“SINONG hinahanap mo?” tanong ni March sa kanya, kanina pa niya hinahanao si Jair kanina kasi ay nasa paligid lang ito. Pagdating nila sa resort ay agad siyang sinalubong ng mga kaibigan at kaklase niya na inimbitahan ng kanyang mommy at daddy. Nandoon din halos lahat ng pamilya niya, the place is huge since her parents rent the entire place. Kahit na medyo napipikon siya dahil sa kahit na gustuhin niyang mag-isa ay hindi niya magawa dahil palaging may nakabuntot sa kanya. Kahit na ang pagpunta sa restroom ay may kasama pa siya. This is the reason why she hates parties, she doesn’t want to be the center of attention. Gusto niya ng simple lang at saka right now may isang taong gusto siyang makasama and that is Jair himself kaso hindi niya ito mahanap-hanap.

