" Lumabas ka diyan! " Sigaw ni Sandie kanina pa kasi nito napapansin na sinusundan siya ni Warren.
" Okay nahuli mo ako" Paglabas nito habang nakangiti at sumabay kay Sandie.
" Bakit mo ba ako sinusundan? "
" Tsk! Assuming nito ayaw ko lang makasabay ka sa paglalakad kaya binabagalan ko ang paglalakad ko kaya mas nauuna ka saakin, na siyang iniisip mong "
" Talaga lang ha! E bakit kailangan mo pang magtago? "
" Ayaw kong makita mo ako mamaya pasabayin mo ako " Natawa naman si Sandie sa sinabi ni Warren hindi kasi ito magaling magsinungaling.
" E mas assuming ka naman pala eh " irap niya rito " tsk! lakas nang saltik nito gustong makasabay? Puwes mauna ka bilisan mo lang maglakad " Pag atras ni Sandie naiilang namang naglalakad si Warren pagkatapos mauna pero mga ilang minuto umatras ito at sumabay kay Sandie.
" O ano yan? "
" Hindi mo ba kayang maging mabait sakin kahit ngayong araw lang? alam mo kasi aalis na ako" Natigilan naman si Sandie sa sinabi nito actually gusto rin naman siyang tenant nito may pagka-isip bata kasi si Warren at sobrang bait niya rin sa mga kapatid niya.
" Ano yan nalulungkot ka? " Pagngiti rito ni Warren.
" Tsk! asa ka pa! masaya nga yon dahil magiging panatag na muli ang kalooban ko sa bahay namin" Naalis naman bigla ang ngiti sa mukha ni Warren.
" Mukhang aalis na nga talaga ako" Sa isip nito habang nakatingin kay Sandieng naglalakad.
" Saan ka naman lilipat? "Pagsasalita ni Sandie habang naglalakad napangiti naman ito at mabilis ritong sumabay.
" Uuwi na ako sa bahay"
" Ibig sabihin naglayas ka talaga?"
" Hindi pero parang ganon na rin" Napatingin naman rito si Sandie ang gulo nga rin naman kasi nitong sumagot.
" Wag mo na ngang pansinin ang sinabi ko, nga pala Sandie asan ang mga magulang niyo? " Pagtatanong nito pero bago pa siya masagot ng dalaga may pumaradang sasakyan sa unahan nila.
" Bilisan mo maglakad maiiwan na tayo nang sasakyan" Pagtakbo nito kaya hindi na niya nasagot ang tanong nito pagkwan mabilis rin ditong sumunod si Warren pero natigilan siya nang makitang puno na ang sinasabing jeep ni Sandie.
" Excuse po " Pagsakay nito, umurong naman yong nasa kanang side na mga pasahero para na ngang sardinas sa sobrang dami.
" ano sasakay ka ba? " Napatingin naman rito si Warren.
" Hindi na ako kasya " maarte nitong sabi.
" Kasya ka pa dito" Pagturo nito sa harapan niya kaya agad na umurong yong mga pasahero sa kaliwang side kaya napilitan na rin itong sumakay.
" Ano?" Tanong niya rito nang masamang nakatingin si Warren sa buhok nong babaeng lumilipad dahil tinatamaan ito nang hangin habang diretso ito sa mukha niya halos makain na nga niya.
" Sandie palit naman tayo" Bulong nito pero natigilan siya nang makita niyang kanina pa ito tinitingnan nong baklang sa unahan ni Sandie, naglip bite pa nga ito sa kanya.
" Wag na lang pala " Pag-snob nito sa bakla.
" Ngayon lang ba ito nakasakay ng ganito?" Natatawang pagtingin ni Sandie kay Warren habang magkasalubong ang kilay nito at hindi talaga niya napigilang matawa nang itaas nong katabi nito ang kamay niya at humawak sa bakal nang jeep, may amoy kasi kung saan mapapansin yon sa mukha ni Warren.
