Chapter 6

4775 Words
Ganon na lang ang asar ni Sandie nang maramdaman nito ang pagtabi rito nang lalaki habang ang lawak lawak nang mauupuan sa jeep. " Mister ang dami namang bakante diyan bakit nakikisiksik pa kayo sakin?" Sabi nito nang masama ang tono ng boses nang hindi tinitingnan itong tumabi sa kanya at saka sila lang din kasi ang sakay nang jeep. " Kamusta ang araw mo? "Napatingin bigla rito si Sandie nang marinig niyang magsalita si Warren kilala na kasi nito ang tono ng boses ng tenant niya. " Bakit nandito ka?" " Tinanong kita tinanong mo rin ako" Pagngiti nito kay Sandie kaya agad siyang umiwas nang tingin rito. " So kamusta nga ang araw mo?" " Tsk! Puwedi bang sa kabila ka umupo? " Pagsipa ni Sandie sa paa ni Warren na naaapakan siya, sumunod naman ito rito. " Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" " Alam mo kung ano man ang nangyari sa araw ko wala ka na ron tsk!" " Suplada nito! Hulaan ko pangit noh?" Napatingin naman rito si Sandie pero binawi niya rin agad ang mga tingin niya. " Tama ako diba? "Pagpunta ni Warren sa kung saan nakatingin si Sandie. " Mali ka! " " Sabi nila pagnagsisinungaling daw ang isang tao hindi yan titingin nang diretso sa kausap" Paglapit rito ni Warren habang nakaharap sa kanya at nakangiti. " Tsk! Oo na tama ka pero ano naman ngayon?" " Ang sabi rin nila ang pagkukwento sa iba ay nagpapagaan ng pakiramdam" " Kalokohan yang sabi nila tsk! Hindi ako tsismosa!" Inis na pagtingin rito ni Sandie. " Subokan mo lang basta nandito lang ako, makikinig sayo" Pagbalik ni Warren sa upuan niya mga ilang segundo namang nanatili sa kanila ang katahimikan pagkwan tumingin si Sandie sa labas at ipinatong ang ulo sa mga kamay niyang nakahawak sa jeep. "Ang sama nang araw ko pero kung sa bagay palagi namang masama ang araw ko" Mga ilang segundo ng magpatuloy itong muli magsalita " Nakakamangha lang isiping naka survive ako sa buhay namin kahit na iniwan na kami nila mama at papa. Pakiramdam ni Warren tumigil ang lahat sa sinabi ni Sandie ngayon naiitindihan na niya kung bakit nagpapakahirap at tinatanggap ni Sandie lahat nang sinasabi nang mga tao sa kanya at kung bakit ganon siya kaprotictive sa mga kapatid niya at kung bakit parang lagi siyang galit sa mundo. " Wala naman akong maisip na ginawa kong nagpasama sa loob ng mga magulang ko noong nabubuhay sila para parusahan ako nang ganito ang daya e, kung mang iiwan rin pala sila bakit pa sila nag anak? " Pinipigilang maiyak ni Sandie habang nagkukwento sa sama nang araw niya si Warren naman titig na titig rito. " Sa sama nang loob ko noon dinala ko sa DSW ang mga kapatid ko at iyak sila nang iyak nun dahil ayaw nilang mag paiwan at ang mga iyak nila parang pinipiga ang puso ko hindi ko naman sila mga anak kaya wala akong obligasyon sa kanila parepareho rin kaming iniwan kaya tama lang ang disesyon ko, yon ang sinasabi ko sa sarili ko pero nong makita kong pupuntahan na kami nong kukuha sa mga kapatid ko hindi ko alam pero biglang nagbago ang isip ko at itinakbo sila kaya mula noon pinangako kong ako ang tatayong ina, ama, kuya at ate sa kanila, sila muna bago ang sarili ko" Pagtingin ni Sandie kay Warren na naiiyak na. " Tsk! Bakla ka ba bakit ka umiiyak diyan?" " Umiiyak rin naman ang mga lalaki ah alam mo ang pagiyak ay nagpapagaan rin yan nang sama nang loob" " Ang pag iyak