko sa kamay na nasa dibdib nya na Isang malakas na kuryente na tumama kay Oswald
Na tumagos sa likod nya dahil sa malakas na impak na nagpabasag sa mga salamin ng sasakyan
Tumalsik si Oswald sa lupa nawasak ang damit na suot nya sa lakas ng kapangyarihan na lumabas sa katawan ko , napaluhod ako sa pagkahina ng marealize ko ang nagawa kong pagkakamali
" hindi , hindi ka pwedeng mamatay Oswald , ayokong sa kamay kita mamatay !!! Bakit ako !! Bakit !! Napahiyaw ako na Napahawak sa aking tenga sa sobrang shock sa nagawa ko na hindi ko akalaing muli akong makakapatay ng shadows na ilang beses kong iniwasan ,
Nagmamadali akong lumapit sa kanya ng nanginginig ang katawan nya na unti unting lumalabas sa katawan nya ang itim na usok na kapag nawala ng tuluyan sa katawan nya ay syang ikamamatay nya
Nakamulat ang mata nya habang lumalabas sa bibig nya ang itim na dugo at naghihingalo sya sa nagawa ko sa kanya
Umiiyak ako ng makita ang nangyayari ng paghihirap nya dahil sa nagawa ko na kung sa normal na Tao ay agad na malulusaw ang katawan
" bakit !!! Bakit gusto mong ako ang pumatay sayo !!! Bakit ako pa !!! " Sigaw ko ng hinawakan ko ang dibdib nya para pigilan ang paglabas ng dugo dito , nabasa ng sariling itim na dugo nya ang buong katawan nya na ku malat sa lupa
Ngumiti sya at mahina nyang binulong " ta-pos na - " mga salitang nabanggit nya ng huminga sya ng malalim huling hininga na biglang lumabas ang itim na usok sa buong katawan nya
" hindi ka pwedeng mamatay !!! Hindi !! hindi !!! Kapag namatay ka !!!mababaliw ako mawawala na naman ako sa sarili ko !!! Ayokong bumalik muli ang ganong pangyayari sa buhay ko !! Pakiusap bumalik ka !!! Sigaw ko ng Pilit syang ginigising
hinigop ko ang itim na usok na lumabas sa katawan nya na syang nagpaitim sa mata ko at nagpapilipit sa sakin ng tyan ko pero Tiniis kong lahat para buhayin sya gusto kong pagdusahan nya ang ginawa nya sa mga Tao ayokong magtagumpay sya sa plano nyang magpakamatay at takasan lahat ng ginawa nyang pag patay
" mabuhay ka !!!!!! Dahil hindi ako papayag na magtagumpay ang plano mo magpakamatay at gamitin ako !!malakas na sabi ko sa walang buhay nyang katawan
Inangat ko ang katawan nya at mahigpit kong hinawakan ang mukha nya pra Ilapit sakin , ibinalik ko ang buhay nya gamit ng aking bibig na inilapat ko sa malamig nyang labi at ibinalik ko sa kanya ang buhay nya na mula sa itim na usok na pinalakas ko para pahilumin ang marami nyang sugat
Sa nagawa ko paghalik sa labi nya nakita ko lahat ng Alaalang naranasan nya ng nabubuhay sya puno ng digmaan , lagim, kalungkutan , sakit at kalungkutan lahat ng iyon na syang nagpaluha sa mata ko
Matapos kong ibalik ang buhay nya nawala ang sugat sa katawan nya at narinig ko ang paghinga nya , inilayo ko ang mukha ko sa mukha nya at dahan dahan ko syang inihiga sa lupa
Dumugo ang ilong ko sa ginawa kong pag bibigay ng kapangyarihan sa kanya napayuko ako at napahawak sa lupa na nanghihina ang malaking pagkakasala na nagawa ko na sana hindi ko na ginawa pa na sana hinyaan ko na lamang mamatay kasama nya
Pinilit kong maglakad at lumayo sa lugar na iyon hanggang sa maging normal na ang takbo ng oras at gumalaw na ang mga Tao pero ang mga namatay na tao ay hindi ko na kayang ibalik pa , umiiyak akong pinilit maglakad kahit na nanghihina hanggang sa nagdilim ang aking paningin na hindi ko alam kung san ako bumagsak
Malakas na huminga si Oswald na biglang nagising na hinahabol ang hininga ng tiningnan nya ang kanyang sarili
" hindi!!! Hindi !!!
Jewel bakit mo ko binuhay !!!!
Jewel !! Kahit San ka magtago hahanapin kita !!!
Pagsisihan mong binuhay mo ko !!
!! Sigaw na pagwawala ni Oswald ng muling lumabas sa katawan nya ang itim na usok na syang agad na nagpawala sa kanya
Pinili nya si jewel dahil Gusto nyang ito ang pumatay sa kanya , na kapag napatayo sya nito hindi na sya magagawang ibalik pa ng kanilang angkan , hindi sya lumaban ng patamaan nito ang katawan nya dahil sa hangad nya ng maglaho sa mundong kahit kelan hindi nya tinanggap alam nyang magagalit si jewel kapag nakita nito ang marami nyang pinatay na naging daan nya para gamitin ito sa plano nya pero lahat ng yon nagbago ng buhayin sya ni jewel at ibalik ang buhay na gusto nya ng talikuran
Lumitaw sa mismong parking ang mga grupo ng Kendra clan na hindi na naabutan ang nangyari sa kanila