" What?! " Masamang tingin rito ni Warren umiwas naman siya nang tingin rito habang umiiling.
" Excuse me miss?! " Lumingon naman si Ateng may mahahabang buhok kay Warren at halata ang pagba-blush niya nang matitigan ang guwapong mukha nang binata.
" Yesh ene yen?" Pabebe pa nitong tanong kaya napataas agad nang kilay si Warren.
" Wala ka bang puweding gawin diyan sa buhok mo kanina pa kasi tumatama sa mukha ko " Naaasar nitong sabi kanina pa kasi siya winawalisan nang buhok nong babae.
" Serry newen ke eng teli ke se behek pere neke shempe nemen eke " Pagpapacute pa nito pero asar ito tiningnan ni Warren at ngayon kay Sandie na diretso ang mata niya tingin na tingin kasi rito yong babae hindi naman niya puweding ibaling ang tingin niya sa kabila dahil nakatas pa rin nang kamay yong katabi niya at yong baklang sa unahan ni Sandie nakatingin pa rin sa kanya kaya kay Sandie na lang siya tumitig at sa ngayon si Sandie naman ang naiilang na tumingin rito.
" Magaganda pala ang mata niya, ang ilong niya hindi ganon katangos pero hindi rin pango at ang labi niya mapupula kahit wala siyang nilalagay rito" Pagmasdan ni Warren kay Sandie habang nakatingin sa labas.
" PAMBIHIRA! ANG DAMING PUWEDING TINGNAN SAAKIN PA TUMINGIN ANG ISANG ITO " naiinis na pagtingin ni Sandie ng diretso sa labas ayaw na ayaw kasi nitong tinitingnan siya at saka pakiramdam niya kasi pinagpipistahan siya ni Warren sa isip nito halata kasing ang daming sinasabi ang mga titig nito.
" Kaya lang dahil sa mga nakakunot niyang noo para bang ang laki laki nang problema niya iisipin mo talagang pasanin niya ang mundo sa sama ng mga tingin niya" Natigilan siya sa pagmamasdan rito nang biglang bumaba si Sandie kaya mabilis din siyang bumaba at sumunod rito.
" Araw araw mo ba yon ginagawa?" Tanong nito agad.
" Ang alin? " Paglalakad ni Sandie nang mabilis.
" Yong makipagsiksikan nang parang sardinas"
" Oo nasanay na ako doon " astig pa nitong sagot kaya napalunok na lang ito " Sandali, saan ba ang punta mo? " paghinto nito bigla.
" Huh?! " nablangko bigla ang isip ni Warren sa tanong niyang ito.
" Dumating na ako sa pupuntahan ko" Pagturo ni Sandie sa pinagtatrabahoan niya kaya natigilan rin siya bigla.
" Sige mauna na ako " Paglalakad nito at sa may pinto pa lang sinalubong na siya ni Maya na late kasi ito kaya kitang kita ni Warren ang pagsirmon niya rito si Sandie naman nakatingin lang ito saka bababa nang tingin at ngingiti na halatang napipilitan lang at mga ilang minuto pumasok na din sila.
" Napaka tapang niya pero pagdating sa trabaho para siyang batang sumasang-ayon na lang, dapat nagdahilan siya " bulong nito habang pinagmamasdan ang pinagtatrabahoan ni Sandie pagkwan tinawagan niya yong driver niya.
" Magandang umaga po señorito "
" Pumunta ka rito" Pagkasabi ni Warren sa kung saan siya saka niya pinutol ang linya at mga ilang minuto dumating yong driver niya at pagkakita niya kay Warren agad siyang bumaba sa sasakyan.
" Señorito!!! " yakap niya rito " Nakaka miss po kayo! " masaya pa nitong sabi " Kaya lang bakit parang nangayayat kayo? nahihirapan po ba talaga kayo? kawawa naman po kayo " naiiyak pang sabi nong driver pero natahimik ito bigla nang batokan ito ni Warren.