ay pagpapakita nang kahinaan!" " Naku! Minsan kailangan ring umiyak para makulangan ang nararamdaman mo at saka mga superhero nga umiiyak rin ikaw pa kayang tao lang" " Mula nang tanggapin ko ang kapalaran kong maging magulang sa mga kapatid ko kinalimutan ko na ang masaktan, malungkot, at umiyak dahil kailangan makita nilang kahit wala sina mama at papa ay kaya naming maging masaya" " Maging masaya? Ni minsan nga hindi ka ngumiti diyan at kung ngumiti ka man halatang hindi mula sa puso" " Tsk! talagang hindi ako ngingiti sayo nang mula sa puso" Sasagot pa sana si Warren nang biglang parahin ni Sandie ang sasakyan dumating na kasi sila. " Ngayon alam ko na kung bakit parang pasan mo ang buong mundo" Ani Warren habang naglalakad sila patungong bahay ni Sandie. " Tsk! Wag ka ngang maingay diyan! Teka! Akala ko ba lalayas ka ngayon sa bahay e bakit sinusundan mo pa ako?" Pagharap ni Sandie kay Warren habang naka cross arms. " Nagbago na ang isip ko" Paglampas niya rito. " Wow! parang hawak mo ang panahon ah aalis ka kung kailan mo gusto at mananatili ka kung kailan mo rin gusto tsk! hindi mo ba alam na sa bawat oras na sinasayang mo ay lumalaki ang chansa mong hindi makuha ang gusto mo" Pag una ulit rito ni Sandie. " Oo kaya nga nanatili ako diba?!" Natigilan naman si Sandie sa sinabi ni Warren habang binubuksan niya ang bahay nila. " Good night Miss Sandie" Pagkindat rito ni Warren habang nakangiti nang pumasok siya sa kwarto para namang tuod ritong nakatingin si Sandie ang gwapo kayang ngumiti ni Warren. " Baliw ba yon!?" Naasar na sabi nito. **** Kinabukasan maagang gumising si Warren at sumabay kay Sandie habang umiinom nang kape. " Akala ko ba hindi ka umiinom nang kape?" Lingon niya rito habang nagtitimpla. " Hindi lang ako mahilig pero hindi ko sinabing hindi ako umiinom alam mo kasi kailangan kong maging malakas ngayon para sa pagtatrabaho ko" " E dapat pala bear brand ang iniinom mo para sa Tibay at Lakas" Pagtawa pa rito ni Sandie. " Tsk! Ayan diyan ka magaling pagnambobully" Naaasar niyang tingin rito. " Good morning ate! Kuya! ang aga aga naman po at naglalambingan na kayo" pang-aasar ni Eya na sinang ayonan ni Timmy nag apir pa nga sila at ngayon si Warren naman ang tumatawa kay Sandie habang asar na nakatingin sa dalawa na siyang nagpatahimik sa kanila. " Grabe! Alam mo ba yong kasabihang WAG MONG GAWIN SA IBA YONG BAGAY NA AYAW MONG GAWIN SAYO! " Nang-aasar niyang tingin rito habang umiiling " tingnan mo yang kilay mo magkasalubong na naman oh " pagturo pa niya rito. " Tumahimik ka nga" Pagpalo nito sa ulo ni Warren gamit ang kutsarang hawak niya. " Aray!" Paghawak niya sa ulo niya " Masakit pala yang pamalo " bulong nito madalas niya kasing gawin ito sa driver niya tuwing kumakain sila. " Paghindi ka pa tumigil yong itak ang ipapalo ko sa ulo mo" Sabay sabay namang tumahimik itong tatlo. " Kuya asan po ba ang punta niyo?" Pagputol din agad ni Eya sa katahimikan. " Mag aapply sa pinagtatrabahoan ni Sandie" Ngiti pa niya rito. " Siguradong hindi ka matatanggap dahil kumpleto na yon nang workers ayon kay Manager Maya" pagsaway agad ni Sandie sa iniisip niya. " E kung matanggap ako?" " kung matanggap ka edi maganda pero wag ka nang umasa" " Dapat may pustahan tayo, ganito pagnatanggap ako magiging mabait ka sakin doon" " O sige, sigurado naman kasing