SANDIE'S POV: Pagkatapos kong ipagbilin ang mga kapatid ko sa mga kapitbahay namin o sa lahat nang tao sa baranggay saka ko inayos ang mga gamit ko buti na lang talaga kilala na kami dito sa amin actually dito rin lumaki ang mga magulang ko kaya hindi ako ganon nag-aalalang iwan sila, isa pa nandito rin si Warren mukha naman siyang mabait talaga o mabait talaga siya medyo kilala ko na rin kasi, matagal na rin naman kaming magkasama sa bahay pero syempre hindi ko rin maiwasan minsan ang mag alala first time kasi itong matutulog akong hindi kasama ang mga kapatid ko. " Bakit hindi maipenta yang mukha mo? " Salubong sakin ni Warren nang makalabas ako sa kwarto nakapasok na din ang mga kapatid ko pagkatapos kong magbilin sa kanila at alam kong malungkot sila pero talagang ganito ang buhay na