" Hindi kita pinapunta rito para sabihin lang ang mga yan tsk! " masama niyang tingin rito " At saka babalik rin naman ako sa bahay ngayon " seryoso nitong sabi pero bago pa magdiwang ang driver agad niyang sinabi rito ang dahilan bakit niya ito pinapunta rito.
" Gusto kong gumawa ka nang paraan para makapasok tayo diyan nang hindi ako mapapansin ni Sandie" Pagturo nito sa restaurant, sa ngayon kasi alam na nang buong mansion ang paghahanap ni Warren nang makakasama kaya si Sandie sikat na sikat ngayon sa mansion nila.
" Masusunod Señorito" Pagkasabi nun nang driver agad itong pumasok sa restaurant at hinanap agad ang manager roon.
" Bakit Sir ano po ang kailangan niyo?" Pagpunta rito ni Maya.
" Maaari ba kitang makausap nang tayong dalawa lang? " Ngumiti naman rito si Maya at pumunta sila sa table nito.
" Ano po ba yon Sir magpapa cater po ba kayo? anong klasing event po? birthday? or what?"
" Yong boss ko gustong kumain dito pero ang gusto sana niya ay yong walang makakapansin sa kanya" Diretsong sabi nito kaya natigilan naman si Maya sa gusto nitong mangyari.
" Ho? Mahirap po yon, marami kaming customer at isa pa hindi naman po mga manhid ang tao rito para hindi siya mapansin "
" Babayaran ko ang buong araw ng restaurant na ito magawa niyo lang yon " tingin niyo kay Maya " name the prize basta make sure na walang makakapansin sa kanya specially ang mga waitresess dito at maging ikaw bawal mo siyang tingnan" Seryoso nitong sabi.
" Sino po ba yang boss niyo emperor nang china? Ang presidente? O sinong celebrity yan si james reid? Daniel? O baka other country si Kris Wu or Kpop? " Madaldal na tanong ni MAnager Maya.
" Papayag ka ba o hindi? " Naaasar nitong tanong kaya natahimik na din si Maya.
" Sandali Sir kakausapin ko muna po yong may ari nitong restaurant " Mga ilang minuto dumating si Jeffrey.
" Magandang araw Sir siguro naman po nasabi na sainyo nang manager niyo ang gusto kong mangyari " Tumango naman rito si Jeffrey.
" Mabuti kung ganon, so magkano ang babayaran ko?"
" May ilan lang akong katanongan kung mamarapatin mo " Tumingin lang rito yong driver actually ang driver na ito ni Warren ay parang butler na rin niya at bestfriend, ang mga magulang kasi nito ay matagal na nanilbihan sa pamilya ni Warren kaya bata pa ito ay kasama na niya ito at mga 3 years lang ang agwat nila ng edad " bakit ba dito gustong kumain nang boss mo kung ayaw naman niyang makita? kung ang pagkain naman ang gusto niya maaari po siyang magtake out " maginoong paliwanag rito ni Jeff.
" Iba po yong boss ko kung ano pong gusto niya yon po ang dapat mangyari handa naman akong magbayad kahit magkano basta siguradohin niyo lang na masusunod ang gusto niya" Pagtapos nito sa usapan.
" Okay! Makakaya kong hindi siya tingnan nang mga workers dito pero hindi ko maipapangakong pati ang mga customer dito gaya nga nang sabi ko customer sila dito at hindi workers kaya wala akong kakayahang utosan sila" Agad namang tinawagan ng driver si Warren at binalita rito ang sinabi ni Jeffrey at pumayag siya rito kung ito lang ang paraan para masubaybayan si Sandie ngayong araw.
" Okay daw sir bale magkano ang bayad nitong restaurant buong araw?"