hindi ka matatanggap" Naniniguradong sabi ni Sandie, kumpleto na kasi talaga yong restaurant ng workers. " Ayaw mong magbigay nang pusta? " " Hindi na naaawa kasi ako sayo sigurado naman kasing hindi ka matatanggap" Siguradong sabi ni Sandie pero nginitian lang ito ni Warren. " Sandali lang may kukunin lang ako sa kwarto ko bantay ka pag iniwan mo ako" Pag alis nito nang patakbo kaya napailing na lang silang tatlo para kasi itong bata at pagkarating niya sa kwarto tinawagan nito agad ang driver niya. " Ano? nagawan mo ba nang paraan ang gusto ko?" " Opo, señorito katatawag ko lang doon sa pinalitan niyo okay na daw po" Sabi nang kausap niya sa kabilang linya. FLASH BACK: Bago natulog itong si Warren tinawagan niya muna ang driver niya. " Señorito ano po yon?" " Kailangan maipasok mo ako sa pinagtatrabahoan ni Sandie" " Okay Señorito bukas na bukas gagawan ko po nang paraan" " Hindi! Ang gusto ko bukas magtatrabaho na ako doon" Napabangon naman ito bigla sa sinabi niya. " Pero Sir gabing gabi na po" " Kaya ko nga sinabi sayo diba, sige na" Pagkasabi nun ni Warren pinutol niya ang linya. " Kahit kailan isip bata pa rin itong boss ko anong akala niya superhero ako? kaya kong gawin kahit ano ay! Mali kahit superhero hindi kayang magtrabaho nang rush" Pagdaldal panang driver niya habang kinukuha ang laptop niya para esearch ang pangalan nong manager sa pinagtatrabahoan ni Sandie buti na lang natanong niya rito ang buo niyang pangalan at mabuti na lang online ito kaya agad niya itong chinat. At nagkunwaring mag aapply doon pero gaya nang sabi ni Sandie full na yon kaya humingi na lang siya rito nang list nang nagtatrabaho doon sa Restaurant, nagbigay naman ito nang tatlong nagtatrabaho doon kabilang si Sandie pero hindi siya nagpakilalang siya yong kaninang may boss na ayaw makita nang lahat. " Buti na lang hindi pa rin kumukopas ang talino ko" Pagyayabang pa nito sa sarili niya pagkwan chinat niya ang isa sa nagtatrabaho doon at agad niya ritong sinabing bibigyan siya ng magandang trabaho kung mag reresign siya nang trabaho kaya pumayag ito agad pero totoo rin naman yon matatanggap siya sa company nila Warren inutos rin kasi nang lola ni Warren ritong tulongan si Warren sa kahit anong paraan, end of flashback. " Sandie ganon rin ba ang sasakyan natin?" Napatingin naman si Sandie sa matamlay na pagtatanong ni Warren habang naglalakad sila. " Nang alin?" " Yong sa kahapon, yong may bakla, babaeng hindi nakatali at yong..." " Depende kung makasabay natin sila" Kumunot naman ang noo nito kaya natawa bigla rito si Sandie sa reaction niya pero naalis rin ang pagkaka kunot noo nito nang makitang maluwang yong sasakyan nila, lima lang kasi silang nakasakay pero nong pababa na sila medyo nagsikipan na naman buti na lang dumating na sila bago pa siya mairita. " Saan mo balak mag apply kung hindi ka matanggap?" " Matatanggap ako" Paglalakad nito kaya sumunod na lang rito si Sandie habang hinihintay ang pagka reject nito ang kulit niya din kasi ayaw niyang makinig rito pero nagulat siya sa sunod na nangyari. " Buti naman at naisipan mong mag apply dito kaaalis lang kasi nang isa sa waiter dito kaya nangangailangan kami nang kapalit niya" Ang lapad naman nang ngiti ni Warren. " Sumunod ka sakin para makuha mo ang uniform mo at ang mga rules dito" Bago sumunod si Warren kumaway pa ito