“WHAT?” Dinig na dinig ng buong bahay ang sigaw ng daddy niya habang ang mommy niya ay naka-upo sa sofa na tila ba hinang-hina sa narinig mula sa kanya. “Are you insane?” galit na tanong nito sa kanya. Inayos niya ang kanyang bagpack at ang maleta na pinaglagakan niya ng kanyang mga gamit when she says she wants to stand on her own it means kailangan niyang umalis sa poder ng kanyang mga magulang. She wants to succeed on her own. “Aalis na ako sa bahay, dad.” Paliwanag niya. “Bakit? Bakit ka aalis?” tila hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi niya. “I’m not young anymore, matanda na ako-.” “Kaka-eighteen mo palang tapos sasabihin mong you are not young anymore? Bata ka pa!” sigaw nito, this is the first time na s