" Mukhang mabigat pong tao yang boss niyo bale hindi niyo na kailangan pang bayaran itong buong restaurant pero doble na lang po ang bayad niyo sa bawat kakainin niyo bilang pagstay niyo dito sa loob at saka one thing po Sir to make sure na hindi talaga siya makita nang mga nagtatrabaho dito kailangan po kayo ang magserve sa kanya. Kung okay po sainyo wala na tayong problema"
" Okay, walang problema " Pagkatapos nang usapang iyon lumabas na ang driver at agad niyang sinabi kay Warren ang napag usapan nila. Yong manager naman nang restaurant agad niyang sinabi kela Sandie na sa table 56 walang puweding lumingon sa kanila doon sa kung sino man ang mahuhuling lumingon ay tatanggalin sa trabaho kaya ganon na lang ang takot nilang makalingon nang kahit kunti sa table nila Warren.
" Bago tayo pumasok kailangan ko munang magpalit or magdisguise para kahit makita ako ni Sandie hindi niya ako basta basta makikilala" Pagkasabi nun ni Warren agad silang pumunta sa mall nagpalit lang siya nang damit yong klarong mayaman siya saka nagshade at iniba niya rin ang hair style niya para kahit makita siya ni Sandie hindi niya maiisip na si Warren ang nakita niya. Pagkapasok nila sa restaurant wala man lang may lumingon sa kanya sa mga workers doon pero yong ilan sa customer tumingin din sa kanya ang guwapo kaya niya at malayo pa lang maaamoy mo nang hindi siya karaniwang tao.
" Señorito oorder naba ako? " Tumango lang rito si Warren agad siyang napayuko nang pumunta si Sandie sa tabi nang table niya na may daladalang pagkain pero ni sulyap hindi siya tiningnan ni Sandie at mga ilang minuto dumating ang driver niya na may daladalang pagkain pero hindi rin kumakain si Warren dahil si Sandie nga ang tinitingnan niyang halos hindi na maka upo at yong driver niya sulit na sulit halos kasi siya ang kumakain.
" Señorito gusto niyong umorder nang dessert?"
" Bahala ka!" Mabilis namang tumayo ang driver niya para umorder ulit at hindi nagtagal bumalik din ito.
" Señorito yon po ba? "Pagturo nito kay Sandie kaya napatingin tuloy ito sa kanila pero agad niya ring binawi yon buti na lang walang nakakita sa kanya.
" Paghindi mo itinigil yang katuturo mo diyan puputolin ko yang buong kamay mo!" Inis na bulong rito ni Warren kaya mabilis nitong tinago ang mga kamay niya.
" Maganda po siya bagay po kayo Sir " Habol pa nito.
" Paghindi ka pa talaga tumigil sa kakokomento diyan ikaw ang magbabayad nitong lahat "
" Sorry na Sir " Pagngiti niya pa rito at mga ilang oras na silang nakaupo ngayon dito.
" Sir buong araw po ba tayo dito?" Inaantok na tanong ng driver.
" Oo!" Tipid ritong sagot ni Warren.
" Totoo po ba talagang babalik na kayo sa mansion? "
" Ngayong araw ako magdedecide" Pagkwan liningon ng driver ang kanina pa niyang pinagmamasdan at pinagmasdan niya rin ito.
" Señorito ang mga kilay niya magkasalubong po palagi halata pong mayroon siyang problema, ang mga mata niya makikita ritong pagod na pagod siya at sa mga kilos niya tinatakpan niya ang totoo niyang pagkatao kung titingnan isa siyang matapang na babae pero makikita sa kanyang mga mata at ngiting nahihirapan siya at marami siyang itinatagong kalungkotan" namangha naman si Warren sa sinabi nang driver nito habang titig na titig siya rito.
" Paano mo yon nalaman?"
" Well, s tingin ko lang naman yon bakit kapani paniwala po ba?" Masaya pa nitong tanong pakiramdam tuloy ni Warren umakyat ang dugo niya sa ulo.
" Sa tingin mo kong tusokin ko yang dila mo makakapagsalita ka pa kaya?" Pagkuha niya sa tinidor.
" Biro lang naman po pero seryoso bagay po kayo!" Pagtingin niya sa menu pero tumahimik na lang si Warren.
" Señorito order ulit tayo?"