kay Sandie hindi naman ito makapaniwala. Pagkatapos niyang magpalit nang uniform lumabas na siya at natigilan siya nang makitang halos lahat nang kasamahan niya nakatingin sa salamin. " Oy alam mo bang may gwapo tayong kasama" Tumingin lang sa kanila si Sandie. " Sandie aminin mo hindi ka ba straight? May pagka slight ka ba?" Natigilan naman ito sa tanong nila. " Ang ibig naming sabihin katulad ba namin ang crush mo? " Nagulat naman si Sandie sa tanong nila. " Sa reaction mo halatang babae ka talaga, e kasi naman Sandie napansin namin walang epekto sayo ang mga customer nating pogi, si Sir at ngayon yong bago nating kasamahan dito" Katatapos lang nila magsalita nang lumabas si Warren at dumiretso ito sa direksyon ni Sandie kaya ganon na lang ang paglaki nang mga mata nila. " Paano ba yan natalo ka? " Umpisa agad nito habang nakangiti. " Sinuwerte ka lang! " Natahimik si Sandie nang makita ang malalagkit na tingin ng mga ka co-workers nila, doon lang niya narealise na si Warren ang tinutukoy nilang gwapo. " Alam mo sa tingin ko maraming willing tumulong sayo rito" Pagtingin niya sa mga babae pagkwan liningon din sila nitong si Warren sabay kaway sa mga itong kanina pa naglalaway sa kanya. " But I want you!" Asar namang lumingon rito si Sandie. " opps! anong tingin yan? Baka nakakalimotan mong pumusta ka" Pagngiti rito ni Warren pilit namang ngumiti rito si Sandie. " Basta pagmay itatanong ako, sayo ko lang itatanong okay?" Pagngiti niya pa rito. " Oo na kaya puwedi tigilan mo na yang kakangiti mo diyan" " Bakit mas lalo ba akong gumuguwapo?" " Huh, puwedi ba! para kang tanga tsk! ngiti nang ngiti wala namang nakakatuwa" Masama niyang tingin rito. " tsss! Natalo ka lang e " bulong nito " Oy! Baka nakakalimotan mong natalo kita? " tingin niya pa rito. " May sinabi ako? " mas masama niyang tingin rito. " May sinabi rin ba ako? " Paglayo rito ni Warren inismidan lang ito ni Sandie. At habang nagtatrabaho sila hindi maiwasang lingonin ni Sandie si Warren na para bang diring diri sa basahan habang pinupunasan ang mga lamesa at yong pagdadala niya nang tray na ingat na ingat para bang ngayon lang nakadala nito at kapansin pansin rin rito ang mga pawis niyang walang humpay akala mo lang siya lang ang waiter ditong nagtatrabaho sa sobrang pagod ng hitsura. " Sandie kailan ba tayo matatapos nito?" Tanong nito habang naghihintay sila ng trabaho ni Sandie. " Mga 7 ang pagsasara nito" Sabay abot nito sa panyo niya kay Warren. " Salamat kanina pa nga ako pinagpapawisan ang init noh?" " Tssss! ang sabihin mo pagod ka na ikaw lang naman ang pinagpapawisan rito" " Siguro nga, ito(panyo)" Pagbabalik niya sa panyo pero tiningnan lang ito ni Sandie. " Tsk! Anohin ko yan?" " Bakit saakin na ba ito? " Nagtatakang pagtingin rito ni Warren. " Ingot ka rin e noh, akala mo ba hindi kana niyan pagpapawisan ulit?"at saka labhan mo muna bago mo ibalik!" Masama na naman niyang sabi rito pagkwan humarap ito sa kanya. " Alam ko na kung bakit hindi ka pinagpapawisan dahil yong init umakyat diyan sa ulo mo! ang sungit e para nagtatanong lang" " Ingot ka kasi!!!" Paglingon pa rito ni Sandie sasagot pa sana si Warren nang may tumawag ritong customer kaya napilitan siyang pumunta rito. " What is it?" Paglapit rito ni Warren pero natigilan siya nang tumayo ito at inilahad ang kamay niya rito. " Sabi