“AALIS na si kuya hindi mo ba siya ihahatid?” sinulyapan lang niya si Larrence na nakasabit sa may bintana ng kanyang silid. Nakasuot siya ng malaking headphone sa ulo at nagbabasa ng mga walang kwentang bagay, after her birthday celebration dapat ay happy na siya pero hindi niya magawa kahit na ang ngumiti lang. Pakiramdam kasi niya kapag ngingiti siya ay may sasabihin ang mga tao laban sa kanya. She started to feel distant and cold alam niyang nararamdaman iyon ng kanyang mga magulang but she doesn’t have any choices, she doesn’t want to feel the pain of her heart being broken by someone she loves and whom she trusted very much. Kay Jair kasi niya napatunayan na kapag masyado mong mahal ang isang tao, kayang-kaya ka nilang patayin sa sakit. Sobrang sakit.