" Tsk! Hindi ka talaga marunong mabusog?" Ngumiti lang ito rito at umalis para mag order at napakunot nang noo si Warren nang may isang customer ang nag iinit kay Sandie actually hindi lang naman si Sandie ang nakaka encounter nang masusungit na customer pero siya ang bida sa istoryang ito kaya sa kanya focus ang writer.
" Ma'am pasensya na pero kailangan pong cash ang ibayad niyo ayaw pong kumuha nang credit card niyo sa machine namin "
" Ano yan inuutosan mo ako? Mas magaling ka ganon?! " Pagtayo nang customer.
" Hindi naman po pero____ " hindi na naituloy ni Sandie ang sasabihin niya ng ituro siya nong babae.
" Itatak mo diyan sa kokote mong waitress ka lang dito! Kayang kaya kitang paalisin dito kaya wag kang nagmamalaki! Wag mo akong inuutosan! basura ka! " Napahawak naman agad si Warren sa upuan niya gusto niyang puntahan si Sandie paano kasi hindi man lang ito sumasagot o nagsasalita kaya lang hindi puwedi dahil makikilala siya nito.
" Para sabihin ko sayo hindi lang yang credit card ang meron ako! Meron akong cash! " Pagkuha pa niya sa bayad niya at itinapon ito kay Sandie, umupo naman ito para pulitin ang mga ito.
" Saan ba ang manager dito bakit may mga ganito kayong waitress!!? " Sigaw pa nong babae kaya agad namang pumunta si Maya.
" Sandie what's wrong?! "Tumayo naman si Sandie pero tahimik lang ito.
" There's no wrong but ang mali ay yang waitress niyo gusto kong tanggalin niyo yan sa trabaho" Maldeta nitong sabi.
" Pasensya na po Ma'am "
" Are you stupid?! Pasensya?! ang gusto ko alisin niyo yan sa trabaho pinahiya niya ako" Pagkuha nong babae sa plates, ihahampas sana niya ito kay Sandie pero nasalo ito nang driver ni Warren inutosan kasi niya ito.
" Anong nangyayari rito? " Pagdating ni Jeffrey at bago pa makasagot ang babae biglang nagsalita ang driver ni Warren at sinabi nito ang totoong nangyari ayon na din sa kuwento rito ng amo niya.
" So sinasabi mong ako ang mali? " Tumango naman rito ang driver ni Warren habang nakangiti nang sarcastic.
" Ako ang agrabyado rito kaya saakin ka makinig!" Sigaw pa nang babae kaya nilingon ni Jeffrey si Sandie habang tahimik lang.
" Bakit hindi ka magsalita? "Masamang tingin rito ni Jeffrey.
" Sorry Sir" Pagkwan tinawag ni Jeffrey ang guard yong babae naman masayang nakangiti kay Sandie at si Warren tumayo para puntahan si Sandie bago pa nila ito palabasin pero natigilan siya sa sunod na sinabi ni Jeffrey.
" Miss nag-iiskandalo kayo rito, naiisturbo niyo ang ibang customer kaya mamili kayo, ang ipakaladkad ko kayo sa mga guard o kusa kayong lalabas?" Agad namang naalis ang ngiti nong babae.
" What?! "
" Yes " Pagtango ni Jeffrey kaya napilitan na ring lumabas yong babae kung bomba siya kanina pa siguro pumotok hinila naman ni Jeffrey si Sandie sa loob at yong driver ni Warren bumalik na rin ito sa kanya.
" Pasensya na po, sige po kain lang po" Sabi nang manager sa ibang customer.
" Señorito sa tingin ko may karibal na kayo pambihira hindi pa kayo nanliligaw may karibal na agad kayo " Pagtawa pa nong driver niya, inis namang pinakain rito ni Warren ang tinapay sa harapan nila.
" Sandie how stupid you are?! "
" Sorry po Sir " Pag iwas ni Sandie nang tingin rito.