na nga ba kayo yan Sir Warren" Pagngiti nito kay Warren at doon rin ay nakilala niya ito, isa ito sa nagtatrabaho sa company nila. " Nagkakamali po kayo Sir" Saka siya tumalikod at umalis itmamaya mabuko pa talaga e. " Bakit mo iniwan?" Tanong agad rito ni Sandie. " Hindi ko maitindihan ang sinasabi niya e wala ata tayong pagkaing ganon dito" Pagsisinungaling ni Warren. " Nanisi ka pa sa kaingotan mo imposibleng mag order sila nang wala sa menu baka hindi mo lang talaga naitindihan" Paglalakad ni Sandie papunta sa pinanggalingan niya pero natigilan siya nang pigilan siya ni Warren. " Ah, eh, ano? Huh, kasi, kasi may pumunta na sa kanila" Pagturo niya sa isang waiter pinigilan talaga niya ito mamaya kasi itanong pa nila rito si Warren baka mas lalo pang lumakas ang kutob ni Sandie na hindi talaga siya mahirap alam kasi ni Warren na hindi kumbinsedo si Sandie sa kanyang pagkatao. " Sabi na ba hindi mo lang naitindihan" Natigil ang pag uusap nila nang may dumating na mga customer. " Good day Sir, may I take your order?" Sabi ni Sandie ngumiti naman rito yong customer saka pumili sa mga pagkain sa menu pero natigilan si Sandie nang marinig niyang pinagtatawanan ng grupo nang mga customer yong isang waiter sa tabi niya mga 20+ ata ang edad nang mga customer na ito dalawang babae at tatlong lalaki. " How stupid? may utak pa ba diyan sa ulo mo? " Tawanan pa nila rito hindi kasi nakuha nang waiter ang order nila bukod kasi sa sabay sabay sila magsalita ang dami rin. " Isa isa lang po sana" Sabi pa nang waiter at mas lumakas pa ang tawanan nila pupuntahan sana ito ni Sandie pero natigilan siya nang makitang pinaalis ni Warren ang waiter at siya ang humarap sa mga pasaway na ito. " Tsk! Matalino ka ba? baka ulo lang din ang meron sayo " Magsasalita pa sana yong kasamahan nong babae nang biglang sabihin ni Warren ang order nila pati na rin kung magkano lahat yon nakalagay kasi sa menu ang prize at nasa tabi niya rin kasi itong mesa kaya dinig na dinig niya bawat sabihin nang mga ito at ngayon nakanganga silang lahat at si Sandie napangiti na lang sa husay ni Warren. " In a few minutes your food will be serve" Pagkasabi nun ni Warren umalis na siya, ganon din si Sandie. " Ang galing nong ginawa mo" Pagsuntok niya sa braso nito habang hinihintay nilang maluto ang iseserve nila. " Sus! wala yon alam mo kasi ako ang nangunguna sa campus namin noon ganon ako katalino" Pagngiti nito. " Tsss! pinuri lang yumabang na" " Pero atleast totoo" Nakangiti pa rin nitong sabi. " Para sa table 57" Sigaw nang chef sabay labas sa pagkain, mabilis naman itong kinuha ni Sandie at sinerve at mga ilang minuto sumunod na rin rito si Warren at kaseserve lang niya nang may biglang tumawag sa kanya kung saan grupo nang mga babaeng nasa 17 ang mga edad. " See? siya talaga!" Sabi nong isa sa sa kanila mataman namang nakatingin kay Warren yong isa habang yong dalawa ay titig na titig sa isang magazine. " Yes ang mga mata nila, ilong, bibig, at hitsura parehong pareho" Sabi pa nong dalawa saka tumingin kay Warren. " But how?! Mayaman at sikat ang dream boy ko how come na nagtatrabaho siya sa ganito?!" Sabi nong isa sabay hablot sa magazine, si Warren naman hindi niya maitindihan ang pinag-uusapan nang mga ito. " Yes, you're right but why they are alike?" Nagtataka pang tanong nong isa. " twin ba sila???" " Of