Natigilan si Sandie sa pagbangon nang mahulog ang basahang nakapatong sa noo niya. At napaupo ito bigla nang makitang natutulog si Warren sa tabi niya habang naka upo. " Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko at saka yong mga kapatid ko?" Bulong nito sa dumako ang mata niya kay Warren habang hawak hawak pa nito ang isang basahan. " Ate mabuti po at magaling na kayo" Biglang pagsulpot ni Eya sa may pintuan habang kinukusot nito ang mata niya. " Eya si Timmy nasaan siya? saan ba kayo natulog?" Pagbaba nito nang dahan dahan sa kama para iwasang magising itong si Warren. " Kaninang gabi po kasi sobrang init niyo kaya sa kwarto ni Kuya Warren niya kami pinatulog para hindi po kayo mainitan o maisturbo" Napatingin naman ito bigla kay Warren sa sinabi nang kapatid niya maliban kasi sa pagsakay