" Sandie marunong ka ba magsalita? Bakit hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo?" Napatingin naman rito si Sandie hindi niya kasi inasahang ito ang sasabihin nito.
" Pero Sir ang sabi niyo bawal makipag sagotan sa customer dahil customer is always right sa restaurant niyo "
" Oo! customer's always right pero kung alam mo namang mali bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo?" Inis ritong sabi ni Jeffrey pero tumahimik na lang siya.
" Sandie ayaw kong maulit pa ito! sige na bumalik ka na sa trabaho" Sumunod naman siya rito at habang pinagmamasdan siya ni Warren unti unting naaalis ang mga iniisip niya sa pagkatao nito.
" Maaaring tama ang sinasabi mo tungkol sa kanya" Natigilan naman sa pagkain ang driver niya sa sinabi nito.
" Na bagay kayo?!"
" Tsk! Pagkain lang talaga ang laman nang utak mo!" Pagpalo niya rito gamit ang hawak niyang kutsara at pagkatapos nang trabaho ni Sandie inabangan nila ito sa labas gamit ang kotse niya kaya kahit pagmasdan nila ito ay hindi sila makikita nito pero natigilan siya nang sabay na lumabas si Sandie at Jeffrey.
" Sir karibal niyo oh"
" Tumahimik ka! MAAARI KAYANG TAMA ANG INIISIP KO SA TRABAHO NI SANDIE SA GABI AT ANG LALAKING ITO AY HINDI LANG NIYA BASTA BOSS?" sa isip ni Warren habang tinitingnang nag uusap si Sandie at Jeffrey.
" Sumabay kana saakin pupunta rin kasi ako sa pinagtatrabahuan mo" Tumango lang rito si Sandie hindi na siya tumanggi dahil malilate na siya pagkwan kinuha nito ang sasakyan niya at mga ilang minuto pumarada ito sa harapan niya kaya agad siyang sumakay rito.
" Hindi mo ba itatanong kung anong gagawin ko doon? "
" Bakit pa wala rin namang mangyayari kahit malaman ko" Sabi ni Sandie habang sini-stretch niya ang mga braso niya.
" Sa bagay" natatawang sabi ni Jeffrey " Sandie kapag malungkot ka anong ginagawa mo or ano yong bagay na nakakapag pasaya sayo? " pag open up ni Jeff ng topic.
" Wala pa akong ginawa para maging masaya basta makita ko lang na masaya ang mga kapatid ko okay na ako" Napangiti na lang si Jeffrey sa sinabi nito.
" Tuwing magkasama tayo napapansin ko ako lang ang salita nang salita" Napalingon naman rito ang dalaga.
" Ang ibig kong sabihin bakit hindi mo tinatanong ang tungkol sa buhay ko o bakit hindi mo ako tinatanong? Nong first meet ka lang natin maingay"
" Dahil hindi ako interesado" Gaya nang madalas gawin ni Jeffrey napangiti na lang siya sa sinabi ni Sandie napaka prangka nga rin naman niya. At mga ilang minuto dumating na rin sila pero nauna nang pumasok si Sandie since magtatrabaho naman ito at si Warren agad niyang sinundan ito pero natigilan siya nang mabilis itong nawala sa paningin niya kaya ganon na lang ang inis niya.
" Pambihira! paano ko pa malalaman ang ginagawa niya " paglalakad nito habang hinahanap si Sandie " Malamang nasa isa sa mga room na siya ngayon! Ano nga ba naman ang gagawin ng isang babae dito kasama ang isang lalaki " masama nitong pag iisip sa puweding gawin ni Sandie at Jeff ganon kasama ang pumasok sa isip nito pagkatapos makita ang dalawang magkasama gayong gabi na.
" Mukha pa naman siyang matinong babae " paghinto nito at natigilan siya ng marinig niya bigla ang boses ni Sandie.
" Good evening Ma'am! anong floor po tayo? " pagkwan sumilip si Warren sa isang elevator at nanliit siya bigla sa nakita niya.