course not! I already search what my dream boy's life, his family, status and more" " Excuse me, Are you going to order or what?!" Napatingin naman sila rito nang sabay sabay na siyang nagpa atras rito ang wierd kasi nang mga kilos nang mga ito. " Ka boses mo rin siya!!! " " Sino Ma'am?! " " He!!!!" Napalunok si Warren nang makita ang litrato niyang nakacover sa isang magazine, sa kanila kasi itong magazine isa din kasi siya sa model nang company nila kung saan their bussiness is all about clothes. " malabo naman pong ako yan! " kinakabahan nitong tawa. " Yes, kasi hindi si Warren ko ang klase nang taong magsusuot nang ganyang mga damit at magtatrabaho sa ganito dahil sa pera yon natutulog" Nagmamalaki ritong sabi nong kasama nila kung saan ito ang leader nila. " Tama po yan!!! Hindi ako!!! " Pagtango pa ni Warren pero nakakunot lang silang nakatingin rito habang pilit siyang nakangiti . " Ah! Excuse me, we want this!!" Pagturo nila sa dessert sa menu at doon rin ay nakahinga ito nang maayos. " Haiii pagnagtagal pa itong mga nangyayari ngayon baka tuloyan na talaga akong maboking" Pagpunas nito sa mga pawis niya habang naglalakad para kunin ang order nila. " Pati ba utak mo pinasok nang hangin para magsalita ka diyan mag-isa?" sabj rito ni Sandie nang makasalubong niya pero hindi na ito nasagot ni Warren. Para kay Warren napakahaba nang araw na ito pagod na pagod siya at tuwing may papasok na customer kinakabahan siyang baka isa na naman ito sa mga nakakakilala sa kanya at pagkatapos niyang magbihis nauna na siyang lumabas kay Sandie. " Ba't ang tagal naman niya? " Pagtingin pa nito sa relo niya pero natigilan ito nang magsalita ang mga babaeng kasamahan nila habang nag aayos sa tabi niya. " Dumating si Sir?" " Oo kanina hindi mo napansin?" Usapan pa nila mataman namang nakikinig si Warren hindi niya rin kasi napansing dumating si Jeffrey. " Tsss hindi ko nakita ang kagwapohan niya ngayon nakakaasar!" " Hai naku! Kung ako sayo kakalimotan ko na si Sir dahil sa tingin ko may type siya saatin" Napalingon naman si Warren sa dalawang babae. " Baliw! sino naman ikaw? Tsk! Edi para nang isinumpa ni Sir ang araw niya kung araw araw siyang gigising at mukha mo ang bubungad sa kanya" Muntik nang matawa si Warren sa pag-uusap nang kasamahan niya sa work. " Ang sama mo sakin! pero seryoso sa tingin ko type ni Sir si Sandie" Natigilan naman si Warren sa dalawa at matamang tumingin saka nakinig sa kanila. " Matagal ko na nga yon napapansin e nong pag aapply palang ni Sandie ang bilis niyang natanggap hindi siya na interview at saka doon palang sa pagpapasakay sa kanya ni Sir sa kotse niya halata na doon eh ni isa nga saatin hindi nakasakay doon maging si Manager Maya" " Korek! at alam mo ba ngayon nong palabas na si Sandie bigla siyang tinawag ni Sir may pag-uusapan daw sila nang silang dalawa lang, sa tingin mo anong pag uusapan nila?" Usapan pa nang mga ito. " Totoo ba yang sinasabi niyo?!" Gulat na gulat ang mga ito dalawa sa biglang pag interrupt ni Warren pero agad rin yon napalitan nang pagba-blush nang makita nila si Warren kaya napatango na lang sila rito nang parang tuod kaya mabilis itong bumalik sa loob. " Sa tingin mo type niya rin si Sandie?" " Wag naman sana crush ko siya ay! Hindi mahal ko na besh" Nakatingin nitong sabi kay Warren at pagkarating ni Warren