" 6 floor! okay po Sir " masayang mga ngiti ni Sandie kahit klaro sa mukha nito ang pagod.
" So ito ang trabaho niya? Isang elevator operator?! " Nahiya bigla si Warren sa naisip niyang trabaho nito.
" Nasaan ba ang mga magulang nito at nagpapakahirap siya nang ganito? Para sa isang katulad kong naka asa lamang sa magulang, walang alam sa buhay! wala akong karapatang husgaan o isipan siya ng ano mang bagay" Lumiit bigla ang tingin ni Warren sa sarili niya habang pinagmamasdang nagtatrabaho si Sandie habang ene-entertain ang mga tao rito kasama ang mga ngiti nitong bakas ang kalungkotan kaya hindi niya rin tuloy maiwasang maawa at malungkot sa walang humpay na pagtatrabaho ng future wife niya.
" Akala ko madali lang ang buhay pero nang dahil sa babaeng ito narealise kong ang hirap mabuhay para saakin madali lang lumipas ang araw pero para sa iba ang bawat oras na lumilipas ay mahalaga gaya nang babae ngayong pinagmamasdan ko" Naaawang panonood niya rito pagkwan tumunog an phone niya.
" Apo ano nang plano mo? Kaninang umaga ko pa hinihintay ang tawag mo "
" Lola tama na po ang isang linggo para kilalanin siya" Nalulungkot ritong sabi ni Warren habang tinitingnan si Sandie.
" Bakit Apo? Talaga bang isang linggo lang ang kaya mong ibigay sa kanya para kilalanin siya? hindi ba puweding yong usapan nalang natin ang sundin mo?"
" Hindi ko na siya kikilalanin pa sapat na po lahat nang nakikita ko sa kanya mula ngayong araw gagawin ko ang lahat para makasama siya habang buhay" Kahit hindi nakikita ni Warren ang lola niya alam nitong napatayo ito sa saya at kagaya nang iniisip niya mayamaya narinig niyang tumawa ang lola niya.
" Apo hindi mo na puweding bawiin pa yan" Napangiti na lang ito sa sinabi ng lola niya.
" Sige na lola mag-usap na lang po tayo ulit basta mula po ngayon kailangan tulongan niyo rin ako kung gusto niyong maging manugang niyo siya"
" Oo naman Apo ko " Pagkatapos nang pag-uusap nila pinutol na ng lola niya ang linya pagkwan pumunta siya sa kotse niya para kunin ang kaninang damit na suot niya.
" Sir tinapon ko na po yon sa basurahan ng kaninang mall na pinagpalitan natin"
" Bakit mo tinapon?!!"
" E hindi naman kayo nagsusuot nang damit na nasuot niyo na " Natatakot ritong sabi nang driver niya.
" Balikan mo kailangan yon ang isuot ko "
" Seryoso ka Señorito? sa basurahan ko po tinapon"
" Sinabi ko na diba?" Gaya nang sinabi ni Warren yon ang nasunod at mga ilang oras dumating ang driver niya daladala ang damit ni Warren na nakalagay sa plastic.
" Ito na señorito" Pagkakuha ni Warren sa damit agad itong pumasok sa banyo ng hotel para magpalit hindi rin naman sa basurahan talaga tinapon nong driver don lang niya iniwan sa pinagpalitan nila buti nga at walang kumuha or nagtapon.
" Sa tingin ko matagal siyang makakabalik sa mansion" Pagsandal nito sa sasakyan at mga ilang sandali bumalik na rin si Warren.
" Asan na yong damit niyo Señorito at saka yong shades? "
" Ikaw na nga rin ang nagsabing hindi ko isinusuot muli ang nagamit ko na"
" Pero wala po akong sinabing hindi ko isusuot, ang mahal pa naman nun" Naaasar nitong pagtingin kay Warren.
" Yong basurahan sa may pasukan doon ko tinapon" Pagturo niya sa dinaanan niya kaya mabilis itong binalikan nang driver niya para kunin at nang bumalik ito pinauwi na rin siya ni Warren.
" Sigurado po ba kayong hindi kayo magpapahatid sakin?"
" Sige na paki kamusta na lang ako kay mommy at lola" Pagkasabi nun ni Warren umalis na siya sa kinatatayuan niya pabalik sa kinaroroonan ni Sandie at papasok na sana siya sa hotel nang biglang dumaan sa harapan niya si Jeffrey habang hinahabol niya ang isang babae at natigilan si Warren ng kay Sandie ang diretso nito at mabilis niyang hinila ang buhok nito palabas sa elevator kasunod non ang isang malakas na sampal ang binigay nito kay Sandie kaya ganon na lang ang gulat niya.
" Ikaw malandi ka! ang kapal ng mukha mong agawin sakin si Jeffrey isa ka lang waitress sa restaurant niya kaya tigilan mo na ang kakaakit sa kanya dahil kung hindi kakalbohin kita" Paghawak niya sa buhok ni Sandie pero mabilis itong hinila ni Jeffrey.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
" Akala mo ba hindi ko nakitang magkasama kayo at ang sumbong sakin nang mga nagtatrabaho dito gabi gabi mo siyang hinahatid at minsan sinusundo mo pa siya.!" Sigaw pa nong babae na sa ano mang oras lalamonin niya ang buong hotel.
" Mag usap tayo Sheena! " Paghila rito ni Jeffrey, si Sandie naman hinila bigla nong manager dito sa hotel.
" Mula sa araw na ito tanggal ka na sa trabaho mo" Ganon na lang ang gulat niya sa sinabi nang manager pero si Warren hindi niya alam kung matutuwa siya o maaawa rito sa wakas kasi malaki na ang pahinga nito pagnatanggal siya rito.
" Pero ma'am maniwala kayo wala akong ginawang masama" Pagpapaliwanag nito.
" Alam mo dapat kahapon ka pa sana tatanggalin sa trabaho kaya lang wala pang nag aapply kaya pinagtitiyagaan ka lang rito"
" Kung ganon po bakit niyo ako tatanggalin kung wala pa kayong nahahanap?" Pagpupumilit pa ni Sandieng manatili rito.
" Dahil ayaw sayo ni Ma'am Sheena at kung ayaw mong kalbohin ka talaga niya lumayas ka na lang!" Pagtapon pa nila rito sa mga gamit niya.
" Ang taas kasi nang ambisyon tsk! si ma'am pa ang aagawan e ni kuko ni maam hindi niya naabot" Bulongan pa ng ka co- workers niya habang naaasar sa kanilang nakatingin si Warren.
" E ma'am baka naman po puwedi niyong ibigay yong sweldo ko ngayong araw kahit kalahati lang po sa bayad niyo total patapos na po yong oras nang trabaho ko"
" Hindi mo ba kilala yong inaway mo? Siya lang naman ang anak nang may ari nang pinagtatrabahuan mo wala ka talagang kahihiyan diyan sa katawan mo tsk! ang lakas nang loob mong magpabayad!" Kasabay nun ang pagtawag nito sa guard pero kusa nang umalis si Sandie hindi na niyang hinintay na kaladkarin pa siya nang guard pero natigilan sila ng bigla itong bumalik.
" O ano? May naiwan ka pa ba? " pagmamaldeta pa nila rito pero ganon na lang ang gulat ng manager ng sampalin siya nito.
" Pakibalik yan sa amo mo! " nanlilisik niyang sabi sa mga ito pero mamaya bumalik na naman siya kaya ganon na lang ang takot nila " Pero wag mo masyadong lakasan napalakas lang yong sampal ko " pag alis nito kaya ganon na lang ang inis nila samantala si Warren ganoon na lang ang ngiti niya.
" That's my Sandie! " masaya pa nitong sabi pagkwan mabilis niyang sinundan ito pero hindi siya nagpakita rito agad at nong sumakay siya nang jeep mabilis siyang tumabi rito.