nakita niya agad ang dalawa habang naka upo sa isa sa table sa loob at hindi nila ito napansin. " Ah, Sandie hindi ko alam kung paano magsisimula pero gusto kong sabihing Sorry doon sa nangyari kahapon " Hindi magawang tumingin ni Jeffrey kay Sandie. " Okay lang yon Sir" Napatingin naman rito si Jeffrey. " Hindi ka galit? Alam mo saktan mo ako kung gusto mo! nang dahil sakin nawala ang trabaho mo at alam kong mahalaga sayo ang trabaho mong iyon" " Kalimotan niyo na po yon Sir nangyari na eh " Pagngiti rito ni Sandie. " Sandie, I'm really sorry" " Okay na po yon Sir dahil nga po sa pagkakatanggal ko sa trabaho nakompleto ang tulog ko dapat nga magpasalamat pa ako" Pagngiti nito. " Okay lang talaga ha?" Tumingin lang rito si Sandie bilang sagot pagkwan tumayo si Jeffrey. " Sandie wag kang aalis rito" Pagkasabi niya nun umalis ito. " Ano naman ang gagawin nang isang yon? tsk! mukhang tama nga yong sabi nang driver ko hindi pa ako nanliligaw may karibal na ako" Naaasar ritong pagtingin ni Warren. " At itong si Sandie naman type niya ba ang babaerong yon?! tsss! hindi man lang nagalit e alam ko namang mahalaga sa kanya ang trabaho niyang iyon" Naaasar na sabi ni Warren at natigilan ito nang bumalik si Jeffrey habang may daladalang piece of cake. " Peace offering " ngiti nito at tumabi kay Sandie " tikman mo, yan ang bago kong idadagdag sa menu" Nagulat naman si Sandie sa sinabi ni Jeffrey. " Ibig sabihin bago mong imbentong pagkain?" Pagtayo ni Sandie tumango naman rito si Jeffrey habang nakangiti. " Pero syempre titingnan ko muna kung pasado sa panlasa mo saka ko ilalagay ko sa menu" Kinabahan naman si Sandie sa sinabi nito. " Huh, e wala naman akong talent sa panlasa sa iba mo na lang ipacheck" Nahihiyang tanggi nito. " Pero ikaw ang inspirasyon ko sa paggawa nito alam mo kasi buong gabi akong hindi mapakali sa nagawa ko sayo hindi ko alam kung paano kita kakausapin kaya ang ginawa ko nag-isip ako nang paraan kung paano ako hihingi nang sorry hanggang sa nagawa ko na lang ito bigla( cake)" Na touch naman si Sandie sa sinabi nito at si Warren ayon mas lalong naasar ang cool nga naman ni Jeffrey. " Try it Sandie" " Mukha palang masarap na" Pagtikim ni Sandie rito. " Ano? Okay lang ba yong level nang sugar? or what? Alam mo kasi ikaw pa lang ang nakakatikim niyan" Nag aalalang tanong ni Jeffrey. " Hindi ko alam basta para saakin tamang tama lang at masarap" Doon rin ay napangiti si Jeffrey. " Pero alam mo bang lahat nang pagkain masarap sa panlasa ko?!" Nagkaroon naman nang tawanan sa sinabi nito pagkwan kumuha si Jeffrey sa cake isusubo sana niya kay Sandie pero mabilis itong kinain ni Warren sobra na kasi ang kasweetan nila. " Mhhmmm? masarap nga pero sobra nang sugar baka magka diabetes ang mga customer mo" Napatikim naman agad rito si Jeffrey pero gaya nang sinabi ni Sandie tamang tama lang ito. " Tsk! Baka ibig mong sabihin kulang nang asukal mapait! subrang pait mo!" Masama namang tumingin rito si Warren. " Pero tama lang naman sa tingin ko " inosenteng pagtikim rito ni Sandie hindi nga niya napapansin ang masamang tinginan ng dalawa. " Tama na nga yang katitikim mo mamaya magka diabetes ka" Pagkuha ni Warren sa kutsara at tumikim ulit sa cake sa totoo lang gusto niya yong lasa. " Tama na baka ikaw naman ang magka diabites" Pag agaw ni Jeffrey sa kutsara. " Tsk! Tinikman ko lang naman pero sa totoo lang hindi ko talaga gusto" Sabi ni Warren pero kitang kita naman ang lagkit nitong tingin sa cake. " Oy Warren hindi mo ba alam na siya ang may-ari nitong pinagtatrabahoan mo? umayos ka " Pagbulong rito ni Sandie at doon rin ay kumalma siya pero alam na niyang ito talaga ang boss dito buong araw nga niyang sinundan kahapon si Sandie. " Sandali sino ka ba at nandito ka sa loob hindi mo ba nakikitang close na yan" Pagturo niya sa karatulang nakalagay sa may pinto. " Ah Sir bago po siyang waiter dito" Napalitan naman nang pagmamalaki ang mukha ni Jeffrey habang tinitingnan mula paa hanggang ulo si Warren. " Alam mo ba kung sino ako? "Mataas ritong tanong ni Jeffrey. " Sir hindi po! ngayon pa lang yan pumasok" Sagot rito ni Sandie asar namang nakatingin rito si Warren ang yabang kasi makatingin nitong si Jeffrey. " Warren magsorry ka" Bulong rito ni Sandie kahit ayaw gawin ni Warren wala siyang magagawa dahil kung hindi niya gagawin hindi niya makakasama itong si Sandie baka matanggal ito sa trabaho agad. " Sorry!" Sabi nito na halatang hindi bukal sa puso, ngumiti naman si Jeffrey nang makitang nakangiti si Sandie. " Umuwi na tayo Sandie" Napatingin naman bigla si Jeffrey kay Sandie. " Isa lang kayo nang inuuwian?" " Oo! Isa lang nang BAHAY!!!!" Pag-emphasize nito sa salitang bahay kala mo naman pinagbagsakan ng langit si Jeffrey sa narinig nito. " Siya ang tenant ko" Sabi rito ni Sandie. " I see" Walang ganang sabi nito. " Sige Sir mauna na po kami" Tumango lang rito si Jeffrey, sabay namang lumabas ang dalawa pagkwan sinundan sila ni Jeffrey nang makalabas sila. " Ang yabang nong boss mo" " Tsk! Boss mo rin ingot! " Pagsiko rito ni Sandie habang pinapanood sila ni Jeffrey. " Aray ang sakit nun ah! " Paglayo nito kay Sandie. " Ingot ka kasi! Pasalamat ka nga hindi ka niya tinanggal kanina sa kabila nang panlalait mo sa gawa niya" " Hindi naman yon panlalait katotohanan yon " " Tsk! Katotohanan? eh alam ko namang hanggang ngayon linalasahan mo pa rin diyan sa bibig mo yong cake" Pagbibiro rito ni Sandie. " Hindi noh magma-mouth wash nga ako mamaya" Asar ritong paglingon ni Warren pero tinawanan niya lang ito. " At saka hindi ko gusto yong boss mo ah ginagamit niya ang position niya para makasama ka " Natigilan naman sa pagtawa si Sandie sa sinabi nito. " Hindi mo napapansin may gusto sayo yon kitang kita ko sa mga mata niya" " Ingot! may nagawa siyang mali kaya niya ako kinausap" " Tsss. siguro may type ka doon kaya ganyan ka kadefensive sa kanya" " Ano?!" " Kaya hindi ka man lang nagalit sa kanya kahit siya ang dahilan kaya ka naaalis sa trabaho mo" " Isa pang salita masasaktan ka saakin" " So ano type mo siya?! " Pagharap rito ni Warren, napaatras naman si Sandie seryosong seryoso kasi ang mukha nito. " Syempre, hindi noh sumabay nga lang ako natanggal na ako sa trabaho e girlfriend pa kaya baka sa earth na ako matanggal nun " Doon naman ay napangiti si Warren. " Buti naman" Sabi nito at magsasalita pa sana si Sandie nang makitang ang lapad nang ngiti nito habang naglalakad. " Bakit naman ang haba niya makipag usap sa lalaking yon?" Naiinggit na bulong ni Jeff "Matagal na kaya silang magkakilala bakit parang ang close nila? " Panonood nito sa dalawa habang magkasabay na naglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD